#batID
Explore tagged Tumblr posts
Text
Tumblr media
✿﹏Batidentity // BatID⁠﹏
When bats are a very important or intertwined part of your identity
(Not anti xenogender obv.)
17 notes · View notes
pixelmesh-studio · 2 years ago
Text
Tumblr media
Ein paar Cocktail Ideen für zwischendurch.
0 notes
tigre-edi-rawr · 2 months ago
Text
kahapon ang dami ko nanamang nalaman. nakausap ko yung isa sa mga babaeng chinachat ng ex ko noon kahit buntis na ako. sa sobrang gulo ng isip ko, sinubukan kong lumabas ng bahay... nanood ako ng pageant ng pinsan ko at kahit papaano, naramdaman ko rin na nasa sarili ko ako.
nakakalungkot na lahat ng mga nakausap kong babae, ang baba ng tingin sakaniya at puro masakit ang sinasabi. nakakalungkot na yung taong minahal ko, minamaliit ng iba nang ganon. nakakalungkot na habang pinapahalagahan ko yung pamilya na pilit naming binubuo, hindi siya makaalis sa mundong puno ng maling ehemplo at gawain. nakakalungkot na sinayang niya kami ng anak niya para lang sa mga panandaliang saya o sa mga taong hindi naman siya mamahalin kung paano namin siya minahal.
kahapon, naramdaman ko na... hindi kami ang nakakaawa ng anak ko kung hindi siya. sa lahat ng nangyari, masakit... pero makakaraos rin ako. na kahit ganon, batid pa rin ng puso ko na mahanap yung pagpapatawad sa tamang panahon at sana mahanap na niya yung tamang landas papunta sa maayos na buhay. sana pahalagahan niya yung sarili niya kung paano ko siya pinahalagahan para mapagtanto niya na masaya malagay sa isang relasyon na kontento, payapa at puno ng pag-unawa, pagpapatawad, pasensya o pagmamahal. hindi sana siya multuhin ng mga pagsisisi para makabangon siya nang maayos mag-isa. makaangat sa buhay at maabot mga pangarap na noon pa man nababanggit na niya sakin.
siguro, tunay lang na magiging maayos akong ina. kung bibitawan ko na lahat ng sakit o anumang negatibo sa puso ko. kailangan kong tanggalin yon para palitan ng pag-asa, pagmamahal, at pagbangon.
lalo na ngayon... na meron nang titingala sakin na tao.
(gaya ng nasa pic sa baba, loljk)
Tumblr media
21 notes · View notes
hypocrisssy · 1 year ago
Text
"Kasi kabisado kita"
Hindi ko akalaing mas nakahuhumaling pala ang pag-ibig na ganito, pag-ibig na matututuhan kang mas makilala at makabisado.
Pag-ibig na alam ang mga ayaw mo at gusto, batid ang mga iniiwasan mo at mga paborito, kilala ang mga bagay na nagpapalungkot sa iyo at nagpapasaya at pansin kung bakit may mga sandaling tahimik ka.
Iba pala talaga kapag hindi ka lang kayang mahalin, bagkus kaya ring kabisaduhin. Hindi mo kailangang hingin ang mga bagay na kusa nang binibigay hindi mo man sabihin.
At siguro ito ang pag-ibig na mas pipiliin kong gustuhin, pag-ibig na alam kung paano ako unawain at kung paano ako iibigin.
© Mga salita ni Matt, Matter, Mattiest
24 notes · View notes
achilleusdeirdre · 10 days ago
Text
sa bawat dampi
pinunit na liham—
nanumbalik sa aking alaala ang mga pangakong iyong binitawan—kung paano mo hinagkan ang puso kong puno ng pag aalinlangan. ang unang halik sa labi, dama ko ang ingat sa bawat dampi. hindi lamang basta halik, tila may kuwentong isinasalaysay ang iyong labi.
sa’yo ko nakita ang mundong akala ko’y hindi para sa akin. “mahal kita,” salitang sa’yo ko lang lubos naunawaan ang kahulugan. ganito pala kung tunay, ganito pala magmahal. sana’y wala nang wakas, sana’y hindi magwakas.
ngunit sino nga ba ang aking nililinlang? hindi ba’t sarili ko rin? matagal ko nang batid. ngunit mali bang dayain kahit sandali ang pusong ayaw pang kumawala sa patalim? angmagbakasaling ako naman ang iyong lingunin?
hindi kita kayang titigan sa mga mata, sapagkat sa bawat sulyap, hayag sa paningin ang iyong pangungulila—hindi sa akin, kundi sa kanya, at sa nakaraang kailanma’y hindi mo lubos na napakawalan.
dama ko pa rin ang init ng iyong halik, ang bawat dampi, ang bawat paggalaw ng iyong makasalanang labi. laging nakapikit, takot masilayan sa iyong mga mata na hindi aking wangis ang iyong iniibig.
alam kong hindi ako. ramdam kong hindi ako— hindi kailanman ako.
nilisan mo man ang iyong tahanan, ramdam kong ika’y nangungulila. ang mga pangakong minsan mong ibinulong sa akin, ay ang mga pangakong minsan mo na ring isinumpa sa kanya. hindi iyon kailanman naging akin. hindi kailanman para sa akin—kundi para sa kahapong hanggang ngayon ay pasan mo pa rin.
nilisan mo man ang nakaraan, dala mo pa rin ang alaala.
at sa huli, sapilitang pumikit kahit mulat sa sakit.
---
tala ng may-akda: — isinulat ni @achilleusdeirdre — ika-labinlima ng hulyo, taong 2025 — bukas sa puna; malugod na tinatanggap. — maliliit na titik; sadya para sa lagdang pagsusulat.
2 notes · View notes
upismediacenter · 8 months ago
Text
LITERARY: bato
Tumblr media
Hango sa awiting Bato sa Buhangin ng bandang Cinderella
mahirap unawain
ngunit patuloy dadalumatin
dahil sa bawat pag-alo’y
bumubugso ang damdamin
ang bato—
isang piraso ng pagkakakilanlan
tungo sa dagat na walang sinasanto
patuloy na nagugulumihanan
ang pagbatong walang abog
patungo sa karimlan
ay ang paghulagpos sa tanikala
nang ako'y maliwanagan.
hindi batid ang kapalaran
ng bato sa buhanging sandamukal
ngunit itataya buong puso
nang bawat yaring tibok maunawaan
batong bukod-tangi
batong umukit sa diwa
batong dinaanan ng iyong kalinga
batong sinisigaw ang iyong pangalan
batong isinugal sa kamay ng oras
maaaring lamunin ng alon
batong masigasig
handang hintayin ang iyong tugon
ang pagbato sa pampang
tandang anuman ang kahihinatnan
sa langit walang tagpuan
kung ang bato’y anuring tuluyan
iyo bang pupulutin?
kung hindi’y tatanggapin.
pagka’t ang bato sa buhangi’y
tanda ng alagwa ng damdamin.
4 notes · View notes
miyvkiiz · 10 months ago
Text
𝙞𝙢𝙗𝙖𝙠𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙨𝙖𝙡𝙞𝙩𝙖𝙣𝙜 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙠𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙢𝙗𝙞𝙩𝙞𝙣 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙨𝙖𝙬𝙖𝙮 𝙠𝙤𝙣𝙜 𝙙𝙞𝙡𝙖
nakakatawa. hindi ko lubos akalain na aabot ako sa puntong gagawa ng mga prosa't tula para lamang maimbak ang mga nakatagong salitang ayaw sambitin nitong pasaway kong dila. ngunit ngayon... bakit tila may nag-iba? bakit sa halip na mag-imbak ng samu't-saring mga prosa't tula ay gusto ko na lamang itong takpan, itapon at muling magsimula? ako'y nagugulumihanan; bakit itong mga imbakan ng mga salitang hindi kayang sambitin ng pasaway kong dila ay nagmimistula na lamang mga alaala ng mga salitang dapat sana'y babanggitin noon nitong munti kong dila? nakakatawa. ito nanaman ako, nagsusulat ng prosa sa kabila ng mga gawain sa paaralan na dapat ko nang gawin, pag-pokusan at tapusin. ano ba iyan! narito nanaman ako, nagtitipa ng mga letrang walang kwenta't patutunguhan lalo na't hindi rin naman ito batid ng aking pinagsusulatan na sa kaniya pala ito nakalaan. nakakatawa, para akong sirang plakang paulit-ulit; walang sawang nagsusulat ng nilalaman ng damdamin habang ang mga ngiti ay sa labi nakaukit. nakakainis, nakakatawa, ewan ko ba, bahala na. mukhang kailangan ko na ngang isara itong imbakan ng mga salitang hindi kayang sambitin ng pasaway kong dila sapagkat, ayun na nga, wala na, tapos na. nakakapagod na, wala rin namang saysay at sa tingin ko'y wala na rin akong maisusulat pa sa munting imbakan na ito... at ang pinaka-nakakatawa pa rito, pagkatapos kong mapagdesisyunang isara ay muli nanaman akong nagbukas ng panibagong tambakan ng mga salitang sa tingin ko'y hindi nanaman kayang sambitin, sabihin at banggitin nitong nakakainis kong dila. ano ba 'yan, kailan ka ba magsasawa? — 𝘪𝘴𝘩𝘪.
3 notes · View notes
takbodaniel · 7 months ago
Text
'Di na De Tupi
Namuhay kaming may limitadong laki ng lugar. Minana lang ng magulang ko ang tinitirhan namin sa tatay ng papa ko. Biniyayaan lang kami ng mahigit kumulang 20 square meters para paikut-ikutin ang mga gamit sa loob ng tahanan.
Pagpasok sa pintuan, makikita na agad ang sala. Limang hakbang lamang, nasa kwarto na agad. Wala pang limang segundo, nasa kusina na kami. Katabi nito ang palikuran at ang hugasan ng pinagkainan. Isang diretsong bahay. Walang pasikut-sikot. Pero, nagkasya kaming anim sa pamilya.
Simple bahay. Simpleng buhay.
Gayun pa man, kahit maliit, kaya naming kumain nang sabay-sabay. Kapag oras ng kainan, sisiguraduhin naming ititigil ang anumang ginagawa upang harapang kumain. Salo-salo kami sa lamesa. Siksikan. Banggaan ng siko, ng tuhod. Minsan nga nakataas pa ang isang paa, nakapatong sa kinauupuan.
Nagagawa namin 'yun dahil mayroon kaming de tuping lamesa. 'Yung tila kabayo ng plantsa ang disenyo ng paa? Inilalatag na lang kapag handa na ang pagkain. Isasantabi naman kapag busog na at ubos na ang mapagkukwentuhan.
Kaya kapag nabibisita ako sa ibang bahay, na di hamak na mas malawak, natutuwa akong makita ang lamesa nilang mahaba at mabigat. Sinasalat ko ang kintab at pino ng ibabaw. Maging ang gilid ng lamesa, kinakapa ko para makita kung gaano kakapal. Nakamamangha lalo na kapag buhay na buhay ang kahoy na ginamit. Batid ko na agad na may kamahalan batay sa pagkakagawa. Pinulido. Pinaghirapan.
At pinangarap na magkaroon. Mas masarap sigurong kumain at tumambay sa lamesang gawa sa matibay na kaho? . Siguradong mas madami pang kwento ang mabubuo sa bawat kanto ng hapag.
Pero sabi nga nila, malaya nating ilista ang mga mithiing hindi pa kayang abutin. Hindi sapat na ibulong sa kalawakan at hayaang siya ang magdesisyon kung ibibigay o hindi. Nasa notes ng cellphone dapat ang listahan. Kahit pahaba nang pahaba. At tila hindi mauubos. Gaano man kahirap arukin, mahalaga, unti-unti, nababawasan. Naaabot. Nakakamit.
Gaya nito, mayroon na akong lamesa. Mahaba, makapal, hindi na de tupi. Kasya at kinaya.
Tumblr media
Salo-salo pa rin.
Tulad ng dati. Hindi lang pagkain ang sumarap. Maging puso ko'y nakangiti.
Tumblr media
Maligayang Bagong Taon!
6 notes · View notes
dyulyana · 1 year ago
Text
nang mawala ka,
bahagi ko ang sumama,
may kung ano sa akin ang nag-iba,
kalahati ko yata sumahukay na.
di ko mahanap kung ano,
alam kong may nagbago,
di ko rin mapagtanto,
nais kong lumayo, magpakalayo.
kapayapaan ko ang pag-iisa,
walang kausap, walang kakilala,
tumatawa subalit lumuluha,
di batid lalim ng pangungulila.
mahigit tatlumpung araw na,
buhat nang lumisan ka,
kailan maiibsan kailan titila,
buhos ng ulan sa mga mata.
akala ng iba ay madalj,
sanayin yaring sarili,
ang di ka marinig muli,
makasama kahit sandali.
#mgatulaparakaydiosa
2 notes · View notes
mauvevlinder · 2 years ago
Text
GANDANG LIWLIWA, SAN FELIPE, ZAMBALES
Tumblr media
Tuwing sasapit ang tag-init, Liwliwa, San Felipe, Zambales ang takbuhan ng mga nais magpalamig. Sapagkat ito ay may malaking parte ng anyong tubig na siya namang ipinagmamalaki ng lungsod at dahil din sa kaakibat nitong mga magagandang tanawin at nakakarelaks na tunog ng hampas ng alon ng dagat. Ito rin ay kilala dahil sa maganda nitong sunset at kilala rin itong isang surfing spot ng mga eksperto pati na rin ng mga baguhan at kung nagnanais kang maranasan na ikutin ang dalampasigan mayroong ATV bike adventure na maaring rentahan.
Tumblr media
(Ang larawan na ito ay galing sa https://www.rome2rio.com/map/Dinalupihan/Zambales)
Dalawang paraan ng pagbiyahe mula Dinalupihan papuntang Zambales
BUS - 2 hours and 26 minutes
DRIVE - 1 hour and 31 minutes
Ang plano naming magkapatid na pagbisita sa Liwliwa, San felipe, Zambales ay biglaan lamang, ninanais lamang namin bumisita sa lugar ng isang araw. Kaya habang bumabyahe ay naghahanap na rin kami ng lugar na tutuluyan pansamantala sapagkat halos lahat ng mga hotel sa lugar ay kinakailangan muna ng reservation at hindi nirerekomenda na mag walk-in. Idagdag din ang pagbuhos ng ulan na hindi namin inaasahan, kaya kami ay nagdadalawang isip kung itutuloy pa ba namin o hindi sapagkat inaalala namin ang aming seguridad sapagkat madulas ang kalsada at hindi namin batid ang dulot nito sa aming kaligtasan. Ngunit sa huli ay napagdesisyunan naming ituloy at mag-ingat na lamang sa pagbyahe.
Sa pagdating namin sa bungad ng lugar ay ang pagharang sa amin ng mga tourist guard na siyang nagtanong sa amin kung saan kami galing at kung ano ang aming pakay. Hiningan nila kami ng entrance fee dahil ito raw ay regulasyon ng departamento ng turismo para sa pagpapangalaga ng kapaligiran at pagpapanatili ng kaayusan nito. Sumunod ay ang paghahanap namin ng aming tutuluyan, kami ay nahirapan sapagkat ito ay na sa kabilang dulo ng aming lokasyon. Ang lugar din ay hindi sementado at dahil nga sa pagbuhos ng ulan ay mayroong nabuong mga putik at baha. 
Tumblr media
Nang amin ng pinasok ang compound ng aming tutuluyan bumungad sa amin ang nipa hut, lababo, paliguan, kusina at bahay kubo. Dahil tatlo lamang kami ay isang nipa hut lamang ang aming nirentahan. Napansin namin na parang ginawa ang lugar na ito sa makalumang paraan at tradisyonal. Kulang din ang mga gamit gaya ng pang kusinang kagamitan at kabinet na lalagyan ng aming mga kagamitan o damit. Sa pagpasok namin sa nipa hut ay maliit lamang ito ngunit kasya naman kaming tatlo at pwede na rin tuluyan pang isang araw. Wala ring internet ang lugar at signal kaya kung nagnanais ka ng pahinga malayo sa syudad at mga tao ang lugar na ito ay para sa iyo. Noong kami ay nakapag-ayos na ng aming mga gamit ay pinuntahan namin ang dagat at naligo sumandali ngunit hindi kami lumayo sa dalampasigan sapagkat napakalakas ng mga alon. Pagkatapos naming maligo sa dagat ay bumalik din kami sa aming tinutuluyan upang makapaghanda sa hapunan.
Tumblr media
Dahil nga biglaan lamang ang pagbisita namin ay wala kaming baon na pagkain kaya napagkasunduan namin na lumabas at maghanap ng makakain. Dahil ang lugar na aming tinuluyan ay halos sa dulo na ng lugar ay mahaba at matagal na lakaran ang aming ginawa, idagdag din ang baha at putik na sumalubong sa amin sa paglalakad. Ang una naming pinuntahan ay ang carinderia ni Mommy Phoebe ang mga pagkain na hinahain nito ay lutong bahay at mga ihaw-ihaw gaya ng isaw, betamax, at barbeque.
Tumblr media
(Ang larawan na ito ay galing sa restauranguru.com)
Tumblr media
Kasunod na aming pinuntahan ay ang Kapitan’s Liwa, ang mga pagkain na hinahain nito ay mga pasta, filipino food, pastries at american food.
Tumblr media Tumblr media
Bago kami bumalik sa aming tinutuluyan napagdesisyunan ng aking ate na pumunta sa dalampasigan upang maglakad at pakinggan ang tunog ng alon ng dagat. Sa aming paglalakad ay nakita namin na may bukas na bar malapit sa dagat na may pangalang Bangan Beach Bar kaya naman amin itong pinuntahan at bumili na rin ng inumin. Kami ay nanatili sumandali at nanood ng lalaking sumasayaw habang may binubugang apoy, sa pananatili, amin itong kinagiliwan at kinamangha. Pagkatapos nito ay bumalik na kami sa aming tinutuluyan upang magpahinga at gumising ng maaga para pumunta sa dagat.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Kinabukasan kami ay gumising ng maaga at naghanda para sa almusal. Kumain kami ng almusal sa Fely’s store and Canteen mayroon silang iba’t-ibang bariyasyon ng almusal gaya ng tuyo, tocino, at spam. Mayroon ding silang libreng kape na ibinibigay.
Tumblr media
(Ang larawang ito ay galing sa Tripadvisor.com.ph)
Pagkatapos naming mag-almusal ay naglakad ulit kami ng matagal papunta sa dalampasigan at naligo sa mababaw na parte ng dagat. Mga bandang 10am ay umahon na kami at bumalik sa aming tinutuluyan upang makapaghanda na sa aming pag-alis sa lugar.
Tumblr media Tumblr media
Isama ko na rin ang aking karanasan sa mga residente ng lugar na siya namang napakabait at matulungin sa mga turista. Sila ay maasahan at mapagkakatiwalaan. Banggitin ko rin ang mga turista na siya ring nakakagulat na masayang kasama, kahit na hindi namin sila kilala ay may respeto at pagpapahalaga silang ipinapakita. Marami rin silang kwentong dala tungkol sa kanilang karanasan sa buhay. Nakakatuwang isipin na kahit hindi namin kilala ang aming mga nakasalamuha ay may kabutihang loob silang ipinakita.
Sa pagtatapos ang aral na aking nakuha mula sa aming karanasan sa pagbisita sa Liwliwa, San Felipe, Zambales ay napakahalagang magplano sa lahat ng okasyon, dito ko nabigyan ng importansiya ang pagplaplano ng detalyado at mayroong back-up na plano kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan. Bago rin pumunta sa lugar na nais puntahan ay dapat na alamin ang panahon sa araw na iyon at iayon ang kasuotan at gamit na dadalhin upang masaksihan at maranasan ng mas malaya ang lugar para rin makapag hanap ng lugar na matutuluyan na pasok sa inyong standards. Akin ding isasama na magdala o magbaon na lamang ng pagkain imbes na bumili sa labas sapagkat may kataasan ang presyo ng mga bilihin sa lugar. At panghuli, kung ninanais ninyong bisitahin ang Liwliwa nirerekomenda kong puntahan ninyo ito sa panahon ng tag-araw upang maranasan ninyo ng mas masaya ang paglalakbay.
5 notes · View notes
whimsicalparadies · 1 year ago
Text
Kamatayan 1
“Atleast nagawa ko lahat…” Alam kong hindi ito ang pinakamagandang entrada ng isang sulatin. Sulatin? Para kanino ko ba toh sinusulat? Kung laman lang naman ito ng aking pag-iisip, o aking tatawaging “agam-agam?” Di na ako magpapaligoy-ligoy pa, napasulat talaga ako dito buhat ng ako’y hingal na hingal na. Saan? Sa buhay. Kamatayan? Tunay nga bang ito ang solusyon sa lahat ng di kaaya-aya nating karamdaman habang tayo’y nabuhuhay? Kung gayon, ay bakit takot na takot tayo rito? Dahil ba’t ito ay misteryoso? Isang bagay na di natin lubusang mauunawaan hangga’t di natin nararanasan, at isang bagay na di na maihahalintulad sa iba kapag nadanas ng isa. Ngunit inilahad ni Oscar Wilde na, “Death must be so beautiful. To lie in the soft brown earth, with the grasses waving above one's head, and listen to silence. To have no yesterday, and no tomorrow. To forget time, to forget life, to be at peace.” Dahil dito, napaisip ako, ano ba ang mas kaaya-aya? Ano ba ang mas kakayanin ko? Saan ba ako mas liligaya? Ang pagharap sa bawat hamon na ibinabato sa akin ng buhay? Ang paghanap ng tinatawag nilang “fulfillment” sa tuwing may mga bagay kang nakakamtan? O ang humimlay ng payapa, walang iniisip, walang hinahabol na hininga, walang sinasabayang daloy ng panahon, at maging malayang bahagi ng sansinukob na nagbibigay liwanag at kahulugan sa lahat ng di ko na maisa-isa pa. Hayaan niyo muna akong mag-kwento pansamantala. Sa totoo lang, gumising lang talaga ako bigla na para bang masyado kong nararamdaman lahat ng bagay, dumoble lahat ng sakit, ng lungkot, ng galit, ng irita, alam kong may mga nararamdaman ako, ngunit ang pinaka-higit na dumoble sa akin ay ang “kawalan” o “emptiness” sa Ingles, na para bang sinampal ako ng kamanhidan, na sa sobrang manhid ay nakahahapdi sa bawat sandali ng aking paghinga, ng aking pag-iisip, pagkilos, at paggawa. Habang patagal nang patagal, ang mundo’y para bang kumukulimlim, sumisikip, bumibigat, at nakalulunod. Nakakawala na ng gana, wala na akong gana sa hapagkainan, wala na akong gana sa mga bagay na dati’y nakapag-bibigay kagalakan sa akin, wala na akong ganang lumabas, wala na akong ganang makaranas, wala na akong ganang kumilos, wala na akong ganang humarap sa kahit kanino, wala na akong ganang lumakbay, wala na akong gana, wala na akong gana. Lagi ng walang gana. Di ko alam saan nanggagaling toh, di ko mawari ano ba ang pinanghuhugutan ko, napakalabong kawalan at kalungkutan, ngunit ang tanging batid ko’y wala akong kawala sa sitwasyon kong ito. Kung mayroon, ito ay malabo, hindi ko matagpuan. Biruin mo yon, sarili kong isip tinatraydor ako. Binibigyan ako ng mga problemang hindi naman totoo, at hindi naman nangyayari. Binibigyan ako ng sakit, ng galit, ng suklam, at lahat-lahat ng mga bagay na ikinasusuka ng sistema ko. Paano ako hindi magagalit? Paano ako hindi magwawala? Paano ako hindi maiinggit sa mga taong hindi binabagyo ng kanilang saloobin!? Nakakatawang isipin na ang tanging pahinga at kalayaan ko lamang ay pagtulog, at sa mga sandali na walang laman ang aking isip, ako’y nakababalik sa reyalidad, sa mga panahong ako’y nakakalimot mag-isip. Habang ako’y nabubuhay at nag-iisip, alam kong patuloy kong mararamdaman ang kamanhirang nakahahapdi’t nakalulunod sa aking kaluluwa. Kaya sa kasalukuya’y aking nang nauunawaan, kung bakit kay raming yumakap sa kamatayan, sapagkat dito lang nila mararamdaman na sa wakas, nagkaroon na rin ako ng kontrol sa mga bagay-bagay, na sa wakas matatahimik na rin akong tunay, na walang akong nakaraan, kasalukuyan, at kinabukasan, na hindi ako binibilangan ng oras, na hindi ako hinahapo sa mga pangyayari’t isipan ko. Totoo nga na we suffer more in our imagination, than reality. Sa mga pagkakataon na tayo’y nalulumbay, at batid natin ang dahilan, mas nakakaya natin at natutuklasan ang tamang solusyon, ngunit sa mga pagkakataon na tayo’y namamanhid o nalulungkot na di natin malaman ang dahilan, ng di natin maunawaan ang pinanggalingan, na bunga lamang ng pag-imbento ng ating isip, at agam-agam, ay ang hirap palang makawala’t makaahon. O kamatayan, tulungan mo ako.
2 notes · View notes
watkahel · 2 years ago
Text
sa pagbagtas at pagbatid.
ang batid bumagtas, babagtasin ang kabatiran. simpleng ayos ng chiasmus na nasa pormang ABBA.
ang batid bumagtas, babagtasin ang kabatiran. napili ang mga salita sa kagustuhang magkaroon ng magandang daloy sa dila gamit ang pakikipaglaro sa letrang 'b'. dagdag roon ay napili ang mga salitang nakasaad para sa mas maayos na konteksto ng kaisipan. ang pagbagtas ay kumakahulugan sa pagdaan o pagsuong, pero sa daang hindi pa nadadaanan o nalalaman. ang pagbatid ay pag-alam, isa sa malakas na pwersa sa buhay ng tao. karunungan. kung walang dunong ay walang pagpanday sa karanasan. dahilan sa kung bakit tayo nabubuhay.
ang batid bumagtas, babagtasin ang kabatiran. ang kabatiran ay ginawa para bagtasin, tanging daan para mapagpaigi ang sarili, para maiwasto ang mga mali, para matanaw ang tamang tahak gamit ang mga bagay na patuloy na malalaman. may mga puntong ang batis ng kabatiran na babagtasin ay nakakatakot, rumaragasa, at maingay. pero laging mayroong nakaambang kalma at ligaya sa kabila ng malalakas na agos. o kung hindi man ay may higit na aral, na magtuturo kung paano mas maging bihasa sa pagbagtas, para sa mas mabibilis, malalakas, at nakakalulang alon sa batis ng kabatiran.
laging banggit ng nanay ko noon na hindi sapat ang dunong kung walang sigsa at sikap. sabi niya kasi noon ay tamad ako, at wala akong patutunguhan kung puro talino. ang chiasmus na ito ay simple, pero ang simpleng aral na ito na natutuhan saking huling klase ay malapit sa puso. pumasok ako sa klase na laging may bitbit na takot, sapagkat hindi naman talaga sumusulat at kumakatha, na malaking manipestasyon ng impostor syndrome buhat nang pumasok sa komarts. cliché man kung pakinggan ang huling klase sa unibersidad ang nakapagbuod ng aking danas sa kolehiyo. kakayanin kung may kagustuhang matuto, kahit sa bagay na hindi mo gusto. kalaunan ay matututuhang mahalin ang bagay na hindi mo inaasahang mapapalapit sa iyong pagkatao. 
para kanino ko binagtas ang kabatiran ng pagtula? para sa dating sarili, at maaaaring para pa rin sa sarili ngayon na maraming kinatatakutan sa buhay. nakakatakot ang pagtanda, pero sa klase ay natutuhan sumuong sa maliliit na bagay tulad ng pagtula. ang klase ay nakapagbatid ng mensahe na kakayanin at kakayanin. hindi ko inisip na matatapos ang klase, o kung matapos man ay may mga kasamang pulang remarks at mga palyadong marka. pero ang pagtutula ang isa sa mga nagpaalala sa akin ngayong taon na walang madali sa buhay. patuloy na kakailanganin ang pagpanday ay pagpapahusay sa lahat ng bagay. ika nga sa isang kantang nalaman ko sa kapatid ko (Lights - Up We Go), nothing gives easy, easy gives nothing (ang galing kasi noong malaman ko itong lyrics na ito, hindi ko pa alam na chiasmus ang tawag sa mga ganito). gusto ko rin ialay ang dulo ng intro na ito na magpasalamat sa mga kaklase, vvi, shai, maya, at emil sa mga suhestyon, at kay emman, ang self-proclaimed evil kong propesor sa klase, sa pagmulat sa akin at sa amin sa panibagong perspektiba ng buhay, gamit ang kanyang mga talinhaga.
pagpasensyahan ang mga akda, hindi ako bihasa, pero sinikap kong kathain ang mga iyan. sana ay magustuhan ninyo.
-zai
2 notes · View notes
dead-poets-stuff · 2 years ago
Text
kahit paulit-ulit kong halikan ang mga paa ng diyos, kahit gaano kataimtim akong magdasal bawat gabi, ako’y mananatiling isang makasalanang nilalang.
ang kasalanan na galing sa aking mga magulang ay dumadaloy sa aking dugo, nakaimprenta sa aking pagkatao.
ito’y hindi basta basta maalis, hindi mabubura kahit isang daang beses pa akong mag tampisaw sa ilog kung saan bininyagan si hesus — ang bigat ng aking kasalanan ay doble pa sa aking mga magulang.
siguro ay wala na akong pag asa, hindi na ako masasagip ng kahit ano pang dasal ang aking sambitin nang paulit ulit.
ngunit ikaw — ikaw na tumanggap sa akin ng buong pusong walang pag aalinlangan simula noong una tayong magkakilala, magagawa mo pang gawin ang mga bagay na iyong ninanais, magagawa mo pang lumayo sa akin at sa kapahamakang dulot ko.
nalalabi na lamang ang aking mga araw. kung ako’y papanaw, nais ko munang matiyak ang iyong kaligtasan. kaya parang awa — ako’y iwan mo na.
ang pagmamahal na ito’y aking ikukubli, bahala na kung ito’y hindi mo batid. basta para sa iyong ikabubuti.
ang mga araw ay lilipas, aking kamatayan lumalapit.
ako'y nakaluhod sa harap ng diyos, tinatanggap ang kaniyang parusa hangga’t buhay ko’y kanyang bawiin.
sa bawat pag patak ng aking mga luha, tahimik at taimtim kong ipinagdadasal ang iyong kaligtasan. kahit alala ko’y iyong ibaon, kahit ako’y iyong kamuhian.
sa susunod na buhay, kung ako'y papalarin. sa susunod na buhay ika’y aking mamahalin nang labis. sa susunod na buhay, tatahakin ko kapalaran ko sa iyong tabi. sa susunod na buhay.
Tumblr media
originally posted on facebook, on my account @ wilted-hopes乱
5 notes · View notes
dzeyzi · 2 years ago
Text
Palagi
Lumipas na ang mahigit isang taon Ngunit pag-ibig kong alay sa ‘yo ay nandito pa ring nakabaon Minahal kita sa mga nagdaang kahapon At pag-ibig ko’y patuloy pa ring umaahon hanggang ngayon
Isang taon na rin ang lumipas noong nakilala kita nang walang kamalay-malay Hindi inaasahang pati puso ko’y kasama mong tangay Batid kong malayo ka man at hindi mahahawakan ang iyong kamay Ngunit asahan mong ang pag-ibig ko sa ‘yo ay mananatiling pantay
Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking kaisipan Noong una kitang nakilala mula sa kapaligiran kong puno ng ingay at kalungkutan Hindi ko inasahan na ikaw pala ang siyang magbibigay kulay Sa mundo kong walang buhay
Hindi ko namalayan na ikaw na pala ang dahilan Sa aking mga dinadasal At tuwing ikaw na ang pinag-uusapan Tila ba parang ako’y nauutal
Ngunit ngayon na nandito ka na Kahit may natitira pang pangamba Alam kong si kupido na ang dahilan sa pagpana na aking nadama At panatag na ang aking loob na ako’y sayo itinadhana
Sa Diyos ay ikaw lamang ang tangining hinihingi At ika’y hindi na ibabahagi at itatanggi Dahil alam mo namang hanggang sa huli Ako’y sayo palagi - jc a poetry i made inspired by tj monterde’s palagi :)) dedicated to my beloved, doc tricia <3
6 notes · View notes
upismediacenter · 2 years ago
Text
FEATURE: Atin Siyang Salubungin: “Prinsipe Bahaghari” ng Teatrong Mulat
Tumblr media
“May mga umaawit na gumamela? Mga nagsasalitang ahas at pusa? Lumilipad na papet? Niloloko mo ba ako kaibigan?” Aba’y hindi! Natunghayan namin mismo ang mahiwagang pagtatanghal ng ating mga kaibigan mula sa Teatrong Mulat ng Pilipinas.
Anong pagtatanghal? Syempre, ano pa ba kundi ang Prinsipe Bahaghari! Nais mo ba silang makilala?
SAAN TAYO PATUNGO?
Tumblr media
Hango sa klasikal na kwentong pambata na “The Little Prince” ni Antoine de Sainte-Exupery, ang kwento ng ating munting prinsipe ay muling binigyang-buhay ng Teatro Mulat. Sa halip na sa disyerto ng Sahara, dadalhin tayo ni Prinsipe Bahaghari sa Pilipinas upang pagmasdan ang mga hardin ng gumamela. Sino bang hindi masasabik na umawit kasama ang bagong kaibigang si Kwentista, ang mga tala, hari, at nilalang na namamalagi sa ating bayan?
Itinampok sa “Prinsipe Bahaghari” ang pagmamahal ng prinsipe sa kaniyang gumamela matapos maglakbay sa iba’t ibang mundo, at kilalanin ang iba’t ibang mga hari. May kabagalan man ang ilang bahagi ng dula, gaya ng pakikisalamuha sa mga hari, sila nama’y bumalik kasama ang mga tagpong nakakapagpabagabag! Paano nga ba umusbong ang produksyon ng gayong istorya at pagtatanghal?
ANG ATING MGA GABAY
Taong 2019 nang unang tinahak ng Teatrong Mulat ang unang mga hakbang sa pagbuo ng dula na isinulat ni Vladimeir Gonzales, sa ilalim ng direksyon ni Aina Ramolete at ng producer at assistant director na si Prop. Amihan Bonifacio-Ramolete. Kalaunan, ito ay nakalipad sa kauna-unahang pagkakataon sa online dulaan noong pandemya. At ngayong taon, muling sumabak sa paglalakbay si Prinsipe Bahaghari, at natunghayan na natin siya sa pisikal na entablado. Tunay na nga ito, kaibigan!
Tumblr media
NGUNIT SINO NGA BA ANG TEATRONG MULAT?
Bilang pinakaunang Teatro Papet Museo sa bansa, ibinibida ng Teatrong Mulat ng Pilipinas ang mga sining, alamat, at kwentong-bayan mula sa iba’t ibang lugar sa Asya. Kinikilala din ang kanilang galing sa paglahok sa samot-saring paligsahan sa buong mundo. Batid niyo bang ginawaran din bilang National Artist noong 2018 ang founder nito na si Amelia Lapeña-Bonifacio? Bukod pa rito, madalas din silang makikita sa mga gawaing pampamayanan kasama ang mga organisasyong tulad ng HELP Learning Center Foundation at UNICEF.
Alam mo ba na bukod sa Prinsipe Bahaghari, marami na ring isinagawang programa ang Teatrong Mulat sa mga nagdaang taon! Ang ilan sa mga ito ay ang “Dalawang Bayani” (1996) at “Ang Pagong at ang Tsonggo” (1977).
Tumblr media
MGA BAGONG KAIBIGAN
Tumblr media
Pinaliligiran ng sining at musika ang mundo ng Prinsipe Bahaghari. Bilang mga pangunahing tauhan, sa mga papet ibinuhos ng produksyon ang kanilang galing at kakayanang pansining—mula sa pagkulay at pagguhit, paglalaro ng mga ilaw, hanggang sa pagsulat ng mga dayalogo’t awit. Kaya naman, ating kilalanin ang ilan sa mga tao sa likod ng dula!
Tinampok sa dula ang mga tauhang puppeteers. Una na rito si Prinsipe Bahaghari, na siyang pinagalaw nina Arvy Dimaculangan, Jeremy Bravo, at Sig Pecho. Binuhay naman nina Shenn Apilado, Karlo Erfe, at Harvey Rebaya Sallador ang karakter na si Kuwentista. Para sa mga hayop, ang Pusa ay pinagalaw nina Mary Allen Asuncion, Ravelyn Emerald Dar Juan, at Cian Jes Avendaño, at si Mary Allen Asuncion naman sa Ahas. Hindi rin magpapahuli si Ravelyn Emerald Dar Juan sa pagbibigay-buhay sa tauhang si Gumamela.
Para naman sa grupong sining-biswal, pinangunahan ito ni Aina Ramolete, ang direktor at isang alumni ng UPIS. Isa rin siya sa mga mangguguhit at pangkalahatang production designer ng dula. Nilikha naman ni Clariz Caingat ang mga tauhan sa istorya, at binuhay ni Napoleon B. Rivera Jr. ang mga bidang papet. Si Steven Tansiongco naman ang nagsilbing graphics and video designer, habang si Gabo Tolentino ang tumayo bilang lights designer.
Sandali, mayroon pa! Hindi rin malilimutan ang mga sumulat at bumuo ng nakatutuwang awit na sina Arvy Dimaculangan, ang music and sound designer na galing ding UPIS, at si Jessamae Gabon, ang music composer. Naging boses ng batang prinsipe si Kherwind Zane Duron, habang isinatinig naman ni Ron Capinding ang Kuwentista. Ngunit, tandaan: marami pang mahuhusay na kaibigang sa likod nitong tanghalan!
Kung nais niyo pang tangkilikin ang kanilang mga proyekto, may publikasyon inilimbag ang Teatro ukol sa kanilang proseso ng pagbuo ng dula! Naku, hindi niyo ito nanaising palampasin! Ayon sa playwright, inaanyayahan nila tayong basahin ang kanilang librong pinamagatang “Ang Paglalakbay ni Prinsipe Bahaghari,” sa Philippine Writers Series ng UP Press at Likhaan: UP Institute of Creative Writing. Matatagpuan ang kanilang teatro sa Amelia-Lapeña Bonifacio Theatre sa Quezon City at maaari niyo ring bisitahin ang kanilang social media sa Instagram (@mulatpuppets) at Facebook (Teatrong Mulat ng Pilipinas).
MGA TALANG NAGNININGNING
Naramdaman sa buong dula ang kahalagahan ng mga relasyong ito at ang pagkakabuklod natin sa isa’t isa. Sa katotohanan, unang nagkaroon ng anyo ang istorya mula sa kakilala ni Gonzales na kapwa-manlilikha sa UP, at kamag-anak din pala ng isa sa kaniyang mga unofficial mentor sa sining ng dulaan.
Makikita din ang temang ito sa direksyon ni Direk Aina. Ninais niyang gawing isang pagbibigay-pugay sa ating mga mahal sa buhay ang dula. Halimbawa nito ang kaniyang lola na nagbigay ng inspirasyon para sa tauhang si Kwentista, gayundin ang kaniyang kaibigang si Edel, na isa nang talang kumikislap sa kalangitan. Bukod dito, handog din ng direktor ang kwento sa ating mga hindi malilimutang panahon ng kabataan na nananalaytay pa rin sa ating mga puso at diwa.
HALINA’T SIMULA NA NATIN ANG ATING PAGLAKBAY!
Pagdating sa mismong dula, aba, pakiramdam namin ay bumalik kami sa aming pagkabata! Hindi ito dahil sinasabi naming pambata lang ang mga papet! Kundi dahil tunay na kahanga-hanga ang mga larawan at tagpo ng mismong palabas.
Tumblr media
Maliit ang entablado ng Teatrong Mulat, gayunpaman, hindi ito naging hadlang sa mga ipinamalas na sining biswal at set design. Ang mismong tanghalan ay binubuo ng iba’t ibang hugis at istruktura na yari sa mga piraso ng katsa at kahoy. Gamit ang projector, inilapat ang mga larawan, salita, shadow puppets, at iba pang special effects na ipinakita sa teatro. Sa bandang gitna, may makikitang bilugang butas na naging sentro sa mga eksenang itinanghal. Gayundin, hindi nagmistulang maliit ang espasyo at nagawa nilang pagalawin ang mga papet habang sila’y nagbibiruan at nagsasayawan sa entablado. Ang lahat ng mga elementong ito ay nagbunga sa isang nakamamanghang pagtatanghal.
MGA PAPET NA LIKHA, NAKATUTUWA!
Tumblr media
Ay, ang mga papet! Ang ating mga bida, hindi lang sa kwento kundi sa buong dula! Gawa sa rattan ang mga papet at kadalasa’y braso, ulo, at binti lamang ang gumagalaw na parte ng kanilang katawan. At isa pa, hindi sila nakapirmi lang sa isang pwesto! Sa isang papet, tatlong papetir ang nagmamando upang maging malaya ang ating mga kaibigan sa paggamit ng buong entablado. Kaya kahit hindi nagbabago ang ekspresyon ng kanilang mukha, punong-puno pa rin ng buhay ang mga papet. Isa sa mga paborito namin ay ang Pusa dahil tunay ngang malapusa kung gumalaw ito mula sa paglalakad hanggang sa pagkamot sa sariling katawan gamit ang mga paa, hindi mo mapipigilan ang sariling mapatili sa tuwa!
Nakuha naman ang loob ng mga manonood mula sa pagsasatinig sa mga tauhan pati na ng mga orihinal na kantang pinatugtog sa dula. Ubod ng husay! Talagang bibilib ka sa mga madamdaming boses sa kanilang pagpapahayag ng mga linya ng mga karakter! Kahit na medyo makaluma ang estilo ng kanilang dayalogo, hahalakhak ka pa rin sa binibitawan nilang mga biro—lalo na sa mga biro ng Kuwentista! Masigasig ang kaniyang paglalahad ng mga kwento at punong-puno ito ng karakter. Ganoon din ang ating munting prinsipe! Tiyak na ika’y maaaliw sa usapan at kalokohang namagitan sa kanilang dalawa. Mula umpisa hanggang dulo, mapupukaw ang iyong atensyon sa magandang interaksyon ng dalawang pangunahing tauhan.
At kung ito’y kulang pa, tiyak na mapapasabay ka naman sa mga awit at alindog ng mga haring nakilala ni Prinsipe Bahaghari!
Tumblr media
ANG KANILANG MGA KWENTO
Tumblr media
Syempre, hindi magpapahuli ang mismong kwento ni Prinsipe Bahaghari. Ang kwento ng buong dula ay punong-puno ng emosyon, tulad ng pagmamahal at pangungulila, at mas pinaangat ito ng huling tagpo nang pinaalala nila sa atin na kailangan natin magparaya at huwag ibaon ang sarili sa dalamhati. Makikita sa mga papet ang kalinga ng bawat tao sa likod ng produksyon dahil nais nilang iparamdam, ika nga ng prinsipe, na binabago tayo ayon sa pagmamahal na ibinibigay sa atin. Sa huli, ang inyong samahan at oras na ginugugol para sa isa’t isa ang nagpapabukod-tangi sa inyo mula sa iba.
Pinalalim pa ito ng paggunita at dedikasyon sa wakas ng pagtatanghal—“Para Kay Edel.” Ramdam mo na ibinuhos ng Teatrong Mulat ang kanilang pagmamahal at taos-pusong pagsisikap para lamang ihandog ang dula sa isang kaibigang wala na sa ating piling. Naging malamlam man ang pagpapatuloy, hinangad nilang maipakilala sa mga tao ang mahal na kaibigan, na tulad ni Prinsipe Bahaghari, maraming naituro at binago sa kanila. Gaya nga sa dula, sila’y tumitingala sa mga bituwin sa kalangitan, hinihiling na sana’y nakauwi at nakakapagpahinga na ang kanilang kaibigan.
SA MULING PAGKIKITA, KAIBIGAN!
Tumblr media
Masasabi naming binago kami ng Teatro sa ipinamalas nilang talento at sa paghandog sa amin ng aliw at pagmamahal. Talagang nanaisin mong balikan ang mga tinahak na mga planeta at kamustahin ang mga kaibigang nabuo sa kwento ng batang prinsipe! Kaya, mga kaibigan, kayo’y aming iniimbitahan na kamustahin ang mga makata at manlilikha ng Teatrong Mulat! Hindi-hinding niyo ito pagsisisihan. Hanggang sa susunod na paglipad, paalam! // nina Zaeda Wadi at Eda White
4 notes · View notes
aking-hiraya · 2 years ago
Text
aking hiraya... (ika-12 ng Setyembre, 2023)
https://weverse.io/seventeen/notice/14809?hl=en
sana makita kayong muli... isang taon na ang nakakalipas pero pakiramdam ko ay parang kahapon lamang. Batid kong mahihirapan akong makakuha ng nais kong bilyete sa inyong konsyerto- ito'y hindi maari.
Panginoon, eto lamang ang aking hiling sana ay manawari.
2 notes · View notes