Gorgeous • Secret Agent • Singer • Admin of #TeamZAIVEN
Don't wanna be here? Send us removal request.
Photo

"Kay Sarap Gumising Na Ikaw Ang Kasama". Kay sarap gumising sa umaga kung ikaw ang kasama at mukha mo agad ang makikita. Sa mga pagkakataong iyon gusto kong tumigil ang oras para sa ating dalawa na parang ayaw ng matapos ang araw. Ngiti sa mga labi ay hindi maipaliwanag tuwing ika'y aking nakikita na parang buong-buo ang araw ko. At walang gustong gawin kundi ang titigan ka, titigan ang maamo mong mukha, halikan ang iyong malambot na labi at yakapin ng mahigpit ang iyong matabang katawan (HAHAHA!✌🏻😂) habang ikaw ay mahimbing na natutulog. — Aizaroma, "Kay Sarap Gumising Na Ikaw Ang Kasama".
#inspired#giveyourheartasecondchance#personal#aizaroma#raventhology#relationship#fillipino#filipinoblogger#TeamZAIVEN
0 notes
Text
"Sasamahan Kita Sa Iyong Paglangoy"
Sa pag-ahon mo ako'y naghihintay sa kabilang ibayo, naghihintay sa iyong pagdating. Langoy lang hanggang sa ako'y iyong marating. Sabay nating kalimutan at ilubog sa dagat ang lahat. Mga masasama at pangyayaring maaalat. At magkasama tayong lumangoy patungo sa isang mundo na ang tanging naroon ay tayong dalawa. Gagawa tayo ng masaya at bagong ala-ala. Sasamahan kita. Hindi ka na muling mag-iisa. — Aizaroma, "Sasamahan Kita Sa Iyong Paglangoy".
#inspired#giveyourheartasecondchance#personal#aizaroma#raventhology#iloveyou#relationship#filipino#filipinoblogger#TeamZAIVEN
1 note
·
View note
Text
Maaaring hindi ikaw ang unang minahal ko,
Pero masisiguro ko na ikaw na ang huling hahawak ng puso ko. — Aizaroma
0 notes
Text
"Sasamahan Kita Sa Iyong Paglangoy"
Sa pag-ahon mo ako'y naghihintay sa kabilang ibayo, naghihintay sa iyong pagdating. Langoy lang hanggang sa ako'y iyong marating. Sabay nating kalimutan at ilubog sa dagat ang lahat. Mga masasama at pangyayaring maaalat.
At magkasama tayong lumangoy patungo sa isang mundo na ang tanging naroon ay tayong dalawa. Gagawa tayo ng masaya at bagong ala-ala. Sasamahan kita. Hindi ka na muling mag-iisa.
— Aizaroma, "Sasamahan Kita Sa Iyong Paglangoy".
Kaya Ko Nang Lumangoy Mag-Isa
Ang saya natin. Ang saya nating lumalangoy sa dagat ng pag-ibig, sa dagat ng pangarap, sa dagat ng saya. Ni pagod o hirap, hindi ko ininda. Basta ang alam ko kasama kita, wala nakong hihilingin pa. Napakadami nating pangarap para sa isa’t isa, napakadami nating pangarap magkasama. Akala ko yung buhay ko kumpleto na. Nalaman ko nalang, ayaw mo nang lumangoy na ako ang kasama. Sakit at lungkot lang ang aking naramdaman. Napawi ng ginawa mo yung mga dating nararamdaman ko. Yung dating dagat ng saya, pangarap, at ligaya, napalitan ng purong kalungkutan. Nalunod ako dito, ni hindi ko inisip umahon, ni hindi ko inisip umangat sa ibabaw ng tubig, ikaw lang nasa isip ko, hindi ko naisip iligtas ang sarili ko. Naisip kong hanapin ka, sumisid, at baka makita ka. Nakita kita, masaya na, tinanong kita kung pwede pa, sabi mo wala na. Sa kagustuhan kong manitili ka sa buhay ko, inalok kita na maging kaibigan ka, ang sabi mo sumunod nalang tayo sa ihip ng hangin, at lakas ng alon.
At dyan, sa pag-“Go with the flow” natin tayo'y nasasaktan. Kung saan sanay ka nang kasama siya, bigla siyang lulubog at mawawala. Sa mga biglaang pangyayari, hindi pwedeng ikaw ay hindi mabigla. Susubukan mo siyang hanapin muli. Ngunit sa iyong paghanap at paghabol, ika'y mapapagod at mawawalan ng hininga. Saka karin lulubog kasama ng mga alaalang naiwan niya. Kaya ngayon, sa muli kong pagahon. Di man kita makita sa ibabaw ng mga alon, tanggap ko na. Hindi man kita kasama lumusong, tanggap ko na. Kaya ko nang lumangoy mag-isa.
35 notes
·
View notes
Text
"I thought"
Akala ko hindi na ako makaka-alis sa apat na taon sa dati kong karelasyon. Akala ko masaya na ako dahil matagal na kami at parang walang problema. Akala ko perfect na yung relation namin dahil matured na kami. Dahil alam mo ba yung feeling na kapag nasa long term relationship kana, hindi kana hahanap ng iba dahil nanghihinayang ka sa pinagsamahan nyo? Yung iisipin mo kung ano yung sasabihin at iisipin ng ibang tao, kaya mas pinipili mong manatili sa relasyon nyo kahit wala ng love, care at time kase nga matured na kayo. At akala ko sya na yung makakasama ko habang buhay. Pero, akala ko lang pala lahat, akala ko kilalang kilala ko na yung pagkatao nya, akala ko hindi nya ako masasaktan, akala ko magiging careful sya sa lahat ng sasabihin nya para hindi ako masaktan. Dumating na sa point na nasasaktan na pala nya ako, napapabayaan na nya ako, hindi na nya ako pinahahalaugahan, gusto nya lahat ng gusto nya susundin ko, nasasakal na ako sa relasyon namin at the same time hindi na ako masaya. Akala ko hindi na ako makaka-alis sa relasyon namin na puro away nalang araw-araw. Nagpapasalamat ako dahil may dumating na deserve ako, mamahalin at aalagaan ako, hindi ako papabayaan, binibigay lahat ng oras nya para lang makita at makasama ako. At tanging sakanya ko lang naramdaman yung sobrang saya at sobrang kumportable kami sa isa't isa. Masaya nakaming dalawa ngayon at nagmamahalan. ☺️💕 "Huwag mo iisipin ang sasabihin ng iba, kung hindi kana masaya at paulit-ulit ka na lang nasasaktan. Matuto kang kumalas at hintayin mo ang taong karapat-dapat para sayo! Dahil ang babae dapat minamahal at hindi sinasaktan. At huwag mo isarado ang puso mo sa iba, bigyan mo ng pangalawang chance ang puso mo na magmahal ulit sa tamang tao at tamang panahon." — Aizaroma, "I Thought".
#inspired#thoughts#giveyourheartasecondchance#relationship#tagalog#filipino#filipinoblogger#TeamZAIVEN
1 note
·
View note
Text
"Nung nakilala kita"
Nung nakilala kita sobrang positive mo sa buhay gusto mo puro positive lang lahat ng mangyayare. Pero, sa kabila ng pagiging positive mo meron ka palang mapait na nakaraan at nalaman ko na sobra kang nasaktan sa dati mong karelasyon. Nalungkot ako ng marinig ko sayo lahat ng ginawa nyang pananakit sayo pero pilit mo pa din syang hinabol-habol, at sinabi ko sa sarili ko nung araw na yun na napaka swerte na nya dahil sya ang napili mo (na sana ako nalang 😞 Chena!). Ngunit hindi natin namamalayan na nahuhulog na pala ang loob natin sa isa't isa. (Pero crush mo na ako nung una mo ako makita 😂). Nung nakilala kita doon ko lang ulit naramdaman na kiligin at paano mainlove muli. At hanggang sa nagtapat tayo sa isa't isa, sobrang saya ko nung araw na yun hindi maipaliwanag na kasiyahan ang naramdaman ko. Lahat ng oras mo nabibigay mo saken, magkausap sa telepono at halos magkasama araw-araw (Which is yun yung hinahanap ko sa isang relasyon ang ORAS). Nung nakilala kita andaming nagbago sa buhay ko at ang dami kong natutunan sa mga bagay bagay. Nung nakilala kita natutunan kong gumalaw sa sarili kung paa at maniwala sa mga kakayahan ko. Nung nakilala kita naramdaman ko na sobrang espesyal ko pala at naramdaman ko kung gaano ako dapat mahalin. Nung nakilala kita lahat ng pananaw ko sa buhay binago mo. Na hindi lahat ng naiisip ko ay pwedeng solusyon sa lahat ng problema. (Puro negative lahat ng solusyon ko) At ngayon na sa akin kana ipinapangako ko sayo na hinding hindi mo na mararanasan ang mga sakit na naranasan mo noon, tulad ng lagi kong sinasabi sayo maalala mo nalang ang lahat ng sakit na ginawa sayo na wala ng kirot sa puso mo. — Aizaroma, "Nung nakilala kita".
1 note
·
View note