abmterabyte-blog
abmterabyte-blog
Para sa Pusong Pinaglaruan
7 posts
Mga Tulang Isinulat mula sa Pait at Tamis na Para sa Pusong Pinaglaruan ng tadhana at sumasabay nalang sa agos ng buhay
Don't wanna be here? Send us removal request.
abmterabyte-blog · 8 years ago
Text
Umasa
Isang salita ngunit napakalalim ng kahulugan
Isang salita na madaming tao ang nakakaramdam  
Isang salita na pinagkakaguluhan
Isang salita na palaging napaguusapan
 Umasa ako na mamahalin mo pa rin ako
Umasa ako na ako ang pipiliin mo
Umasa ako na ang tingin mo sa akin ay puwede pang magbago
Umasa ako sayo ngunit sa limot ako'y binaon mo
 Ngayon, ako ay umaasa pa rin dahil alam ko na sa salitang umasa ay mayroong pag-asa
Pag-asa na masasalba pa ang relasyon na kaysaya
Pag-asa na babalik ka kahit sa tingin ko ay malabo na
Hindi ko alam kung anong meron sayo at bakit patuloy ko itong ginagawa
 At sa hinaba haba ng aking pakikipaglaban
Sa tingin ko ako ay pagod na
Dahil ako ay nasaktan, nasasaktan na ng sobra
Pero maniwala ka sa hindi, ako’y patuloy pa ring umaasa
 Ngunit hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito magagawa
Dahil sa bawat pagsambit ko ng laban pa,
Ang iyong sagot ay tama na
Sa bawat pagbigkas ko ng mahal pa kita
Ang iyong sagot ay ayaw mo na
 Pero sa huling pagkakataon gusto kong ipaalam sayo na umaasa pa rin ako
Dahil ang mundo ko ay patuloy pa ring umiikot sayo
Umaasa at humihiling sa mga tala na ikaw ay maging parte ulit ng buhay ko
At hanggang sa dulo ako ay umaasa na ikaw pa rin at ako
-Kim Reyes
0 notes
abmterabyte-blog · 8 years ago
Text
Sa ilalim ng maliwanag na buwan
Sa Ilalim ng maliwanag na buwan na puno ng ala-ala
Ikaw ang aking nakikita
Mga matatamis na sandaling nasa aking isipan
Hindi ko alam kung mababalikan ko pa ba
Sa Ilalim ng maliwanag na buwan
Tayong dalawa ang aking nakikita
Mga kamay na noo'y magkahawak pa
Ngayo'y unti-unti nang nabubura
Sa Ilalim ng maliwanag na buwan
Mga gabing tayo ay magkasama pa
Hinahanap ko ang iyong presensya
Ngunit naalala kong lumalayo ka na nga pala
Sa Ilalim ng maliwanag na buwan
Mga kwentuhan natin ang aking naaalala
Mga ngiting abot langit
Ngayon, tila wala na ang saya
Sa Ilalim ng maliwanag na buwan
Ako nga ay lumuluha na
Mga ngiti ay napawi na
Dahil sa aking tabi'y wala ka na
At sa Ilalim ng maliwanag na buwan
Ikaw ang naging inspirasyon ko
Naisulat ko ang tulang ito
At ito ang tulang natapos ko
-Adrian Faminiano
0 notes
abmterabyte-blog · 8 years ago
Text
Dulo
ang sabi sa kanta ikaw daw ang pagibig na hinintay
na ang puso daw ay matanggal na nalumbay
ikaw daw ang pagibig ng binigay
pagibig na binigay ng Maykapal sa kanyang buhay
 maraming natatamaan sa kantang iyan
maraming naiiyak maririnig pa lamang ang himig ng kanta
patunay raw kasi na may taong magmamahal sayo hanggang dulo
na kahit anong pagsubok man dumating sainyo nakakapit parin kayo
may ilan namang nagsasabi na "hindi totoo yan"
"wag kayong maniwala, magbbreak din yan"
"walang kayang forever"
 hindi ko lubos maisip na bakit may mga taong hindi nalang makuntento
kung bakit may mga taong pilit hinuhusgahan agad ang magiging takbo ng kwento
Maaaring dahil nasaktan na sila at natakot nang muling magmahal
kung bakit ba naman kasi hindi nalang sila muling sumugal
kung bakit ba naman kasi paulit ulit binabalikan ang nakaraan
eh sila lang din naman ang paulit ulit na nasasaktan?
 siguro nga mahirap gawin ang isang bagay na walang kasiguraduhan
baka nga imposibleng magawa ito ng taong hindi alam kung ang pinaglalaban ay may mapupuntahan
Ngunit dapat pakatandaan
Na kahit anong sigalot ang maransan
Sa dulo may isang taong itindahana sayo
At masasabi mo nang “Ikaw at ako” hanggang dulo
-Pau Daz
0 notes
abmterabyte-blog · 8 years ago
Text
Maraming Tanong... Walang sagot...
Maraming tanong ang gumugulo sa isip ko
tanong na hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga ito
pero isa lang ang alam ko
yung taong may alam ng sagot iniwan na ako
 nakakagulat dahil bigla ka nalang nawala na parang bula
at makikita nalang kitang may kasamang iba
ang sakit tanggapin na ang dali para sayo na sabihing tapos na
eh kaya naman pala nakahanap kana ng bagong makakasama
 hindi ko alam kung ako ba ang may kasalanan at ako ang dapit sisihin
hindi ko alam kung ako nga ba ang nagkulang sa relasyon natin
hindi ko alam kung bakit mas pinili mong humanap ng ibang mamahalin
hindi ko maintindihan kung bakit ginawa ko na ang lahat pero para sayo kulang parin
 kung titingnan ang dami kong hindi nalalaman
eh ikaw na nga kasi ang sentro ng mundong aking ginagalawan
pasensya na ha sobra kasi kitang pinagkatiwalaan
malay ko ba namang sa isang iglap bigla mo nalang akong iiwan
ay teka hindi mo nga pala ako iniwan
umalis ka na nga lang pala ng walang paalam
 nagtataka ako na sa haba ng ating pagsasama hindi ko napansin ang mga pagbabago mo
ah alam ko na baka sadyang naging kampanti lang ako
naging kampanti na nagiisa lang ako sa puso mo
pero ano ba naman yan nagkamali nanaman ako
dahil bago mo nga pala ako iwanang lumuluha
ayy mali pala bago ka pala umalis ng walang paalam habang ako'y lumuluha
nagpapakita kana nga pala ng mga palatandaan na aalis kana
 bakit hindi ko napansin ang paglamig ng iyong mga yakap?
bakit hindi ko naramdaman na may kulang na sa iyong mga halik?
bakit hindi ko naisip agad na isa na lamang pala iyong pagpapanggap?
bakit ba pinagpipilitin kong ika'y muling babalik?
anong nangyari sa mga iniwan mong pangako?
bakit parang naiwan nalang itong nakapako? Po
anong nangyari sa sinabi mong "tayo hanggang dulo?"
bakit sa nakikita ko umabot na tayo sa dulo?
 ang dulong hudyat na tapos na ang ating pagsasama
pagsasamang noong una'y punong puno ng saya
pagsasamang hindi nakakasawa kahit ulit ulitin pa
bakit? bakit? bakit ngayon tinapos mo na?
sabihin mo nga kung bakit ang dali sayong sabihing wala na!
bakit ba para sayo ang matagal na pagsasama na puno ng saya
madali lang tapusin gamit ang mga salita
salitang hindi ko alam kung bakit sobrang sakit nung natamaan ako
salitang noong una'y ayaw tanggapin ng utak ko
alam mo may mas mahirap pa palang tanggapin
hindi ko nga lang alam kung paano ko sasabihin
pero para sayo pipilitin ko
 mahirap tanggapin na ika'y wala na,
pero mas mahirap tanggapin na may iba kana
mahirap tanggapin na tapos na,
pero mas mahirap tanggapin na noon palang pala parang tinatapos mo na
mahirap tanggapin na hindi na ako ang sentro ng buhay mo,
pero mas mahirap tanggapin na hindi pala ako naging sentro ng iyo
mahirap tanggapin na sobra akong naaapektuhan,
pero mas mahirap tanggapin na nakikita kitang parang hindi nasasaktan
mahirap tanggapin na napagod nalang akong umiyak ng dahil sayo,
pero mas mahirap tanggapin na wala man lang luhang lumabas sa mata mo
 siguro nga ako lang ang nasasaktan
baka nga ako lang ang nahihirapan
hindi na dapat ako magtaka na ganung kadaling palitan ako
sino ba naman ako? ako lang naman nagmamahal sayo
 teka bakit nagtatanong nanaman ako
hay nako!!
maraming tanong nanaman ang nasa isip ko
eh wala na ngang sasagot nito
 maraming tanong nanaman...
pero wala nang sasagot...
 maraming tanong...
pero walang sagot...
 sa sobrang daming tanong, wala nang sagot
dapat nga siguro ibaon ko na sa limot
-Pau Daz
0 notes
abmterabyte-blog · 8 years ago
Text
Distansya
Mahal, anong nangyari? Ano na nga ba ang nangyari sa pagkakaibigan natin?
Ano na ang nangyari sa pinangakong pagkakaibigan na pangmatagalan?
Napalayo ka na simula ng sayo’y may umangkin.
At wala rin naman akong karapatan para humiling ng pagsasama na walang hangganan.
 ‘Pag ako nama’y nalulungkot, kinukuha ko ang sulat na binigay mo sa akin nung tayo ay magkita.
Binabasa ko ito sa tuwing hinahanap-hanap ko ang mainit mong yapos.
Yakap-yakap ko ang sulat mo sa tuwing nalulungkot ako, dahil ito nalang ang tanging alaala na natira.
Dahil nung sandali na ika’y lumisan, parang may sibat na sa puso ko ay tumagos.
 Alala ko pa nung malapit pa tayo sa isa’t isa, halos hindi tayo maubusan ng istoryang sasabihin,
Pero ngayon swerte na ako kung ako’y iyong mapansin.
Naaalala ko pa nung ika’y tumatangis, ‘di ko kayang makita ka na lumuluha,
Dahil parang nararamdaman ko rin ang sakit na iyong pinapasan.
 Ang sabi mo sakin nung isang gabi ay ‘pag kakausapin kita, bumulong lang ako sa aking isipan,
Kaya ginawa ko ‘to gabi-gabi, kinakausap kita sa pag-asa na ika’y nakikinig.
Naaalala ko pa ang kislap sa’yong mga mata nung kamay mo ay aking tangan.
Nakabisado ko na nga ang bawat detalye sa’yong mukha sa aking kakatitig.
 Ngunit hindi ko alam na ‘yon na pala ang huling beses na ngingiti ka dahil sakin.
Hindi ko alam na pumili ka na ng iyong nais makasama sa paglalakbay sa buhay,
Wala rin naman akong karapatan na ika’y pigilan.
Kaya ang tanging hiling ko ay iyong sagutin ang tanong ko; Mahal, anong nangyari sa atin?
- Simon Barrameda
0 notes
abmterabyte-blog · 8 years ago
Text
Paalam
Eto na, andito na tayo sa huling yugto Sa isang taon na tayo'y nagkakilala Isa lang ang sigurado Mga alaalang ating ginawa ay kailanma'y di mawawala Masarap sa pakiramdam na ito'y napagtanto Na ikaw ay nakapagtapos sa kagustuhang matuto. Sa dami ng problemang hinarap, Ika'y andito nakatayo, handa na para sa hinaharap. Alam kong ika'y masaya dahil paghihirap ay mawawala. Pero mananatili lahat ng alaala. At isama na rin sila sa mga nagagalak. "Nakatapos ka, mahal naming anak" Pero masakit isipin na dumating na ang panahon Na mawawalay sa matatalik na kaibigan Pero ako'y sigurado, mga payo ay dala sa lahat ng pagkakataon. At mga masasayang alaala ang dala sa paglisan. 'Di talaga maiiwasan ang mga ganitong nadarama Sa pagtakbo ng buhay, ika'y dapat laging masaya. Sa pagka't ang pagpapahiwatig ay ika'y handa na sa pagbabago. At ika'y mamumulat sa bagong mundo. At huwag mangamba kung sa kanila'y malalayo Dahil bitbit mo ang mga alaala nyong mahal pa sa ginto. Dahil pwede naman bumisita at umalala Sa mga masasayang alaala noong kayo'y magkasama. Pero sa loob ay parang may pumapalo Sa dibdib ay may naghahalo. Sa isang taon na tayo'y nagsama Aaminin na ako'y malulungkot pag ika'y nawala. Magkahalong emosyon sa dibdib na saya at lungkot Walang magagawa dahil dito talaga aabot. Dahil ang lahat ng bagay ay natatapos Pero nais kong malaman mo pagibig kong para sa'yo ay di nagbago. At eto na ang huling pagkakataon para gumawa ng isa pang alaala. Mga alaala na dala saan man mapunta. Mga alaala na magpapaalala Na kahit anong mangyari, ika'y nandito parin.
- Simon Barrameda
0 notes
abmterabyte-blog · 8 years ago
Text
Pagkakaibigan
Sino ang mag aakala na sa dinami-rami ng pwede kong makilala ay ikaw pa.
Sa dinami-rami ng studyante na pwede kong maging kaibiagan ay ikaw pa.
Sa una kahit malapitan ka ay hindi ko magawa.
Pero hindi yon naging hadlang para tayo ay maging malapit sa isa’t isa.
  Sino ang mag aakala na ang isang tulad mo ay makikipagkilala sa tulad ko.
Minsan napapaisip nalang ako kung ano ang nakita mo sa akin.
Kung bakit sa dinami-rami ng tao ay ako pa
At ako’y napaisip, ano nga ba ang nakita mo sa isang tao na katulad ko at ako’y pinagkakatiwalaan mo?
  Pero ang lahat ng pag-aalinlangan ko ay napapawi sa tuwing kasama kita
Mistulang lahat ng ito ay aking nalilimutan kahit pansamantala lamang.
Pinaramdam mo sa akin na may pakinabang ako sa malupit na mundong ito.
Pinaramdam mo sa isang tulad ko na may halaga pa rin pala ako.
  At ako’y nagagalak ‘pag ika’y nakakausap
‘Di ko alam kung bakit, pero pag ika’y tinutulungan,
Tila may galak sa aking puso na sa’yo lang nararamdaman.
At wala kang sablay sa pag-papangiti sa akin sa tuwing tayo’y magkasama.
  Sobra sobra ang pasasalamat ko sa tadhana, dahil tayo’y pinagtagpo.
Sa dinami-rami ng mga pwede mong makasama ay ako pa.
Pakiramdam ko ay napaka-swerte ko dahil nakakilala ako ng isang tulad mo.
Binigyan mo ng kulay ang kupas kong mundo.
  Binigyan mo ng bagong pagasa ang pusong durog na durog.
Binigyan mo ako ng bagong pananaw sa buhay na kay lupit, at lagi mong tatandaan,
Ang bawat ngiti na iyong nakikita sa akin, ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.
At ikaw ang dahilan kung bakit kinakaya ko harapin ang bawat umaga ng may pag-asa
  Dahil sa’yo ako’y nagkaroon ng bagong dahilan para ipagpatuloy ang aking nasimulan.
Sa dami ng mga posibilidad, sa dami ng tiyansa na may iba kang makikilala ay ako pa.
Kaya abot abot ang pasasalamat ko sa Maykapal dahil tayo ay nagtagpo
Tanging hiling ay ito: kahit kailan ma’y wag sana magkalayo. 
- Simon Barrameda
0 notes