Tumgik
willbenjaminsy · 4 years
Text
Mga Bagong Salita: Noon at Ngayon
Will Benjamin P. Sy
Tumblr media
            Sa paglipas ng panahon, maraming mga bagong salita ang ating naririnig na kadalasang gamitin ng bagong henerasyon. Isa na rito ay ang lenggwaheng tinaguriang “Gay Lingo” na ginagamit ng mga bakla ngunit kalaunan ay ginagamit na rin ng karamihan upang magpatawa o mang-aliw sa ibang tao.  Ang Gay Lingo ay ginagamit ng mga Pilipinong bakla sa tuwing sila ay nagkikita kita. Naiiba ang sinasabi nila sa ibang tao na sila lang ang nagkakaintindihan upang ikubli ang anuman usapang sensitibo o makakaapekto sa ibang makakarinig sa kanilang usapan. Kailangan nilang mag imbento ng mga salita upang hindi maunawaan ng iba. Nagiging masaya ang kanilang usapan dahil malaya nilang nasasabi ang gusto nila. Ang mga halimbawa ng mga salitang Gay Lingo ay tulad ng: jumijulanis morisette – umuulan hindi tayo makakauwi, majubis – malaki, makyonket – mapangit, givenchi – ibinigay, at marami pang ibang salita na ginagamit nila sa kanilang pag-uusap.  Ang mga Pilipino ay mahilig gumamit ng mga expresyong gaya ng echoes, charot, chienes, charing na pinauso ng mga bakla noon pa man.   Bago pa lumabas ang Gay Lingo, ginagawa na ang pagpapalit at pagbabago ng mga salita upang makabuo ng panibagong salita. Halimbawa ang “Jeproks” na ang ibig sabihin ay mga kabataang mahilig sa kasiyahan. Ito ay nagmula sa kabataang nakatira sa Project 2 & 4 sa Quezon City. Binaligtag ang Project kaya ito naging Jeproks. “Japorme” na tumutukoy sa pananamit ng isang tao. Nagsimula ito sa baligtad na pagbabaybay sa salitang porma.
             Dapat maging maingat ang mga gumagawa ng mga salita upang hindi ito maging sanhi ng hindi pagkakaintindihan. Sa tingin ko, ang paggawa ng mga salitang Gay Lingo ay upang makaiwas sila sa diskriminasyon dahil mahilig silang magkwentuhan tungkol sa kanilang mga karanasan. Ako ay sumasang-ayon sa pahayag ni Ginoong Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan. Inihayag niya na “Dapat maingat sa paggamit ng mga salitang balbal. Hindi naman importante ang mga salitang katatawanan, pang sosyalan dahil hindi naman ito makakatulong sa pag ambag sa karunungan ng tao at sa karanasan ng tao”.
             Ang pag iiba-iba ng bokabularyong Filipino ay patunay na makulay ang wikang Filipino. Malaki ang impluwensiya ng bagong teknolohiya sa paggamit natin ng ibang mga salita. Mga salitang bagong usbong gaya ng selfie, pang computer, at paggamit ng texting sa cellphone ay naayon sa pagsunod kung ano ang uso ngayon. Malaki ang magagawa ng wika upang makilala ang mga Pilipino.  Maiba man sa pandinig ng iba, kung sa bandang huli naman ay lahat ay magkakaunawaan.
0 notes
willbenjaminsy · 4 years
Text
Ang Tamang Paggamit ng Wika
Will Benjamin P. Sy
Ang wika ay isang uri ng komunikasyon na ginagamit natin sa araw-araw. Ito ay may akmang tunog, simbolo at bantas upang maipahayag ang nais sabihin. Nagkakaroon ng kalituhan sa komunikasyon kung hindi maayos ang paggamit ng mga salita. Mahahasa ang kanilang kaalaman kung sila ay laging magbabasa ng mga kwentong Pilipino, dula o pakikipagtalastasan sa Wikang Filipino.
 Mula sa dokumentaryong aking napanuod, inihahayag ng guro na ang mga estudyante ngayong dekada 70-80 ay humihina ang kaalaman sa Filipino. Nahihirapan sila sa pagbuo ng tula, hindi na binibigyan pansin ang tamang pagbabaybay at alituntunin ng mga salita. Marahil ay dahil  sa malalalim na salita na mahirap nilang intindihin.  Ako ay sumasang-ayon nang dahil sa ating bagong teknolohiya at ibang wikang natututunan ay nagbabago na ang ibang alituntunin sa wika. Tinatanggap na ang mga mali o pinaikling salita sa paggamit ng texting sa cellphone at mga salitang Conyo o Jejomon.
 Sa paaralan nalalaman natin ang kahalagahan ng wika. Dapat na pahalagahan at pagyamanin ang ating Wikang Filipino dahil ito ay magiging pundasyon sa pag-unawa sa mga salita at maraming bagay ukol sa ating wika at kultura. Nararapat lang na matutunan ang panitikan, balirala at bahagi ng pananalita upang maihayag ng tama ang Wikang Pilipino.
0 notes