amieljohnargosino
amieljohnargosino
Isa manunulat at makata ng 11-Beltrami
3 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
amieljohnargosino · 4 years ago
Text
Modyul 1 Summative Assessment PETA Blg. 1
                                               Saan mo ba plano?                           Amiel John Argosino (Tekstong Naratibo)
    Pa tapos na ang taon nila Jose at Anne sa Junior High School at nag hahanap sila ng eskwelahan na merong magandang programa para sa mga Senior High school, “Uy Jose tapos ka narin ba Clearance mo?” tanong ni Anne kay Jose “Oo noong isang araw ko pa na tapos yung akin.” ang sagot ni Jose kay Anne, “Eh? Bat ka pa nandito ka pa sa eskwelahan natin?” muling tanong ni Anne “Wala eh nag papasama si Edward eh nag tatapos nalang siya, nga pala saan mo balak pumasok para sa SHS? ” “Di ko rin alam eh kaw ba alam mo na saan ka papasok?” tanong ni Anne, “Oo, sa Don Bosco Makati ako mag-aaral ng SHS.” ang sagot ni Jose sa tanong ni Anne “Ahhhhh, eh ano ba mga Strand diyan sa Don Bosco makati?” muling tanong ni Anne “Ah sa pag-kakaalam ko mayroong STEM, ABM, A&D, at HUMMs at sa pag-kakatanda ko COED na daw ang SHS doon baka lang naman pati na rinig ko rin sa orientation Technologically oriented yung subjects so bale kung may plano kang na mag Engineering course sa Kolehiyo at sa alam ko bagong bago lang yung A&D pati HUMMs sa SHS ng Don Bosco” ang masayang pag kwento ni Jose “Parang ang sayasaya mo habamg mag kwento ahh” ang sabi ni Anne kay Jose “wala eh plano ko rin talagang lumipat para maiba naman pati ano na ren para maka punta na rin sa ibang lugar makaroon ng bagong kaibgan bagong karanasan alam mo yun?”
“Oo gets naman oh sige, oh mukang tapos na yata si Edward sa pag bigay at pag pa sign ng Clearance niya sige salamat sa inpormasyon pati pag iisipan ko rin malay mo mag kita tayo doon hihi.” ang sagot ni Anne kay Jose, “Oh sige sasamahan ko pa si Edward sa muli kita kita nalang ulit ingats sayo ” (sabay ngiti si Jose), “Salamat rin at Good luck sayo Edward” ang sagot ni Anne. At umalis na ang dalawang mag kaibigan para matapos na rin ang Clearance. Kaw Saan mo balak pumasok?
                       Programa ng Senior High sa Don Bosco Makati                  JOEMARIE (Manoy) BONAFOS (Tekstong Impormatibo) Ang Institusyong Teknikal ng Don Bosco sa Makati ay isa sa mga kilala at prehisteryosong paaralan dito sa Pilipinas. Hinuhubog rito ang mga kabataan na maging mabbuting Kristiyano at matuwid na mamamayan, at piliin ang nakabubuti. Kialala ang eskwelahang ito dahil sa akademiko at teknikal na sistema pagtungtungtong ng sekondaryang lebel. Dito magkakaroon ng mga teknikal na mga asignatura na Automotive-Mechanical Technology, Electrical-Electronics Technology, Industrial Drafting Technology, at Computer Technology*.Taong 2016 nang ipasok ng nasabing paaralan ang Senior Highschool level alinsunod sa programa ng gobyerno. Nagkaroon ito ng dalawang programa na STEM at ABM, at nadagdagan pa ng dalawa noong 2019. Ang dating paaralang eksklusibo sa mga kalalakihan ay nagsimulang tumanggap ng mga kababaihan sa lebel na ito.Sa Accountancy, Business, and Marketing o ABM ay para sa mga estudyante na gusting pumasok sa negosyo, pinansya, pagtutuos, pagmemerkado, paghawak ng pera, at iba pang kapareho.Sa Humanities and Social Sciences o HUMSS ay ang pag aaral ng lipunan, kultura, at sa inaasal ng isang tao. Para ito sa mga gusting maging guro, politiko, mamamahayag, mananaliksik, sikolohista, at iba pang may kinalaman sa lipunan at pagkatao.Sa Science, Technology, Engineering and Mathematics o STEM ay para sa mga interesado sa mga kursong may kinalaman sa sipnayan at agham. Maaaring trabaho rito ay ang pagiging inhinyero, matematiko, doctor, inhinyero, at iba pa. *Mayroon ka ring pagkakataong pumili ng elective ayos sa kagustuhan mo. Base ito sa mga teknikal na asignaturang tinuturo noong sekondaryang lebel pa lamang.At panghuli ay ang Visual and Media Arts ay para naman sa mga gustong maglahad ng kanilang sarili sa masining na pamamaraan sa pamamagitan ng mga biswal at digital na daluyan.
             Ang Don Bosco sa Mata ng Senior High School Bosconian                         Edward Cabacungan (Tekstong Deskreptibo)
Hindi ko makakalimutan ang unang araw na ako’y pumasok sa paaralang ito dahil sa mga mamatamis na bati at mga maliligayang ngiti na ang aking hinarap. Mga tunog ng bolang tumatalbog na katumbas sa tibok ng puso at mga mag-aaral na maingay na nagkikipagkuwentuhan, ating masasabi na itong paaralan ay buhay. Ang bawat mag-aaral ay gising ang diwa, halos hindi napapagod sa kahit anong laro o gawain ang maibibigay sa kanila. Mayroon nakakaibang pakiramdam kapag nasa loob ka ng kampus, pakiramdam na iyong kalooban ay buhay.
Sa edukasyon, maraming pagpipilian ang binibigay ang Don Bosco. Hindi lamang STEM, ABM, HUMMS, at ADT ang kanilang tinuturo ngunit pati na rin ang mga Technology Oriented Subjects. Ang paraan ng pagtuturo ng mga guro ay nakakaiba. Halatang mga dalubhasa sila sa kanilang tinuturong paksa, ngunit sila’y mayroong katangian na masiyahin at palakaibigan. Karamihan ng mga guro ay aming tinuturing kaibigan, ngunit hindi namin kinakalimutan ang pagiging maggalang. Ang Don Bosco ay seryoso sa pag-aaral, ngunit ang kasiyahan ay hindi binabalewala.
Sa Don Bosco, hindi ito lamang isang ordinaryong paaralan. Hindi lamang sila nagtuturo, ngunit ikaw ay hinuhugis nila upang gawin kang isang mabuting tao. Kanilang layunin ay gawin kang mabuting mamamayang katoliko. Kanilang hinihimok na maging bukod-tangi, kaya may kasabihan sa Don Bosco na “Do your ordinary duties, extraordinarily well.” Kaya sa aking mata ang Don Bosco ay natatanging paaralan.
0 notes
amieljohnargosino · 4 years ago
Text
Programa ng Senior High sa Don Bosco Makati JOEMARIE (Manoy) BONAFOS (Tekstong Impormatibo)
Ang Institusyong Teknikal ng Don Bosco sa Makati ay isa sa mga kilala at prehisteryosong paaralan dito sa Pilipinas. Hinuhubog rito ang mga kabataan na maging mabbuting Kristiyano at matuwid na mamamayan, at piliin ang nakabubuti. Kialala ang eskwelahang ito dahil sa akademiko at teknikal na sistema pagtungtungtong ng sekondaryang lebel. Dito magkakaroon ng mga teknikal na mga asignatura na Automotive-Mechanical Technology, Electrical-Electronics Technology, Industrial Drafting Technology, at Computer Technology*.
Taong 2016 nang ipasok ng nasabing paaralan ang Senior Highschool level alinsunod sa programa ng gobyerno. Nagkaroon ito ng dalawang programa na STEM at ABM, at nadagdagan pa ng dalawa noong 2019. Ang dating paaralang eksklusibo sa mga kalalakihan ay nagsimulang tumanggap ng mga kababaihan sa lebel na ito.
Sa Accountancy, Business, and Marketing o ABM ay para sa mga estudyante na gusting pumasok sa negosyo, pinansya, pagtutuos, pagmemerkado, paghawak ng pera, at iba pang kapareho.
Sa Humanities and Social Sciences o HUMSS ay ang pag aaral ng lipunan, kultura, at sa inaasal ng isang tao. Para ito sa mga gusting maging guro, politiko, mamamahayag, mananaliksik, sikolohista, at iba pang may kinalaman sa lipunan at pagkatao.
Sa Science, Technology, Engineering and Mathematics o STEM ay para sa mga interesado sa mga kursong may kinalaman sa sipnayan at agham. Maaaring trabaho rito ay ang pagiging inhinyero, matematiko, doctor, inhinyero, at iba pa. 
*Mayroon ka ring pagkakataong pumili ng elective ayos sa kagustuhan mo. Base ito sa mga teknikal na asignaturang tinuturo noong sekondaryang lebel pa lamang.
At panghuli ay ang Visual and Media Arts ay para naman sa mga gustong maglahad ng kanilang sarili sa masining na pamamaraan sa pamamagitan ng mga biswal at digital na daluyan.
0 notes
amieljohnargosino · 4 years ago
Text
Ang Don Bosco sa Mata ng Senior High School Bosconian Edward Cabacungan (Tekstong Deskreptibo)
Hindi ko makakalimutan ang unang araw na ako’y pumasok sa paaralang ito dahil sa mga mamatamis na bati at mga maliligayang ngiti na ang aking hinarap. Mga tunog ng bolang tumatalbog na katumbas sa tibok ng puso at mga mag-aaral na maingay na nagkikipagkuwentuhan, ating masasabi na itong paaralan ay buhay. Ang bawat mag-aaral ay gising ang diwa, halos hindi napapagod sa kahit anong laro o gawain ang maibibigay sa kanila. Mayroon nakakaibang pakiramdam kapag nasa loob ka ng kampus, pakiramdam na iyong kalooban ay buhay.
Sa edukasyon, maraming pagpipilian ang binibigay ang Don Bosco. Hindi lamang STEM, ABM, HUMMS, at ADT ang kanilang tinuturo ngunit pati na rin ang mga Technology Oriented Subjects. Ang paraan ng pagtuturo ng mga guro ay nakakaiba. Halatang mga dalubhasa sila sa kanilang tinuturong paksa, ngunit sila’y mayroong katangian na masiyahin at palakaibigan. Karamihan ng mga guro ay aming tinuturing kaibigan, ngunit hindi namin kinakalimutan ang pagiging maggalang. Ang Don Bosco ay seryoso sa pag-aaral, ngunit ang kasiyahan ay hindi binabalewala.
Sa Don Bosco, hindi ito lamang isang ordinaryong paaralan. Hindi lamang sila nagtuturo, ngunit ikaw ay hinuhugis nila upang gawin kang isang mabuting tao. Kanilang layunin ay gawin kang mabuting mamamayang katoliko. Kanilang hinihimok na maging bukod-tangi, kaya may kasabihan sa Don Bosco na “Do your ordinary duties, extraordinarily well.” Kaya sa aking mata ang Don Bosco ay natatanging paaralan.
1 note · View note