#libot
Explore tagged Tumblr posts
Text
07282024 Update!
I just got home from a quick trip to Manila! Nag lunch lang kami sa Wolfgang's with our boss from Chicago! And he knows how to say "eyyyy!".
After ng lunch sa Wolfgang's, nag libot libot lng ng konti sa BGC kasama yung creative team! Nakakapanibago lang makita etong mga taong to na wala nang background sa zoom! Hehehe

Then after ma complete yung 10k steps, bumalik na ako sa airport para hindi ma iwanan ng flight pauwing Bacolod.
Nung na sa plane na.. Ang gwapo ng katabi ko.. Mag-isa lang din sya. And I hope mag kita kami ulit.
26 notes
·
View notes
Text
Baguio: Kuwento ng Lamig, Kultura, at Kalikasan

Nagkaroon ng Team Building ang mga guro sa paaralan ng Bayudbud. Bawat guro ay kasama ang kani-kanilang pamilya, kaya naman isinama ng aking Ina kaming tatlong magkakapatid. Nakakapanghinayang nga at hindi kami kumpleto ngunit sa kabilang banda ay natutuwa ako sapagkat makakarating na ako sa Baguio. Mayroon kaming tatlong araw para libutin ang iba't ibang lugar sa Baguio. Marami raw kasing magagandang pasyalan doon, at marami ring iba't ibang uri ng sariwang gulay at prutas.


Isa sa aming pinuntahan ang Philippine Military Academy, may isang museo roon na naglalaman ng kasaysayan, uniporme, at medalya ng mga nagtapos sa nasabing akademya. Mayroon din kaming nakita na mga sasakyang panghimpapawid ngunit hindi na ito gumagana. Matatagpuan din dito ang mga makasaysayang monumento at estatwa ng mga bayaning sundalo.


Dahil "first time" naming makapunta sa Baguio ay hindi namin pinalagpas ang pagkakataon na masubukan naming isuot ang tradisyonal na kasuotan ng mga Igorot. Marami pa roon na magagandang lugar katulad ng Igorot Park kaya naman hindi na namin napigilan manguha ng litrato.


Nagpunta rin kami sa Mines View Park kung saan maaari mong matanaw ang makukulay na mga bahay at magagandang kagubatan. Dito ay may nakita kaming kakaibang kabayo sapagkat ang kulay nito ay pink kaya naman hindi ako nagdalawang isip na subukan itong sakyan. Ako lang ang sumubok na sumakay dito sapagkat ang aking kapatid ay nadala ng takot.


At ang pinaka tumatak sa aking isipan ay ang Strawberry Farm kung saan ikaw mismo ang pipitas ng bibilihin mong strawberry, hindi kami bumili sapagkat ito ay may kamahalan kaya naman naglibot-libot na lang kami sa farm at sa aming paglilibot ay may hindi maiiwasang kulitan. Hindi na masyadong malinaw sa akin ang naging paglalakbay na ito sapagkat ako ay sampung taong gulang pa lamang. Ngunit hindi ko malilimutan ang pagkahulog ng aking ate sa may kanal ng strawberry habang kami ay naglilibot. Kaya naman kami ay dali-daling pumunta sa malapit na bilihan ng damit upang ibili siya ng aking nanay ng pamalit.
Nagtungo rin kami sa Night Market kung saan maaari kang bumili ng pasalubong o souvenirs. Maraming tao rito at ang nakatatanda kong kapatid ay nagpaalam sa amin na mag-iikot lang siya. Hindi ko maiwasang mag-alala sapagkat baka mawala siya bigla at hindi nya kami makita pero sa huli naman ay nagkatagpo pa rin kami. Naging masaya ang paglalakbay na ito sapagkat kasama ng ibang mga guro ang kanilang mga anak kaya naman hindi naging boring ang tatlong araw na paglalakbay.
3 notes
·
View notes
Text
Simbahang Walang Kapintasan, Na Siguradong Aking Babalikan
#lakbay-sanaysay #pilinglarang #OLPAG11STEM
Bahagi ng taunang educational trip namin ang pag punta sa simbahang Padre Pio, sa unang pag yapak ko pa lamang sa lugar na ito malamig na simoy ng hangin ang siyang bumungad sa akin, marahil isa na sa sanhi nito ay ang maaga na oras na pag dating namin bandang ala sais imedya ng umaga. Sa unang tingin pa lamang sa lugar ay makikita mona ang malawak, malinis at ka aya-ayang kapaligiran. Dito ramdam mo na agad ang katahimikan at kapayapaan na naka palibot dito.


Dumiretso na kami kasama ang aking mga kaibigan sa mismong simbahan na pinag dadausan ng misa ngunit bago makarating duon ay umabot ng humigit-kumulang limang minuto ang aming pag lalakad patungo rito. Pinag samang patag at pataas na daanan ang aming tinahak kaya naka ramdam kami ng kaunting pagod sa pag akyat dito nag ka biruan pa nga at mistulang hiking spot raw ang aming napuntahan, ngunit hindi masyadong naging problema ito sapagkat nakaka aliw ang mga halaman at gusali na nakapaligid dito dagdag pa ang malamig na simoy ng hangin na nag tanggal ng aming kapaguran. Kung ikaw ay mag sasama ng may kaidaran na miyembro sa iyong pamilya pag handaan ang medyo matarik na inyong dadaanan. Pag dating sa mismong simbahan, naka mamangha sapagkat malawak at maaliwalas ang estraktura nito idagdag pa ang mga rebulto o imahe na nakasabit sa may bubong nito na sadya namang nakakamanghang tingnan.



Pag dating namin sa mismong simbahan ay kasalukuyang pinag daraos ang misa kaya naman kinuha na namin ang oportunidad na maka dalo sa misa ng napaka gandang simbahan na ito. Nang matapos ng misa nag libot kami sa kabuuan ng lugar, makikita ang ibat bang imahe at establisimiyento sa loob ng lugar na ito. Nakapalibot ang mga spot kung saan maaari kang kumuha ng letrato tanda ng pag punta mo rito. Nakaka enjoy ding puntahan ang kanilang nag silbing souvenir shop sapagkat makikita mo rito ang ibat ibang produkto ng simbahan kabilang na ang mga pain relief rub, imahen ng Padre Pio, kuwintas, atbp. Isa pa sa nakapag pa mangha sa akin ay ang kanilang Holy Water Sanctuary, hindi man ako lubusang naka pasok dito at tanging pag silay lang ang aking nagawa kita, rinig at dama ko ang ganda at kapapayapaan sa bawat ingay ng agos ng tubig na ginagawa nito.



Saya at kapanatagan ng puso, yan ang aking naramdaman nang bumisita kami sa simbahan na ito. Maaliwalas at malinis ang buong lugar isa sa nag silbing rason kung bakit mas lalo akong nasiyahan sa pag dadasal sa panginoon habang nasa simbahang ito. Maging ang aking mga barkada ay nagandahan sa simbahan dahil sa angkin nitong katangian. Kaya naman nung naka takda ng umalis at pumunta sa ibang destinasyon ay lungkot ang aking naramdaman dahil iiwan na namin ang lugar na ito, sa katunayan ay kami ng aking barkada ang huling estudyante na hinihintay na sumakay sa naka destina sa amin na bus dahil maliban sa nasiyahan kaming lubutin at tumingin ng iba't ibang souvenir ay likas sa amin ng kaibigan kong si alexa ang pigiging pasigla ng aming katawan pag dating sa biyahe kaya naman kinailangan pa naming gumamit ng palikuran na nag kakahalaga ng sampung piso maibsan lamang ang aming nararamdaman, ngunit masasabi kong sulit ito sapagkat sadyang kay ganda at namentina ang lugar na ito maging ang kaibigan ko na si Alexa ay namangha dito. Nang matapos naming gumamit ng palikuran sa katunayan ay sinundo na kami ng kaibigan kong si Tin sapagkat kami na lamang raw ang hinihintay kaya lakad-takbo ang aming ginawa papunta sa bus, hapo man at pag ka putla ang aking inabot maging ang aking mga guro na si ma'am Luming at sir Ervin na siyang tinatawanan ako habang nakitang tumatakbo ay napansin ito, ngunit walang kaso ito sapagkat sulit ang pagod kung ang kapalit naman ay mas mahabang oras na pag lilibot sa simbahan na ito.


At masasabi kong ang simbahan ng Padre Pio ang pinaka magandang simbahan na aking napuntahan at tatatak sa aking puso at isipan kung may pag kakataon pa ay siguradong hindi ako mag sasawa na balik-balikan ito lalo na kung ang sunod kong kasama ay ang aking pamilya at espesyal na tao sa aking buhay. At sisiguraduhin kong sa sunod kong pag balik dito ay mapapasok ko na ang holy water sanctuary at mag karoon ng pag kakataon na maka hiling dito.
3 notes
·
View notes
Text
Lakbay sanaysay
Mykel Antoni M. Sambillo G11 - C1 - STEM
Una ay siguradong muling mag-kikita
Pumunta kami sa BGC taguig, kung saan nandoon ang aking tito na galing America, bagaman isang beses lang kaming nag-kita nung araw na yon, ay sigurado kaming mag papamilya na makikita pa namen sya, hindi lang noon.
Sa aming paglalakbay sa lungsod, isa sa mga pinakamahalagang bahagi ang pagtikim ng masasarap at kakaibang pagkain na handog ng siyudad. Hindi lang ito simpleng kainan; ito ay isang paglalakbay ng kalamnan at panlasa. Mula sa mga klasikong kainan hanggang sa mga modernong restawran, ang lungsod ay sagana sa masasarap na pagkain na nagmumula sa iba't ibang kultura at tradisyon. Ang bawat kagat ay parang isang pahina ng istorya, nagpapakilala sa amin sa iba't ibang panig ng mundo. Talagang nakakatuwa at nakakatakam ang mga pagkaing matatagpuan dito, na patunay ng yaman at kagandahan ng kultura ng aming lungsod.

Ang lugar ay napakaganda, isang nakakapanibagong pakiramdam. Itsura pa lamang ay alam mo ng gugustuhin mong tumira dito.
Sa aming paglalakad, nadiskubre namin ang mga magagandang tanawin at makasaysayang lugar na nagpapahiwatig ng mayamang kasaysayan ng aming lungsod. Bawat kanto at bawat eskinita ay nagtatago ng mga kuwento at alaala na nagbibigay buhay sa aming paglalakbay.

Doon nga ay nag-kita kami ng aking tito na si Tito Ian, kumain kami sa labas, kung saan parang 'bonding' na rin namin iyon, bagaman noon lang namin sya naka samang kumain, ay masaya at kapani-panibaong pakiramdam pa din iyon.
Ngunit higit sa lahat, ang pinakamahalaga sa akin ay ang panahon na aming ibinahagi habang kumakain kami kasama ang aming tito. Sa hapag-kainan, mas pinatatag ang aming samahan habang nagkukuwentuhan kami at nagtatawanan. Ang pagkikita namin ay hindi lamang tungkol sa pag-uwi ng aming tito mula sa ibang bansa, ngunit tungkol din ito sa pagkakataon na muling magsama-sama at magbahagi ng mga espesyal na sandali.

Doon nga ay pumunta kami sa iba't ibang lugar sa BGC, isa na sa pinuntahan namin ang SM na malapit, kung saan ay naka-usap at nakatawanan namin sya. Hirap man kami mag-usap nung una ay nalagpasan namin iyon nung pahuli at sa huli ay marami kaming napag kwentuhan.
Ang paglalakbay na ito ay hindi lamang simpleng paglalakad sa lungsod, ito ay isang paglalakbay ng puso at damdamin. Sa bawat hakbang na aming tinahak, mas lumalim ang aming pagkakaunawaan at pagmamahalan bilang pamilya. At sa mga araw na susunod, kahit pa malayo na ang aming tito, mananatili ang mga alaala ng aming pagkikita na nagpapalakas sa aming puso at nagbibigay saysay sa aming buhay.

Hindi kami tumigil at patuloy kaming nag-ikot kasama ang aking tito sa iba't ibang parte ng lugar, kung saan kami ay kumukuha ng mga larawan para aming matitingnan sa hinaharap.
Sa pagdating ng panahon na kailangan na naming magpaalam sa aming lungsod, mayroon kaming bitbit na mga alaala at mga puso na puno ng pasasalamat. Ang aming paglalakbay ay hindi lamang isang simpleng pag-libot sa lungsod, ito ay isang pagtuklas ng mga bagong karanasan, mga espesyal na sandali, at higit sa lahat, pagmamahal para sa isa't isa.

2 notes
·
View notes
Text








| 040924 . TUESDAY . MORNING TRIP
Tawang tawa ako na tripan kase namin mag bike para exercise na din at para makapag libot dahil maaga pa naman, tapos marami pang vacant na e-bike. Pag hapon kase wala ng vacant dahil marami ng gumagamit, kaya sinamantala namin habang maaga pa. Habang nag bibike kame natawa ako kase di sinasadya ni choykie na mabalentong sya hahahaha! Gusto ko sana sya talaga tulungan non kaso nauna talaga yung tawa ko sorry naman. Rereklamo sya kase girlfriend ko sya pero nauna pa daw yung tawa ko. Sabi ko bestfriend mo din naman ako, e ganun talaga pag bestfriend/boyfriend tawa muna bago tulong. Tapos tawanan kameng dalawa sa epic ng pagkaka balentong nya sa halamanan.
Tapos empe na karma din ako. Dahil yung dala dala kong itlog na nasa ebike tumalsik. Pag rampa ko sa hump hahaha! Shutaaaa buti nalang may tissue kase syempre lilinisin ko yon di yon basta basta iniiwanan lang dahil dapat responsible ka sa mga dumi o kalat sa kalsada, itlog pa man din yon madulas. Tawa din sya saken e. Tawa din muna sya bago tulong e. Kaso yung kanya may halong sermon hahaha! Wala daw ako sa game para maging kaskasero ang bilis ko daw kase.
Pag wala na ulit kame pasok sa work gagawin ulit namin to lalo na pag na trippan ulit namin mag jogging sa umaga.
5 notes
·
View notes
Text
"Sa mga nangyayari, dun ko narealize na parang ayoko nalang magkaroon ng sariling pamilya. Paano ko gustuhing magkaroon ng sariling pamilya kung yung pamilya natin magulo pa sa ngayon?"
Mga binitiwan kong salita habang naiiyak nung kausap ko si tatay. Dapat matutulog na ako since almost 1:30 na naman at gigising pa ng 7 mamaya. But I don't want to sleep with a heavy heart anymore. I need to release this.
Na postpone yung paglalaba na hindi ko matapos mabanlawan mga damit dahil tumawag si tatay. Nag uusap kami about sa mga kapatid ko. Nasstress na rin sya sa pagdidisiplina kaya hinahayaan nalang. Ako naman naiinis sa kanya dahil the more na hahayaan nalang, wala talaga mangyayari. So ending ako na naman makikipag usap sa mga kapatid ko. Ako na naman tatayong inay para mag disiplina? Wala eh.
Pag naiisip ko lahat ng responsibilidad ko, kusa nalang talaga tutulo luha ko. Tapos lahat ng naiisip kong kasiyahan, didedma ko na naman dahil mas inuuna ko sila. Mas kailangan ko silang unahin. Emotional support, financial and all.
Nagkasagutan kami ni tatay dahil di ko maiwasan na yung way of his parenting I know somehow di na mag wwork sa panahon ngayon. Ccompare na naman nya na kesho sila dati ganto ganyan. Mahirap din i explain kay tatay yung mental health as I'm really concerned with my sister sa ngayon. I was suic!d4L during my high school days kasi feeling ko walang ibang nakakaintindi sakin and there's no guidance from my parents. At ngayon, nakikita ko yung sarili ko sa kapatid ko and ayoko nalang mag isip ng masama pero alam ko may dahilan kung bakit ganyan sya ngayon; tahimik, halos ayaw makipag usap kay tatay, ayaw halos sumunod sa mga kuya or makipag usap. I know she's longing for love and unfortunately di nya naranasan sa pamamahay. That's what I'm trying to explain to my father pero nirerefuse nya mga sinasabi ko. 😭
I know he's also been through hard times, lalo na ngayon as a single father. Inamin nya din na ngayon di nya daw alam kung tatagal pa sya sa mundo dahil yung utak nya din daw naguguluhan na. This literally makes me cry and deep inside sobrang nakakalungkot nakakainis nakakagalit kung bakit kailangan maging ganito yung sitwasyon.
May nabasa ako dati na kung yang sitwasyon na yan nadudurog puso mong tingnan, that's your purpose. I mean literally sa kanila ko nalang bubuhos. I want them to experience life as well. Lagi ko sinasabi kay tatay magpahinga din pero isa sa mga matatanda to na kapag walang ginagawa mas nanghihina.
Ilang beses ng pinilit tumira sa city pero ang sagot "mamamatay ako ng maaga sa syudad. di ko ipagpapalit pagiging farmer ko sa syudad."
I admire his dedication as a farmer as we badly need farmers in this generation pero sana kahit magpahinga din mag dayoff ganyan mag libot, mamasyal. So kailangan ko na naman umuwi siguro para lang maipasyal siya. 🤦🏻♀️
Atleast after namin magsagutan ni tatay nakapag biruan pa kami so oks na yun. Tas sinundan ko ng "oh next week nalang ako magpapadala" at nag thank you nalang sya.
Anyways, ayoko lang talaga may mabigat na dinadamdam. Good health lang talaga pinagdadasal ko lagi para sa kanila at sakin narin.
Lilipas din tong paghihirap na 'to. One day, di na kailangan mamroblema financial, di na kailangan mag pagod ng sobra ni tatay, makakatapos din mga kapatid ko sa pag aaral, at hoping parin naman ako na magkaroon ng sariling pamilya. Nagagalit na naman kasi tatay ko kasi dahil ba daw sa kanya sa nangyari nila nanay kaya ganyan mindset ko na ayaw ko na mag asawa. Well, yes hhahaha eme
Good night. Now it's 1:55pm. Adjust ko nlng alarm ko para may enough sleep pa. 🥺
4 notes
·
View notes
Text
(( i remember planning that 2020 for stuff like that, but alas, wala na hahaha XD ))
(( However there are times when maka great timing ako na uy may convention (any) then if walang entrance fee, i make libot libot around there and here, may mga familiar artists pa nga akong makikita XD ))
#planetputo MAIN BLOG: ask-emilz-de-philz.tumblr.com Follow our Twitter Account: @planetputo If you like our work, please support us at: ko-fi.com/haimacheir
4 notes
·
View notes
Text
putangina matatamaan ka talaga WHAHAHA pilingera mo sana talaga matamaan ka, maghanap ka nga ng trabaho hindi yung palibot libot ka dito WHAHAHAHA
0 notes
Text

Dreams do come true, and when they do, the dragons are out in their dungeons.
As an example, this photo... may hawak na pink suklay dad ko. HAHAHAHHA. Pero hindi ko 'yan crop kasi gusto ko 'yung story ng frame na 'to. My mini me, the reason why ayoko talagang mag-anak is being appeased by the whole team because this Virgo babe is Virgo-ing malala. Hahahaha. 'Pag ayaw niya, ayaw niya talaga. Shemay. Pero oks naman kasi nag-pinky swear kami na kahit anong mood swing niya, 'pag smile sa cam, smile siya. HAHAHAHAHA.
Ang kapalit ng pinky swear: Mag swimming kami kahit ansakit na ng kasu-kasuan ko malala sa napakalamig na pool ng accoms namin. With matching sumbat pa na bakit daw she waited for so long. Hahahaha. Shemay. Tiklop ako e. Lels.
And sooooo, I would be starting my deep dive about Batanes, my most awaited destination in the Philippines.
Handa na ba kayo, maemser?
The B event has been in the pipeline since 2021 dahil usually, Dad and I go on a trip during Jan or Feb. Pero, 'yung totoong planning and all shizzzummmzz started December 2024. Shemayyyyy. Hahahahaha.
Kaya naman, record-breaking na kayang magpakawala ng decent wedding in less than 1 month kung may perfect timing and open budget. You can buy time up a certain level and convenience, and sige na nga, estetik na rin. Kimmmyyy.
More on that on later shit posts.
Soooooooo, ano nga ba ang mga realities ng Batanes lalo 'pag may pa-shoot and vids ka for a life event?
Una, kahit may open budget ka, kalaban mo ang weather. Shemay. Batulao na windy vibes na sobrang lakas ng hampas. Ulan na may ulandian sa ngalan ng ka-shikipan. Vibe ng mga suppliers. Vibe ng couple plus kids na tinest lahat ng pake at patience kong kapurit. At syempre, ano bang gustong ma-ire kasi maganda na ang Batanes, so templated talaga lahat. Ganun talaga. As a non-fan ng templates and generic shot list, I have to let this go, which is huhuhuhuhuhu.
Hindi biro ang mag-plan ng group of 15. Flights pa lang, sobrang mahal tapos unahan talaga. Dati mas maraming flights papunta at pabalik tulad ng Wakay, pero ngayon, PAL is the go-to. Shemayyyy.
Hindi rin biro mag-kalma ng mga seniors na boomer bombs everywhere. Dagdagan mo pa ng mga Gen Z at Gen Alpha na beta naman. Hahahahaha. Hindi ko kasi expected na magiging punong abala rin ako sa pag-ensure na bawal ang attitude para walang tapon mga photos and vids. LOLLLOLLL.
Napatunayan ko rin na sobrang hyperfixated ko sa mga details like tali ng bow na hindi naman ako marunong mag-tali, mga small details ng damit, ng ngiti, ng angles. Pati pag-sipat sa frames, alam ko dapat let go ko na, pero natawid ko naman up a certain level.
Akala nga ng tatay kong pakitong-kitong, magdadala ako ng camera. Hello, sobrang ganda ng quality ng phone cams ngayon, kaya iba na ang labanan. Plus, ambigat din ng files and Yellow Four is not giving what it's supposed to give. Back focus so uubos na naman ng patience ko lalo na prime lens mode tayo. Baka 50K steps na ako. Hahahahaha. So, ang mga shots ko, pang-check sa edited versions. Dapat putok na putok. Kasi kahit sabihin pa na may AI na nagtatrabaho sa loob ng phones, 'yung mata ko pa rin ang final judge... so Team Samsung po tayo all the way since Pulag. Hahahahahahaha.
Abangan!
Fine and thinning hair ako kaya sobrang bad trip ako na ayoko na lang magpa-pic kasi lipad levels 1000000000 'yung hair ko. HAHAHAHAHAHAHA. Peg ko kasi Harry Potter and GoT and HotD, kaso, I didn't anticipate na wigs nga pala 'yung mga paganaps nila. Hahahahahaha. So in essence, fail.
I can kinda compare Batanes to Siargao kasi isang libot mo lang, tapos na. So, kung gusto mo ng adventure tulad namin ni Dad, hindi ka pang-basic tour. Syempre, since ilang araw lang kami doon dahil sa pasok ng mga kids, I didn't do freediving and the works. Sige. Inyo na rin. Hahahahaha.
Ang pinaka importante sa akin ay smiling eyes. Period. So, hindi rin siya madali since 'yung mga poses ay need ng takbo, lakad na unli ahon mode, maem. And hihintayin mo talaga na maubos ang crowd. Oks na week day kami pumunta kasi mas manageable.
Since, climate change is realllzzzz, eto na. Nagbitbit ako ng mga panlamig dahil sa Accuweather. Nung nasa last location na kami, nakamala-hiking vibe na ako. Bra top ng Uniqlo, skirt and thermal leggings. Ang init sis! Though nung umaga, Ravenclaw ang galawan natin with matching robe. Na syempre nilipad everywhere. Hindi siya maganda sa pic kasi wala na rin akong oras na ayusin pa siya because andaming variables na need kong itawid.
Drone shots... eto na. Apaka legit ng drone pilots namin. Saka ang galing nilang magpalipad. As in laban-laban sa mga taga-Manila sisssss. Hahahahahahahahaha. Ako nga 'yung nasestress kasi parang RL Tekken tag na kailangan mo talagang master lodicakes sa pagpapalipad. LELS. Kaya, gets ko na rin up a certain level why templated vibes siya, pero, honestly, hahahahahaha.
Tiwala amidst trust issues sa lahat ng suppliers pati location na ang hirap. Sabi ko, shemay. First time 'to so wala akong kahit anong alam sa kung anong meron sa Batanes. Hindi enough ang curation ng mga content since nga I can't fuck this up.
Overthinking levels on top of work the past months: 10000000000 to the nth power. Hahahaha. Wala na nga akong tulog tapos nagiisip pa ako hanggang maidlip ako.
Salamat supplements cocktails na sabi ni dad at mga tao ay baka naman daw ma-OD ako. Hahahahahahahaha. I don't care, bitches! Che.
Food is VERY limited. Hindi ko expected na walang Jollibee doon dahil 'yun ang unang hinanap ni dad. Doon daw siya papa-pic. LELSSS. Tapos, kasabay namin sa plane 'yung isang sako ng sibuyas among other things. Kung alam ko lang, sana ako mismo nagbili ng mga ingredients tapos nag-hire na lang ng personal chef doon. Hahahaha. Hindi naman ako nagutom much pero dahil nga ubos lakas, need kumain.
'Yung chapel na pakak, wala e, na-damage 'yung ceiling na sobrang looking forward to ako. Hindi ko rin naman controlled 'yun so sige na. Sana lang 'yung LGU mas focus nila na ayusin kasi season ngayon ng weddings and tourism. Best ever people talaga in the government era, kaya gandahan niyo please. Liit na nga ng chapel, paki suyo naman. TNX.
Syempre, 'yung pag-hike sa locations. Mhiemhieeee, 'yung degenerating millennial body ko, namiss 'yung 28-year-old self ko. HAHAHAHAHAHAHA. Shemay. Pero happy pa rin ako na natawid ko pati ng tatay ko. Sakit likod. Parang stuck na pulikat, lekat ka. At iba pa. Pero sabi ko, patikim 'to ng Europa hiking pro max, so sige na nga. Though etong Batanes, tae ng kalabaw, kambing, baboy na native ang iiwasan mo. Hahahahaha. Hindi naman ako maselan sa amoy since free range sila pero gets mo? Practice na rin sa probinsiyana life goals ko. LELS.
Then, ang aga magsarado ng mga suking tindahan. Reminds me of my lola's sleepy town in Laguna. HAHAHAHAHA.
Isa pa. Kanin ng Batanes, ansarap. Legit. Hindi ko alam kung anong meron maliban sa lush greens and very pakakkkk vibes so talagang nahirapan tayong mag-less rice. LELS. So, another ekis kasi nga, it's summer time. Akala mo naman kung anong kapayatan ang natawid ano po?
Also, airport is small and since CAAP sila, may mga rules like isa-isang check ng bags. LOL.
Again, ang chances of weather na sobrang bipolar, 'yan ang pinaka challenge mo. Hindi siya tulad ng Boracay or Palawan na madali ang logistics, kaya for me, miracle 'yung nakuha kong shots with the team. May sunset pa. Wala lang sunrise. LELS. Hahahahahahahahaha.
And, since nga isa ang Batanes sa mananakit na locations in my book ages ago, eto na. Hahahahahaha. Happy to share that no regrets at all. Hihihihihihihihi. Shots fired are the shots meant to be fired. Yasssussss. Lovetttt. Ilang buwan din akong ngalngal levels while no one is watching malala e. LOL. So, ayun. Lesson learned: no to toxicity. Keep walking... forda greater good, always.
Speaking of walking... wifi. Labo. Mobile data... wala. Hahahahaha. Juicekooopoooww. LGU, ano na? Ayusin n'yo naman please. Puwede naman estetik na cell site e. HAHAHAHAHAHA. Kahit sa bayan lang please.
Lastly, dress and outfits. Hindi naman umayaw ang Karimadon na blush pink na may vibe na Galinduhhhh, pero stress kasi nga maraming lakad pataas at pababa. Buti na rin wrinkle free siya so less isipin as a tamad mag-steam at plancha.
Super duper lastly, eto na. 'Yung baggage allowance, juicekooo. Kaloka ang total of 150 kg check-in na thankfully, walang excess an 350 php per kilo. Happy to share na kasya things ko sa aking backpack with work laptop + Longchamp. HUHUHUHUHU. Packed light: DONE. Galing noh? Hihihihihihihihihihihi.
Next stop: You take my breath away, Batanes naman. Hohohohohohohohoho.
So what? Lahat ng dream destinations ke Japan or Europa man 'yan or kung saan man sa Pinas, may mga downside talaga. Kaya naman, kung saan hindi trending at pinipilahan, doon tayo.
Will I go back to Batanes?
Not anytime soon kasi maliban sa mahal, for me, nasagad ko na siya. Hahahahahahaha. Abangan!
0 notes
Text
Usap-usapan ng mga turista ang lugar ng Oslob na sinasabi na may mga butanding na makikita dito. Marami na ring mga artista ang pumunta sa lugar na ito. Bukod sa mga butanding, may falls na matatagpuan din sa lugar na ito. Halina't samahan ninyo akong lakbayin ang lugar ng Oslob. Magiging isang masayang byahe ang mararanasan ninyo ngayon.
Bilang isang kabataan, gustong-gusto ko ang maglibot-libot sa mga lugar na maganda. Gusto kong makaranas kung ano ang sayang maidudulot nito at mga magagandang ala-ala. Ala-singko ng hapon ay bumyahe na kami papuntang Oslob kasama ang pamilya ng aking matalik na kaibigan. Dahil sa masaya ang naging byahe ay hindi namin namalayan na malalim na ang gabi ng kami ay nakarating doon. Nagpahinga na kami dahil maaga pa kaminng gigising para puntahan ang butanding at ang waterfalls.




Una naming pinuntahan ay ang beach na kung saan makakakita ka ng maraming butanding. Ang kailangan lang ay magbayad, magsuot ng lifejacket at sumakay na sa bangka. Makikita niyo na lumalapit ang butanding sa bangka dahil nagsasaboy ng pagkain ang bangkero. Napakasayang makita ang mga butanding, pag ang baba nila ay bumunganga na ay para kang kakainin. Hindi mo pwedeng lapitan at hawakan ang mga butanding. Medyo nakakatakot lang kasi dahil nasa gitna ka ng dagat. Napakaganda dito dahil malinaw na malinaw ang tubig at makikita mo ang mga maliliit na isda. Pagkatapos namin doon ay pumunta kami sa tumalog falls, sobrang ganda at lamig ng tubig doon. Wala kang ibang maririnig kundi ang mga huni ng ibon at ang mga tawanan ng mga tao na nagsisiyahan doon. Para kang nasa isang paraiso sa sobrang ganda nito. Malinis din ang tubig kaya ang lahat ay naliligo.
0 notes
Text
DAY 15 OCTOBER 4, 2024
taray naka abot sa araw na ito so ayon ang ginawa lang naman namin is nag sm at nag libot libot bili pagkain tapos uwi na hahahahaha byee
0 notes
Text
Vivid nightmare
I was so happy seeing my newly adopted Persian cat purring beside me.. so cute and sweet. While i was trying to get that thread-like thing out from my doggy’s teeth, I can’t seem to pull it out, so I decided to have him checked with a vet doctor.
Ang una ana kay nag adopt kog lain2 pets sa usa ka vet doctor. Ni adopt kog mga iro mga iring ug kana scary creatures like frankenstein doll nya mulihok jd like naa gyuy life ba. Duha gae to kabuok jigsaw dolls ako gipalit. Mga buotan rmn to sila nuon. Ang doctor kay kuyaw kau supervisor nko sauna sa Johndorf hahhaha naa diay syay dghan kaau collections love nga mga scary creatures, mga vintage stuffs, books, couches etc. nya dghan jd sya pet dogs and cats. Nya nakoy usa ka dog need jd ipa adtog vet doctor kay naa daw nasangit sa iya teeth di jd nako makuha. Sa ka busy ug broke nako, di na nko makaya ug buhi sila tnan. Nay 1 cat ug 2 dogs sud sa ako room. Pag gawas nako sa room, nakalimot ko dghan man diay kaau kog gi adopt na dogs and cats, not knowing nga gutom na diay kaau sila na pa bayaan nagyud nako. Mao to ga wild btaw na. Gutom jd daw kaau sila. Nya mao to ni contact ko ni vet doctor, maugne accommodating ra sad kaau gi tubag rko then mao to niadto kos iya clinic nagdala sako usa ka iro nga need ug help sa iya teeth. Before ani nga scene kay naa pa gae toy scene nga mag hiking ta ko pdung, nag change nko clothes nya nag wait hantud di diay madaun amo hike hahaha nya weird kau naa si mariz imo manghud ga hgda sa double deck sud sa room sko amiga na bayot nga si Gab. HAHAH
So back to the scene nga niadto kos clinic sa vet doctor, ddto nako na discover nga dghaaan jd sya collections like old books sa harry potter, vintage couches, nya mga scary mannequins ug bsta scary creatures na mulihok gyud. Mura mo niyag gi tour sa iya space or balay nga dako nya mga yuta niya nga dghan kahoy2 kung asa gipamutang mga collections niya na old libro ug mga mannequins etc. Ambot nganu naabot inani nawani ako tuyo na magpa checkup ras ako iro haha nya si doc iya mi gi explainan nga isa sa iyang negosyo kay mag himo ug dog and cat foods, like dghan kaau mura mi gi tour sa iya gamayng bodega or warehouse ba na, bsta kay mga stocks sa iya pet foods nya todo explain jd sya namo (ambot kinsa ako kauban, nikalit rasag tunga) hantud naabot mis part na dghan kahoy nya dghan kaayo books.. taod2 ana nilakaw si doc kay murag ga wild na sud sa iya clinic daw mao to iya gi tn aw. Nabilin ko ddto sa lugar nga dghan kaau books etc. nya na shock mi sko kauban dghaaan kaau mga dead bodies sa mga taw nga himuon btaw niya ug lain2 scary creatures nya collection or baligya niya. Nya kato ako kauban natagakan mn guro to sya ug patay na lawas ka tunga nlng nabilin nya fresh pa kaau ug blood. So mao to ga duda nami nga basin kaning doctor kay killer pud. Actually kani tyma, dghan nakog kauban ani nya kami tnan ga duda njd kulba na kaau. Mao to ni takas mn guro ko ato love kalimot ko du naunsa to ako iro hahaha nya purti nako dagan nya nay ga gukod nako mga taw2 sa doctor love. Kuyaw kaau ako kaagi kay naabot pakog ilawm sa bridge nga baho kaau kanal nag crawl ko ilawm sa bridge mura nag spiderman HAHHA hugaw na daw kaau ko. Nag dagan2 ko layat2 murag nag parkour HAHA chuya lage nako HAHAHAHA nya mao to bisan asa nlng ko naabot naa pjd mga scenes nga hapit njd ko madakpan nila ataya kulba kaau hantud naka kita kog balay nisud kos ila CR nya weird kau kay pag sud nakos CR gi sungog kog babae gitupo2 sa iya igsuon laki nga murag bayote HAHHAAHHA weird scene nya mao to helpful and accommodating ra kaau ang pamilya tag iya atong balaya gi tabangan ko ug isa nako kauban, si Joella ug nining daw ang names namo ddto hahaha nya gipa ilis mi nila etc. hantud niabot gihapon ddto ang doctor ug iya mga bata2x murag ng check sila maau sa ug mga balay2 gi check gyd tagsa2 kay naa lage daw silay gipangita na duha ka babae. Kulba njd kaau pag abot nila pangita sa katong balay nga gi stayhan namo. Sge silag libot nya chika2 sa mga pamilya tag iya nya sige pd mig tago lipot2 sa balay. Gitabangan rgyd mi nila nya bsta ey kalimot nko sa sunod hahahaha pero taas2 pjd to ataya kulba kaau
0 notes
Text
daily journal
august 20
hello guys nagising ako ng maaga para pumasok, una ay kumain muna ako pag tapos ay nag asikaso na at habang pa byahe ako ay nag chat sa akin ang kaibigan ko na sabe sabay daw kami pumasok inantay nya ako sa 7/11 at bumili muna kami ng makakain at syaka kami pumunta sa room, pag tapos ng klase ay vacant na at napag isipan namin na mag sm at kumain sa kfc at nag libot libot kami sa sm bacoor at nag antay ng oras para sa aming susunod na sub at nung nag uwian na ay kasabay ko umuwi yung bago kong kibigan na si memell at nga pala natuto akong makihalubilo sa mga new classmate ko
0 notes
Text
#OneNETnewsInvestigates: Manila Artistic Gymnast Mother of 'Carlos Yulo' allegedly criticizes new Pinay-Australian girlfriend caught in the crossfire of Family Drama, while online netizens battered Impersonation and other Cyber-Criminal Case [EXCLUSIVE]
(Written by Miko Kubota / K5 Tele-Serbisyo Patrol #4 news reporter of OneNETnews & Station Manager and President of OneNETnews)
BACOLOD, NEGROS OCCIDENTAL -- Artistic gymnastic's mother of "Mr. Carlos Edriel Yulo" became an absolute international dumpster fire of disaster in the olympic sport at Paris Olympics 2024. Early in the first week of August 2024, an alleged cyber impersonator and identity theft victim named Ms. Angelica Poquiz Yulo brazenly bombarded with Filipino trolls, dummy fake accounts, and massive hate speech with criticism on social media.
Before, Mr. Yulo won twice of the Gold Medals at the Men's Floor Exercise and Vault finals back-to-back with a perfect score of 15 in floor exercise, and wrapping up with a vault score of 15.166. But, disaster strikes in his personal life, meeting with a 22 y/o Pinay-Australian blonde girlfriend from Melbourne named 'Ms. Chloe Anjeleigh San Jose', who is a part-time fashion enthusiast at 'Fashion Nova', then collaborated as a sports fan online that later becomes a full-fledged couple since 2019, and her sexiest intimate Filipino model was turned into a strained relationship, giving a bit fat disapproval from his mother of Mr. Yulo.
In an exclusive radio interview with DWSM-FM 102.9mhz's Star FM: Manila (under national flagship FM station of Bombo Radyo), Ms. Angelica stated that the rift began when Chloe appeared to be distancing and parting ways from his family of Mr. Yulo. Their cash incentive may possibly to be filling in with his girlfriend, and is worth spending to its expenses worth PHP11M in full from Banco de Oro (BDO). Things got a scandalous turn, leading Mr. Yulo's mom ended up poverty of death and her parental abuse of their family siblings that gives up too much.
Our investigative news team of OneNETnews, along with our Station Manager and President of OneNETtv Channel and K5 Tele-Serbisyo Patrol #4 news reporter 'Miko Kubota' have found out the bad parenting of Yulo's family siblings getting less attention to happen, as according to her social media posts as references in the Q4 2023, which yet to be deleted or not.
Last Thursday on August 1st, 2024; Angelica has taken over on her shared impersonation post on Facebook (part of Meta Platforms Inc.) claimed that the all-around exercise in artistic gymnastics won by a Japanese gymnast named Shinnosuke Oka, instead of Mr. Carlos Yulo: "Japan pa din talaga… Lakas!", she said.
Feelings of harassment, family feud, and online bullying attacks as trolls on social media are in bland to stir as a technical embarassment. We do know that she does not have a paid subscription of Meta Verified or X Network Premium (part of MPi and X Corporation). As a result, the farmed trolls and dummy accounts are at fault to attack on social media by simply framing and targeting victim's perpetrator on her: "I did NOT steal or waste Mr. Yulo's money to live a lavish life that you chose the girl (Chloe) to stay over, rather than your own brother (Karl Jahrel Eldrew Yulo) and your teammate", Angelica noted.
There is one hard-hitting local Hiligaynon radio commentator, human resource manager and well-respected radio anchor of 11MBPS (Mga Balita kag Public Service) at DYQU-FM 103.9mhz's K5 News FM: Bacolod named Mr. Jean Paul Cañete Generoso in Negros Occidental expresses his outrage and concern over the unauthorized use of Ms. Angelica Yulo's name and image on Facebook. Generoso, undeterred by the potential backlash from online netizen of haters, stood his ground in defense for Mr. Yulo, vehemently denying any malicious intent on her part.
The management of K5 News FM in Bacolod City sparks accusations from the regional media of Western Visayas: "Indi ka lang pwede mag libot-libot gamit ang ngalan kag imahe sang isa ka tawo pareho sina! Isa ini ka pagsalakay sang pagkapribado, patag kag simple. Kag ang mas malain pa, ining ginatawag nga 'fan' wala nagatahod sa iloy ni Mr. Carlos Yulo nga si "Angelica Yulo", isa ka iloy sang duha ka gold medalists sa 2024 Paris Olympics! Niya ang imo ginahimo subong will definitely kind what mother you are. What kind of (hellish) mother you are. Especially na may kwarta involved na, diri na maipakita kon ano ka klase iloy. Talamak sa kwarta, mukang pera ka, supportive ka o ano ka? Pero nahibaluan mo kon ano, dapat ka magpalayo sa mga kontrobersiya pareho sini. Magkonsentrar sa imo kadalag-an, sa baylo nga magbaisay sa imo problema sa isyu", Generoso said during Facebook LIVE video in Hiligaynon dialect.
Angelica's lawyer named 'Atty. Raymond Parsifal Alfaro Fortun' spoke in a separate note with One Sports: "All statements made attributed to (Ms. Angelica) and/or any of her children (as siblings) that are critical of, disparaging or tend to tarnish the accomplisments of her son (Carlos Edriel Yulo) are untrue and fake. She will be seeking the help of the National Bureau of Investigation (NBI) in identifying these individuals, and will be filing the appropriate charges against them for violation of Republic Act #10175 or Anti-Cybercrime Law. It is advisable that the public DELETE their comments to avoid prosecution", Atty. Fortun concluded.
The situation remains under investigation by local authorities including Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), Philippine National Police - Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) and the National Capital Region Police Office (NCRPO), who are working as a group to identify and prosecute the individual responsible for the fake Facebook account.
On Tuesday afternoon (August 6th, 2024 -- France local time), per recently uploaded from his newly uploaded TikTok video (owned by ByteDance)… Carlos Yulo and Chloe San Jose breaks their silence and speaks out exclusively in an online media release to OneNETnews that his mother (Angelica) needs to be healed, and is hard to move on with its family-related issues. He brought up the matter concerning his mother's behavior, indicating that she has been unwilling to embrace her responsibilities as a full-time parent, both prior to and throughout his journey to the Paris Olympics. The gymnast conveyed his wish for privacy and urged the public to concentrate on his accomplishments instead of his personal and romantic sex life as an individual olympic athlete.
The following day, in a press conference Wednesday (August 7th, 2024) that shocks national and international headlines. Carlos Yulo's mother (Angelica) apologized to her son and said, this was the last time she would address their family issues publicly to the mainstream and online media: "Forgive me, my child. I understand if others think I'm only speaking out now because of your success and prosperity. I’m speaking to put this issue to rest. If my criticism of what you did was wrong, I ask for your forgiveness because I'm just a mother who worries. You are old enough to make decisions for yourself. Our home is open to you, whether you have money or not. The door is open if you choose to come back to us", Angelica said in Tagalog dialect.
OneNETnews understands that she is eligible to come home before getting married to Chloe, the legal way possible, yet declaring a Filipino citizenship by the Philippine Statistics Authority (PSA) and the Australian Embassy of Manila (AEM). His career of artistic gymnastic sport may last until 2028 in Los Angeles, California, United States of America (U.S.A.). He is yet scheduled to be married in a few or several weeks time, immediately during or after the closing ceremony of Paris Olympics 2024, and following after his homecoming parade in Malate, Manila, National Captial Region.
Filipino rock band 'Moonstar88', hailing locally from Manila will endorse on him with artistic gymnast of Mr. Yulo, and performing free wedding performance once arrived back from France to our home country, the Philippines. Admission of tickets have yet to be determined as of this writing. The Manileño artistic gymnast is set to come home to a hero's welcome in the Philippines, sometime in the mid-week of August 2024.
SCREENGRAB COURTESY: POC Media and Carlos Yulo via TikTok VIDEO & ABS-CBN Sports BACKGROUND PROVIDED BY: Tegna
SOURCE: *https://fastbreak.com.ph/carlos-yulos-mom-blames-girlfriend-for-strained-relationship/sports-galore/ [Referenced News Article via Fastbreak News Bureau] *https://www.facebook.com/100064883104398/videos/3704390043154724/ [Referenced FB VIDEO via Star FM: Manila for Bombo Radyo Philippines] *https://www.facebook.com/100001233101647/posts/8281131798604508 [Referenced FB Shared Post via Angelica Poquiz Yulo] *https://www.tiktok.com/@carlosedriel/video/7399938259545050384 [Referenced TikTok VIDEO via Carlos Edriel Yulo] *https://www.pep.ph/lifestyle/lifestyle/182159/who-is-chloe-anjeleigh-san-jose-a5128-20240806-lfrm [Referenced Biography News Article via Philippine Entertainment Portal] *https://www.youtube.com/watch?v=LxDG87E19RE [Referenced YT VIDEO via News5Everywhere] *https://www.spin.ph/multisport/olympics/fight-between-carlos-yulo-s-mom-girlfriend-becomes-public-a1374-20240804 [Referenced News Article via Sports Interactive Network Philippines] *https://www.facebook.com/100075741802963/videos/505722041868046/ [Referenced FB LIVE VIDEO via K5 News FM: Bacolod] *https://www.bbc.com/news/articles/cj4xvnqxyj8o [Referenced News Article via BBC News] *https://www.forbes.com/sites/conormurray/2024/08/06/olympic-gymnast-carlos-yulo-addresses-rift-with-mother-and-allegations-she-took-his-money-days-after-winning-gold/ [Referenced News Article via Forbes Magazine News] *https://sports.inquirer.net/578770/carlos-yulo-clears-air-on-rift-with-mom-finances-girlfriend [Referenced News Article via Inquirer Sports] *https://www.youtube.com/watch?v=-__M8WTqUvk [Referenced YT LIVE VIDEO via ABS-CBN News] *https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/content/916365/moonstar88-offers-free-wedding-performance-for-carlos-yulo-after-historic-olympic-wins/story/ [Referenced News Article via GMA News] and *https://en.wikipedia.org/wiki/Moonstar88
-- OneNETnews Online Publication Team
#OneNETnewsInvestigates#bacolod#negros occidental#malate#manila#carlos yulo#angelica yulo#bad parenting#olympics#paris olympics 2024#chloe san jose#online attacks#fyp#awareness#exclusive#first and exclusive#K5 News FM#OneNETnews
0 notes
Text
"Araw ng Pag-Lakbay sa labas ng Batangas"
Ang araw na ito ay nag simula sa araw ng pebrero 14 2024. Nag punta kami sa iba't ibang lugar labas ng Batangas kasama ang mga kaibigan.

Ang aming unang pinuntahan ay ang "Manila Cathedral"

Dito sa cathedral ay nag lalaman ng magagandang historya tungkol sa maynila. Dito kami ay nag libot libot para malaman ang mga kagandahan dito.
Sunod naman ay ang "Rizal manila park" Dito naman ay nag lagbay kami para malaman ang mga dating istorya ni Rizal sa kanyang buhay.


Pag katapos naman namin sa lugar nato nag lakbay ulit kami papuntang "Omniverse" dito naman ay ang lugar kung saan dito ay nag lalaman ng mga orihinal na merchandise galing sa "Marvel" binili ito tas ginawang display upang makita ng mga ibang tao


Pag katapos namin lakbayin ang boong lugar nato pumunta naman kami sa aming huling destinasyon ang "Enchanted Kingdom" o ang tawag ng mga tao ay ang "EK" itong ek ay isang amusement park na sikat sa pinas.
Dito kami ay sumakay ng sumakay ng iba't ibang rides kasama ang aking mga kaibigan



"Kahit pumila ang matagal basta makasakay ok lang masaya naman e" sabi ng isang kasama namin, oo nga matagal pero pag katapos mo naman sumakay para kanang hinulog sa langit pababa sa lupa.
Ang araw nato ay apaka importante sakin dahil dito kami ay nakapag saya sama sama at dahil dito mas naging malapit kaming mag kakaibigan, hindi ko malilimutan ang araw na ito. Sa susunod na A.Y ulit mag lalakbay ng sama sama

0 notes
Text
Lakbay Sanaysay: Ala-ala ng aming pamilya sa Laguna
Ang paglalakbay ay pinaka masayang gawin kung kasama natin ang pamilya at mga kaibigan. Mga plano na kapag natuloy ay tunay na nakakatuwa. Maraming nabubuong alaala at pagsasamahan tuwing tayo ay naglalakbay. Ika-18 ng Mayo 2016 napagdesisyunan namin na mamasyal sa Nuvali sa Santa Rosa, Laguna na kung saan sama-sama kaming lahat na pamilya ang pumunta doon. Tandang-tanda ko pa ang bakasyon na 'yun dahil na-kompleto kami sa unang pagkakataon. Buong pamilya namin ay sama-samang gumawa ng memories.
Ang lugar na ito ay kilala bilang una at pinakamalaking eco-community sa Pilipinas. Ito ay isang 2,290 ektarya sa isang luntiang kapaligiran na puno ng libu-libong puno at ibon. May mga aktibidad din katulad ng pagpapakain ng mga isda, Sightseeing, Bird Watching, at marami pang iba, ngunit pag papakain lamang ng isda ang naexperience dahil naglibot libot pa kami sa lugar na iyon.
Sa bawat sandali na pananatili namin sa lugar na iyon, ay tila nakakabitin na para bang ayaw ko ng bumalik sa aking Bayan. Sobrang nakakapagod ang nagging paglalakbay ngunit napalitan naman ito nang hinding makakalimutan na karanasan. Sa aming paglalakbay hindi ko maiwasang magbaliktanaw sa aming nagging at magandang karanasan. At gusto kong balik balikan.






0 notes