One reason: to share different feelings to different kinds of people through writing.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Quote
Sorry isn't actually something to be said. It has to be felt.
Rin
1 note
·
View note
Text
"Larawang Wasak"
Uwian, isang mensahe sa kanyang selpon ang natanggap ni Farra. Muntik na siyang mapatalon sa tuwa nang malaman niya kung kanino iyon galing—kay Jeff. Pumayag itong makipagkita sa kan'ya, pagkatapos nitong mag-practice ng basketball. Napakasaya niya. Ito na ang pagkakataong kanyang pinakaaasam.
Pagkalabas niya ng silid ay mabilis pa sa alas-kwatrong tinungo niya ang gymnasium ng kanilang unibersidad. Sandali pa lang ang nakalilipas, nahagip na ng kanyang paningin ang bulto ng lalaki. Nakita niya itong nakasandal sa isang poste, may nakapatong na tuwalya sa balikat; pawisan. Kaagad na nagsirko ang pasaway niyang puso sa tanawing tumambad sa kanya. Lalong bumibilis ang tibok noon habang siya'y papalapit sa lalaki.
Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Nakatungo niyang inabot dito ang papel na naglalaman ng iginuhit niyang mukha nito. Magkahalong kaba at tensyon ang nag-uunahan sa kanyang dibdib. Sa katunuyan, nanginginig pa nga ang kan'yang mga kamay hanggang ngayon.
"Salamat," tipid nitong sagot. Wala sa sariling napatingin siya sa maamo nitong mukha. Nakita niya ang ngiting kumawala sa mga labi nito, sabay ng pagpunas ng pawis sa mukha. Napatingin ito sa kan'ya, huling-huli ang walang habas niyang pagmamasid. Sa sobrang hiya ay bigla na lamang siyang tumakbo palayo rito ng mga oras na 'yon. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang epekto sa kanya ng binata. Kapag nasa harap niya ito, lahat ng nais niyang sambitin ay naglalaho na lamang na parang bula. Kakaiba ang kabang dumadaklot sa kanyang dibdib kapag kausap niya ito, tila ba ang nagwawalang puso ay nais nang kumawala. Ito lamang ang nakapagparamdam sa kanya ng ganito. Ito lamang, sa tanang buhay niya.
Pinalipas niya ang ilang minuto at saka siya bumalik sa kinatatayuan kanina ng lalaki. Ngunit wala na ito roon. Napangiti na lamang siya. Kahit papaano ay masaya na rin siyang tinanggap ng binata ang munti niyang obra—ang salamin ng kanyang paghanga.
Isinubo niya ang huling piraso ng stay fresh na kanina niya pa kinakain at dumiretso sa pinakamalapit na basurahan. Ngunit sa ginawang iyon ay nagsisi siya. Ang saya ay kaagad ding napaltan ng kirot sa kanyang dibdib. Mahapdi, gaya ng sugat na kay lalim. Ang kirot ay bumubuhay sa kanyang diwa, mas ipinararamdam ang lungkot—iminumulat siya sa realidad.
Kitang-kita niya ang larawang kanyang iginuhit, ang larawang pinaglaanan niya ng oras at panahon. Ang papel na naglalaman ng kanyang purong damdamin—ang buhay niya—ngayo'y nakahimlay na sa isang tambakan ng basura.
—Miktinig
0 notes
Text
"I am who I am"
The biggest challenge in life is being yourself in a world trying to make you like everyone else. And so, I always believe that I must live my life the way that I want to live it. Why should I let other people live it for me?
"Care about what other people think and you will always be their prisoner." A quotation made by Lao Tzu. Indeed. I’m just human and have weaknesses. I make mistakes and I experience sadness. But I learn from all these things to make me a better person. I just wanted to be bold enough to use my voice, to listen to my heart, and to live the life I’ve always imagined. Always remember that to be beautiful means to be yourself. You don’t need to be accepted by others. You need to accept yourself. Because if you yourself doesn't accept who you really are, then why would others accept you then?
I have reached a point in my life where I feel that it is no longer necessary to try and impress anyone. If they like me the way I am, good. If they don’t, it’s not really my loss. I’m the one that’s got to die when it’s time for me to die, so let me live my life the way I want to. Maybe I sound a lot like a narcissistic psycho but, hey I am who I am. You can't be me and neither I can ever be you. So never fake yourself just to look perfect because perfection is never real and reality is never perfect. I am no saint. I could even be the first in line of all the sinners. But I am being true to myself.. And I am happy.
I'm tired of chasing people. Might as well be yourself, do your work hard. The right people --will come to you and stay. I am never embarrassed to the kind of person I had become. They're still going to judge me anyway. Still, I am being reminded to be weird. Be random. Be who you are. Because you never know who would love the person you hide.
by Yen
0 notes
Text
"Hindi Para sa Balat-Sibuyas"
Hindi para sa balat-sibuyas ang pagsulat. Hindi ito simpleng gawain lamang na mahahambing mo sa paglalaro ng mga salita't kung ano-ano pa. Ang pagsusulat ay isang malaking responsiblidad; sa pagmulat, sa pagpapatawa, sa pagpapangiti, sa pagpaparamdam ng mga salitang araw-araw ginagamit. Hindi ito basta makasulat lang ng akda. Hindi ito basta harapin lang ang mga libo-libong kritiko. Ito ay ang pagkatuto habang nagtuturo--oo, parang isang guro kung tutuusin; natututo habang nagtuturo, nag-aaral habang nangangaral; pumupuna habang pinupuna. Hindi madali ang pagsulat; kaakibat nito ang daan-dang kritiko na pupuna sa akda mong pinakaiingatan. Oo, kailangan mo dinggin ang mga kritiko, hindi para masaktan ka, o magpalitan kayo ng masasakit na bagay. Kundi para matuto sa isa't isa. Dahil walang manunulat ang gumaling nang mag-isa. Walang manunulat ang hindi nakatanggap ng ni isang kritisismo. Lahat tayo, bilang manunulat, responsibilidad natin ang pagtanggap ng puna sa kung kanino, trabaho nating matuto at magturo. Kaya kung hindi mo kayang kainin ang mga salita ng iyong mga kritiko, HINDI PARA SA 'YO ANG PAGSUSULAT.
ni Prosper Kristian 25/02/2017
0 notes
Photo

And for once, I saw you smile before my last breath. I smiled too, though it's you who brought me into death's hands. –Miktinig
(photo credits to Google)
0 notes