Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Ang Umibig sa Inang Kalikasan
Katangi-tanging ganda ng Kalikasan.
Bilang bakasyon ng aking Lola dito sa Pilipinas ay nagyaya siya na kami ay pumunta sa Pagsanjan Falls, Laguna bago siya bumalik muli sa ibang bansa. Isa ito sa mga memoryang aking pinapahalagahan at pinakamamahal sa lahat. Sa aking paglalakbay, ating tuklasin ang katangi-tanging ganda ng Laguna.

Sa lugar na aming pinuntahan ay dito makikita ang angking ganda ng kalilasan at ang tanawin sa ibang parte ng Pilipinas. Taon 2008 noong kami ay nagpunta sa Laguna upang puntahan ang Pagsanjan Falls, sa panahon na ito ay tatlong taong gulang pa lamang ako ngunit sapat parin ang aking ala-ala upang maibahagi aang aking paglalakbay.
Ano Nga Ba Ang Mayroon Sa Laguna?
Ang pangalan na Laguna ay nagmula sa Laguna De Bay isang anyong tubig na bumubuo sa lalawigan. Ang lalawigan ng Laguna ay matatagpuan sa rehiyong CALABARZON sa Luzon sa Pilipinas. Ang Santa Cuz ang kapitolyo ng Laguna at isa ang Pagsanjan o Pagsanjan Falls sa atraksyon nila rito.
Anong Transportasyon Ang Kakailangan Upang Makapunta Rito?
Isa sa mga maaring gamitin na transportasyon papunta sa Laguna ay ang sariling pribatong sasakyan o kotse. Dahil ito ay mahaba-habang niyahe kaya mas mainam na maging komportable papunta sa naturing na destinasyon. Kung walang sasakyan na magagamit ay maaari naman na umarkila ng kotse o van. At kung hindi pasok sa budget ang umarkila ng pribadong sasakyan ay maaari rin naman na gumamit pampublikong transportasyon tulad ng bus ngunit maaring magdoble ang oras na intutuon sa biyahe, at hindi sigurado ang iyong sasakyan pauwi.
Gamit ang nabangit na mga nabangit ay siguradong makakarating ka sa Laguna. Kung magmumula sa Dinalupihan hanggang sa Laguna ay magtatagal ay biyahe ng limang oras at mula Laguna hanggang Pagsanjan naman ay aabutin ito ng kulang isang oras.
Kultura at Pagkain sa Laguna
San Pedro Sampaguita Festival
Ang San Pedro ay isang sa mga lugar sa Laguna na likas sa Sampaguita at ito rin ang naturingan na inustriya ng Sampaguita. Ang pistang ito ay patungkol sa pambansang bulaklak g ating bansa. Sa araw ng Pebrero 21 ipinagdiriwang ang kapistahan nito at nagtatagal ang selebrasyon na ito ng isang lingo kung saan maraming aktibidad at programang nakahanda para sa pista.

Mga Pagkain na kilala o sikat sa Laguna
Buko Pie

Espasol
Puto Binan
Okoy
Kesong Puti

Mga Atraksyon Na Maaaring Mga Aktibidad Sa Pagsanjan Falls Sa Laguna
Ang Pagsanjan Falls ay makikita sa Pagsanjan, Laguna. Isa ito sa mga kauna-unahang tanawin na maaaring puntahan ng turista.
Dahil nga isa ito sa atraksyon, nasubukan naming na sumakay sa bangka upang makitang ang ba’t-ibang klase ng puno, rock formation at ang yamang gubat dito.
Napuntahal rin naming ang devil’s cave, ito ay may kadiliman at may pagkapanghi ngunit nabawi rin dahil sa kakaibang rock formation sa loob ng kweba. Hindi naming nagawang umakyat noon sa bundok dahil sa hindi maaaring umakyat ang bata sa bundok kahit na may gabay ng magulang. Nakakapanghinayang dahil hindi ko nagawang makita ang ganda ng Pagsanjan Falls sa ibang perspektibo.




Mga Realisasyon
Ang Umibig sa Inang Kalikasan ay isa sa mga mahahalagangpag pagkatanto ko sa aking buhay. Nakakagalak na sa edad na tatlong taong gulang ay nabigyag ako ng magkakataon na makita ang ganda ng ating kalikasan. Ang aking mahalagang natutunan sa lakbayin na ito ay ang buhay ay parang isang talon o agos ng tubig. Patulong lamang hindi nagiging sagabal ang mga batong nakaharang upang ito ay magpatuloy kagaya sa buhay magkaroon man ako ng probleman, hindi ko dapat ito hayaan na maging hadlang ito para ako ay magpatuloy sa gagamitin ko ito upang mas mapagtibay ko ang aking sarili at mas lumakas ang aking tindig. Simisimbolo ito ng kadalisayan, katahimikan, at may malinaw intension sa buhay, mabibigay ito ng kapayapaan upang makapag-isip at pagnilayin ang mga pangyayri. Ang agos ng tubig ay minsang mabilis o minsan mabagal ngunit nag importante ay patuloy itong umuusad, tulad na lamang sa buhay, hindi importante kung gaano kalaki o kaliit ang progreso na iyong nagagawa ang importante ay may pag-unlad na nangyayari.
1 note
·
View note