abiigeyll
abiigeyll
Abigail
8 posts
Future Journalist with a heART❤
Don't wanna be here? Send us removal request.
abiigeyll · 3 years ago
Text
KALMADO FAM
Sa aking Kalmado Pamile na binubuo ni Ward ang Angge Pag pinagsama ay Wangge Na nagsilbi saming pahinga at kasiyahan
Sila ang dahilan kung bakit nabuo Ang kalmado ngunit delikado Isa sa mga tagline ni wardo Na pagiging garantisado na ang kalmadong ito Ay patuloy na susuporta sa idolo Na si Angge at Wardo
Kalmado ang unang pamilya ko Unang nagparanas na may totoong tao Na hindi lahat manloloko Na may galang at respeto Sa bawat isa lalo na sa kapwa tao
Madaming naging kaibigan Nabuo ang koneksyon at samahan Nagkaroon ng di tampuhan at pagkakaintindihan Ngunit hindi matitibag ang pagmamahalan Na aming pinagsamahan.
Mahal kong miyembro ng kalmado Lubos ako nagpapasalamat na sainyo Dahil isa kayo sa naging inspirasyon ko Na patuloy lumaban at bumangon sa buhay
Hinding hindi kayo mapapantayan ng kung sino Kayo ang unang pamilyang pinasok ko Kayo pa rin ang uuwian at magsisilbing pahinga ko Lalo na araw araw na kasiyahan ko Sa tuwing nakakausap ko kayo. Walang makakatumbas sa samahan na ito na hinding hindi na mawawala sa puso ko
Ang kalmado ngunit delikado Lalo na ang mga miyembro ng kalmado Mahal ko kayo, at hindi na ako makapagantay na Makita ko at makasama ko kayo ng personal Marami pa tayong pagsasamahan, kaya hindi pa ito Hindi pa ito ang huli dahil hanggang sa dulo
Sa dulo na ito ay magkakasama pa rin tayo. Walang maiiwan walang aalis walang mawawala Tandaan ang kalmado ngunit delikado ay Tatatak na sa atin habang buhay.
Tumblr media
0 notes
abiigeyll · 3 years ago
Text
Bentetres~
bentetres numero ng aking edad di ko alam at bakit ako nilalamon ng reyalidad na wala pa akong nararating sa mundo at puro nalamang salitang siguro siguro kung matapang at malakas ang loob  siguro hindi ako ganito ngayon siguro malayo na narating ko kung ganon kaya ko na siguro ipagmalaki kung sino yung ako siguro hindi na ako nagkukulong sa isang sulok siguro okay ang aking mentalidad sa ulo hindi ko na alam hindi ko na alam ang aking magagawa. hindi ko na alam kung san ako magsisimula hindi ko na alam kung paano tumaya tumaya sa buhay na alam kong ito ang ikakasaya  
hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdam masyado na ako nagiging kampante sa buhay na alam ko namang walang kulay madilim na paligid lamang at sarili lamang ang iniisip sa ngayon patuloy ko pa rin hinahanap ang sarili kung saan alam kong hindi madali gawin at isipin sa ngayon gusto ko ng umalis sa kung saan ko nakasanayan na gusto ko ng humarap sa reyalidad at lumabas sa tahanan upang malaman ang layunin ko sa isang kabuhayan. Sa pagtatapos ko dito Gusto ko pasalamatan ang aking sarili na kumakapit at patuloy na pagkapit  upang maabot ang buhay na sinasapit.
Tumblr media
0 notes
abiigeyll · 4 years ago
Text
Tumblr media
Bata pa lang ako ay nais ko nang ikutin ang mundo. Nagbabakasakaling mahanap ang kinabukasan na nakalaan para sa isang kagaya ko. nagbabakasakaling mahanap ang ako na nawawala sa lugar ng mga mangmang at walang modo. Nagbabakasakaling matagpuan ang buhay na pinangarap ko para sa pamilya ko. Bata palang ako kilala ko na ang mundo, na hindi lahat ng tinatamasa mo ay mananatili sa buhay mo. na hindi lahat ng gusto mo ay mapapasayo. at hindi lahat ng bagay ay kakayanin mo. Bata palang ako pero wala pa sakin ang pagibig. Hindi pa ako nahubog ng mundo para maging katulad ng iba. Na ang akala ko ang pagibig ay di dapat pinipilit lalong lalo na sa taong sasaktan ka lang kahit binuhos mo na. pero naalala ko siya, Naalala ko nung una ko siyang nakita, Hindi ko pa siya kilala, Hindi ko pa kabisado ang amoy niya, Hindi ko pa alam kung paano siya huminga, umiyak, tumawa. tumawa, oo tawa, Yang tawa niyang kita gilagid patil bilbil niya sa mukha. Yang tawa niya na  naging dahilan ng pagkahulog ko sa kanya. Oo. nahulog ako.Hulog na hulog ako. Hulog na hulog ako sa pagibig niya na ni minsan di ko naman ginusto. pero minahal ko, Oo minahal ko. Minahal ko ang Pagibig na inilaan niya sa isang kagaya ko. Ang taba niya, ang tawa niya, ang kinabukasan na nandun siya, nandun kaming dalawa. Tapos ko na ikutikutin ang mundo, Dahil nandito ang mundo ko, nakahiga sa tabi ko, nagbabasa, iniisip ang kinabukasan naming dalawa. Bata palang ako iniisip ko na, kung pano ba magmahal at mahalin ng ikaw lang ang nag iisa. Kung paano ba ang pakiramdam ng pagikot ng mundo mo sa iisa. sa kaisa isa- sa nag iisang taong pinili ka makasama. Ngayon alam ko na, na hindi mo kailangan lumayo para makita ang ligaya. Na hindi mo kailangan mawala para may makita kang pag asa. ngayon alam ko na, na ang batang katulad ko ay malaki na. may pag asa na. may inspirasyon na. Na ang kagaya ko, ay minsang naging bata ring masaya at masigla.
0 notes
abiigeyll · 8 years ago
Text
Duterte Administration 2016-2022
Ang ating pangulo na si Rodrigo Duterte o mas kilalang Mayor Duterte dahil sa naging Mayor sya ng Davao City na ngayon ay si Sarah duterte na ang mayora nito. umupo sa pwesto si pangulong duterte noong June 30, 2016 , na sya ang ikalabing anim nating pangulo dito sa pilipinas. Ayon sa Wikipedia.com na si Pangulong Duterte ang kaunaunahang presidente sa Mindanao at sya din ang pinaka matanda na naging presindente dito sa pilipinas.
madaming nagbago simula ng maupo si pangulong duterte dito sa pilipinas. unang una, pinatupad niya ang salitang pag adik patay agad. hindi ko alam kung uunlad ba ang pilipinas pag ka pinatay ang mga adik. pero eto din pala ang dahilan kung dumadami at dumadami parin ang pagpapatuloy sa droga, ito din ang dahilan kung bakit maraming inosenteng tao ang namamatay dahil sa oplan tokhang na ipinatupad ni Pres. Duterte.
Sumunod na ang pag lipat ng bangkay ni dating presidente na si Ferdinand Marcos na gustong ilipat ang kanyang bangkay sa Libingan ng mga bayani,dahil deserve daw ni marcos na mailipat duon.
di ko maintindihan si duterte, hate nya ang drugs pero nakipagkontayaba sya sa bansang china kung saan nanggagaling lahat ng drugs. tapos hinayaan niya lang na angkinin ng china ang west philippine sea. bakit ganun na lamang kadali ibigay ang ating pag mamay-ari. di ko lubos na maisip na ang kanyang mga ginagawa para sa aating bansa
Yung martial law na pinatupad niya sa marawi city noong may 23, 2017 na di lubos maisip ng mga tao na bat kailangan pa gawing martial law.. para saakin may naitulong naman ang martial law saaitn kaso ang nakaraan ay hindi na dapat nating ulitin, hindi kasi naging maganda ang dinulot ng martial law noon kaya ngayon maraming tao na nag react about dito, pero sa side ko okay lang mag martial law basta di kagaya ng administrasyon ni marcos dati na sobrang daming tao ang namatay at sobrang gulo dati noong panahon ng martial law.
madaming naipatupad si pangulong duterte dito sa pilipinas, ayun lang nakatulong ba sa atin ito? yung iba maari na nakakatulong ito pero yung iba wala na mema nalang. gaya nalang ng mga namatay sa mga oplan tokhang. di na nila pinanugutan ang mga issue na ito subalit mas lalong mga fake news ang nilalabas dito sa kadahilanan na ang mga tauhan ni duterte na mga pulis na ayaw umamin na sila ang pumatay sa mga biktima ng oplan tokhang gaya ng si kian loyd delos santos sa una lang naging maingay ang publiko hanggang sa nawala na.
maraming nagbago simula ng maupo si pangulong duterte dito sa pilipinas, gaya ng mga nabanggit ko sa taas. sana mapansin ng ating pangulo ang kanyang mga kamalian na nagagawa, at saka sana di na sya magfocus sa mga drug addicts kundi mag focus sya sa mga tao na mas kinakailangan sya, sa mga mahihirap , dahil hindi lang naman ang drugs ang problema ng pilipinas, kkumbaga madami pang problema bukod sa drugs at wag lang sya tumutok sa mga masasamang tao bagkus mas tuunan niiya ng pansin ang mga taong kinakailangan sya.
1 note · View note
abiigeyll · 8 years ago
Text
Media at Mga Tao
The nerve ay isang palabas na nagpapatunay na di mo kailangan makipagkompitensya sa iba, at ibuwis ang sarili mong buhay para lang sa ikakapanalo mo. ang the nerve na palabas ay tungkol sa isang online game na kailangan mo sundin yung pinaka dare para makapunta sa finals, kahit na mahihirap yung mga dare ginagawa nila para lang makaangat sa susunod na level, Pinapakita dito kung paano sila mag sama bilang isang magkaibigan tapos hanggang sa naging magkakumpetensya sila, sa kadahilanang kailangan nila ma achieve na maging 1st place sa larong ito, eto namang mga watchers sa laro, hinahayaan lang nila na parang walang pakealam sa mga gumagawa ng dare na mahihirap, inahihintulad ko ang online game sa palabas na the nerve bilang Media, Habang ang mga watchers ay ang mga Millenials, or mga nanunuod sa media. Hinalintulad ko sila sa ganyan dahil sa henerasyon natin ngayon ganito na ang mga tao na walang pakialam sa mga paligid nila, basta napakinggan lang at napanuod lang, may kanya kanya na agad silang emosyon na halimbawa, galit , masaya, malungkot at etc. Hanggang sa makalipas lang ang ilang oras o araw malilimutan na nito at pasasawalang bahala na. dahil di na nila ito nakikita or naririnig, parang sabay sa uso lang.
isang lesson ang the nerve sa atin, kahit alam mo na sumusugal sila ng buhay nila tapos ikaw wala kang pakealam , hahayaan nalang sila dahil hindi naman ikaw yun, dahil nanunuod ka lang o nakikinig.
Sa ngayon, matuto sana tayo makiramdam at makihalubilo sa mga nangyayare sa ating Lugar o Bansa.
#TheNerve
2 notes · View notes
abiigeyll · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Sa labing walo kong pamumuhay dito sa aking Lungsod, Unti unti akong namamangha saaking paligid sapagkat nakikita ko na ang Kagandahan ng aming lungsod dun ay kung saan ang mga tao ay tumatawid sa tamang tawiran, pagtulong sa kapwa natin, At sa simpleng pag tapon ng ating mga basura sa tamang lalagyan. Unti unti kong nasasaksihan ang mga bagay na iyan, Kaya Proud ako na nasa Valenzuela ako at dito ako Isinilang ng aking mga magulang. Isa pa sa mga maganda sa Aming lungsod ay ang mga Nagtagumpay na Proyekto. Isa na dito ang Aming Mahal na paaralan na ngayon ay nadadagdagan na ng mga building upang ang ibang kabataan na nais matuto at ipagpatuloy nila ang kanilang pagaaral. Etong simpleng lungsod na ito ngayon ay unting unti na nagiging tagumpay , dahil ito sa mga residente ng Valenzuela at sa magandang pamamahala ng Gobyerno sa Valenzuela.
Ngayong araw ay ikaw 148th na kaarawan ni Dr. Pio Valenzuela, Sya ang Nagsimula ng ating tagumpay at patuloy pa natin isusulong. Isa sya sa bahagi ng ating nakaraan na hinding hindi natin pwedeng kalimutan, Salamat sa sakripisyong binigay mo sa ating bayan muli HAPPY 148th BIRTHDAY DR. PIO VALENZUELA ako'y nagpapasalamat na Lumaki ako sa Valenzuela.
Isa lang ang gusto kong iparating sa aking Liham na ito NA TAOS PUSO KO NA PINAGMAMALAKI ANG AMING LUNGSOD NG VALENZUELA . #DrPioValenzuela148 #ValenzuelaDay2017
2 notes · View notes
abiigeyll · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Sa labing walo kong pamumuhay dito sa aking Lungsod, Unti unti akong namamangha saaking paligid sapagkat nakikita ko na ang Kagandahan ng aming lungsod dun ay kung saan ang mga tao ay tumatawid sa tamang tawiran, pagtulong sa kapwa natin, At sa simpleng pag tapon ng ating mga basura sa tamang lalagyan. Unti unti kong nasasaksihan ang mga bagay na iyan, Kaya Proud ako na nasa Valenzuela ako at dito ako Isinilang ng aking mga magulang. Isa pa sa mga maganda sa Aming lungsod ay ang mga Nagtagumpay na Proyekto. Isa na dito ang Aming Mahal na paaralan na ngayon ay nadadagdagan na ng mga building upang ang ibang kabataan na nais matuto at ipagpatuloy nila ang kanilang pagaaral. Etong simpleng lungsod na ito ngayon ay unting unti na nagiging tagumpay , dahil ito sa mga residente ng Valenzuela at sa magandang pamamahala ng Gobyerno sa Valenzuela. Ngayong araw ay ikaw 148th na kaarawan ni Dr. Pio Valenzuela, Sya ang Nagsimula ng ating tagumpay at patuloy pa natin isusulong. Isa sya sa bahagi ng ating nakaraan na hinding hindi natin pwedeng kalimutan, Salamat sa sakripisyong binigay mo sa ating bayan muli HAPPY 148th BIRTHDAY DR. PIO VALENZUELA ako'y nagpapasalamat na Lumaki ako sa Valenzuela. Isa lang ang gusto kong iparating sa aking Liham na ito NA TAOS PUSO KO NA PINAGMAMALAKI ANG AMING LUNGSOD NG VALENZUELA . #DrPioValenzuela148 #ValenzuelaDay2017
2 notes · View notes
abiigeyll · 8 years ago
Text
OUTPUT #1
After a week that i entered the facebook account of who an professional journalist of abs -cbn , I realize that posting in any social media can affects people, but posting in social media can inform the people who knows about what’s happening into our country. I learned about the techniques and strategy that she/he inform or tell the story in straight to the people in the social media. Being a journalist is so difficulty hard for me because you are giving a information to the people.
2 notes · View notes