Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Okay pa ba ang normal?
Normal lang sa isang tao ang magkaron ng maraming kaibigan, magkaron ng maraming kausap, magkaron ng taong makakalimutan mo lahat pag kausap mo sya... sarap kaya nun. Pero okay lang ba ang normal kung may isang taong nasasaktan? Okay pa ba ang normal kung may taong pinaglilihiman? Okay pa ba ang normal?
0 notes
Text
Sanayan lang yan
Tinuruan mo kong masanay sa mga tawag mo, sa mga yakap mo, sa mga i love you at i miss you mo... Ngayon, tinuturan ko masanay na wala ang mga bagay na sinanay mo sakin.
0 notes
Text
mga tanong...
Eto nanaman ako... Mamaya sasakit nanaman yung dibdib ko, wala akong mapag sabihan... ayoko nang mang istorbo ng tao sa mga nararamdaman ko, lalo na sayo. Kaya isusukat ko nalang... ittype. Duh. Unang tanong ko, when did we go from telling each ptger we adore one another from just telling i love you? Nakakamiss kasi. Yung may mababasa akong tandom long messages galing sayo. Yung mga panahong kulang ang salita para sbhin mong mahal mo ako pero tntry mo parin... ngayon kasi literalan na kulang sa salita... i love you nalang kasi... dati palumbahan pa tayo kung sinong mas may mahal sa isa... ngayon, ngayon? Oo na appreciate ko naman yung pagod ka pero nakakapunta ka dito, nakakatulog ka, kahit feeling ko talaga im getting in the way of your responsibilities... totoo, sa sobrang pag appreciate ko nga minsan nahhiya na akong papuntahin ka dito... Pangalawang tanong ko, mahal mo ba talaga ako? Oo. Grabehan yung second question noh? Oo tanong ko yun palagi... naalala ko kasi mga kwento mo sa mga past mo... lalo na sa greatest love at the one that got away mo. Sobra mo silang mahal, iyak ka pa nga diba?? Ako hindi ko gagawin sayo lahat ng ginawa nila... pero minsan, sarap din sanang mafeel na ganun mo rin ako kamahal? Yung puntahan ng umiiyak, maglasing kasi sobra mo syang mahal tapos di kayo pwede... magging TOTGA mo rin kaya ako? magging greatest love mo rin kaya ako? Mamahalin mo kaya ako kagaya ng pagmamahal mo sakanila? O ako lang ang nagmamahal? O ako lang yung masasaktan? Malay... bahala na. Ramdam ko namang mahal moko. Pag hinahagkan moko ng mahigpit pag tulog tayo, f na f ko. Pero pag gising ko... bakit parang panaginip lang lahat? Nananaginip lang ba akong mahal mo ako? Ayoko na magising please. Pangatlong tanong ko... masaya ka ba? Kinikilig ka pa ba? Gusto mo pa ba? Ay mali. Eto pala. Sumaya ka nga ba? Kinilig? At ginusto mo ba talaga to?? Kung pagbabasehan yung mga unang araw natin... siguro OO ang sagot... pero ngayon? Hindi ko alam... takot akong malaman... takot akong alamin kasi siguro dahil alam ko nang hindi. You used to tell me you're thankful to have me. To be treated right for once. Yung mamahalin ka ay ipaglalaban ka. Naalala ko pa nga nung sinabi kong... "ingat pauwi ha? Papakasalan pa kita." Sabi mo sakin ang sarap sa feeling, na unang beses kang nasabihan ng ganun... pero pano naman ako? kelan ko naman mararanasan yung mga pinaparanas ko sayo? Ahh. Oo. Thankful ako, araw araw kasi minahal este tinanggap moko despite my illness. Siguro yun na yung biggest factor kung bakit masasabi kong mahal mo ako. Sino ba naman ang magmamahal ng taong may sakit db? and for that lalo kitang minahal... ikaw ba? Nadagdagan ba? O nabawasan? o nawala? Malay ko. Aray ko... Hindi ka kasi kagaya ng iba. You don't post stuff. Birthday ko nun... mas na effortan mo pang mag post ng song lyrics kesa birthday greetings... minsan lang ako mag birthday, appreciation at adoring post nemen jen mehel. pero okay lang, nag msg ka naman e. Okay na yun kesa wala. Sus. Aarte pa ba ako? Iayon ang kaartehan sa face value. Haha! My bad Pang apat, sana ito na yung panghuli... kung sing ganda ko ba yung mga iniistalk mo sa ig magkakaron ba ko ng mga ganitong tanong? Kung ako ba si Tin, maffeel ko bang mahal na mahal moko? Kung ako ba si Ina, paulit ulit mo rin ba akong liligawan? Kung ako ba sila mamahalin mo na ba ako? Kasi hindi ko kayang maging sila... kasi sinaktan ka nila. Ang kaya ko lang e maging ako... yung uunahin ka sa lahat. Uunahin ang kasiyahan mo... na kahit andami kong tanong, pipiliin at araw araw kong gagawing iparamdam sayong... ikaw lang sapat na. Na hindi kita sasaktan, dadagdagan, papalitan o lolokohin. Na okay lang kahit di moko mahal... kasi mahal kita dahil mahal kita. Na pag dumating yung araw na ayaw mo nako, hahayaan nalang kita pero mamahalin parin kita... kahit sa malayuan. Kahit sa malayuan... Andami kong gustong isigaw, sabihin, iiyak pero ayoko na. Ayoko na, pagod na si aqoe... kaya gagamitin ko nalang lahat ng makakaya ko para mahalin si iqao... para sa huli, alam kong naibigay ko lahat. Alam kong di kita sinaktan, alam kong totoong mahal kita. Na hindi ako kagaya nilang sasaktan ka... Hiling ko lang... sana magising ka isang araw at sumagi sa isip mo yun. Kasi malay mo isang araw ako na ang di gumising para mahalin ka...
0 notes