Text
he’s so fine i actually need him balls deep in me yo 😕
138 notes
·
View notes
Text
PROMISE, PROMISE.
Or in which: He tells you things he doesn’t mean during an argument.
PAIRING: suna rintarou x reader
GENRE & CONTENT WARNINGS: hurt/comfort. angst. some fluff. established relationship. arguments. (he calls you clingy and insecure.) set in timeskip so pro athlete!suna. & suna isn’t good with words, so he repeats it, over and over, hoping it’ll somehow be enough.
“you’re being stupid, y/n,” he says it monotonously—uncaring.
you wince. you knew how harsh he could get, how blunt and hurtful his words could get—but it didn’t make it hurt any less.
“it just made me uncomfortable seeing them touch you like that, rin. plea—”
your voice is soft when you try to reason with him, but it doesn’t stop him from glaring at you until you feel ready to be buried six feet under.
Keep reading
8K notes
·
View notes
Text
[02:09]
"Love, have I ever told you that I love you so much?" tanong ni Jungwon habang nakatingin sa mga mata ni Y/N. Those brown innocent eyes. His favorite part of her. Jungwon can literally see his reflection on her clear brown eyes. Everything's so well having her by his side. The girl smiled warmly, showing the dimples on her right cheek, contrary to Jungwon's dimples.
"Lagi," sabi ng dalaga. Jungwon held the girls hand and brought it to his lips saka ito pinatakan ng halik pagkatapos ay ngumiti ulit ito.
Sa pagngiti ni Jungwon, kasabay nito ang pamumula ng kanyang mga mata at pagbabara ng kanyang lalamunan hanggang sa sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata.
Itinaas ni Y/N ang dalawang kamay papunta sa mukha ni Jungwon upang sakupin ito at marahan na mapunasan ang mga luha nito na lumalandas sa pisngi nito. Jungwon closed his eyes as the memories of the past came rushing unto him.
Sa pag-uulit ng nakaraan sa kanyang isipan ay hindi niya na naiwasan na yakapin si Y/N na nasa tabi lamang nito. Mahigpit. Walang hudyat ng pagbitaw. Hindi na siya papayag pa na muli siyang mawala. Sapagkat minsan nang mangyari na ang dalaga ay lumisan.
"You're gonna be okay, won." marahan na sambit ni Y/N. Umiling si Jungwon. "Hindi! Dito ka lang sa tabi ko! I can't live without you.." ang huling sinambit ay parang isang bulong sa hangin. may bahid ng lungkot at pagkawasak.
"Kumusta siya?" tanong ng isang ginang.
Umiling ang Nurse at malungkot na ngumiti. "Napapaloob na naman sa kanyang mga alaalang lumipas na,"
Sa apat na sulok ng puti at maliit na silid namamalaging mag-isa si Jungwon. Laging may kausap. Laging umiiyak. Minsan ay tumatawa ngunit may bahid ng pagkawala. Pagkawala sa sariling kamalayan. Nakakulong sa alaalang iniwan ng pumanaw na kasintahan.
"Maging okay pa kaya siya?" ang tangi na lamang nasabi ng nurse.
4 notes
·
View notes
Text
Larawan — heesun au
wherein, Chin, Elixir's (lhs) granddaughter found an old photo of Kim Mirri (ksn), Elixir's lost love.
📝 this is written in taglish.
*cue bretman rock's voice* nagba-blank yung utak ko eme HAHAHA and when that happens, my mind usually thinks about short prompts na malungkot. di ko na rin talaga alam sa bohai q
this story is not proofread
“Ano ‘to?” sambit ni Chin nang makakita siya ng isang larawang kupas sa ilalim ng kama ng kanyang Lolo Elixir.
Isa itong larawan ng gwapong lalake na naka-peace sign at nakangiti. Suot nito ay isang traditional na damit na kung bibilhin sa panahon na ito, napakamahal na dahil tumaas na ang value nito paglipas ng mga taon. Base sa itsura ng litrato, mukhang luma na ito at napaglipasan na ng panahon.
Chin flipped the old photograph, as if it was the most natural thing to do kapag may nakikita kang gamit na hindi iyo. She squinted her eyes, attempting to read the cursive scribble written on the back.
“I…will write…your name…..on the ano? start? stars? tama ba?” kunot noo niyang sambit. She’s clearly so confused about this photograph.
“Tapos ka na magwalis, apo?” Tanong ng Lola Alana niya pagpasok nito sa silid ng Lolo niya.
Oo nga pala. Maglilinis nga pala siya dapat dito, nga lang, nakita niya ‘tong lumang larawan na ‘to. Na-distract naman tuloy siya!
“Hindi pa po, ‘La. Nakita ko po kasi ‘to kaya di ako nakapagwalis kaagad,”
Ibinigay niya sa kanyang Lola Alana ang lumang larawan at nang makita ito ng matanda ay halata sa mukha nito ang pagkagulat. Na napalitan ng pagkunot ng noo. Na napalitan ng mapait na pagngiti.
Hindi alam ni Chin kung bakit gayon na lamang ang reaksyon ng kanyang Lola. Mukhang kilala nito ang lalake sa lumang larawan. Gusto pa sana ni Chin na magtanong ng tungkol sa lalakeng nasa larawan pero itinikom niya muna ang bibig dahil mukhang malalim na ang iniisip ng kanyang Lola Alana.
Inabot na sila ng gabi sa paglilinis ng ancestral house. Dumating na nga rin ang kanyang Lolo Elixir, sakay ng isang truck siyang naghakot ng gamit nila galing maynila.
“Lolo! Tapos na po kami maglinis!” proud at nakangiti na sabi ni Chin.
“Talaga? Sigurado ba na walang alikabok na natira?” pagbibiro ng kanyang Lolo Elixir.
Gwapo pa rin talaga ang kanyang Lolo Elixir kahit na ito ay matanda na. Lagi nga nitong sinasabi na “Kulubot man ang balat ay gwapo pa rin!”
Pero totoo naman kasi talaga. Kapag nakikita niya ang lumang litrato ng kanyang Lolo noong ito’y binata pa, walang pinagkaiba. Ang tanging nag-iba rito ay ang pagkulubot ng balat, pagputi ng buhok, at ang tikas ng pangangatawan. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit marami ang nagkakagusto rito kahit na ito’y matanda na!
Naalala tuloy ni Chin na noong nasa maynila pa sila ay halos araw-araw na bumibisita ang kanilang mga kapitbahay mabigyan lang ng kung ano-ano ang kanyang Lolo. Mula sa ulam, manok at baboy na buhay, itak, at kung ano-ano pa. May iba rin talaga na vocal sa kanilang pagkagusto sa kanyang Lolo. Grabe naman ang pretty privilege ng ferson! Kulang nalang ay magbaba ng mga panty ang mga kapitbahay nila, mapansin lang ng kanyang Lolo.
Pag-akyat ng kanyang Lolo ay dinampian siya nito ng halik sa noo. Pagkatapos nga niyon ay isa-isa nang binuhat ang mga gamit nila papasok ng bahay.
Sabay-sabay silang tatlo na kumain sa hapag kainan at nagkamustahan. Matapos ang hapunan ay napagpasyahan niyang maghugas ng plato samantalang ang kanyang grandparents ay nag-desisyon na tumambay muna sa veranda para magpatunaw ng kinain at para makapagpahangin nalang din.
Napangiti siya nang marinig na nag-uusap ang kanyang Lolo at Lola. I mean, nag-uusap naman sila lagi, ngunit sa tingin kasi ni Chin ay may hindi nababanggit ang kanyang grandparents.
Akala ng grandparents niya, hindi niya mahahalata ang pagitan sa kanilang dalawa tuwing sila ay magkasama. Nagsimula ang obserbasyon na ito noong siya’y highschool na.
Noong una ay hindi naman pinansin ni Chin ang lahat. Pero nang tumagal, napapansin niya ng may mali. Walang pagmamahal sa mata ng Lolo niya kapag tinitingnan nito ang Lola Alana niya. Hindi naman mahirap tukuyin. Lalo pa’t buong buhay niya ay kasama niya ang grandparents niya.
Pero hindi nagtatanong si Chin kahit pa kating-kati na ang bibig niya na magtanong ng mga bagay-bagay. She’ll leave it to the old people nalang.
Pagkatapos niyang maghugas ay nagpunas siya ng kamay at masayang naglakad papunta sa veranda, kung nasa’n ang kanyang grandparents. Ngunit napatigil siya sa paglabas ng pintuan nang marinig niya ang pinag-uusapan ng dalawa.
“Nakita ‘yan ng apo mo kanina sa kwarto natin” nakita ni Chin na ibinigay ng kanyang Lola ang lumang larawan sa Lolo Elixir niya. At nang matanggap ng Lolo niya ang lumang larawan, mahigpit nito iyong hinawakan sa dibdib nito.
“Mahal mo pa rin ba siya, Eli?”
Her lolo tsked. “Wag na natin ‘tong pag-usapan. Alam kong hindi ka kumportable,”
“Mahal mo pa rin ba si Mirri?”
“Gusto mo ng totoong sagot?”
“Oo, Eli,”
“Walang araw na hindi ko minahal si Mirri,”
“Pero sobrang tagal na no’n, Eli! Siya lang ba ang minahal mo? Ako? Nasaan ako sa’yo?”
Umiwas ng tingin ang kanyang Lolo. “Alam mo ang sagot d’yan,”
“Tumanda nalang tayo at lahat, hindi mo man lang pala ako nagawang mahalin. Ganoon ba siya kahalaga sa’yo, Eli? Na kahit ako yung nasa tabi mo, hindi mo ‘ko magawang makita?”
“Patawad, Alana. Pero alam mo sa sarili mo na hindi kita minahal. Kahit pa ikinasal tayo at nagkaanak. Alam mo, na sa mga panahon na ‘yon, sa mga pangyayari na ‘yon, alam mo na hiniling ko na sana si Mirri ang nasa tabi ko. Na si Mirri ang sinabihan ko ng Marriage vows at si Mirri ang naging tatay ng anak ko, at higit sa lahat, si Mirri ang kasama kong tumanda,”
Tumulo ang luha ni Chin, kasabay ng pagsinghot ng kanyang Lola Alana. Umiiyak din ito.
Sino nga ba ang hindi maiiyak kung ang lalakeng minahal mo buong buhay mo ay iba ang minamahal at inaasam na makasama sa kanyang pagtanda?
Narinig niya ang pagkaluskos ng lumang sahig kasabay ng yapak ng kanyang Lola. Nagtago siya sa gilid ng hamba ng pinto. Mukhang di naman siya nakita ng Lola niya dahil nilampasan lamang siya nito.
Lumabas si Chin at mahinhin na tumabi sa kanyang Lolo na tahimik din pala na lumuluha. Niyakap niya patagilid ang kanyang Lolo Elixir. Hindi niya alam pero sobrang lungkot din ang kanyang nararamdaman para sa sawing pag-ibig ng kanyang Lolo at Lola.
“Sorry, apo. Narinig mo pang lahat ng iyon,”
Umiling lang si Chin habang patuloy na umaagos ang luha. Umakbay na sa kanya ang kanyang Lolo at marahan siyang hinahaplos sa braso para siya ay pakalmahin.
Makalipas ang ilang minuto, naupo siya ng tuwid at pinunasan ang kanyang luha. Pero nandoon pa rin ang pagkawasak ng kanyang puso sa mga narinig niya.
“Ikaw raw ang nakakita nito?”
“Opo. Nasa ilalim po yan ng kama niyo ni Lola,”
Medyo napangiti ang kanyang Lolo. “Matagal ko rin na hindi nakita ang mukhang ‘to.” Hinaplos nito ang litrato. “Sinadya ko itong iwan rito, nagba-baka sakali na baka kapag iniwan ko ang kapirasong alaala ko sa kanya ay makalimot ako,”
Her Lolo scoffed. “Pero naalala ko, dinala niya pala ako ng buo. Wala palang natira sa akin kundi ito.” Pagtukoy niya sa lumang litrato. “Hindi ko alam na sa pagtulog ko sa gabi, mukha niya ang makikita ko sa aking pagpikit. At sa pagsilip ng liwanag, boses niya ang aking naririnig.”
“Tumagal iyon hanggang ngayon. Pinilit ko naman na mahalin ang Lola mo. Perpekto siya para sa akin. Mabait, maganda, bukal ang kalooban at mapagpasensiya. Pero wala akong maibigay na pagmamahal sa kanya. Kahit anong pilit ko, wala akong maramdaman. Ubos na ubos ako.” Pagpapatuloy ng Lolo niya. Patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata nitong nagsusumamo para sa wala.
Kapagkuwa’y pinunasan nito ang luha. “Hindi ko na dapat ito iniiyakan. Wala naman na siya. Hindi niya na ako babalikan.” Ibinigay nito sa kanya ang litrato. “Ikaw na ang bahala d’yan. Kailangan ko pang humingi ng tawad sa Lola mo. Baka bukas ay hindi niya ako pakainin,” pagbibiro ng Lolo niya ngunit hindi pa rin nakatakas sa kanya ang pagkawasak ng boses nito in attempt para pigilan ang pagkawasak ng buong pagkatao nito.
Naiwan si Chin sa labas, hawak ang lumang litrato. Sa muling pagbaliktad niya ng litrato, saka niya lang napansin ang pangalan nito.
Kim Mirri
8 notes
·
View notes