isinalin ko lang sa tagalog 'yung "ginny {genie} in a bottle" pasensya na po kung sumakit po ang ulo niyo
Don't wanna be here? Send us removal request.
Video
tumblr
Ok so I was lying down on my bed and these tiny magnets just so happened to stick to my thigh. They were the remnants of my poetry magnet kit I was playing with that Monday morning and I genuinely believe that there exists no other combination of words that could fit so perfectly, yet so ironically.
Brilliant scar
Vulnerability is presented to us as if it's a disadvantage, something to be hidden. Tears make you a crybaby, a whiner, a loser. A failing mark automatically makes you dim witted, or lazy, or inadequate, you name it. We are taught to hide our wounds and scars because they make us the weak ones in a world where strength is necessary and glorified. But I refuse to believe so.
Brilliant scar
Your scars are brilliant. They are physical manifestations of the battles you've fought, and (1) won because you're still alive and thriving or (2) still fighting and pushing through no matter what the circumstances. Fuck those people who try to paint a pretty picture of themselves, thinking that this is the best way to feel superior. No. I raise a glass for the people who embrace their brilliant scars and who believe that their imperfections make them the best they can be. I applaud the ones who are brave enough to admit they're weaknesses rather than show off their strengths. I bow down to the people who also believe that there is nothing but brilliance to be found in a person's scars. These people possess enough grace and wisdom to know that being strong is not about striving for perfection. True strength stems from the ability to be excellent while at the same times acknowledging the flaws that make you uniquely you.
0 notes
Text
“Not everything is supposed to become something beautiful and long-lasting. Sometimes people come into your life to show you what is right and what is wrong, to show you who you can be, to teach you to love yourself, to make you feel better for a little while, or to just be someone to walk with at night and spill your life to. Not everyone is going to stay forever, and we still have to keep on going and thank them for what they’ve given us.” - Emery Allen
2 notes
·
View notes
Text
Dear Johnson
Today, I was handed a sheet of paper with a question asking me how I would respond to Johnson’s situation wherein he is deciding on whether or not he should fly abroad to marry his partner, who is also a man. Sadly, my piece of advice for Johnson was not in the list of choices we could choose from. So, Johnson, here's what I really want to say to you.
Dear Johnson,
Don't listen to me, or to anyone for that matter. If you ask me though, I would tell you to marry him if that's what you really want. If you ask me, I would tell you to go marry him and kiss the heck out of him if that's what you want to. I would tell you to marry him if he makes you happy like no one else can. I would tell you to marry him if he loves you and makes you feel loved. I would tell you to marry him if you see him as your best friend, who can understand you even at your worst. I would tell you to marry him if he sees how imperfect you are but still decides to love you in spite of all your flaws. I would tell you to marry him if he's the one who can make you feel complete, if he's the one who you want to wake up next to everyday, if you know that he's the one you can unconditionally love. But, don't listen to me.
Listen to your mind and your heart.
You are probably in the right state of mind to decide for yourself if you are already looking into having a marriage with someone. You are free enough to make your own choices and to live the life you would like to live. So if that means getting married to this man in some city in the United States of America, then go do it. I'm not stopping you, no one is stopping you. It's basically legal. So, go for it.
I'm only going to advise you to stop and think about it if you are unsure with what you feel, because it happens. There are times when doubts step into the picture and this, for me, is a big red flag. I am telling you this not because you are gay, but because marriage is a huge step and will definitely change your life. If you are having any second thoughts, maybe it’s just not the proper time to marry yet. It probably means you are not ready to give your 100% to this man who might not also be in the right state of mind to share a life with you. After marriage, you will no longer be individuals, but you will share one life, one soul. You will live in the same roof, maybe even start a family. After marriage, you will forever be the property of one another and if you cannot see yourself in the arms of this man forever, pause for a while and get to know each other more. Take your time and savor every moment you will spend with one another until you are certain that you are ready to give yourselves to each other.
But then again, who am I to stop you from marrying anyone, be it a man or a woman? Only you can decide for yourself. Listen to what your mind and heart will tell you, and follow it.
Best of luck, Johnson! I hope you have the time of your life with this man while you conquer the world together.
Sincerely,
Ginny
P.S. Major props to you for actually going as far as thinking about marrying this man. It takes a lot for people to even think about the possibility of marrying each other because of the immense amount of commitment marriage entails. The simple fact that you are considering marrying this man, and that you are possibly formulating your wedding vows in your head as we speak, it must mean you are serious about this relationship you have with him. Plus, the fact that we live in a world where tons of people have struggles accepting change, makes you all the more courageous. It must be difficult to go through every day life with your partner and to be glared at by those who are close-minded. It must be a challenge to openly express your love for one another without being called out for being “disgusting” or whatever insult they can come up with. It must be hard. But for you to even think about marriage, for you to even think about spending the rest of your life enduring the possible discrimination you will both face for deciding to be together forever, that makes you strong. And I commend you for this bravery you possess. Good luck again with all your endeavors, I wish you all the best. Be happy, live life, love.
-
This is my personal response. This is my answer. It may be "wrong" on paper, but this is the right response in my heart. Love is a wonderful thing that comes in various forms and no matter what happens, I will always believe in the beauty of this mystery that is love and no one can change that.
#cant help it#im sorry lol#lgbt rights forever and ever amen#it's kind of dry#but incredibly appropriate
0 notes
Text
Kaya Ako Bumitaw
Ang pagmamahal ay hindi pabigat. Maihahalintulad ang pag-ibig sa simoy ng hangin, na kaya tayong itangay patungo sa kalangitan kung saan natin makakamtan ang pinakamagaang na pakiramdam. Ang pag-ibig ang siyang may kakayahang alisin ang bawat problemang humahadlang sa’tin upang makalipad, at hindi ito ang dapat na ugat ng iyong mga problema. Hindi dapat maging problema ang pag-ibig. Ang pag-ibig ang dapat na nagdudulot sa’yo ng saya at hindi kasawian, pero bakit parang hindi tayo ganoon? Bakit parang ang pagsasama natin pa ang bagay na nakakasira sa’tin? Bakit hindi na ako natutuwa sa pag-iibigan natin? Pag-ibig pa ba ang tawag dito o nag-iba na siya ng anyo? Ang dati nating pagmamahal ang bagay na tuluyang dumurog sa puso ko. Hindi na ‘to pagmamahal, kaya ako bumitaw.
Pasensya na at iniwan kita dahil unti-unti nang umiiba ang tingin ko sa pag-ibig. Napapaisip ako kung totoo nga bang ang tunay na pag-ibig lang ang magdadala ng kasiyahan sa buhay ng isang tao. Nababaluktot na ang pagtingin ko sa pag-ibig at napapaniwala ako na imbis na saya ang dala nito, ang dala niya ay hapis at sakit. Hindi na kasi tayo tumutugma sa tunay na kahulugan ng pag-ibig. Kaya ako bumitaw. Dahil kung hindi ako bumitaw dito, hindi ko na ata kakayaning magmahal muli. Kung kumapit pa ako kahit na ngalay na ngalay na ang munti kong braso, mapapaniwala ako na sugat lang ang mauuwi ko sa pagmamahal sa isang tao. Madudumihan ang dati kong pagtingin sa pag-ibig at hindi na ako maniniwala sa mga sabi sabi ukol dito.
Ayoko rin sana maapektuhan ang tingin ko sa’yo. Sa ngayon naaalala ko pa kung paano tayo nagsimula. Kung paano ako nahulog sa kalaliman ng iyong mga mata. Kung paano mo ako lagi pinapasaya. Pero sigurado ako na kapag pinagpatuloy ko lang ang ginagawa na’tin ngayon, matatakpan ng madilim nating kasalukuyan ang maaliwas nating nakaraan. Hindi ko na maalala ang ngiti mong nakakatunaw, ang tawa mong nakakahawa at ang puso mong napakataba. Maalala kita bilang ang taong nagdala ng hapdi sa puso ko. Maalala ko ang mga pagkakamali natin. Maalala ko ang mga pagkukulang mo. Maaalala kita bilang ang taong sumira sa napakagandang tingin ko sa pag-ibig. At ayokong makalimutan ang kagandahan ng iyong loob dahil sa mga sunod-sunod nating mga pagkakamali ngayon.
Eto ang dahilan kung bakit ako bumitaw, dahil nakakalimutan ko na ang saya na dati kong taglay at ang sigla na dati mong dinadala sa aking buhay. Bumitaw ako dahil gusto kong bumalik sa maganda nating simula, sa kung paano tayo nagkita at kung paano natin minahal nang lubusan ang isa’t isa. Kaya, mahal, bumitaw ka na rin. ‘Wag mo nang kapitan ang nasisira nating relasyon. Maghanap ka na ng ibang bagay, isang bagay na bago at maganda, na puwede mong kapitan. Kung gusto mo, sasamahan kita ulit. Kung gusto mo, kumapit ulit tayo at puwede tayong magsimula ulit. Kung gugustuhin natin, puwede tayo bumuo ng bagong kakapitan at sisiguraduhin kong hindi ko uulitin ang mga mali kong ginawa. Kung gugustuhin natin, puwede nating balikan ang tunay na kahulugan ng pag-ibig na ito ang siyang magdadala ng tunay na kaligayahan sa ating buhay.
Kaya mahal, bitaw na, at sa pagbitaw mo, puwede pa tayong lumigaya at kumapit ulit.
0 notes
Text
Pasensya Na
Patawarin mo ako.
Pasensya na at hindi kita rineregaluhan dahil akala ko sapat na ang presensiya ko. Pasensya na at hindi ko nabili ang gusto mong sapatos at inakala ko naman ay mas magugustuhan mo na ibigay ko na lang sa’yo ang lubos kong pagmamahal. Pasensya na at hindi ko pa napapanood ang paborito mong palabas dahil patuloy kong tinititigan ang taglay mong kagandahan at ayokong pumikit dahil baka sa aking pagmulat ay mawawala ka na sa aking harapan. Pasensya na at hindi kita masyadong yinayakap dahil hawak-hawak ko pa ang puso na binigay mo sa akin noong tayo’y nagsumpaan. Pasensya na at hindi tayo araw-araw nag-uusap dahil ang akala ko’y sobra sobra na ang pagmamahal na ibinahagi ko sa’yo na kahit na hindi tayo magkausap, may pagmamahal pa rin akong natitira sa mga palad mo na nagpapaalala sa’yo kung gaano ka kaganda, kung gaano ka kabait, kung gaano kita kamahal. Akala ko na nararamdaman mo ang bawat patak ng pagmamahal ko na kahit na tayo’y mawalay sa isa’t isa, hindi mo ako kakailanganin dahil nasayo na nga ang puso ko. Ang akala ko’y sapat na sa mga mata mo, kulang na kulang pa pala. Ako pala’y nagkamali.
Akala ko hindi ko na kailangan sabihin sa’yo na gusto kitang makasama dahil alam mo na. Akala ko hindi ko na kailangan sabihin sa’yo na miss na kita dahil alam mo na. Hindi na siya tinatanong dahil isa na itong katunayan. Alam na ng lahat na ikaw lang ang laman ng isip ko at ikaw lang ang sigaw ng dibdib ko. Alam na ng lahat. Kaya akala ko hindi ko na dapat sabihin pa, doon ako nagkamali.
Akala ko hindi ko na kailangan ulit-ulitin na mahal kita dahil alam na natin ‘yun. Akala ko hindi na kita kailangan siguraduhin pa dahil, oo, mahal nga kita. Mahal na mahal. Sobrang mahal kita na hindi ko na kailangan ulit-ulitin pa, dahil kahit na maghiwalay tayo at kahit na gusto mo na akong iwanan, mamahalin pa rin kita. Hindi mo pala alam ‘yon.
Walang bagay na kasing tunay ng pagmamahal ko sa’yo at akala ko’y hindi ko na dapat sabihin pa sa’yo. Ang pagmamahal ko sayo ay isang katotohanan na puwede nang isama sa mga history book dahil siguradong sigurado ako na mahal kita. Akala ko hindi ko na dapat ipaalala pa sa’yo ang katunayan na ito, pero mabilis ka nga pala makalimot. Kaya pasensya na at hindi kita natutukan at hindi ko naisip na may mga pagkakataon na kailangan ko pang ipaalala sa’yo kung gaano kita kamahal. Pasensya na at hindi ko ipinakita sa’yo ang lubos kong pagmamahal dahil sa aking mga maling akala. Pasensya na, nagkamali ako.
0 notes
Text
Nagsinungaling Ako
“Kung saan ka masaya, doon na rin ako.” Ito na yata ang pinakamalaking kasinungalan na binanggit ng napakaraming tao.
“Kung saan ka masaya, doon na rin ako. Kahit na alam kong mas masaya ka na di ako kasama. Sige ok lang na saktan mo ako basta hindi kita sasaktan. Ok lang ako dito na iniiwan mo ako, ok lang.” Bullshit. Absolute bullshit.
Dahil kahit na alam kong masaya ka kasama ang iba, umaasa pa rin ako na ako pa rin pipiliin mo. Umaasa ako na sasabihin mo sa akin na ako ang kaligayahan mo. Umaasa akong sasabihin mo na masaya ka pag kapiling ako at hindi siya. Oo na, sabihin mo nang makasarili ako pero hindi ko maiwasang isipin ang sarili kong kaligayahan, at ikaw yun. Ikaw lang ang kayang magpasaya sa akin at pipiliin kong mawala ka na lang dahil doon ka masaya? Paumanhin na, pero nagsinungaling ako. Nagsinungaling ako noong sinabi kong “Kung saan ka masaya, doon na rin ako.” Pasensya na.
Eto ang ibig ko sanang sabihin.
Kahit na hindi ako masaya, pipilitin kong maging masaya dahil hindi naman kita mapipilit na magustuhan din ako kung ang turing mo talaga sa akin ay bilang kaibigan lamang. Hindi sa ok lang sa akin na maging malungkot at hindi sa inuuna ko ang kasiyahan mo bago ang sarili kong maligayahan. Hindi ‘yun. Mas tugma sigurong sabihin na sumusuko na ako. Sinubukan ko na ang lahat para ako na rin ang maging kaligayahan mo. Kinaibigan kita. Tinanong kita ng tungkol sa iba’t ibang mga bagay para makita mo na may pake ako sa mga sinasabi mo. Binigyan kita ng iba’t ibang abubot para makita mong mahalaga ka sa akin. Binigay ko sa’yo ang puso ko, para makita mo na ganoon ako kaseryoso. Seryoso ako, pero ikaw hindi. Dahil kahit na ginawa ko na lahat para maging masaya ka, hindi pa rin ako ang pinili mo. Hindi mo naman kasalanan. ‘Yung ginawa ko, ginawa rin niya. ‘Yung binigay ko sa’yo, binigay rin niya. Pero siya siguro ang pinili mo dahil ‘yun ang sigaw ng puso mo. Siya siguro ang tinakda para sa’yo at hindi ako. Kaya hindi sa inuuna ko kasiyahan mo, pero hindi ko na lalabanan ang daloy ng buhay. Kung hindi ako ang gusto mo, hindi na kita pipilitin. Basta ‘wag mo nang ipamukha sa akin na tinambak ko lahat ng kaya kong ibigay para sa isang taong iba rin pala ang pipiliin. ‘Wag mo nang ipamukha na ako lang ang nagmahal sa’yo pagkatapos ng lahat nito. ‘Wag mo na akong kukulitin kung hindi mo naman ako pipiliin. Maging masaya na lang kayo, please, ‘wag mo na ako idamay.
0 notes
Text
To My Future Husband
I don’t know who you are and I don’t know how you look like. Maybe we’ve met already or maybe we haven’t. Maybe I’ll meet you tomorrow or in 10 years time or maybe I won’t meet you at all if destiny decides that I should be left alone in a home with 9 cats, I don’t know. I don’t know a lot about you right now, but here’s some things I know for sure.
I know you love me. Partially because you asked me to be your wife (hopefully, you meant it though when you asked me to marry you because if you went into this halfheartedly I don’t know what I would do) and partially because I allowed you to be my husband. I guess that means one of two things now. It’s either you passed every single item on my checklist or you loved me so much that I just had to love you back, and I couldn’t afford to lose someone like you in my life. Maybe you liked being deep with me, maybe you didn’t. Maybe you liked watching movies with me and crying every single time we watch it again, maybe you didn’t. Maybe you accept the fact that I’m a slob with my things, maybe you still don’t. Maybe you like reading poetry with me, maybe you don’t. It doesn’t matter who you are anymore. All that matters is that I had the guts to say “I do.” and promise to have a lifetime spent with you which means you probably did something right.
I love you, and I promise to love you up until my very last breath. I promise to uphold the vows that left my mouths the day we decided to become one. I promise to be good to you and to our future kids. I know it won’t be easy, but I promise I will try my best not to make it harder for you. I will understand you and care for you because I probably love you. I love you.
Now, I ask you of a few things. If ever you do fall out of love for me, (God, I hope not), I’d prefer that you tell me right away instead of hiding it within yourself until you see yourself doing unthinkable things with women I don’t know. I’d rather you kill me straight away with the truth that torture me with it. However, if you really are the man I chose to be with for the rest of my life, I’m thinking you won’t fall out of love for me. You will accept me as I accept you and you will love me as I love you. Hopefully, you are the right person for me and hopefully, I was right for you. I’m excited to see where our little infinity goes as we live life together.
Sincerely,
Your wife
#this was a light one#originally titled dear future husband#but meghan trainor#ugh#love#cant wait to find you though
0 notes
Text
Sana Naging Kayo Na Lang
Alam mo, sana nagkatuluyan na lang kayo.
Sana tinulungan na lang kayo ng tadhana para ayusin ang mga problema niyo. Sana tinulungan niya kayong mahulog para sa isa’t isa sa tamang oras at tamang panahon. Dahil, kung iisipin mo, nagmahalan naman talaga kayo diba? Pareho niyong nakita ang pinakamaganda at pinakamasamang asal ng isa’t isa at dumating sa punto na tinanggap niyo ang buong pagkatao ng kabiyak niyo. Ikaw, tinanggap mo na maingay talaga siya tumawa at ‘yung dating inakalang ingay ng tainga mo ay naging mahimbing na hele na ginagamit mo sa pagtulog mo. At siya naman, tinanggap niya na tahimik ka talaga pero nakita niya na sa katihimikan mong ito ay punong puno ng kulay ang isipan at mo at dito umuusbong ang magaganda’t mapapait na kwento ng buhay mo. Bagay nga kayo eh, bagay na bagay. Kung hindi lang naging kupal ang oras, naging kayo na.
Sana nga diba. Sana nasagot ang mga hiling niyo sa bituwin na magiging kayo, dahil di na siguro ako aasa nang ganito.
Kung naging kayo na lang, edi tatanggapin ko. Kikiligin pa nga ‘ko eh. Pero hindi naging kayo. Kaya andito ako, nagpapauto sa sarili at iniisip na baka hindi naging kayo dahil tayo ang itinadhana na magkasama. Kung naging kayo na lang, hindi ko na iisipin araw araw na may pagkakataon akong maging sapat para sa’yo. Sa bawat minuto na magkalayo kayo, iniisip ko nang masinsinsinan kung ano nga ba mangyayari kung naging tayo? May posibilidad nga ba? Umiikot ikot ang mga tanong na ito sa ulo ko hangga’t sa nalilimutan na ng isipan ko ang mga dapat kong pinag-iisipan dahil ang laman na lang nito ay ang mga tanong tungkol sa’tin, mga tanong tungkol sa inyo, mga tanong ko tungkol sa’yo.
Kaya sana naging kayo na lang.
Sana naging kayo na lang para di na ako umasa. Sana naging kayo na lang para hindi ko na iisipin na baka mahal mo rin ako. Sana naging kayo na lang para di ako nagmukhang ahas na inagawan ka ng kasintahan. Sana naging kayo na lang para hindi ako nagmukhang tira tira lang na pinagtiyagaan dahil hindi kayo nagkatuluyan. Sana naging kayo na lang para hindi mo ako mabintangang “mang-aagaw” kahit na wala ka rin namang karapatan para sabihin ‘yon. Sana naging kayo na lang para mawalan din ako ng karapatan na pag-isipan ka araw araw. Sana naging kayo na lang para tuluyan na kitang nalimutan dahil mayroon ka nang iba. Sana naging kayo na lang para masira na lahat ng pantasya na namumuo sa imahinasyon ko.
Sana naging kayo na lang, para di na ako masasaktan.
#sana naging kayo na lang#hugot#likhang pinoy#filipino#hindi ako ahas#may pinagaralan ako#hindi ako ganoon#lalayo na nga ako
0 notes
Text
Naiinis Ako Sa’yo
Alam kong wala kang ginagawa pero bawat galaw mo kinaiinisan ko.
Naiinis ako kasi ang dali para sa’yo. Ang dali para sa’yo tumawa, ngumiti at maghanap ng kaligayahan sa paligid mo. Naiinis ako dahil nakahanap ka ng kasiyahan, kahit na wala ako diyan sa tabi mo. Naiinis ako kasi ang dali para sa’yo na umiwas na lang nang basta, na para bang wala talagang nangyari sa’tin, na parang wala naman talagang “tayo”. Naiinis ako dahil mukhang kinalimutan mo na talaga lahat ng pinagdaanan natin. Naiinis ako kasi para bang binuhos mo na lahat ng pagdurusa nating dalawa sa balikat ko at ako na lang ang nagdadala ng bigat na dinulot ng lahat ng hiwalayan.
Kung madali para sa’yo, mahirap sa’kin. Mahirap pa rin para sa’kin na mawala ang presensya mo sa buhay ko. Kahit na alam kong walang darating, nagaaksaya pa rin ako ng oras na tingnan ang telepono ko, umaasang makatanggap ng isang “hi” man lang mula sa’yo. Oo, inaamin ko, tinitingnan ko mga retrato mo dahil hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hinayaang kong makawala ka mula sa mga kamay ko. Mahirap para sa’kin na pakawalan kung anong meron tayo dati at tanggapin na lamang ang masaklap na katotohanan na ayaw mo na. Nahihirapan akong isipin kung anong mangyayari sa buhay ko at wala na akong kamay na mahahawakan, balikat na maaakbayan, mata na tititigan. Nahihirapan akong isipin na mawawala ka na.
Naiinis ako kasi ang bilis mong kumilos. Ang bilis mong makahanap ng iba samantalang nandito pa rin akong si tanga na hinihintay ka. Naiinis ako kasi ang saya saya mo talaga habang hindi maubos-ubos ang luha na binubuga ng aking mga mata dahil ako’y iniwan mo na. Inis na inis ako sa’yo dahil ganyan ka.
Naiinis ako dahil ang ganda mo. Ang ganda mo talaga. At gusto kitang titigan bawat araw dahil walang larawan o iskultura ang hihigit pa sa gandang mayroon ka. Naiinis ako dahil ang perpekto mo. Lahat na yata na pwedeng ibigay na biyaya ng Diyos ay napunta sa’yo. Naiinis ako dahil ang galing mo. Ang galing mong sumayaw, kumanta, lahat na! Natuklasan ko nga rin pala na ang galing mong mag move on, buti ka pa. Naiinis ako dahil ang bait mo. Ang bait mo sa’kin bilang isang kaibigan na pinili kong mahulog para sa’yo dahil inisip ko na sasaluhin mo ako, at sinalo mo naman ako, pero di ko akalain na kung gaano mo ako kabilis sinalo, ganun din kabilis mo akong bibitawan. Naiinis ako dahil mahal kita. Mahal pa rin kita. Kahit na hindi mo na ako mahal, ikaw pa rin ang pangalang sinisigaw ng puso ko.
Pero mas naiinis siguro ako sa sarili ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit na sobra sobra na ang galit ko sa’yo, umaasa pa rin akong magkakabalikan tayo.
2 notes
·
View notes
Text
The Force That Lies Between Us
Will distance really keep you away from someone?
I’ve heard of oh so many people who have decided to distance themselves due to the mere fact that they are on the road to moving on and letting go. They choose to slowly drift so that one day, when they look back, they see no one standing there and they forget what they used to have. Does it really help though?
There’s something I learned in physics that may make sense in situations like these. Objects with mass have a natural tendency to attract one another. There is such a thing as “action-reaction pairs” and more often than not, an object with mass will apply an attractive force to another object with mass no matter how far the distance is between them. Unless they are objects with the same charge, an attractive force will always be present, longing to bring them together. (P.S. I’m not sure how accurate this is but if I recall correctly, this is true.)
So again, the question, does distance really help?
Maybe. In a sense, it does. The farther away you are from each other, the less force there is, I guess, and the less possibilities there are for the both of you to bond once again. I guess it does help because the farther you are from someone, you feel less physical presence from that significant other. As you walk away, his lovely laugh slowly fades into silence, his stunning smile gradually transforms into nothingness, and his entire being gets lost in the distance.
However, according to the laws that govern physics, there will always be that force pulling you back together.
The farther away you are from someone, the more you suddenly clamor for their presence. The scent of fresh strawberries will remind you of him and how he used to smell when you would cuddle underneath the warmest blankets. Even in the silence you will hear a voice, calling out your name, and you would wish that it was him shouting out at you when you looked over your shoulder. All the memories you had together will replay in your head like an annoying Meghan Trainor song you cannot seem to stop singing.
So maybe distance doesn’t help after all. Why so? Because it is in losing someone that you realize how much of your heart they kept for themselves, and you try to find a way to fill in the missing pieces yet you can’t seem to do it because they selfishly kept fragments of your heart in the hopes that you would realize that you need them, and you would realize you loved them. The distance between the both of you serves as a reminder of the strong forces you once had, the bond that you once shared, and it is in that distance that the hope of having another chance of being together is born again.
2 notes
·
View notes
Text
Kamunduhan
Likas na sa tao na maakit na tumungo sa masamang daan imbis na piliin kung ano ang nararapat. Kadalasan kasi mas madali na lang magkasala imbis na gawin kung ano ang tama. Mas madaling kumopya kaysa sa gumawa ng sariling likha. Mas madaling magnakaw ng gamit kaysa sa paghirapan ang gusto mo sanang makamit. Mas madaling magsinungaling na lang sa sarili kaysa sa tanggapin ang marahas na katotohanan na isinisigaw ng iyong budhi.
Mas madali na sanang mahalin ka na lang pero alam ng puso’t isip ko na mali.
Mas madaling tuluyan na lang mahulog para sa’yo nang walang tigil dahil sobrang dali. Sobrang dali kasi ang bait mo. Ang tamis ng mga salitang binibitawan mo sa’kin na lagi akong humihingi ng isa o dalawa pang kagat para matikman ang sarap na dinudulot ng mga sinasabi mo sa’kin. Sobrang dali kasi ang ganda ng mga mata mo na hindi ko talaga maiwasang mahulog para sa kalaliman nito. Sobrang dali kasi nakakasilaw ang ngiti mo na kahit na sinong tao ay sadyang madadapa ‘pag nakita ito. Ang dali daling mahulog para sa’yo dahil ganyan ka. Ikaw ang klaseng tao na gusto ko makasama bawat araw, bawat minuto, bawat segundo. Sobrang daling mahalin ka na lang, ngunit bawal.
Bawal.
Bawal akong mahulog para sa’yo dahil labag sa kalooban ko. Kahit na pilitin kong tama ‘tong pagmamahal ko sa’yo, mali talaga. Kahit na ulit-ulitin kong “Ok lang na mahal kita” alam ng konsensiya ko na bawal. Bawal dahil ang ikaw ay ikaw at hindi ko maiiba ‘yon. Bawal akong mahulog para sa’yo dahil alam kong maraming hindi matutuwa. Lulutang ang iba’t ibang tanong na unti unting pupunit sa munti kong puso. “Bakit siya?” “Anong meron sa kanya?” “Wala ka na bang ibang mapupuntahan?” At masasaktan ako kasi tama sila. Tama sila na ganun nga, bakit nga ako? Sa dinami-rami ng tao bakit nga ba ako ang pipiliin mo? Bawal akong mahulog para sa’yo dahil hindi ako sapat at may ibang taong mas angkop para sa’yo. Ang nararapat para sa’yo ay isang taong kayang pantayan, kung hindi kayang lamangan, ang kagandahan ng buong pagkatao mo. Hindi ko kaya ‘yun, kaya bawal.
Pero, sa pagkakataon na ito, patawarin mo na ako O Diyos dahil pipiliin kong pairalin ang aking kamunduhan, ang aking mga kahinaan bilang isang taong makasalanan. Hahayaan ko ang aking pagkatao na magkasala sa pagkakataon na ito dahil walang ibang bagay na nagdudulot sa buhay ko ng ganitong klaseng saya. Siya lang. Ang tangi kong kasalanan lang ang dahilan kung bakit pinipilit kong lumaban sa buhay na ‘to. Kaya patawad, dahil pipiliin kong magsala na muna sa pagkakataong ito.
1 note
·
View note
Text
Ulan
Ikaw ang kaisa-isang ulap na nagdadala ng malalakas na ulan sa buhay ko.
Tuwing nakikita kita, nararamdaman ko ang bawat patak tubig na tumatagos sa puso ko. May malakas na tunog na humahalintulad sa isang kulog na nagpapabingi ng tainga ko. Tila natamaan ng kidlat ang aking mga mata, tuwing ika’y aking nakikita. At tulad ng ulan, nararamdaman pa rin kita kahit na ikaw ay lumisan. Nag-iiwan ka ng bahaghari, na nagpapaalala sa’kin kung bakit kita hinahangaan. Parang ako’y nasisilaw sa matitingkad na kulay nito, at hindi na ako makakilos ng maayos nang ilang araw. Hindi rin agad nawawala ang singaw ng ulan na iniwan mo sa’kin. Naaamoy pa rin kita, nararamdaman ko pa rin ang iyong presensya. Ilang araw nananatiling basa ang kalooban ko, hangga’t sa dumating ang punto na makikita na kita ulit. Isa kang bagyo. Isa kang bagyo na aking inaasam-asam.
Tulad ng bagyo, may mga panahon na may dulot kang kadiliman sa buhay ko. Na tuwing naaalala kita, naninilim ang lahat. Lalo na’t ‘pag naiinis ako sa’yo. ‘Pag naiinis ako dahil hindi ka mawalay-walay sa aking isipan. ‘Pag naiinis ako dahil sa epekto mo sa’kin. Dahil tuwing nakikita kita, ginugulo mo lahat. Dinadaanan mo lahat ng emosyon na kayang maramdaman ng mahina kong puso at yinayanig mo mga iniisip ko. Winawasak mo lahat ng mga dati kong iniisip, at pinapalitan mo ng pag-iisip ko sa’yo, at sa’yo lamang. Sinisira mo ako at may mga panahon na di ko na nakikilala sarili ko. Dahil sa’yo. Pero alam mo anong mas nakakainis? ‘Yung alam kong hindi ako ang bagyo sa buhay mo. Dahil sino ba naman ako sa buhay mo? Kung bagyo ka, ako hangin. Hangin na hindi mo napapansin dahil hindi mo nakikita. Hangin na paminsan-minsan nagpaparamdam, pero sa huli ay nakakalimutan. Hangin na parang hindi mo kailangan, pero kailangan mo. Hindi mo lang alam, pero kailangan mo ako. At kailangan din kita.
Pero tulad ng ulan, nagpapasalamat ako sa’yo. Nangingibabaw pa rin ang lubos kong pasasalamat na nakilala kita. Dahil sa’yo, yumabong ang hardin na nandito sa puso ko. Tuwing inuulanan mo ako, unti-unting lumalaki ang mga puno at halaman na di ko namamalayan. Tinuruan mo ang munti kong puso kung paano magmahal. Salamat na rin dahil tumatag ako dahil sa’yo. Ang tubig na pinadaloy mo sa dugo ko ang tuluyang nagdala ng katatagan sa puso ko. Pinalakas mo ako ng todo. At hindi ako lalaki ng ganito dahil sa’yo. Kaya, salamat na rin na ako ay inulanan mo.
1 note
·
View note
Text
Kapos
Sa sobrang tangkad ko, lagi akong kinakapos sa tela.
Parating sumisilip ang puti kong medyas tuwing ako'y nakasuot ng pantalon. Hindi kayang balutin ng sinturon ko ang buong beywang ko dahil kapos. Lagi na lang kapos. Pati na rin sa ibang bahagi ng buhay ko, lagi ako kinakapos, lalo na sa ‘yo.
Sa iyong mga mata, hindi na naging sapat ang pagsisikap ko para mahalin mo ako. Sa iyong mga tainga, hindi sapat ang matatamis na salitang aking binibitawan para ako'y tanggapin mo. Para sa ‘yo, hindi ako ang taong kailangan mo. Pero, kailangan kita.
Naniniwala akong isa kang biyaya mula sa Diyos na dapat mapasaakin at mapasaakin lamang. Hindi kita pinapakawalan dahil ayaw kitang walain. Kailangan kita. Kailangan kitang makita, kailangan kitang mayakap, kailangan kong marinig ang malambing na boses.
Sa aking mga mata, ikaw ay sapat. Tanggap ko ang buong pagkatao mo. Tanggap ko na ayaw mo ng adobo. Tanggap ko na mahilig ka sa mga robot. Tanggap ko na ayaw mong kumakain ng baboy. Tanggap ko na gusto mong pinakikinggan ang Fall Out Boy. Pero hindi ko tanggap na hindi mo ako kayang mahalin.
Sa aking mga mata, ikaw ay sapat. Mali, ikaw ay perpekto. Pero lagi na lang akong kapos. Kaya kahit na ano pa ang gawin ko, kahit na akuin ko pa ang buwan, kahit na ialay ko sa 'yo ang buong mundo, lagi akong kapos.
Sana, balang araw, hindi na kukulangin ang tela ko.
0 notes
Text
Ang Kuwento Natin
Hayaan mong iulat ko sa’yo kung paano tayo mahuhulog para sa isa’t isa.
Normal lang ang ating simula. Tulad ng karamihan, tayo’y ipapakilala. Tayo’y magkakamayan, ngingiti-ngiti, pero hindi masyado magpapansinan. Walang kislap ng apoy na biglang sisindi sa iyong kalooban. Walang sinag ng liwanag na lilibot sa aking katawan. Walang byolin at piano na tututugtog sa iyong likuran. Wala. Dahil hindi espesyal ang paningin mo sakin, ako’y kusa mong babalewalain. Hindi naman talaga ako ganung klaseng babae. Hindi ako ang tipong nangongolekta ng mga titig. Pag ako’y iyong nakita, hindi mapapanga-nga ang iyong bibig. Ako ang tipong babae na hindi talaga iniibig.
Sa puntong ito baka napapatanong ka na, “Paano tayo magkakatuluyan?”. ‘Yan din tanong ko rin noon e. Ang posibilidad ng pagkakabuo ng konsepto ng “tayo” ay isang hiling na mahirap tuparin. Pero sa sobrang galing ng buwan at mga bituin, magagawa nila ang hindi akalain. Dahil balang araw nga ay magiging tayo rin.
May uusbong na dahilan kung bakit ako ay iyong kaiibiganin. Isang dahilan na manggagaling sa isang mahiwagang lugar na nakatago sa paningin. Tulad ng ating unang pagkikita, wala ka munang mararamdaman. Hindi siya mangyayari nang biglaan. Unti-unti mong bubuksan ang iyong puso, at pasulyap-sulyap lang ako sa laman nito, habang sinusubukan na makapasok dito. Ang simpleng pagtango ay mag-iiba ng anyo. Ito’y magiging maiinit na yakap na nanggagaling sa puso. Ang dating “hello” lang ay mag-iiba na, at magiging mahabang kuwentuhan hanggang dumating ang umaga. Ikukwento mo ang mga pangarap mo sa’kin, ang mga bituin sa buhay mo na gusto mong abutin. At ibabahagi ko naman ang mga problema ko, habang susubukan mong ayusin ang mga ‘to. At darating ang araw, na iyong matatanto, na ako’y hindi na dayuhan sa iyong mundo, kundi isang matapat na mamamayan na naninirahan dito.
Parating na ngayon ang pinakamahirap na bahagi, dahil tapos nang kumilos ang mga bituin. Nagawa na nila ang dapat nilang gawin at pinapasa na nila ang pluma nila sa’tin. Tayo na ang magpapatuloy sa’ting munting kuwento, pero kung iisipin mo, dalawa lang naman puwedeng mangyari dito.
Una, puwede nating isipin na ‘di natin kaya, na dahil tayo na lamang, ‘di natin magagawa. Puwede nating tuluyang isarado ang libro, at ibalewala ang mga nakasulat na rito. Puwede tayo maghanap ng ibang manunulat na mas matatag, na kayang hindi sumuko sa maliit na paghihirap lang. Pero puwede rin namang ipagpatuloy na’tin ito, hanggang sa gusto na nating huminto. Kaya naman ‘e, kaya natin isulat ang ating kuwento. Oo, mag-aaway tayo. Sasabihin mong gusto mong pumunta roon at gusto ko namang manatili rito. Talagang maiiba ang ating mga ideya at sasabihin mo sa sarili mo na ‘di mo na kaya, pero mali. Kaya mo. Kaya ko. Kaya na’tin. Kung gugustuhin lang natin na pagandahin pa lalo ang sinimulan na ng tadhana, kaya na’tin magsulat ng napakagandang akda.
1 note
·
View note
Text
Control Freak
I like being in control.
I like knowing what’s next and preparing for whatever is coming my way. I like sorting out all the things I have to do for the day. I like being in charge. And that’s why knowing you brought so many problems to my world.
You weren’t a problem at first. You were just some other friend I could add to the list of “nice people” in my system. Then eventually, you would provide me with laughs and memories and I transferred you to my “ close friends” list. Then eventually, I didn’t know where to put you. You would make me feel things I had never had before. I would smile at the mere thought of you. I would foolishly glance at my phone, hoping your name would pop up. I would lay down in bed, praying that you’re safe. I would sleep dreaming of you and wake up with you still in my mind. And I knew, you weren’t a “close friend” anymore, yet I still had no idea what you were.
This is strange to me because I like being in control yet whenever I’m with you I lose my grip. I lose myself. I do things I normally don’t. I try to be “cute” which is stupid, but I do it, because of you. And I am freaking out because I am no longer in control. You have crawled into my life like a vine, grasping on to me ‘til I no longer see myself. You are the puppeteer and I am the puppet, blindly following whatever you command me to do. You are not a “close friend” because I can’t control you. You control me.
But I guess the strangest thing is that, for the first time in my life, I don’t want to be in control anymore.
2 notes
·
View notes
Text
The Race
As the metal gate opens,
And her wings expand,
She glides above the mountains,
Gazing at the lands.
She had never felt so liberated,
Until this moment of release.
She can finally fly back home,
And find her inner peace.
As she journeys through the sky,
With a smile across her face,
An agile creature chases her,
As if challenging her to a race.
She viciously flaps her wings,
Like never before,
As she soars through the distance,
Not knowing what’s in store.
The creature catches up,
But she continues to try.
Tears flow down her cheek,
And she begins to cry.
From the soil of the Earth she flees,
Yet back to the ground she returns.
As the creature strikes her heart,
And makes her chest burn.
Her wings are still flapping,
As she attempts to escape,
The cruelty of this world,
And of this diabolical race.
Slowly she stops,
Realizing her journey is done.
She surrenders to humanity.
She concedes to the gun.
As she closes her eyes,
She begins to see,
What her life could have been,
But never will be.
She is not the first,
To have lost in this race.
But hopefully the last,
To take part in this chase.
3 notes
·
View notes
Text
A Mystery
You can possess all the knowledge, but you still would not know enough. This world has so many secrets that are yet to be answered. The fact that we still have no widely accepted explanation for how the world came about proves to show that there is so much to explore about this planet. There are still so many unanswered questions about this universe that scientists are scrambling to solve.
If their mystery revolves around this planet we call home, my mystery is you. This world cannot contain the amount of questions I have regarding you. Why you? Of all people, how come it had to be you? Why is it that your eyes are a perfect reflection of the rising sun? Or how is it humanly possible for anyone to have a heart as big as yours? What is the reason behind why my heart beats faster and faster as you approach? Why is it that you have such an enchanting smile, it can mesmerize creatures of all shapes and sizes?
And the list goes on.
Why? Why you? How come it had to be you? How come I had to fall for someone who was among the stars, among all celestial bodies, while I am here, lying on the filthy soil of the Earth, merely staring at your beauty? How come after pouring out every ounce of love I have for you, I still remain to be a dust particle in your gigantic world of fantasies? Why do you still choose her, a distant body, when I am here, willing and able to give everything and anything for you, just to be with you, just to hold you and just to love you?
And on.
Why you? Why do I choose to love you, the source of all my pain? Why do I succumb to such hurt when it is clear that you don’t care at all? Why do I scrape my knees, trip and fall just to chase you, as you chase someone else? Why is it that you can’t seem to see how much I have given for you? Why can’t you comprehend that a life with me would mean a life without worries, without pain, and without loss?
And it goes on.
But the sad thing is, whether the questions are answered or not, you will still remain a mystery. There will always be that secret chamber, hidden in your heart, that only you hold the key to. There will never come a point in your life wherein you have no secrets to tell.
However true this may be, I still choose to try to answer the questions that can be answered. I will still try to study you to the best of my abilities.
2 notes
·
View notes