xeyeneneyx-blog
xeyeneneyx-blog
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
xeyeneneyx-blog · 5 years ago
Text
Paghilom at Pagbangon
Tunay na isang malaking dagok sa buhay ng mamamayang Pilipino ang krisis dulot ng COVID-19. Kung kaya’t kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga taong hindi nag-alinlangan na tumulong sa kapwa nila Pilipino. Pinatunayan niyong iisa tayo sa pagharap sa hamong ito ng ating panahon. Isa kayong inspirasyon sa pagpapanatili ng bayanihan sa ating bansa. Saludo rin kami sa mga frontline workers na buong tapang na hinaharap ang banta ng COVID-19 para lamang masiguro ang kaligtasan ng nakararami. Ang inyong katapangan ay walang kapantay at tunay na nakakaantig ng puso ang inyong mga sakripisiyo para sa Pilipino. Hindi rin namin matatawaran ang tapang at pananampalataya ng mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19. Maraming salamat dahil patuloy ninyong nilalabanan ang sakit na iyon. Hangad namin ang inyong paggaling at makakaasa kayong kasama kayo sa aming araw-araw na panalangin. 
Ang paghilom at pagbangon mula sa krisis na ito ay mapagtatagumpayan sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan. Malayo ang mararating ng isang simpleng panalangin para sa mga patuloy na lumalaban sa krisis na ito. Malaki ang tiwala at utang na loob natin sa mga frontline workers at mga taong may malasakit sa kanilang kapwa. Huwag sana tayong mapagod na bigyan sila ng pasasalamat at paghanga sa kanilang mga ginagawa. Saludo po kami sa inyo. Mabuhay ang diwa at pananampalatayang Pilipino! 
1 note · View note