Tumgik
whereimkeepingyou · 8 years
Text
22012017 07:46pm
Hi, pards! So yeah, I decided na lumayo na ulit. Na huwag na magparamdam ulit para wag na mastir ulit yung nararamdaman ko for you. Pero bakit ganun? Every step I take palayo sayo, mas lalo kitang naiisip? Hirap na hirap na ko. Nahihirapan na ulit ako. I've been trying to keep myself busy with other things, with other people pero pag ako nalang ulit mag-isa, the struggle begins again. I want to be okay na, pards. I want to be able to move on. I want to move forward na. Gusto ko nang umusad. Palayo sa'yo. Gusto ko nang ma-accept completely na wala na tayo sa buhay ng isa't isa at hindi ko na mapipilit yung dati kasi mas lalo lang magiging masakit. Gusto na rin kita makitang ok. Na ok lahat at may direction ka na. Yung part na ok ka na at meron nang iba, di ko sure sa ngayon kung kaya ko na pero prayer ko na pag dumating na yung moment na yun, handa na yung puso ko. Na napatatag na ni Lord. Alam ko naman na hindi Nya ako pababayaan. Sobrang namimiss na kita. Miss na miss ko na yung pards ko. Yung kaibigan ko. Yung kakwentuhan at kakulitan ko. Mahal parin kita. Pero mas mahal ko si Lord, pards. Mas mahal ko Sya kaya this time, hindi ko na Sya bibiguin. Gusto ko nang ikeep yung covenant na ginawa ko with Him that I will never compromise again. Gusto ko Syang ihonor sa buhay ko. Pati yung future husband ko. Pati ikaw at future wife mo. Ayoko na mag-covet. Alam kong mali to. Pards, I want to be able to wish you well. To speak blessings to you and your future family. I pray na maging good friends parin tayo pagdating ng panahon. I will keep you in my prayers, pards. Dun nalang kita mahahawakan.
0 notes
whereimkeepingyou · 8 years
Quote
Don’t you see how wonderfully kind, tolerant, and patient God is with you? Does this mean nothing to you? Can’t you see that his kindness is intended to turn you from your sin?
Romans‬ ‭2:4‬ (via childlike-faith)
604 notes · View notes
whereimkeepingyou · 8 years
Text
19 September 2016 08:07pm
Hi, pards. Restless na naman ako for the past 2 nights. Binabalikan ko yung messages and mga recodrings natin noon. Tinanong kita today kung anong mas prefer mo pag may gusto akong ipour out sayo, kung sakin nalang or sasabihin ko sayo. Sabi mo sakin nalang muna kasi baka iba maging dating sayo. Naiintindihan ko naman kung bakit pero nasasaktan ako. Sobrang dami ko kasing gustong sabihin sayo. Gusto kong sabihin na mahal parin kita at namimiss na kita ng sobra kaya lang baka naiirita ka na. Sinong hindi maiirita sakin diba? Hay. Sorry, pards. Gustong-gusto ko nang maging okay. Gusto ko nang matanggap na hindi na tayo magiging katulad nung dati. Ansakit sakit. Pero alam ko lilipas din to. Kakayanin ko kasi kasama ko si Lord.
0 notes
whereimkeepingyou · 8 years
Text
28 August 2016 12:46am
Hi, pards. I haven’t been online sa FB the past week para maiwasan kong magsearch ng posts, pictures na magkasama kayo ni Jenn at magcheck kung online ka or kung sinong nag-like or comment sa posts mo. By God’s grace, nakayanan ko. Pero eto, bakit nga ba ako nag-online at nagsearch pa. Nakita ko yung picture nyong apat nila Jhun, yung kasama si Jenn. Tapos may comment pa yung isang pinsan nyo na “sila na ulit.” Muntik na naman mapunit heart ko. Di ko alam iisipin at mararamdaman. Alam ko naman na hindi ako dapat makafeel ng ganito pero nasasaktan ako. At ayoko na nito. Sobrang nakakapagod na. Sabi nga “what you don’t know won’t hurt you” kaya nga iniiwasan kong mag-online kaso antigas ng ulo ko. Ang kulit-kulit ko. E okay na nga ako nung mga nakalipas na araw. Gusto ko pa talaga yung nasasaktan ako eh.
Nahihirapan na akong magtiwala, pards. Alam kong mabuti kang tao. Na hindi ka nagsisinungaling sakin pero pagdating kay Jenn at sa nararamdaman mo sa kanya, hindi ko maintindihan kung bakit parang ayaw maniwala ng isip at puso ko. Pakiramdam ko kasi iba yung sinasabi mo sa totoong nararamdaman mo. Feeling ko, mahal mo parin talaga sya. Na hindi ka pa totally nakakamove on sa kanya. Sabagay, pano nga naman e ni hindi ka nagkaroon ng chance na magmove on kasi nasa picture ako agad after ng break up nyo. Sabi mo ok ka na. Na madali kang nakakamove on pero iba yung nararamdaman ko. Hindi ko na alam, pards, kung anong paniniwalaan ko. Gusto ko nalang mawala lahat ng nararamdaman ko. Gusto ko nang mamatay lahat ng emosyon ko kasi sobra na. Hindi ko na kaya. Ayoko nang maapektuhan. Sana magising nalang ako at marealize ko na panaginip lang pala lahat. Sana hindi nalang nangyari lahat, pards. Sana hindi nalang. Pagod na pagod at hirap na hirap na ako. Tama na. Ayoko na.
0 notes
whereimkeepingyou · 8 years
Text
03 July 2016 08:42pm
Hi, pards. I’m truly joyful today kasi hindi lang to 305th day natin but because today also marks the 1st day of your brand new life with God.. Kaya Happy Birthday rin! 😊 Ngayon, magagamit ko na at iba na magiging dating sakin ng #changeiscoming. Excited ako for you, pards. Kasi I know na change will come na talaga. Transformation from the inside out. Not by your might or your will but by His power that will be at work in you. The old pards is gone, the new has come. Sobrang faithful talaga ni Lord! At mas na-e-excite pa ako sa mga gagawin Nya sa life natin. Lalo sa life mo. Nakakaspeechless.
Thank you ulit ng marami for today! Unforgettable and memorable weekend indeed! 😊 I know I don’t deserve all these pero dahil alam kong mahal na mahal ako… tayo ni Lord kaya thank You, Lord, yun lang masasabi ko! The best talaga Sya. I give Him back ALL the glory!
0 notes
whereimkeepingyou · 8 years
Text
28 June 2016 03:42pm
Anak, sinasabi mo na nasa kanya na ang lahat. Na sya na yung hinihingi mo sa Akin pero nasa puso ba nya Ako? Oo, sa tingin mo, He is almost exactly what you need pero may malaking part na wala pa sa kanya - AKO. Hayaan Mo munang mahalin nya Ako. Na tanggapin nya Ako sa buhay nya nang buong-buo. Hayaan mo Akong kumilos sa sitwasyon nyo. Sa buhay nya. Sa buhay mo. Huwag mong hadlangan yung magagandang plano Ko para sa inyo. Hayaan mo munang makita at maranasan nya Ako. Katulad ng ginawa Ko sa buhay mo. Ako lang ang makakapagkumpleto sa kanya. Higit na alam Ko kung anong makakabuti sa kanya, sa inyo. Pero bakit hindi mo Ako kayang pagtiwalaan? Kahit kailan ba, na-fail na kita? Hindi pa ba sapat lahat ng ipinadama at ipinaranas Ko sayo noon? Bakit pilit kang kumakapit sa kanya at hindi sa Akin? Mas mahal mo ba sya kesa sa Akin? Mas gusto mo ba sya sa buhay mo kesa sa Akin? Sa Akin sya nanggaling at ako rin ang pwedeng mag-alis sa kanya sa buhay mo. Ayokong umabot pa sa punto na kailangan mong masaktan kasi mahal Kita. Magtiwala ka, anak. Mahal Kita. Mahal na mahal. Kaya hinahayaan Kitang pumili nang mag-isa. Pero huwag mo naman kalimutan na nandito Ako. Na mahal Kita. Na mahal Ko kayo. Hayaan mo Akong buuin sya, ikaw, kayo.. at ipakita sa inyo kung sino Ako. Ako ang Diyos. Ang Maylikha at may hawak ng lahat dito sa mundo. Anuman ang mga takot at inaalala mo, isuko mo na sa Akin.
0 notes
whereimkeepingyou · 8 years
Text
27 June 2016 10:56pm
I am so sorry, pards. I’m so sorry for forcing myself on you. Sorry kung pilit ako nang pilit. I know I’m not the one for you… for now siguro? Or hindi talaga? I know I have to let you go and it’s so hard to do that. I pray na magising nalang ako isang morning na ok na ko. Na kaya ko na. Na kaya ko nang magtiwala ng 100% sa Lord, na kaya ko nang pakawalan ka at hayaan kang maggrow on your own.. without me in the picture. Or without me forcing myself sayo at sa atin. I am so sorry for being like this, pards. Sorry na nasasayang ko yung oras at panahon mo. Yung panahon na dapat para sa sarili mo, sa family mo at kay God. Para sa mga pangarap mo. Sorry if you’re getting held up because of me. Because of our situation. I am so sorry. I want to be able to let you go na. Yung wala nang takot. Kahit na hindi mo ako balikan. Ayoko nang matakot. Ayoko nang mag-isip. Gusto ko nang maging okay lahat.
0 notes
whereimkeepingyou · 8 years
Text
20 June 2016 12:09am
I feel awfully sad. I know I'm overthinking again. Pero bakit ganun, pards? Why do I always feel na ayaw mo kong makausap? Na umiiwas ka talaga.. at times. Most of the time. 😢 Hindi ko alam kung totoo o praning lang ba ako. When I asked you kung meron na bang iba at sabi mo wala, hindi ko alam kung bakit ayaw kong maniwala. I know you're not the type of person who lies pero bakit napakastrange ng feeling ko? Feeling ko may tinatago ka sakin. Feeling ko meron akong dapat malaman. At feeling ko sobrang sakit kapag nalaman ko. Meron nga kaya? Baka natatakot ka lang sabihin or hindi mo lang kayang sabihin kasi ayaw mo akong masaktan? Hay. Pards, ayoko na ng ganitong feeling. 😭😔 Sobrang hirap. Gusto ko nang maging okay.
0 notes
whereimkeepingyou · 8 years
Text
29 May 2016 03:36pm
Hindi ko alam, pards, pero nagseselos talaga ako kay Jow. Feeling ko may something sa inyo. 😢 I feel bad.
0 notes
whereimkeepingyou · 8 years
Text
10 May 2016 7:00pm
Dear Lord, Gusto ko lang pong magthank You for everything You are sa buhay ko at sa buhay namin ni Pards. Alam ko po na kulang yung word na thank you. Kasi yung sa past 8 months palang na inallow Mo na magkasama kami ni Pards, 251 days to be exact, sobra-sobra po yung gratitude namin. Looking back, sobrang evident po ng love Mo for us. Ng kindness, goodness, faithfulness, generosity, patience, compassion Mo for us at marami pang iba. I'll forever be grateful for every thing na inallow Mo po na maexperience namin sa past 8 months and even before that. Sa lahat ng magaganda at hindi magagandang bagay. Thank You for being with us even before we were born. Before pa kami maconceive sa tyan ng mga nanay namin. Thank You because we know that You have so many wonderful plans for us. Plans that are beyond our imagination and expectations pa. Thank You for the failed relationships that we had. Actually, I don't want to call them a failure kasi we gained sa bawat relationships na yun. We gained wisdom, lessons, learnings na alam namin na inallow Mong pagdaanan namin so we can be the persons we are today. Thank You for those people that You've allowed na maging part ng buhay namin. Thank You sa happy moments with them, for the challenges, the heartaches, the pains, the sacrifices and every thing that we had to endure and go through at salamat kasi alam namin na kasama po namin Kayo sa mga times na yun and even now. I pray Lord na kung meron pang mga wounds caused by them or us na kailangang maheal or even kami mismo ang nagcause, I pray na Ikaw po yung magheal sa amin at nawa hindi na po namin yun madala sa susunod na relationship namin. Please help us to forgive one another and forgive ourselves too. Release all of us from every thing na naghohold pa sa amin in bondage na maaaring hindi namin alam na nakakaapekto parin pala sa character namin ngayon. Please heal every part of us. Restore every thing that we've lost. Identity man yun o purpose, I pray na imeet Mo po kami individually and na mareceive namin yung security, love, identity and purpose na alam namin na Ikaw lang ang makakapagbigay. Thank You for this time, this season that You are both preparing me and pards for the next chapters of our lives. Hindi lang sa relationships. Thank You, Lord, because personally, I have seen how You've been looking after us, guiding us, protecting us and carefully leading us despite the many mistakes na na-commit namin. Sinadya man namin or hindi. Thank You because at the end of the day, You are always there to meet us together and individually. To remind us how much You love us and to restore us to the right path You have prepared for us. Thank You kasi I know You've been speaking to us individually. Thank You for the many times na naeexperience Ka namin. Thank You because we know we can trust You kahit na madalas masakit at nahihirapan kaming magtiwala. Sorry po sa mga times na iniisip namin na mas ok yung desires and plans namin. Thank You for always, always reminding us through one another, through the people around us and even sa situations namin na all You have and want for us is the best. Thank You po kasi hindi ka nagsasawang iremind kami. Thank You rin po kasi tinatama Mo kami. Ibig sabihin kasi nun, mahal Mo kami at anak Mo kami. At parang yung mga Tatay namin, gusto Mong mapabuti kami. I pray that we would always have a soft, teachable and humble hearts na willing magyield sa Inyo at magpacorrect sa Inyo. If there are still things na nahihirapan kaming isurrender at ilet go, please help us. We cannot do it on our own. Kasi kung kami lang, mahirap talaga pero sabi Mo nga po we can do all things through You who gives us strength. Thank You rin po kasi sa weakness po namin, Ikaw ang kalakasan namin. Sa mga times na gusto na po naming sumuko, Ikaw po yung nagsusustain samin sa bawat moment at nakakayanan namin magpersevere at endure dahil sa Inyo. Thank You, Lord. I lift up to You yung friendship po namin ni Pards. Please always be at the center. Sa bawat conversations namin, sa times na magkasama kami or hindi. May You always be in our midst. This friendship is not about us, but about You. Kasi it's a representation of how You are sa aming dalawa. You are our Ultimate Best Friend. Next lang kaming dalawa sa Inyo. You will forever hold the first place and throne of our hearts. More than yung friendship namin or yung love namin sa isa't isa, unang-una parin yung love Mo. Kasi yung love Mo palang for us individually, sapat na. Yung love Mo lang ang tanging makakapagsatisfy sa amin at makakapagpuno ng bawat empty space at makakapagkumpleto ng bawat missing piece sa puso at buhay namin. Na every thing na mashe-share namin sa isa't isa at sa ibang tao, it's just an overflow of our personal relationship with You. Please always remind us that without You, walang pards. Kasi Ikaw ang Author ng friendship na ito. Without You in our midst, magfe-fail kami, magco-commit kami ng mistakes, mag-gi-give in sa temptations, ipipilit namin yung gusto namin at sa huli, masasaktan lang namin ng paulit-ulit yung isa't isa. Lalo na po Kayo. That's why we are holding on to You and lifting You up sa friendship namin. Please help us to remain pure... physically, emotionally, mentally and spiritually. Please continue to hold our hands. Huwag na huwag Mo po kaming bibitiwan. We want and we ask that You always be involved sa lahat sa amin. We hold ourselves accountable sa lahat ng conversations and actions namin lalo na relating to one another. Please surround us with the right people. People who will push us, encourage us at yung maglalapit sa amin sa Inyo. Please help us to protect one another especially para sa mga taong hinahanda Mo for us. Alam po namin na alam Nyo yung desire namin na sana kami na pero iiwan na po namin sa Inyo yun. Araw-araw isusurrender namin yun sa Inyo at magtitiwala po kami na You will never lead us wrong. Thank You Lord for this season na inaallow Mo na magkasama po kami ni Pards. If ever dumating po sa time na kailangan talaga naming maglayo, please prepare both of us. I pray na hindi na maulit yung dati na hindi namin napag-usapan or yung parang nag-iwanan sa ere. Please give both of us the wisdom, the courage and an open mind para pag-usapan lang lahat. May there never be any miscommunication at nawa maging clear lang po kami lagi sa mga gusto naming sabihin at iparating sa isa't isa. Please always give us the right words and understanding hearts, listening ears na papakinggan lang yung isa't isa. Please always remind us na team tayong tatlo dito. And I pray too na if ever hindi man kami yung will Nyo for one another, iprepare Mo rin po kami. I pray na maging blessing po kami at yung friendship namin sa future partners namin, sa families namin at sa lahat ng taong nakapaligid sa amin. Na maging secured sila. And na Ikaw po yung magreflect at makita nila sa friendship namin. And if it is Your will for us na kami ang magkatuluyan, ay sobrang nakakakilig po yun. Hihi. I pray na hayaan Ka lang po namin na magwork sa lahat at hayaan ka lang na iunfold yung bawat plano Mo sa tamang panahon Mo. Na hindi po kami mangunguna at hindi namin imamanipulate yung situation. Tulungan Mo po kami na magtiwala lang sa Inyo araw-araw. Please help us na maenjoy yung current season namin at yung mga susunod pa. Please remind and help us too na maging good stewards kami of this beautiful friendship that You have entrusted to us. Thank You because every day pinapakita Mo po yung purpose for this friendship. I pray na palagi po kaming maging blessing lang sa isa't isa ni Pards. Na hindi kamo maging hindrance or stumbling block sa mga bagay na gagawin Mo pa sa buhay namin. May we always encourage one another na mas magdraw closer to You at hindi sa isa't isa. Alam po namin na sobrang dami Mo pa pong gagawin sa buhay namin. May we always wake up and sleep with that excitement and faith na You make all things beautiful in Your time. Please bless our families and friends po. Mula sa mga lola hanggang sa mga pamangkin, pinsan, at kahit yung mga malalayong kamag-anak namin. I pray na maexperience rin po nila kung ano yung naeexperience namin. Iopen Mo po yung eyes and hearts nila sa Inyo. Na maranasan Ka po nila personally at kami mismo, maging blessing sa kanila. We are claiming yung good health po para sa lahat sa amin. Longer lives, more opportunities na maggrow together, na marestore yung broken relationships at mas lumalim pa yung love para sa bawat isa. Thank You for every thing, Lord. Thank You kasi we will never run out of things to be thankful for. We commit, submit, surrender and lift up every thing to You and we claim that You have already answered all of these in Jesus' name, Amen.
0 notes
whereimkeepingyou · 8 years
Photo
Tumblr media
02 May 2016 10:35pm Ito ang nararamdaman ko para sa'yo. Higit sa kahit ano, ang ngiti mo ang pinakanais ko. Mahal na mahal kita, pards.
0 notes
whereimkeepingyou · 8 years
Text
01 May 2016 10:59pm
I miss you, pards. So so so much.
0 notes
whereimkeepingyou · 9 years
Text
17 March 2016 09:50pm
Sabi sa Dolce Amore kanina, the best kind of relationship starts with friendship. For the nth time, heto na naman ang mahiwagang tanong na "who would have thought?" Kahit naman tayo mismo, hindi natin inakala na magiging ganito tayo ka-close. Na parang mag-bestfriend. Oo, naging friends, chatmates, textmates tayo noon pero hindi ko naisip na aabot tayo sa ganito. Kasi nung pinili mong lumayo nung 2009 palang, hindi ko na naisip o hinangad na maging close ulit tayo. Kasi nga, alam mo na yun. Hinding-hindi ko makakalimutan na some time last year, pinagpray ko kay Lord na sana yung taong hinahanda Nya para sakin e matagal ko nang kakilala. Sabi ko pa nun sa Kanya, "ang saya po siguro nun no? Yung classmates pala kami dati. Andami siguro naming memories na babalikan." Tapos few weeks nga lang yata ang nakalipas, ayun bumalik ka. Ibinalik ka sa buhay ko. Kaya isang factor din yun kung bakit ko naiisip na ikaw na. Sino nga bang nakakaalam? Sya lang naman talaga. Ako man, hindi ko masabi talaga kung ikaw na. Alam ko na marami pang pwedeng mangyari. Sa ngayon, oo aaminin ko, gusto ko ikaw na. Pero alam natin parehas na hindi pa tama yung panahon. Medyo nakakalungkot kung iisipin. Kasi parang palagi nalang hindi tama yung panahon para sa atin. Nung 2009, tapos ngayon. Pero ayun nga, hindi natin alam. Pagsuko. Magtiwala. Yan ang tinuturo ni Lord sakin ngayon. Sino nga ba talaga ang mas mahal ko? Sya o sarili ko? Sya o ikaw? Kapag ba hiningi Nyang isuko kita kapalit ng pag-ibig Nya, isusuko ba kita? Noon, hindi ko kaya. Pero ngayon, sa tingin ko kakayanin ko na (by His grace). Hindi dahil nabawasan yung pagmamahal ko sayo o dahil sumuko na ako. Pero dahil mahal ko Sya at nagtitiwala ako sa mga plano Nya para sa akin, para sa atin. Alam ko rin na Sya ang kailangan mo at hindi ako. Alam ko na mas magiging okay ka sa piling Nya kesa sa piling ko. Ayoko nang pilitin na magbago yung panahon natin kasi alam ko na masasaktan lang tayo at ayoko yun. Alam ko na panahon na para magstep aside ako at hayaan lang Syang kumilos sa buhay mo. Sa buhay natin. Iiwan ko na sa Kanya lahat ng worries at takot ko. Alam ko na hindi to magiging madali lalo't naging malaking parte ka na ng buhay ko. Nasanay na akong andyan ka palagi. Pero alam ko na sapat yung grace Nya para sa mga araw na mamimiss kita. Na gugustuhin kong makita at makausap ka. Na Sya yung yayakap sayo sa mga panahong kailangan mo ng yayakap at magpapalakas ng loob mo. Asahan mo, pards, na hinding-hindi ako mawawala. Oo, mawawala ako physically pero kasa-kasama mo ako sa prayers. Hinding-hindi ko bibitiwan yung kamay mo. I will continue holding the ropes for you. Sya sa kaliwang kamay at ikaw sa kanan. Aalagaan kita sa panalangin. Nagtitiwala ako kay Lord na hinding-hindi ka Nya pababayaan at yung pamilya mo. Kaya wala akong dapat iworry. Mamimiss kita, pards. Sobra. Hindi ko alam kung paano at anong mangyayari pero alam ko na higit pa sa sapat yung love ni Lord para punan yung maiiwang puwang sa puso natin. After all, Sya lang naman talaga ang makakapagsatisfy sa atin. Hindi ako, hindi ikaw, hindi tayo. Iiwan ko narin sa Kanya yung hope na magiging tayo pagdating ng panahon. Kasi hindi ko rin naman alam kung magkikita pa tayo ulit. Iiwan ko na sa Kanya yun.
0 notes
whereimkeepingyou · 9 years
Text
10 March 2016 08:34pm
Dear Jekka, please tama na. Bakit mo ba paulit-ulit binababa yung worth mo? Bakit mo kailangang mag-settle sa hindi naman best? Bakit kailangang ikaw ang maghabol at mag-effort? Ka-pursue pursue ka naman. Nakalimutan mo na ba yun?! Nakalimutan mo na ba yung worth mo?! Hindi mo kailangang magmakaawa para mapansin. Hindi mo deserve yan. Hindi mo dapat ginagawa yan. Tama na. Kasi ikaw lang ang nahihirapan at nasasaktan. Wala naman syang pakialam sayo. Hindi mo ba nagegets?! He’s not that into you. Kasi if he is, e di sana nung simula palang. Sana ngayon, nag-e-effort sya or at least he’s meeting you halfway. Pero ano bang nangyayari ngayon?! Ikaw pa nga yung mas nag-e-effort. Ikaw pa yung nagpipilit at lumalapit. Di ka pa ba napapagod?! Ano bang dapat mangyari at marinig at makita mo para magising at matauhan ka?! Tama na. Kasi ako mismo nasasaktan na para sayo. Isuko mo na yan. You deserve the best. And let me remind you, God has reserved you for the best. Not for the good, not for the second best. Maghintay at magtiwala ka lang. I-surrender mo na yan. Tama na. Huwag ka nang magpakatanga. Mapagod ka na, magising ka na. Parang habag mo na. Alam ko nasanay ka na. Masakit at mahirap sa una pero kakayanin mo yan. Kinaya mo nga dati diba? So kaya mo ulit ngayon. Kasama mo si Lord. Tutulungan ka Nya. Magfocus ka sa pagmamahal Nya. Hindi sa ine-expect mong love nya o ng mundo. Kasi Sya lang makakapagsatisfy sayo. Tama na, Jekka. Let go and move forward na. Please. Wala nang balikan. Huwag mo naring lingunin. Kahit anong mangyari.
0 notes
whereimkeepingyou · 9 years
Text
07 March 2016 12:04am
Hello, pards! Hindi ko alam saan magsisimula. Medyo hindi ko alam yung nararamdaman ko ngayon. Kung happy ba or malungkot. Well, sabi ko nga kanina happy ako dahil na-feel ko na part ako ng mga plano mo. Pero medyo nalulungkot din ako kasi naiisip at naco-compare ko yung dati. Hindi mo rin naman sinabi yung reason kung bakit ka nag-sorry. Hindi ko alam kung parehas ba tayo ng naiisip na dahilan. Dahil ba nagbago na talaga or dahil helpless parin feeling mo kasi di mo ako ma-secure? Siguro both. Sa tingin ko, lumipas narin yung “feeling” mo nung mga panahon na yun. Wala nang thrill. Wala nang excitement kasi ako na yung mas lumalapit.
Nakakamiss. Nakakalungkot kasi parang anlayo na sa noon. Pero ganun talaga. Yun yung iniiwasan ko noon. Masanay. Masanay na ganun ang treatment. Masanay na andyan ka. Kasi nakakatakot. Nakakatakot na mawala. Na hindi na maulit. Madali parin talaga akong ma-fall? Madaling ma-attach. Madaling umasa. Easy to get? Sana hindi. Nakakapagod na talaga. Ayoko na ng ganito. Ayoko na ng mga ganitong sitwasyon. Bakit ba hindi na ako natuto?
Huwag kang mag-alala, pards. Konti nalang. Alam ko papunta na ko dun. Mawawala rin lahat ng to. Matatapos din lahat. Pagtyagaan mo lang ako. Kasi matatapos din to. May hangganan din to. Gustong-gusto ko nang iwan at isuko lahat. Kasi ambigat-bigat na at hindi ko na kaya. Matatauhan din ako. At pag nangyari yun, mawawala narin ako sa landas mo. Magiging strong din ako. Kaya ko to. Sinusuko ko na sa Lord lahat ng thoughts ko. Lahat ng worries, doubts, takot, tanong, lahat ng nararamdaman ko. Ayoko nang mag-isip kasi pagod na pagod na akong mag-isip. Gusto ko nang makatulog nang mahimbing. Gusto ko na ng kapayapaan ng pag-iisip. Gusto ko nang maging malaya. Yung walang inaalala. Yung masaya lang. Yung magaan. Yung walang kinakatakutan. Alam kong hindi ko hawak at wala akong control sa kahit ano. Sya lang. At Sya lang din ang makakapagpagaan ng dinadala ko. Hindi ako, hindi ikaw. Sya lang. Magiging ok din ako. Unti-unti.
0 notes
whereimkeepingyou · 9 years
Text
25 Feb 2016 05:32pm
Opo, pards. Medyo masama po ang loob ko. Nagtatampo po ako. Pero hindi ko po maamin sa'yo kasi alam ko pong wala sa lugar. Kasi wala po ako sa posisyon para maramdaman at sabihin na nagtatampo ako. Nag-aadjust pa po ako. Paulit-ulit ko pong nireremind yung sarili ko nung advice mo kay Ben na magkaiba ang babae't lalaki. Na hindi mo pwedeng iexpect yung isa na magreact ng katulad ng kung paano kang magre-react. Kaya hindi ko po maamin sa'yo na nagtatampo ako. Nakakatampo po kasi hindi mo po ako nahintay makauwi ng bahay bago ka po natulog. Ang babaw po no? Sorry, pards. Isa pang naiisip ko po, kung kaya mong magmahal at gumawa ng bagay para sa isang tao, hindi mo po pwedeng i-expect na ganun din po ang gagawin nya sa'yo. Kasi pag umasa ka at hindi naman po sya ganun or di po nya na-fulfill, masasaktan ka lang. Ganun po narararamdaman ko ngayon. Nasasaktan po ako pag parang wala ka pong pakialam sa akin. Alam ko naman po na hindi tayo. Na hindi mo po ako girlfriend. Pero bilang meron po tayong "history," can't you at least look after me or treat me the way you would treat your partner? Syempre, hindi po ako pwedeng magdemand. Kaya dito ko nalang po sinasabi lahat. Nahihirapan na po ako, pards. Hindi ko na po alam kung anong gagawin. Kung tama po bang i-keep pa yung nararamdaman ko or i-give up na po talaga. Pakiramdam ko po kasi one-sided lang po ito lahat. Na I'm loving and caring too much at hindi naman po dapat. Nasasaktan po ako, pards. Ayoko pong maging bitter sa'yo. Ayoko pong maapektuhan yung friendship natin pero nahihirapan na po ako. Minsan, gusto ko nalang pong lumayo nang tuluyan sa'yo.. para makita ko kung hahabulin mo po ako at para malaman ko po kung anong value ko sa'yo. Pero naiisip ko, para saan? Gusto ko na pong i-fastforward yung panahon. Para maging ok na. Para wala nang ganito.
0 notes
whereimkeepingyou · 9 years
Text
14 February 2016 01:36am
I wanna give up on you. Pagod na pagod na ko.
0 notes