Tumgik
ameeeee · 3 years
Text
Ang Isang Araw Ko
“Magandang Umaga! Ako nga pala si Maria Ada, at ako’y lubos na nagagalak ‘pagkat binasa mo itong kuwento ko. Gusto ko sana mag-vlog, yung A Day of a life, D-Day with a life basta iyon. Nakita ko kasi iyon sa isang ale sa dyip, pinapanood niya yung bidyo ni Liza Soberano. Nais ko rin sanang ibahagi ang aking kuwento sa buong mundo, ngunit dulot ng kahirapan ay dito na lamang ako sa papel magbabahagi. Sa katunayan, kinuha ko nga lang itong papel at panulat kila Aling Nena. Nga pala ako’y labing-walong gulang na, at kami ay nakatira sa Tondo, Maynila, at isa kami sa bahagdan ng mga mahihirap na pamilya rito sa aming lugar. Ang bahay namin ay hanggang ikalawang palapag lamang at mayroong dalawang silid. Alaws pintura, ang aming pinto ay isang kalawanging yero, tasbu-tasbu ang bubong, at ang kurtina namin ay ang paskil ng “Nonoy’s Eatery” na nakuha lang namin diyan sa gidli-gidli. Ako ang panganay sa aming magkakapatid. Gusto n’yo bang malaman kung ilan kami? SAMPU! Oo, pusam! At ako ang nag-aalaga sa siyam kong kapatid! Hays! Andres Ada nga pala ang pangalan ng erpat ko, at Emelda Ada naman ang ermat ko. Hindi ko na papakilala mga kaputol ko, masyadong marami baka maburyong na kayo.
Tumblr media Tumblr media
Ito na nga, ikukwento ko sa inyo kung paano ba tumatakbo ang aking buhay sa loob ng isang araw. Nagsisimula iyon sa tilaok ni JR, ang manok sa katabi naming bahay na sila Aling Nena. Alas-singko iyon ng umaga. Dahil wala akong selpon, o alarm clock, iyon na lamang ang nagpapagising sa akin. Ang laking utang na loob ko kay JR, kaya hindi ko alam ang mangyayari sa akin kapag naisip ni Mang Dodo na gawing sahog sa tinola si JR. Pagkatapos kong ayusin ang aking hinigaan, ay dali-dali ko namang ihahanda ang almusalan ng aking pamilya. Madalas, sardinas at tatlong gatang ng bigas ang aming almusal. Kung tutuusin, hindi ito sapat sa labindalawang miyembro ng pamilya. At syempre, ako rin ang maghuhugas sa huli. Hays! Ang hirap maging panganay! Sunod ko namang tutulungan ang aking ermat na maghanda ng kanyang ititindang pandesal, at sasamahan ko rin siyang ilako ang mga ito. Si Nenoy, ang kasunod sa aking pinakamatanda ang siya namang magbabantay sa walo ko pang kapatid habang kami ay wala sa bahay. Kami ay naglalako sa sakayan ng dyip doon sa tokan, kung saan din nag-aabang ng mga pasahero ang aking erpat. Mula alas siyete hanggang alas diyes ay naglalako kami roon. Bago sumapit ang alas onse, nakabalik na kami sa aming tahanan dahil maghahanda na ng tanghalian si ermat at habang ako naman ay maglilinis ng mga ginamit sa pagtitinda ng pandesal. Adobong pinagpag nga pala ang aming ulam noong nakaraan hanggang ngayon. 
Tumblr media Tumblr media
Matapos naming mananghalian, syempre ako muli ang maghuhugas. Si ermat naman ay pupunta na kila Aling Isabel upang maglaba. Bale mula ala una hanggang alas singko ay naroon si ermat, at mula alas tres hanggang alas singko ay binabantayan ko ang aking mga kapatid. Nasaan ako nung ala una hanggang alas dos? Naghahanap at nagtatanong-tanong ako kung saan maaaring mamasukan bilang katulong. Sa katunayan anomang trabahong ibigay sa akin ay gagawin ko. Nais ko kasing makapag-ipon hangga’t bata pa ako, at para na rin matulungan ang aking pamilya. Gusto ko ring mapag-aral ang aking mga kapatid, kahit hindi na ako. At sa oras na ako’y nakapag-ipon na, balak kong umalis dito sa Pilipinas, at sa ibang bansa kami maninirahan. Ang hirap kasi sa Pinas! Mas lalo lamang humihirap ang mga mahihirap! Marami pang mga tiwaling opisyal sa gobyerno. Nga pala ang paghahanap ko ng trabaho ay nilihim ko sa aking mga magulang. Kaya ikaw, ilihim mo rin sana ah? Bago mag-alas sais ay dapat nakapaghanda na ako ng aming hapunan dahil pauwi na ang aming magulang. Tulad ng aming umagahan, sardinas at tatlong gatang ng bigas ang madalas naming hapunan. Isang linggo na naming umagahan at hapunan iyon, pero dahil matumal ang kita ngayon ng aking erpat at ermat, baka saging na lamang ang aming kakainin sa susunod na linggo. Pagdating ng aking mga magulang ay maghahapunan na kami. Sabay-sabay, magkakalapit at kumpleto man kaming kumakain, ang aming mga loob sa isa’t isa ay magkakalayo at malabo. 
Tumblr media Tumblr media
Matapos ng hapunan, ako pa rin ang maghuhugas syempre. Si ermat at erpat, at ang aking mga kapatid ay magpapahinga na. Mga alas nuwebe ng gabi ay tahimik na ang aming bahay, ngunit maingay sa labas dahil may mga nag-iinuman, nag-aaway at marami pa. Ngunit, mga alas diyes, ay magsisimula nang mag-away sina erpat at ermat. Pinag-aawayan nila gabi-gabi ang pera, ang masama pa ay para bang kinasusuklaman na nila kaming mga anak nila. Para bang pabigat kami sa kanila. Hindi nila alam na naririnig namin lahat iyon. Noong una naming narinig silang mag-away tungkol doon, kami ay humahagulgol sa takot, lungkot, at sakit. Ngunit, tumagal ang panahon at kami’y nasanay na lamang. Ibinubuga ko na lamang sa hangin, at sabay pikit ng aking mga mata. Isang tilaok na naman ni JR ang aking maririnig.”
Tumblr media Tumblr media
Mga Sanggunian:
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.philippines-expats.com%2Ftopic%2F21239-laundry-in-metro-cebu-city%2F&psig=AOvVaw0t5bKgOIp9n0JdWat34f8B&ust=1608346287310000&source=images&cd=vfe&ved=0CAMQjB1qFwoTCNiQ6oDD1u0CFQAAAAAdAAAAABAJ
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.children.org%2Fsee-the-impact%2Fwhere-we-work%2Fasia-philippines&psig=AOvVaw2OLaiZX7x7i0F9wqCEw2cy&ust=1608346128807000&source=images&cd=vfe&ved=0CAMQjB1qFwoTCIDTif_E1u0CFQAAAAAdAAAAABAD
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.ucanews.com%2Fnews%2Fthe-philippines-struggle-for-power-in-2016%2F74902&psig=AOvVaw0gkQT_bvELJO535_x49CDB&ust=1608345763674000&source=images&cd=vfe&ved=0CAMQjB1qFwoTCJCLnYnF1u0CFQAAAAAdAAAAABAD
https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fwww.hardrainproject.com%2Fhrpl%3Fn%3D5648&psig=AOvVaw096fWi97wUxsf9sTlaIKpi&ust=1608345589332000&source=images&cd=vfe&ved=0CAMQjB1qFwoTCPDx5JrF1u0CFQAAAAAdAAAAABAD
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.afd.fr%2Fen%2Factualites%2Fbreath-hope-street-children-philippines&psig=AOvVaw2ot3E0Et7k-r74xXv3ZrGU&ust=1608346955589000&source=images&cd=vfe&ved=0CAMQjB1qFwoTCMCi_bjF1u0CFQAAAAAdAAAAABAD
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fmanilatodaydotnet%2Fposts%2Ftignan-mga-jeepney-drayber-sa-tondo-manila-nakiisa-sa-busina-para-sa-pasada-upan%2F2617956508470939%2F&psig=AOvVaw345jN8i8-_co6y50uES76D&ust=1608346980550000&source=images&cd=vfe&ved=0CAMQjB1qFwoTCMCsrMTF1u0CFQAAAAAdAAAAABAD
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.licas.news%2F2020%2F03%2F16%2Fmass-online-is-not-enough-philippine-parish-reaches-out-to-poor-under-quarantine%2F&psig=AOvVaw1cqg-npBoLoDCb4Ksh-aRA&ust=1608347119564000&source=images&cd=vfe&ved=0CAMQjB1qFwoTCPC7pojG1u0CFQAAAAAdAAAAABAD https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fit-it.facebook.com%2FMga-Isyu-at-Problema-sa-Pilipinas-Bunga-ng-mga-Pagbabago-sa-Asya-356984524332716%2Fphotos%2F&psig=AOvVaw3Vi_mmP67xEwLB1U_GEPMY&ust=1608347299410000&source=images&cd=vfe&ved=0CAMQjB1qFwoTCNDCwdzG1u0CFQAAAAAdAAAAABAD
0 notes
ameeeee · 4 years
Text
Needs>Wants
Tumblr media
0 notes
ameeeee · 5 years
Text
Mental Health Wellness
The mental health wellness of a student should be given enough attention as the physical health. Since it is not given much attention, the level of awareness of the people are low. Some people tend to consider the symptoms normal due to insufficient knowledge, and fear of negative reactions or comments that people will give them. They also think “It doesn’t affect me” or “I am not an insane person”. In their perspective, it is shameful to go to a psychiatrist.
Tumblr media
According to National Alliance on Mental IIlness (NAMI), one in four students may have a mental disorder. It may be due to stress and pressure from school or in their homes. The root of the problem is that some people consider some symptoms to be normal due to insufficient knowledge. These common symptoms include irritability, exhaustion, headache, mood swings, and Insomia. Some of the common mental disorders that a student may have are, anxiety, depression, and eating disorders.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
To prevent and treat these mental disorders it is important for us to repay ourselves a rest, especially our souls. We can read a book, do yoga, or take a bath. By doing art stuff such as painting and drawing, we may also find ourselves at peace. To prevent having mental disorders, we should keep in mind that it can happen to anyone, we should ask for help, and keep an eye out for symptoms. Remember, prevention is better than cure.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
ameeeee · 6 years
Text
Lanao Del Sur
Ngayong papalapit na ang pasko, siguro marami na sa atin ang nagpaplano kung saan magandang pumunta at mamasyal. Maraming mga magagandang tanawin dito sa Pilipinas. Sa Luzon man, Visayas o kaya naman sa Mindanao. Noong Mayo 23 2017, nang magsimula ang labanan sa Marawi laban sa Maute group. Makalipas ang 154 na araw ay natapos din ito noong Oktubre 23 2017. Marami ang buhay na nasawi at mga arkitekturang napinsala gayunpama'y nanatili pa rin ang pagkakaisa ng mga Maranao. Ngayon, tunghayan natin ang kaibig-ibig, kaakit-akit at kagila-gilalas na Lanao Del sur!
Ang Lanao del sur ay nasa rehiyon ng ARMM at ang kapital nito ay ang Marawi City. Ito ay may 1,158 na barangay at may 39 na munisipyo. Ang mga nakatira rito ay ang mga Maranao. Ang ibigsabihin ng salitang Maranao ay “mga tao sa lawa” sapagkat ang mga Maranao ay namumuhay at naninirahan sa paligid ng Lake Lanao sa loob ng maraming siglo at sila ay isa sa labintatlong pangkat etnolinggwistiko sa Mindanao at Palawan. Muslim ang relihiyon ng mga Maranao kaya’t maraming mga mosque sa loob at labas man ng Marawi, ipinapakita nito kung gaano kalakas ang kanilang pananampalataya. Maranao, Filipino (Tagalog), Cebuano at Arabic naman ang gamit nilang wika. Tulad ng ibang tribo ang mga Maranao ay may mayaman ding tradisyon at kultura. Isa rito ay ang kaugalian nilang ang mga kabataan ay palaging napapailalim sa pagsumite ng mga may edad na. Ang mga kabataan ay dapat sumunod sa mga kautusan o kahilingan ng mga matatanda. Ang pagsunod sa kaugalian na ito ay nagsisilbing pagsasanay sa pag-aayos ng pag-aasawa at upang mapangalagaan na rin ang uri ng pamumuhay ng mga Maranao. Bukod sa kanilang kultura at tradisyon, mayroon rin silang mga panitikan. Isa na rito ang Darangan, ang Epiko ng Maranao. Ang mga Darangan ay nasusulat sa wikang Maranaw. Ang lalong popular sa lahat ay ang Bantugan, na paulit-ulit na binibigkas sa dating pagkakakatha sa palibot ng Lawa ng Lanaw. May ilang mga Muslim ngayon na nakapag-uulit sa kabuuan ng Bantugan. Ang Alamat ng Lawa ng Lanao naman ay pumapatungkol sa pinaggalingan o kung paano nabuo ang lawa ng lanao. Ipinapakita rin nito ang pagkamalikhain ng ating mga ninuno tungkol sa pagpapaliwanang ng kanilang kapaligiran. Gusto nilang bigyang halaga ang kalikasan sa pamamagitan ng mga kuwento at alamat. Isa rin sa kanilang mga tradisyon o paniniwala, kapag daw may paglalaho o eklipse, hinahampas nila ang mga lata at bakal upang magkaingayan. Ito’y upang mawala raw agad ang eklipse. Itong paniniwala o kaugalian ay ginagawa rin sa Kotabato. Ayon kasi sa kanilang alamat, noong unang panahon, ang buwan ay nilunok ng isang napakalaking ibong kung tawagin ay minokawa.  Nang marinig ang sigawan ng mga tao ang minokawa ay sumilip sa pagitan ng mga ulap at binuksan ang tuka.  Sa pagbubukas niya ng tuka, ang buwan ay nakatanaw.  Sa kalakihan ng minokawa, ang daigdig ay nangagdilim kapag nagdaraan siya sa palipad. Binabantayan ng minokawa ang pagsikat ng araw upang iyon ay isunod niyang lunukin.  Subalit siya ay bigo at nawalan ng pag-asa kaya’t siya ay lumisan sa Lanaw at Kotabato. Naniniwala ang mga tao na kapag bumalik si minokawa ay tiyak na isusunod niya ang araw at pagkatapos ay ang daigdig. Ang Lanao del sur ay hindi lang mayaman sa kultura, tradisyon at panitikan, sila rin ay mayaman sa mga magagandang tanawin. Ito ang ilan sa mga makapigil hiningang mga tanawin at sulit na puntahan sa Lanao Del Sur.
1.) Asik Asik falls
Tumblr media
2.) Lake Lanao - ito ang pinakamalaking lawa sa Mindanao at ang pangalawang pinakamalaki sa Pilipinas
Tumblr media
3.) Aga Khan Museum - nandito nakatago ang karamihan sa mga koleksyon ng mga Art Crafts at sining ng mga Maranao.
Tumblr media
4.) Mount Makaturing
Tumblr media
Mayaman rin ang Lanao Del Sur sa mga Art Crafts.
Taraka ay isang malaking bahagi ng kasaysayan sa Lanao Del sur. Ito ay isa sa mga catalysts ng Islamization ng mga Maranao sa ika-16 na siglo at ang tahanan ni Baab Ur-Rahman Masjid, ang pinakalumang moske sa lalawigan.
Tumblr media
Ipinahayag ng National Museum bilang National Cultural Treasure ang torogan. Ito ay tahanan ng mga mayayamang maranao o ang mga datu  o sultan. Ang pinakasikat ay ang Dayawan Torogan sa Marawi City. Ito ay gawa sa kahoy at may disenyo na tawag ay okir.
Tumblr media
Ang Tugaya ay ang Paete ng Mindanao. Ngunit ang sining na ito ay higit pa sa mga mahuhusay na woodcarvings. Ito ay tungkol din sa paghahagis ng brassware, back-strap loom weaving, hand-made tapestry stitching, at gold smithing. Halos lahat ng tahanan sa Lawa ng Lanao ay may isang craftsman na ang mga kasanayan at kasiningan ay pinapahalagahan.
Tumblr media
Kung ikaw ay pupunta rito sa Lanao del Sur, ihanda mo ang iyong tiyan sa mga masasarap at natatangi nilang mga putahe!
Ang karaniwang putahe ng mga Maranao ay mailalarawan sa paggamit ng maraming niyog na ang tawag ay tono at gumagamit rin sila ng mga pampalasa tulad ng turmeric o kalawag. Isa sa mga sikat nilang putahe ay ang Palapa, ito ay may scallion na may sili at katas ng niyog.
Tumblr media
Sa lahat, ang mga katangian ng mga Maranao ang nangingibabaw at umaangat. Kahit pa man sila'y nakaranas ng matinding  pagsubok,  sila pa rin ay nananatiling masayahin at magiliw sa kabila ng mga masasakit na pangyayari Iyan ang mga Maranao, Iyan ang Lanao Del Sur!
Tumblr media
Talasanggunian:
https://salindila.wordpress.com/2017/02/24/ang-alamat-ng-lawa-ng-lanao/
https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-epiko-darangan-epikong-maranao_935.html
https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-legends-mga-alamat-sa-lanao-at-kotabato-alamat-legend_294.html
https://www.tripadvisor.com.ph/Attractions-g6090501-Activities-Lanao_del_Sur_Mindanao.html
https://triptheislands.com/destinations/exploring-lanao-del-sur-3-attractions-that-should-be-on-your-must-visit-list-2/
https://pia.gov.ph/provinces/lanao-del-sur
https://lanaodelsur.gov.ph/about/history/
3 notes · View notes