Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Pang-kalyeng Eskuter

•Isang daang pursyentong ginagamit sa paggawa ng mga eksibiyon sa parke
•Isang daang pursyentong malambot ang ikot o galaw manibela ng Eskuter kasama na dito ang "foam" na malinis
•Isang daang pursyentong matibay ang gulong
•Isang daang pursyentong gawa ito sa amerika dahil may pinagkukuhaan kami ng mga gamit doon
•Isang daang pursyentong gawa ang "Deck" o ang tungtungan ng paa para makasakay ka dito, sa Aluminyo purong puro walang kahit na ano
•Isang daang pursyentong natutupi ito sa walo, biro lang, sa dalawa lang (Kaya puwede mo itong dalhin kahit saan mo gusto)
•Isang daang pursyentong malakas ang preno kaysa sa trak o bus (Kaya pupwede kang tumilapon sa lakas ng preno nito)
•Isang daang pursyentong gawa ito sa Tsina, biro lang ulit, siyempre saan pa, edi sa amin gawa ano ka ba.
>Dos lang ito may tawad pa >Libre pa deliber papunta sa bahay ninyo, alangan na sa bahay namin >'Kung gusto niyo makita ito sa personal SM North lang, meron kaming tindahan doon, sa sakayan nga lang ng jeep.
PS: Isang daang pursyentong pupwedeng palitan ang mga piyesa, at pinasadya talaga Eskuter para sa ipapakita nito sa merkado

0 notes
Text
Karapatan ng mga hype(HAYOP)
Sa pagtalikod ng mga araw ay may panibagong araw na darating, sa mga hayop.
Ang mga hayop ay isa sa mga nabuhay sa mundo, isa sila sa mga nilikha ng ating Diyos. Ang bawat isa sa kanila ay may karapatang mabuhay kahit saan sa ating kalikasan. Karapatan din ng mga hayop na pahalagahan at alagaan sila ng tulad ng mga taong tulad natin. Malaki ang na iaambag ng mga hayop lalong lalo na sa mga pangkalikasan, kalikasaan kung saan tayo kumukuha ng yaman, yaman na gawa ng hayop. Marahil hindi natin sila naiintindihan pero sa loob nila kailangan din nila ng akay at pagmamahal.
Maraming mababagsik na hayop katulad ng liyon, tigre, buhaya, oso, pero sila ay pinapatay rin sapagkat maraming mangangaso ang pumapatay sa kanila dahil sa kanilang mga balat o hindi kaya dahil sa papuri, papuring hindi na mababalik ang buhay ang isang hayop na kanilang ipinaslang. Ang hayop ay importante sa mundo dahil sa kanila rin nang gagaling ang maraming magagandang lahi karapatan nilang mamuhay ng maayos sa kagubatan, bundok, dagat sapagkat doon sila nararapat na tumira. Pero bakit maraming taong sumisira sa kanilang tahanan, maraming ginawang minahan sa iba't ibang bansa, maraming nagpuputol ng mga puno, maraming sumisira sa mga yaman ng karagatan, sapagkat nawawalan na ng mga makain ang mga hayop, nawawalan na rin ng mga tirahan dahil sa pagsira sa mga ito, natutunaw na ang mga yelo na nasa Arctic sa kadahilanan ng global warming maraming hayop na nakatira sa mga yelo ang namamatay at nauubusan na ng makakain at tirahan, kailangan rin ingatan ang mga ito tulad sa pagiingat sa pamilya mo, sa mahal mo.
Gumawa na ng mga batas tungkol sa mga hayop na napapaslang ng mga tao. Dahil maraming kaso ang pupwedeng harapin ng isang taong gumawa o lumabag sa batas na isinaad ng gobyerno pero bakit walang sumusunod at patuloy sa pagpakawalang kwentang bagay tulad ng pagpatay sa mga hayop sapagkat kulang ang mga taong nagbabantay para hulihin ang mga ito at hayaan. Ang batas na kailangan alagaan ang lahat ng hayop sa Pilipinas ay Republic Act No. 8485 AN ACT TO PROMOTE ANIMAL WELFARE IN THE PHILIPPINES, OTHERWISE KNOWN AS “THE ANIMAL WELFARE ACT OF 1998.
Kaya mahalin at alagaan ang tahanan ng mga hayop dahil ang kanilang tahanan rin ang bumubuhay sa kanila sapagkat alam nilang may babalikan silang pamilya o tahanan na puwede nilang silungan katulad na lamang nating mga tao. Kaya pahalagahan natin ang mga hayop na nakikita natin sa paligid-ligid at wag itong patayin.
1 note
·
View note