zachocha
zachocha
Komunikasyon at Pananaliksik
3 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
zachocha · 8 years ago
Text
Movie Review
Sa daming pelikula na aking napanood sa nakaraang taon, iilan lamang ang para sa akin ay ‘di ko malilimutan. Pero, merong isang pelikulang nagpakita ng makabuluhang mensahe, kahit ito ay isang action movie. Ang pelikulang ito ay ang Kingsman: The Golden Circle. Kinekuwento dito ang mga pagsubok ng isang Kingsman, sa totoo ay isang secret agent, at paano nila ito napagdaan sa pamamagitan ng pagkaka-isa. Ang pelikulang ito ay sumusunod sa unang Kingsman kung saan namatay ang mentor ni Eggsy, ang bida, at sinimulan ito ang pagpatay sa ibang mga Kingsman. Pagkatapos, dalawa na lang silang natira, si Eggsy at si Merlin. Sunod, haharapin naman nila ang mga kalabang pinaplanong kumalat ng isang droga na maaaring ikapatay ng milyong-milyong tao sa mundo. Para maresolba ang suliraning ito, at nalaman nila na buhay pa pala si Harry, ang mentor ni Eggsy, sinama nila ito sa pagtalo at pagpatay sa hinihinalang pinuno ng Golden Cirlce, si Poppy. Hanggang dito ko na lang sasabihin ang mga detaly kasi kung dinagdagan ko pa ay masyado na maraming spoiler. Ang mensaheng nais ipalabas ng pelikulang ito ay mareresolba lahat ng problema natin sa buhay kung mayroon tayong kasama para iresolba ang problemang iyon. Kakaunti lamang o wala talaga ang magagawa ng isang tao, limitado ito at batay ito sa kanyang kakayahan. Idadaan lang ito sa sakripisyo at lakas ng loob para matapos at maresolba ang mga problemang iyon.
0 notes
zachocha · 8 years ago
Text
Kinahihligan
Ang tao ay may maraming gusto sa buhay. Ito’y maaaring bagay na magpapatuwa sa kanila, o isang tao na magbibigay halaga sa buhay nila. Kahit ano pa man iyun, lahat tayo meron. At siyempre, sasabihin ko sa aking kinahihiligan. Para sa’kin, dito malalaman kung anong klaseng tao ang iyong makikila. Kung ang hilih niya ay maglaro ng iba’t ibang sports, siya siguro ay isang active na person. Ang iba naman ay may hilig sa pagbabasa ng mga libro, siya siguro ay isang matalinong indibidwal, o mahilig lang talaga siya sa mga libro. Ang kinahihligan ko, ay ang paglaro ng iba’t ibang video games. Alam ko na ito ay isang stereotypical na bagay na aking sabihin dahil ako ay isang teenager, ngunit mayroon akong ibang dahilan. Kapag ako’y naglalaro ng mga games, sa kung anong dahilan, nakakalimutan ko ang lahat ng problemang maaari kong nararanasan. Masyado siyang cliche, pero para sa akin ay totoo ito. Ito lamang ang iilang sandali na natutuwa ako at hindi ko na kailangang pag-isipan ang iba pang bagay. Lalo na kapag kasama ko ang aking mga kaibigang maglalaro, nalalaman kong meron palang ibang tao na handang samahan ako sa paglaro. Sa mga panahong ito, nawawala ang mga problema ako. Ang nasa isip ko lamang ay patayin ang mga Grineer at Corpus sa Warframe, o magka-pentakill sa League. Isa lamang ito sa mga ginagawa ko para maramdaman ko kahit kaunti, ang mga magpapasaya sa buhay ko.
0 notes
zachocha · 8 years ago
Text
Paglalakbay
Sa buong buhay ko, maraming lugar na ang napuntahan ko. Sa loob at sa labas ng bansa. Pero may isang lugar na hindi ko makakalimutan. Siyempre, kapag unang beses ka pa lang nakadating sa isang lugar ay ubod ka ng tuwa dahil ang dami mong pinag-iisipang gawin o puntahan. Para sa akin, ang lugar na ito ay Japan. Nagpunta kami roon noong katapusan ng Mayo hanggang unang linggo ng Hunyo, at ito ay ang pinakamasayang linggo sa buong buhay ko. Umaga pa lang ng araw na iyon ay hindi ako makapaghintay na makarating roon. Tinatago ko lang ang tuwa ko kasi antok na antok pa ako noon. Gumaan pakiramdam ko noong pagdating namin sa airport at doon na rin kami ng almusal. ‘Di importante yan, diretso na tayo sa paglapag namin sa Japan. Sa airport pa lang nila doon, ramdam ko na ang katuwaan ko, sinabihan pa ako ng nanay ko sa kumalma. Nakalabas na kami ng airport, ngunit hindi namin alam kung paano kami pupunta sa lugar na tutuluyan namin. Pagkatapos ng maraming pagtatanong, nagtren na lang kami papunta sa isang station na nalimutan ko na ang pangalan. Nakadating na kami sa apartment at pumasok kami sa kwarto. Wala kaming oras para magpahinga, pagdating na pagdating namin umalis kami ulit. Hanggang hating gabi, nasa labas kami naghahanap ng pagkain, mabibilhan ng mga gamit, at kahit ano na gusto naming puntahan. Lahat ng ito ay nangyari sa unang araw pa lamang, paano pa kaya kung kinwento ko pa ang mga sumunod na araw. Pagkatapos ng lahat, at limang araw, nakauwi na kami dito sa Manila. Hindi ko matigilang tandaan ang lahat ng nangyari sa maikling panahon na nasa Japan kami. Ito lamang ay isa sa maraming kuwento ng paglalakbay sa buhay ko. Pinili ko ikuwento ito dahil siyempre, kasama ko ang aking pamilya, at para sakin, ‘di makukumpleto ang buhay ng isang tao kung hindi kasama ang kanyang. Isa lamang ito sa maraming bagay na magpapatuwa sa buhay ng tao.
0 notes