Text
Martyr
isa kang biktima nang mapait na nakaraang bumuo sayo upang ngayon ikaw ay mahantong sa ganito
isang dakilang nilalang na nababalot ng kamusmusan at walang kaalaman sa mundo
isang babaeng mahina ngunit malakas kapag nagseryoso
ngunit sa ngalan ng pag-ibig ay mahirap ang para sayo ay makipaglaban at ilabas ang nararamdaman
hanggang sa humantong ang katapusan na sa simula pa lang ay iyong sinukuan at inatrasan
dahil nanatili ka sa isiping ayos lang kahit di ka makipaglaban
at tumayo sa tabi at masaktan habang nakikita siyang lumalapit sa iba
kahit na alam mo nung una ikaw ay may tsansa
ngunit dahil sa takot at lungkot ikaw ay nagpaapi
pinili mong lumayo at tumayo sa sariling paa na walang balak na alamin baka may pag-asa
nanalig ka sa mga sarili mong salita at isip na baka ikaw lang ang magmamahal at lalaban
kaya’t mas pinili mong ihanda ang sarili na maghirap at mahirapan huwag lang ang makasakit at maging dahilan ng poot at galit ng iba
at sa ngalan ng pag-ibig isa kang dakila
sa pinakamababang paraan
1 note
·
View note
Text
You reak of the opposite of humility and selflessness, so good at putting filters; so used to using others, leaving them hanging after and running back when you find them useful all over.
Good at changing masks in seconds and playing victim instantly. I pity your sorrowful soul, how I wished to understand you and be freed from this anger, give you my utter forgiveness when you're not even sorry.
But your every action just screams pride and selfishness that ticks me off. Sorry, but I will continue to understand that you have been molded that way and you suffer too. I just hope we don't cross deep paths again in the future.
1 note
·
View note
Text
Mahina ako
Mahina ako. Ilang beses na din akong nagkakasakit, nasasaktan. Mahina ako. Sa hindi marunong na pagpili ng dapat at hindi dapat. Mahina ako. Sa pag-iisip ng tama at hndi. Mahina ako. At hindi marunong manindigan para sa sarili. Mahina ako. Sa kakulangan ng paniniwala sa sarili. Mahina ako. Sa maliliit na bagay, masyado akong naaapektuhan at nagpapadala. Mahina ako. Kahit mukha akong hndi naaapektuhan, sa loob loob ko umiiyak na ako. Mahina ako. Kasi tao lang ako. Mahina ako. Kasi babae ako. Mahina ako. Kasi madamdamin ako. Mahina ako. Pero sa kahinaang to, natututo akong lumakas...kahit papaano.
0 notes
Text
Ang kabutihan ng Diyos ay dakila, wala akong dapat ikatakot pa 💕❤😁
0 notes
Text
Anggulo. Ang gulo.
Sa dinarami rami ng bagay sa mundo hndi ko na maintindihan kung alin nga ba ang dapat pansinin o bigyan ng pansin. Mga malalaking bagay na palaging nandyan at umaagaw pansin, makabuluhan man o hndi. Maliliit na bagay na palaging nandyan na minsan mo lang mapansin. Alin nga ba ang mas mahalaga? May MAS nga ba? Hndi ba't itong malalaking bagay ay minsang nagsimula sa maliit rin? Ngunit saka lang napansin dahil sa 'lumaki' na ito? Ibig sabihin ba nito mas mahalaga na ang maliit? Anggulo. Ang gulo. Napakalawak ng mundo. Konting ibo apektado mo ang iba. Isang maliit na maling galaw, boompanes, may maaaring masira. Isang maliit na maling galaw, may maaaring mawala. Isang maliit na maling galaw, maaaring hndi na maibalik pa. Isang maliit na maling galaw maaaring lumaki sa malaking kamalian. Anggulo. Ang gulo. Ano pa nga ba at lagi na lamang natin napapabayaan ang maliliit na bagay. Nakadikta na sa ating isipan ang konseptong, maliit na bagay lang naman iyan, okay lang yan. Okay nga lang ba talaga? Kung sa maliit na bagay pinapabayaan natin at hndi inaaksyunan, bakit saka pa pag lumaki na? Kung saan nung maliit pa ay naibsahan agad sana, bakit ngayong kung huli na saka nais ayusin pa? Dahil sa malaki na? Dahil pag maliit, wala lang? Ngayon lang napagtanto kung kelan 'lumaki' na? Laging pinapawalang bahala na lang ang maliliit na bagay. Lagi na lang. Anggulo. Ang gulo. Pero ang gulo nga e. Bakit kaya ganun ang tao? Masyadong magulo. Bakit naging ganito na ang naging pag-iisip ng mga tao? Saka gumagawa ng aksyon sa huli? Saka itinatama ang pagkakamali kung kelan huli na? Kung sa nung una dapat hindi na ginawa pa ang kamalian talaga. Hindi ginamit ang utak? Nagpadala sa damdamin? Anggulo. Ang gulo. Kakaiba ang mga tao. Komplikado. Sa simpleng mundo, naging komplikado ang lahat dahil sa kagagawan ng tao. Masyadong emosyonal. Nagpapadala sa emosyon. Sari-sari ang nagagawa dahil sa emosyon. At dhil sa mga emosyong ito, nagbabago ang mga tao. Hindi na malaman kung sino ang nagsasabi ng katotohanan at hndi. Sino ang dapat paniwalaan at hindi. Sino ang mabuti at hindi. Sino ang nagpapanggap at hindi. Sino ang tunay na tao at hindi. Sino ang nagpapadala lang sa iba at hindi. Anggulo. Ang gulo. Anggulo. Ang gulo. Iba't ibang anggulo pero ang gulo pa din talaga. Ito ang napili kong anggulo at tunay nga namang ang gulo. Maraming magulo sa buhay. Kahit anong anggulo, mahahanapan ng butas, laging may hindi sasang-ayon, laging may palya, laging hindi sapat. Ang gulo. Anggulo sa maliit at malaki. Alin nga ba? Ang gulo. Anggulo sa kamalian. Ang gulo. Anggulo sa pag-iisip ng tao. Napakagulo. Anggulo. Ang gulo.
0 notes
Text
Hahahhaaha natatawa na lang ako sa pinost ko dati walanjo anong kadramahan nan kaya yun 😂😂
0 notes
Text
nalulungkot ako. kasi masaya ka.... masaya dahil sa kanya.
0 notes
Text
Iwas
Lagi kitang napapansin na parang napapasulyap, napapatingin. Laging nakalagay ung mga mata mo, sa mga anggulong naiisip kong medyo nakikita mo ako.
Ako lang ba ang-iisip nito?
Pero minsan, nagkakatinginan tayo. At after nun, iiwas agad ako. Ayoko, ayoko na nitong nararamdaman ko. Tama na. Game over na sana.
Sana ganun kadaling kumawala sa nararamdaman, pag nahuli ka na, iwas agad, tapos na, wala na.....
0 notes
Text
Wala Na
naiinis ako. naiinis kasi hanggang ngayon, may feelings pa rin ako sayo na dapat matagal ko nang kinalimutan at ibinaun sa kasuluk-sulukan ng mundo. Na sa simula’t-simula pa, ay dapat hindi na nabuo.
Ang hirap naman kasi mawala nito, na sa bawat pilit kong mawala, ikaw pa rin ang isinisigaw, ikaw pa rin ang hinahanap-hanap, ikaw pa rin ang iniisip, ikaw lang talag, at wala nang iba.
Araw-araw kang nakikita, araw-araw ding umaasa na sana tingnan mo uli ako, at sana sa bawat sulyap at pagtingin mo, may kahulugan, at sana hindi lang ako nag nag-iisip nito.
Pero, nasa utak ko lang ata ang lahat ng ito. Lahat ng ginawa mo dati na naging dahilan para mahulog ako, ano ba ang mga yun? Para lang i-entertain ang sarili mo? Para makipaglandian lang? Para makipagaibigan?
Mali ba na nag-assume ako, dahil sa laging pagpansin mo sakin noon? Sa pagssweet talk mo sakin? Sa kung anu-anong ginagawa mo pa para makausap ako? Na kahit na, medyo nababalewala ang mga yun kasi medyo snob ako?
Masisisi mo ba ako? Nag-iingat ako kasi di ako sigurado. Nag-iingat ako kasi naguguluhan ako. Nag-iingat ako kasi baka magkamali ako ng ibo. At dahil sa patuloy-tuloy na pag-iingat, unti-unting nabawasan ang pagpansin mo sakin. Namiss ko ung mga yun. Hanggang sa tuluyang nagbago ka ata, at di mo na ginagawa ung dati. Nalaman ko nlang, may gf ka na.
Dahil ba, napagod ka sakin? O dahil, wala lang ako sayo simula pa lang? Pampalipas oras? hindi ka ganun.
SO ano yung mga ginagawa mo dati? Dpat ko ba yung bigyan ng meaning? Dahil ngayong may gf ka na, di mo na ginagawa. DI mo na ko ganung pinapansin.
Pero nagkaproblema kayo, pinapansin mo ko minsan. Para maging kaibigan? Sorry, hndi tlga ako komportable sayo. Hindi ko pa kayang maging kaibigan ka kasi sa paglingon at pagtingin mo pa lang, kinakabahan na ako. Kausapin ka, nervous ako, nauutal ako. HIndi ko pa kaya.
Pero lately, masaya ako. Di na ko nasasaktan sa inyo. Wala na kong pakialam masyado sa yo. Pero meron pa din. Pero konti na. Sana mawala na. At sana maging magkaibigan na tayo, ung makakausap na kita ng normal at makakabiruan, kasi WALA NA. :)
0 notes
Text
AKO
Ako? sino nga ba si AKO?
aba ay ewan ko din, kasi pati ako, naguguluhan...
ang tanging alam ko lang, minsan masaya ako, minsan bigla-biglang malulungkot...
minsan mapapatulala, mag-ooverthink, at...at, ayun, magulo na ang lahat. I knew, I’m a mess again, inside out.
haaaay, ang hirap naman kasi, bakit ba ganto? Sino nga ba AKO?
Alam ko may pangalan ako, tirahan, pamilya, halos lahat meron na.. na napapaisip ako, nobody’s perfect kaya some things are like this. But above all this, masaya naman ako at thankful sa lahat.
Pero sino nga ba tlga ako?
alam ko lang, sa maliliit na bagay, nasasaktan ako. Masyado kong binibigyan halaga pati maliliit na bagay. Nahihirapan akong makisama sa ibang tao. Naiiinis ako sa mga ini-snob ako, kahit isa akong i-snobera.
SO, sino ba tlga ako?
Ako ay ang lahat ng ito, pero hindi ko pa din tuluyang kilala ang sarili ko. Kasi, ang gulo-gulo.
0 notes
Text
Baka
baka ang lahat ng ito ay parte ng isang malaking plano...
baka may mas magandang kahihinatnan ang lahat sa huli kaya nagkakaganito...
baka ito ang pinakamagandang paraan sa lahat...
baka sa huli maiintindihan ko kung bakit nangyayari ang mga ito...
baka, baka lang naman
0 notes
Text
I dislike it...
i dislike it..
...when the moment I wake up, I see you in my head
...when I pause a while, the thought of you pops out of nowhere
...when I see you everywhere
...when the smallest of things remind me of you
...when I see you glancing at me because I will assume so many things
...when I try to find you when I lose sight of you
...when all I think about is you
...because I like you
...because this post totally screams for you
...because it’s you, again and again, and you’ll never even know
...because this is all that will ever be
0 notes
Text
so this blog is primarily created for the purpose of sending out my unexplainable feelings which I myself cannot understand that I need an outlet to express these things within
0 notes