Text
H I N D I A K O

Hindi ko alam kung dapat ba kong maging masaya kapag sakin siya nagtatanong ng mga dapat gawin. Hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa kapag sakin siya humihingi ng tulong. Hindi ko alam kung sasaya ba dapat ako kapag ako ang takbuhan niya pag may problema siya. At hindi ko rin alam kung may karapatan ba kong masaktan nung hindi ako yung pinili niya. Hindi niya ako piniling mahalin, hindi niya ako piniling tulungan, at hindi niya ako piniling pahalagahan dahil hindi ako siya. At hindi kailanman magiging ako siya. Dahil ako ay tanging kaibigan niya lang. KA-I-BI-GAN! At hindi ang taong MA-HAL niya.
0 notes
Text
How do I uncrush you?
Di ko alam kung bakit kita naging crush,
kaya ngayon gusto na kitang iuncrush.
Ayoko na kasi 'tong nararamdaman ko.
Natatakot ako.
Kinakabahan ako.
Kahit gaano ko kagusto na umamin sayo,
pero hindi pupwede.
Ayoko kasing mawala ang pagkakaibigan natin,
lalo na 'yung matibay nating samahan.
Ayoko rin kasing ma-awkward,
'yung magkaroon ng distansya sa ating dalawa.
Ayoko rin na may magalit sa'kin,
lalo na 'yung mga kaibigan natin.
Kahit gaano kita kagusto,
mananahimik na lang ako.
Okay lang naman sa'kin ang kiligin ng palihim.
Okay na ko sa simpleng pagcha-chat mo,
sa pagli-like ng tweets, at posts ko.
Okay na ako sa ganun.
Kaya 'di na lang ako aamin sa'yo.
Gusto kita....
Kahit hanggang tumblr na lang.
1 note
·
View note
Text
Handa ka na ba? Yung totoo?
Inihanda ko ang sarili ko,
sa pagkakataong ito.
Sinabi ko sa sarili kong,
handa na ko.
Handa na ko kapag nakita kita.
Handa na ko kapag dumating ka.
Handa na ang puso kong muling ngumiti.
Kasi alam kong,
hindi na ko masasaktan.
Pero bakit nung narinig ko ang pangalan mo,
biglang kumabog ang dibdib ko.
Biglang nataranta ang utak ko.
Bigla akong nakaramdam ng kaba.
Akala ko ba handa na ko,
hindi na ako masasaktan.
Pero mali pala ako.
Pero bakit nung narinig ko ang boses mo,
lalong lumakas ang kabog sa dibdib ko.
Lalong nataranta ang utak ko.
Lalo akong nakaramdam ng kaba.
Akala ko ba handa na ko,
hindi na ko masasaktan.
Pero mali pala ako.
Mali pala ako.
Hindi pa pala ako handa.
Masakit pa rin pala.
Kasi ang totoo,
MAHAL PA RIN PALA KITA.
0 notes
Text
c r a z i e s t f a m

S - salamat sa mga tawanan, iyakan, at kalokohan na kayo ang kasama
Y - yayaan sa kainan, inuman at kwentuhang walang humpay
A - ala-alang tiyak na hindi ko kailanman malilimutan
R - rarampa na tayo sa bagong kabanata ng ating buhay.
K - kaya sana kahit lumipas man ang maraming taon
S - samahan natin ay hinding-hindi kailanman kukupas.
B - bubuo ng panibagong ala-ala
U - uumpisahan sa mga bagong makikilala
T - tatawa sa mga joke ng bagong kaibigan
A - araw-araw sila na ang magiging kakwentuhan.
N - never mo man makasama ang mga syarks at butandengs
D - di naman nila malilimutan ang isang kagaya mo na sobrang amazeng.
E - eto na, magseset na ng outing
N - nadama agad nila na gusto mo magswimming
G - go na ulit sa inuman dahil ready na ulit malasing.
S - sama-sama na ulit sa saya, ganito ang gusto kong feeling!
1 note
·
View note
Text
OLATS
Bawal ma-inlove.
Ang unang mainlove, talo.
Ang unang magkagusto, talo.
Ang unang umamin, talo.
Kaya nga suko na ako.
Alam ko namang matatalo rin ako.
Bakit pa nga ba ako lumaban?
Kung sa una pa lang, may iba ka nang ipinaglalaban.
0 notes
Text
s y a r k s & b u t a n d s

Umuulan na naman
Umiiyak na naman ba ang langit?
Baka nalulungkot na naman ito.
Dinadamayan siguro ako sa nararamdaman ko.
Bigla ko na naman kasi naalala
Yung mga panahong kayo lagi ang kasama
Mga tawanan at biruang walang katapusan
Kailan kaya natin ulit magagawa.
Nagsimula na naman akong tumingin sa mga litrato
Para bang mundo'y biglang huminto
Nanalangin na sana, na maaari pa kayang maibalik
Yung mga samahan nating puro lang hagikhik.
Uy, tapos na pala yung apat na taon natin sa kolehiyo
Tapos na pala yung mga iyakan at walang tulog na mga prod na kasama kayo
Tapos na pala yung pagsusuot natin ng uniporme
Pero sana yung ating pagkakaibigan, yung ating samahan, sana walang katapusan.
Nagdradrama na naman si ate mo girl
Akala mo hindi na magkikita-kita
Siguro nga maaari pang magkita
Pero hindi na tulad dati, na araw-araw magkakasama.
1 note
·
View note
Text
One-sided

Hayaan mong ako naman ang magsulat ng liham para sa'yo,
tulad ng mga liham na sinusulat mo para sa taong minamahal mo.
Hayaan mong ako naman ang magparamdam ng pagmamahal para sa'yo,
tulad ng pagpaparamdam mo sa kaisa-isang babaeng minahal, minamahal at mamahalin mo.
Hayaan mong ako naman ang mag-alaga sa'yo,
tulad ng pag-aalaga mo sa kanya.
Hayaan mong mapasaya kita,
tulad ng pagbibigay ngiti mo sa taong minamahal mo.
Hayaan mong yakapin kita ng mahigpit,
tulad ng yakap na ginagawa mo para sa kanya.
Hayaan mong ako naman ang magpunas ng luha sa mga mata mo,
tuwing nasasaktan ka dahil sa kanya.
Hayaan mong ako naman ang maghilom ng sugat diyan sa puso mo.
Hayaan mong mahalin kita kahit hindi mo kayang mahalin ang isang katulad ko.
Hayaan mong isulat ko ito para sa'yo.
Hayaan mong masaktan ako dahil sa'yo,
dahil itong sakit na nararamdaman ko,
itong kirot sa puso ko,
at ang pagtanggap sa realidad na hindi ako magiging sa'yo
ay katumbas na rin naman ng mga ngiti sa labi ko
na ikaw lang ang tanging dahilan.
2 notes
·
View notes