almago
almago
ALMAGO: Tala ng Pluma
2 posts
“Mula sa mapang-aliping himig ng mundo’y paganahin ang iyong isipan. Gunigunihin na kunwari ay naririto ka sa daigdig ng pantasya!”
Don't wanna be here? Send us removal request.
almago · 2 years ago
Text
𝗪𝗛𝗔𝗧 𝗜𝗦 𝗕𝗘𝗔𝗨𝗧𝗬?
Naniniwala ako, lahat ng bagay na saklaw ng mundo ay isang sining na iginuhit ni Bathala. Kahalintulad ng isang dula-dulaan na mayroong entablado. Sa entabladong iyon may mga tauhang gumaganap; may bida, kontrabida, panget, maganda, mahirap, at mayaman. Kagaya ng isang pelikula, hindi magiging maganda ang kalalabasan kung wala ang kontrabida. Hindi ririkit ang isang serye kung puro kagandahan ang ipapalabas o mapapanood. Ano ba talaga ang kagandahan? Para sa akin, ang kagandahan ay ang pagtanggap sa kung ano ka hinulma ng Diyos. Kahit maganda ang iyong panlabas o panloob na anyo, kung hindi ka kuntento sa mukha mo... kawawa ka pa rin—useless pa rin ang kagandahang iyon kung ’di mo tanggap ang sarili mong wangis. Ang buhay ng bawat tao ay may kaniya-kaniyang role, kung tanggap mo ang katauhang ibinigay sa iyo... makikita mo kung gaano kaganda ang mundong Diyos ang Siyang direktor.
@Ajie
0 notes
almago · 2 years ago
Text
𝗞𝗔𝗥𝗨𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡
Saklaw ng karuwagan ang maraming uri ng kapintasan. Kung duwag ka’y maaari kang mabansagang inutil, gonggong, at walang kuwenta. Karuwagan ang pumipigil sa iyo kung bakit hindi mo napagtatagumpayan ang isang bagay o sabihin na nating gawain.
Dito sa mundong nagsilipana ang mga katakot-takot na mga bagay-bagay, mayroong kahibangan ang umuusbong sa ating isipan; nababahala na baka’y mapahamak ka kung sakaling gawin mo ang gawaing iyon. Pinapangunahan ka lang ng kaba kahit batid mo sa iyong sarili na may kakayahan kang pagtagumpayan ang kinaruruwagan mong hamon.
Tandaan natin na nilikha tayo ng Diyos ng hindi tapos. Kailangan nating hubugin ang ating sarili sa bawat araw na ating kinahaharap. Hindi tayo isinilang upang maging bilanggo sa sarili nating mundo. Iwasan natin ang maging duwag upang makamit ang tinatawag nating kalayaan. Magiging masaya at magiging malaya tayo kung pipiliin nating sumaya at lumaya.
@almago
1 note · View note