Tumgik
yvesfabian-blog · 7 years
Text
Movie Review
Ang palabas na Guardians of the Galaxy Vol. 2 ay gagawan ko ng review dahil na rin fan ako ng Marvel at gusto ko ang mga action movies. Si Chris Pratt ay gumanap na Star-Lord. Si Zoe Saldana naman ay si Gamora. Si Dave Bautista naman si Drax. Si Vin Diesel si Groot. At si Bradley Cooper si Rocket.
 Si Peter Quill o Star-Lord at iba pa niyang mga kasama ay nahire nga mga malalakas na aliens, the Sovereins, para iprotekta ang kanilang mahahalagang baterya sa mga magnanakaw. Nang matagpuan nila na kinuha ni Rocket ang mga baterya, dinispatcha nila ang kanilang armada para huliin sila. Nang si Star-Lord at ang mga kasamahan niya ay tumatakas, isa sa mystery sa buhay ni Quill ay natuklasan
 Ito ay pwede panoorin ng mga bata dahil wala itong palabas na naaayon sa mga mata lamang ng mga matatanda. Maganda ang pagkakagawa ng movie. Script Writers, Transitions ng mga camera, Mga actor at iba pang production teams ay mahusay sa pagkakagawa ng movie na ito. Video at Sound Effects ay para talagang nasa ibang planeta kami, Ito ay nakabase sa isang comic na ginawa nuon pa. may pagkakaiba man ang palabras sa komiks ay pareho pa rin na maganda ito.
0 notes
yvesfabian-blog · 7 years
Text
Mga Kinahihiligan
Isa sa mga kinahihiligan ko ay ang paglalaro ng iba’t ibang sports. Sa katunayan ay varsity ako sa Badminton. Nagustuhan ko ito dahil mabibilis ang mga galawan dito at matatalo ka pag di mo natira ang bola. Isa pa sa kinahihiligan ko ay Soccer. dati akong varsity dito at ako’y natanggal dahil mababa ang mga marka ko nun. Gusto ko to kasi nung bata ako, masaya ako nagtatakbuhan sa damuhan umaraw man o umulan. Ang basketball ay aking kinahihiligan rin dahil ito ay nilalaro ng mga kaibigan ko at masaya naming nilalaro ito. Bukod sa mga ito, naglalaro rin ako ng volleyball, table tennis at iba pa.
 Kinahihiligan ko rin ang panonood ng anime. Nagsimula akong manood ng anime nung ako ay grade 7 pa lamang. Ito na ata yung ginagawa ko gabi gabi, umaabot ako ng madaling araw para matapos lang ang isang season ng palabas. Nagustuhan ko to dahil maganda ang pagkakagawa at maraming genre na pagpipilian. Ang mga paborito kong genre ng anime ay shounen, action, highschool, romance at comedy. Ang mga paborito kong anime ay Infinite Stratos, Kuroko no Basuke, Haikyuu, Boku no Hero Academia, Full metal alchemist, code geass at iba pa.
 Kinahihiligan ko rin ang tumulong sa aming katulong sa mga gawaing bahay. Dahil hindi ako mapakali kung ako’y nakahiga lamang. Tinutulungan ko sila maglinis ng hapag kainan, maghanda ng hapunan, at maglinis sa buong bahay. Dahil dito nabuo ang pagsasamahan ng aming katulong, hindi kami yung tipong amo at katulong na samahan pero yung samahan na walang katulad na nakakapagkwentuhan ng masaya at walang kaba. Kami ay nagtutulungan pag may kailangan.
0 notes
yvesfabian-blog · 7 years
Text
Paglalakbay
Ang HongKong  ay isa sa mga paborito kong pinupuntahan at dito rin nagtatrabaho ang aking nanay na OFW. Tuwing walang pasok, kami ay pumupunta sa HongKong para makasama ang aming nanay at para na rin mamasyal. Kung wala rin trabaho ang nanay ko, siya ay pumunta sa Pilipinas para na rin makasama kami. Ang nanay ko ay hindi yung iniisip nating OFW na hindi nakakasama ang anak nila nang matagal, umuuwi ang nanay ko buwan buwan kaya malakas pa rin ang koneksyon namin sa isa’t isa. Ang HongKong ay isa sa mga paborito ko na puntahan dahil maganda ang transportasyon dito, maganda ang mga tanawin at mga daan dahil wala ka talagang makikitang basura sa mga daan.
 Unang punta namin sa HongKong ay nung ako ay nasa baiting apat. 2 days lang kami sa HongKong dahil yun lang yung binigay na pahinga ng mga boss ng aking mga magulang. Ang pinuntahan namin nuon ay yung cable car at ang Disneyland. Malaki ang ngiti ko nun dahil ang gaganda ng mga Disney characters na naipakita at ang mga rides naalala ko pa nung triny namin ang meteor shower na ako’y walang kaalam alam na roller coaster pala yun. Yun ang unang sakay ko ng roller coaster. Nag simula ang pagpunta namin sa hongkong tuwing walang pasok nung nakaraang taon lamang. Pero ngayon, hindi lang dalawang araw ang pagpunta, kundi umaabot sa isa hanggang dalawang linggo. Dito na kasi nagtrabaho ang nanay ko at may bahay na kami kaya nakakatulog kami dito na mura ang bayad. Ngayon, pinuntahan naming ang mga lugar na mga di pa naming napupuntahan. Dito ko napagtanto ang kagandahan ng HongKong at parang gusto ko na tumira dito.
 Sa darating na semestral break, kami ay pupunta sa HongKong para lang magrenew ng visa kasi mageexpire na ang visa namin. Kung matatanong niyo na kung ano ang trabaho ng nanay ko, ang trabaho niya ay piloto. Karamihan kasi ng mga pinoy ay akala nila helper lang o “yaya” ang trabaho pag babae. Sinasabi koi to dahil ito ay naranasan ng aking nanay. Habang kumakain ang aking nanay sa isang fast food chain ay saktong nagkkwentuhan ang mga pinoy at siya’y nakisali. Nang maitanong nila kung kelan uuwi ang nanay ko ay sinabi ng nanay ko sa susunod na buwan, sinabi naman ng kausap ng nanay ko ay “Ang bait naman ng amo mo, wala pang one year ay pinapauwi ka na.” akala nila ay “yaya” ang nanay ko pero nagkakamali sila, di na lang umimik ang nanay ko at tumawa na lang.
0 notes