Tumgik
xjralc2 · 2 months
Text
Sinusubukan ko na huwag masyadong nakatuon sa hinaharap, kaso bakit palagi na lang akong pinag-iisip? Nalalamangan tuloy ng problema at sama ng loob yung mga positibong bagay na inipon ko.
0 notes
xjralc2 · 5 months
Text
Makita na hindi kasama yung pangalan sa listahan, talagang nakakapanlumo. Lalo na, masyado pa man din akong umasa. Sana hindi ganto pag malaking ganap na yung susubukan. Makakapasa lang, makakapasok!
0 notes
xjralc2 · 5 months
Text
Nagsisimula yung gulo ng isip at bigat ng pakiramdam kapag gabi at mag-isa. Ang hirap lang, hindi agad nawawala lalo na kapag nasa loob ng bahay. Nakukulong at naiipon.
0 notes
xjralc2 · 9 months
Text
Totoo nga na yung motibasyon ko na magpatuloy ay yung takot ko na pumalya, mag-isa, at walang marating sa buhay. Kaso paano kung dumating sa punto na panghinaan ng loob, kailangan bang palakasin yung kaba ko at pagkabahala? E paano kung yun na lang yung maiwan at matira?
0 notes
xjralc2 · 9 months
Text
Kapag nadaan na yung lungkot at unti-unti nang nabalik ang saya, bigla na lang ako mangangamba na baka panandalian lang to, na baka bukas o sa makalawa, lugmok na naman. Pero may panahon nga bang puro saya lang? wala yata.
0 notes
xjralc2 · 10 months
Text
Hindi ayos na ikulong ko yung sarili ko sa isang sitwasyon pero hindi ko minsan talaga maiwasan na mangyari. Hindi ko rin kasi alam kung kailan susumpungin ng lungkot at pagdududa sa sarili. Puwede bang huwag na lang?
0 notes
xjralc2 · 11 months
Text
— Ang haba ng kailangang lakarin bago makausad. Pahingi ng tulong, parang unti-unti na yatang nawawala sa direksyon.
0 notes
xjralc2 · 11 months
Text
Yung ang bata mo pa pero iniisip mo na yung responsibilidad na meron ang matatanda. Gaano nakakapagod ang buhay?
0 notes
xjralc2 · 11 months
Text
— Hindi na talaga ko ganon kababaw tulad ng dati para magkainteres sa kung sinong babae. Iniisip ko na muna kasi kung ano yung kami sa hinaharap at kung kaya ko ba yung partikular niyang ugali.
0 notes
xjralc2 · 11 months
Text
Mahalaga pala sa akin na makilala muna kung sino talaga yung tao at kung paano siya kumilos sa loob ng bahay, doon ko kasi nalalaman kung ano yung totoo niyang galaw at yung kung ano yung pili niyang ipinapakita sa labas.
0 notes
xjralc2 · 1 year
Text
Laking ambag sa buhay ng maalam mag-isa, yung hindi kailangan ng iba sa bawat galaw. Kumbaga, kahit na hindi ka nila isama sa plano, ayos lang kasi kaya mo naman.
0 notes
xjralc2 · 1 year
Text
— Mali na gamitin yung kalagayan o estado ng buhay ng iba para pagaanin yung sariling nararamdaman pero hindi naman siguro mali na isipin sila kapag gusto nating lumaban.
0 notes
xjralc2 · 1 year
Text
Totoo na napakahirap ng buhay lalo na kung maraming asikasuhin at isipin. Kaso hindi lang tayo yung nakararanas ng parehas na sitwasyon. Merong tulad natin pero nagsisikap at pinipiling magpatuloy. Kaya ano tayo para sumuko, ano ako para mapagod?
0 notes
xjralc2 · 1 year
Text
Masakit sa pandinig yung mga salitaang hindi maayos ng pagkakaabot. Naiintindihan naman, pero napakamali ng ginagamit na paraan. May punto rin, kaso hindi nga lang makatwiran.
0 notes
xjralc2 · 1 year
Text
May mga panahon sakin na hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. Yung hindi ako malungkot, pero hindi rin ako masaya. Yung sobra kong nabuburyo, pero wala kong gustong gawin. San na naman ang lugar?
0 notes
xjralc2 · 1 year
Text
Totoong may mga prayoridad tayo ngayon, kaya naiintindihan ko kung hindi pa ito yung tamang panahon para unahin yung mga bagay tulad ng relasyon. Maaaring makaaksya lang ng oras at makahadlang sa mga planong binuo.
0 notes
xjralc2 · 1 year
Text
— Alam man yung resulta, pero masaya pa rin kasi nakuha ko yung sagot na gusto ko manggagaling sayo.
0 notes