asourire-blog
asourire-blog
. Shin Reyes .
12 posts
⚜ Karunungan ang magpapakita sa iyo ng paraan ⚜
Don't wanna be here? Send us removal request.
asourire-blog · 6 years ago
Text
“I talk too much because I have been made so miserable by what you are keeping hushed.” - Djuna Barnes, Nightwood
235 notes · View notes
asourire-blog · 6 years ago
Quote
If you hear a song that makes you cry and you don't want to cry anymore, you don't listen to that song anymore. But you can't get away from yourself. You can't decide not to see yourself anymore. You can't decide to turn off the noise in your head.
Hannah Baker, (13 Reasons Why by Jay Asher)
3 notes · View notes
asourire-blog · 6 years ago
Quote
Instead of fulfilling the interest of the masses for development, Philippine education has been mainly elitist.
Antonio Tujan Jr. 
SAY NO TO MAKABOBONG EDUKASYON
Mula sa pagpasok ko sa sintang paaralan hanggang sa kursong pilosopiya aking kinuha, mas naging mulat ako sa mga isyu sa lipunan lalo na sa edukasyong tinatamasa ng bwat mag-aaral. Mamumulat ka na, simula bata pa lamang ay nakadikit at nakabuntot na sa likod mo ang multo ng kahapong kolonisasyon hanggang sa umiiral globalisasyon ngayon.
Layunin ng Transformative Education na mabago ang bulok na sistemang edukasyong pinapalaganap at dumami pa ang bilang ng mga mag-aaral at mga guro na mulat sa usaping panlipunan. Buwagin ang kadenang nakatali! Hindi posas ang edukasyon upang ikulong ang mga tao sa pamantayan ng pagiging  isang mabuting tagasunod ng administrasyon. Isa itong mahalagang salik sa paggising ng totoong diwa ng pagiging isang mamamayang Pilipino.
Ngayon, ang pagsubok na dapat harapin ng edukasyon ay ang kahirapan at mabagal na pag-usad ayon sa teksto.
Marapat lamang na suportahan ang Transformative Education tungo sa epektibo at nakatutulong na uri ng edukasyon na siyang huhubog para maging responsable, disiplinado at may kritikal na pag-iisip ang mga mamayang Pilipino para magawa ang mga tungkuling nakaatang at makita ang karapatan na nararapat mapasakanya.
0 notes
asourire-blog · 6 years ago
Text
Ay Bastos!: Nawawalang Pananaw ng Pilipino, Pakihanap
Dahil sa patriarchal na pag-iisip, ang kabastusan ng lahat ay lumalala. Obhektibong tinitignan ang personalidad ng isang tao, espesipiko na ng mga kababaihan, na nawawalan na ng kahulugan ang bawat dugo't pawis pati na rin ang sariling pagpapahalaga.
Mula sa tinalakay namin na akda ni Isagani R. Cruz, “Ang Kabastusan ng mga Pilipino,” binigyan kaliwanagan niya ang pariralang “kultura ng masa”.  Ayon nga sa basahin:
“... pero hindi pang-masa kung sa masa ay tinutukoy natin ang naaping mga manggagawa , magsasaka, mandirigmang bayan, petiburgis sa kalunsuran (Mao 1942, 12), at mangingisda”.
Ang “kulturang masa” o popular na kultura ay kaiba sa “masa”, ang nauna’y sikat at pampolitikang terminolohiya ngunit ang pangalawa ay hindi lamang nasasaklaw sa usaping pang-ekonomiya. Ang mga kulturang masa ay nagmumula sa mga elite na siyang gumagawa ng kultura na dapat sundin na siyang natalakay na sa mga una kong latha.
Sinasabi sa akda na magkatuwang ang Kristyanismo at Marxismo tungo sa kalayaan at pagpapalaya. Ang kaibahan nga lang ay kaligtasan sa langit ng iyong kaluluwa, pagkatapos mo pa mamatay ang hatid ng Kristyanismo samantalang ang seguridad at kaligtasan habang naririto ka sa mundong ibabaw ang ideolohiyang hatid ng marxismo. Kaya naman mas kumikiling ang mga tao sa politikal na pag-iisip, nakikiisa at pumapanig. Papasok dito ang usaping hegemony kung saan ang nakakasirang paniniwala ay pinapalaganap ng nasa itaas at tinatanggap bilang norms.
Tinalakay din ang gahum ng mga kalalakihan na tila nagpapataasan ng ihi na sumisimbolo sa kkanilang kayabangan at pagmamataas. Ilan sa mga kabastusang pinapalaganap sa lipunan patungkol sa mga babae ay ang mga sumusunod:
Una, isa lamang “daw” bagay ang kababaihan. Mga regalo na ipinamimigay na kadalasang makikita sa pelikula na ginagawa tuwing may groom shower. Pangalawa, Masyadong matataas ang tingin ng mga kalalakihan sa kanilang mga sarili na iniisip nilang mula sa kanila lamang maaring bumenta at magkakita ang mga babae. Pangatlo, kaugnay sa pangalawa, ay lalaki lamang daw ang maaaring kumita. Isang diskriminasyon sa mga babae na laging sinasabing pang-bahay lamang at dekorasyon sa tahanan. Pang-apat, ang babae lagi ang ginagawang sakripisyo. Ang mga hirap at sakit, mga kababaihan ang tumatanggap. Sinasabi nga ng iba na hindi magiging buo ang isang babae kung wala ang lalaking kahati. Kung sabagay nga naman daw, ginawa si Eba dahil nalulungkot si Adan mag-isa. Sa Bibliya pa ay pinakitang layunin ng mga babaeng pasahin si lalaki.
Hindi naman pinanganak na tanga ang tao, mayroon tayong isip upang kritikal na masala ang mga pangyayari. Kaya ayun si babae at kumapit din kay lalaki, upang mga materyal na mga bagay ay makuha’t mabili. Alam ng bawat isa na sila’y naggagamitan ngunit pilit na tinatago ang kabastusang na siyang sumisingaw.
Oo, tumaas na ang pagpapahalaga sa mga kababaihan sa kasalukuyan ngunit ang pang-aabuso’y nanatili pa rin sa lipunan. Hindi lamang sa pisikal makikita ang sugat, kundi pa rin sa emosyonal at mental na aspeto dulot ng pang-aapi ng mga kalalakihan na tila ba’y nagbibigay lakas at aliw sa kanila ang pagdurusa ng mga naapi.
Sa bansa pa lamang natin, kagila-gilalas na ang patriyarkang pilit hindi pinapansin. Mismong presidente’y nagpakita ng kamalian sa pagtrato sa mga kababaihan na labis na kinagulantang ng publiko ngunit ginawa pang katatawanan ng iba. Nagbundos ito ng galit mula sa masa lalo na isang partikular na biro patungkol sa usaping isang Australyanong babaeng nagahasa sa Davao City noong 1989.
Napatupad ang Republic Act 11313, "Safe Streets and Public Spaces Act" o mas kilala sa tawag na Anti-Bastos Act, na naglalayon na maiwasan ang mga uri ng pangbabastos mapa-kalsada, opisina, o sa internet man. Ang sinumang lumabag ay huhulihin ng pulis.
Naisabatas man ito, malayo pa rin ang laban na tatahakin, hindi lang ng mga kababaihan, pati na rin ang iba pang mga tao na sinasakal ng mga mapanuri at mapagtaas na iba. Walang kasiguraduhan na ang batas na naipatupad ay may konkreto at positibong resultang mailalabas.
Mga Pinagmulan:
https://news.abs-cbn.com/news/07/15/19/duterte-signs-bawal-bastos-law-that-punishes-sexist-remarks
0 notes
asourire-blog · 6 years ago
Text
Beysik daw Lord?!
Ano itong aking nakikita? Mukhang hindi na matanggal tanggal pa Ngunit ‘wag naman sana Sa bawat istorya,  Nakatatak na ang sistemang ‘di matama-tama Hanggang sa ngayon,  Tila ‘di tayo makawala at lumilingkis pa
________________________________________________________________
Si Jun Cruz Reyes ay isang tanyag na makatang porpesor sa Unibversidad ng Pilipinas na siyang sumulat ng malikhaing akda na pinamagatang “Utos ng Hari.”
Pinapakita sa akda ang tunay na larawan ng lipunang ating kinagagalawan; kung gaano kabulok at nakakasuklam ang sistemang nagpapaikot sa lahat. Nabigyan ng daan ang mga saloobin ng mga estudyante dahil sa basahin inilimbag ni Reyes. Ang realidad sa mga institusyong pilit at sinusubukan lamang buhayin ay ginagawang pipi ang bibig ng nakararami. Ang mga boses na kay dami dapat ilabas na mga letrang nagsusumiksik na sa pusong bumubigat ng bawat estudyante ayun at nakagapos sa sistemang hindi siya hahayaang maging malaya.
Mahanap man ng butas patungong oportunidad na mahawakan ang mikropono upang makakanta, pakinggan man lang siya’y hindi magawa. Ang mga laway na tumalsik dahil sa bugso ng damdamin, mababalewala lang din.
Sabi nga sa liriko ng kantang “Nobela” ng Join the Club:
...Ngumiti kahit nahihirapan
Kahit pa sinasadya
Mo akong masaktan paminsan-minsan
Bawat sandali na lang
Tulad mo ba akong nahihirapan...
Kung titignang mabuti, kahit na pasaway na mga estudyante, mayroon pa rin na respetong nakalaan sa mga gurong kanilang kinaiinisan kahit kulang na lang ay gumawa sila ng real-to-life na realtalk-ang mala-KPL 1 ng VinCentiments.
(Kung nais na mapanood ang nasabing bidyo, pindutin lamang ang naka-hyperlink na text.)
Bukas ang isip ni Jojo, kagaya ng ibang mag-aaral ngunit mabibilang lamang. 
Ang laging patuksong kuro ng iba, lalo na ng mga matatanda, ay mabilis lang naman mag-aral, bakit nga ba hirap na hirap tayong mga kabataan ngayon?
Beysik daw, Lord?! Shete, otso, nuebe! Naransan naman na naman nilang mag-aral pero bakit parang nakalimutan na nila ang pakiramdam ng pagiging estudyante? Ang mga paghihirap na nararanasan kasabay ng kasiyahang dulot ng pag-aaral?
Nandiyan ang sunod-sunod nna mga proyekto at mga papel na dapat ipasa on-time kahit minsan yung mga guro niyo naman talaga ang hindi pumapasok on-time. Syempre hindi mawawala yung mga aktibidades tulad ng pagsayaw, pagkanta at pag-arte na akala mo naman sasabak ka sa audition tungong Big Star. Pati na rin ang mga proyektong kay lalayo naman sa kinagisnan, anong gusto niyo, i-magic na lang bigla sa harapan?
Isa pa sa mga pinakabeysik nga naman sa pag-aaral ay ang paggising ng maaga! Wow. Sa panahon ngayon, kung malayo ang paaralan, kailangan gising ka na agad ala singko ng umaga para makarating ng hindi late o absent sa first subject niyong terror pa ang titser. Tapos pagkatapak sa silid, ayan na ang bumubugang apoy ng matapobre at mapagmataas mong guro na iyo rin namang iintindihin at pagtitiyagain lalo na yung mga gurong mas strikto pa sa mga magulang mo, ano?
Ang tawag sa ugaling ito ay pakikisama. Isang katangian ng mga Pilipino na aking natutunan dahil sa pagbabasa at hindi dahil itinuro ng inaasahang guro ng madla.
Hindi naman sa pagiging kontra-bida ng mga guro, hindi lahat, (pero parang ganoon na nga) hindi maiiwasan na hindi ka magkaroon ng mga gurong perpeksyunis daw. Akala mo naman walang maling nagawa sa buhay. Nariyan din ang mga moralist na guro na kung makaasta alam lahat. Bakit hindi na lang daw ba siya tumakbong presidente at baka mai-upgrade pa bilang santo diba? Syempre, ang hindi mawawala, ang mga intruder. Trespassing into private properties of our personal life, bawal yan. Minsan akala mo pulis, makapag-interrogate, wagas!
Pero sa kabilang banda, may positibo namang hatid ang mga katangiang ito ng mga guro kung gagamitin sa tama at wasto. Nagiging perfectionist lamang sila upang hindi tayo masana y sa ating mga pagkakamali. Baka naman kasi mamaya, paulit-ulit ka ng sinabihan kasi hindi mo naman isinasaisip at isinasagawa kahit naiintindihan. Tinuturuan ng mga guro ang mga estudyante na marating ang tamang landas at asal at maitama kung may mali kaya ang buhay sa labas ng eskwelahan ay tinatanong upang lubos na magkaroon ng pagkakaunawaan sa pagitan ng guro at mag-aaral. Pero ‘wag naman sana sobra, ‘wag kulang. Ang pagpasok sa personal na buhay ng estudyante mo ay isang malaking hakbang papalapit sa kanilang pwesto. Kung iyong susubukang pasukin, siguraduhin na dapat mong panindigan ang pakikinig at pagbibigay pansin.
Pero diba? Hindi beysik! Hindi beysik na agarang mamulat ang mga nagtutulog-tulugang mga tao para tanggapin ang kalagayan ng mga estudyante na hindi makagalaw sa nararapat at gusto nilang gawin.
Paano ba kumawala sa sistemamang hindi mapagpalaya? Beysik ba?
Mga Pinagmulan:
https://www.slideshare.net/nessa-baloro/pagsusuri-sa-akdang-utos-ng-hari-ni-jun-cruz-reyes
https://www.google.com/search?q=ngumiti+kahit+nahihirapan+lyrics&oq=mgumiti+kahit+nahihirapan&aqs=chrome.2.69i57j0l5.5870j0j4&sourceid=chrome&ie=UTF-8
0 notes
asourire-blog · 6 years ago
Quote
... mas makikilala ko ang mundo sa kung ano ito dahil ‘di ako mabubulag ng mga anyo.
Tessa (Sipi sa librong Kapitan Sino ni Bob Ong)
Bilog ang Mundo, Blog ang Mundo, Bulag angTao
Totoo man ngunit may mali. 
Isang di mapagkakailang katotohanan ay bilog ang mundo. Patuloy itong umiikot at wala pang pagbabago. Hindi sa lahat ng oras ay nasa itaas ang isang tao at gayundin naman sa mga nasa ibaba. Pero lilipas pa ata ang taon bago makatapak sa itaas ang mga nasa ibaba. 
Sa pagdating ng mga technology advancements na ika nga’y makakapagpabago sa lahat at totoo nga! Kinapitan na agad nang parang tuko ng mga tao ang oportunidad na binibigay internet.
Bukod sa komunikasyon, isa pang benepisyong dulot ng internet ay ang pagbibigay boses nito sa mga taong walang kakanyahang mahawakan ang mikropono na maririnig ng buong taong bayan kung kaya’t nariyan ang blog na nagiging instrumento upang ang mga saloobing hindi mailabas sa publiko at harap ng ibang tao ay mailabas. Ngunit ano ba talaga ang layunin ng blog at bakit ito naimbento? Sa anong paraan masasabing ginagamit mo ito ng wasto.
Mula sa akdang “Blog ang Mundo: Pagsasalsal at Pakikibaka sa Internet” ni Eliserio, malalaman mong ang blog ay isang uri ng kapangyarihan maaring mapasakamay ng lahat. Depende na lang sa iyo kung paano ito ipapamalas. Huwag ka nga lang sanang dumagdag sa dami ng keyboard warriors na hindi naman lahat ay talagang nakatutulong. Ipinakita niya rito ang tatlong sentrong dulot ng blog:
1. Private vs Public
2. Magmulat
3. Tautalitarian
Sa pag-usad ng blog, hindi nakontrol ng mga tao ang kagustuhang makuha ang spotlight kung kaya’t tuloy tuloy ang pagu-update nila sa lahat ng nangyayari sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Sa pagkain, sa lugar na pupuntahan, sinong kasama kulang na lang pati bilang ng paghinga nila sa isang minuto’y ipapaalam pa nila sa mundo. Ano nga ba naman sense ng paglalagay ng powerpoint presentation sa myday mo?  Kahit nga ang ibang mga artista gusto ng privacy no!
Kung pinapangalandakan ng tao ang kanyang pribadong buhay sa publiko na ultimo buong pagkatao niya ay kilala na ng estranghero sa kanya mismo, nabibigyan niya ng pahintulot ang mga tao na hangaan siya na parang mga artista sa telebisyon. Kung may mga nagmamahal sayo, hindi pwedeng mawala ang mga haters. Binibigyan mo ng consent ang mga tao na hatulan kang parang kriminal at husgahan ng hindi naman nila nalalaman ang buong senaryo.
Ano pang sense ng pagkakaroon ng diary, pamilya at malapit na kaibigan kung ang sikreto o problemang pribado’y ibebenta mo lamang kapalit ng sandaling katanyagan. Mabubuhay ka na lang bang ang pribado mong buhay ay nasa publiko at habang-buhay kang susunod sa mga pamantayan nila upang hindi mialis ang spotlight na inaasam mo?
Atensyon ba? Nanlilimos ka ng atensyon kaya kahit labinlimang segundong pagiging katatawanan sa mga tao’ y papatusin mo na at idadaan na lang sa tawa at tuwa na kahit sa sandaling oras ay nakilala ka? At kahit masasamang salita’y masay mo pa rin na haharapin sunod ay magdadrama ka? Ganyan ganyan ang realidad ngayon. Gustong-gusto ang sandaling kaligayang natatamasa mula sa pribadong bagay na sinsasapubliko nila.
Kaya hindi talaga mawala-wala ang drama sa mundo na isa sa mabentang genre ng mga teatro’t pelikula. Punong puno ng drama bawat araw na siyang nagpapasaya sa mga tao na hangad ang layang naibibigay nito sa mga problemang tinatakasan o pilit na sinusolusyunan. Nagsusulputan ang mala-MMK na kwento ng iba’t ibang tao na hindi naman talaga dapat ibroadcast pa, na para bang normal na ito, pero sa totoo’y wala namang kwenta o dulot talaga. Naghahanap ang ibang mga tao ng atensyon ngunit sa mali at mula sa walang makabuluhanang paraan. Ang resulta? Nagiging libangan na lamang ito ng mga taong gustong tawanan at husgahan ang bawat isa.
Hindi naman sa taliwas sa pagkakaroon ng freedom of speech ngunit disiplina. Matutong limitahan ang sarili.
Kaya masyadong malakas ang liwanag na nilalabas ng mga makabagong kagamitan, nakakasilaw. Tinatakpan at natatabingan na nito ang mas dapat pagtuunan ng pansin na siyang nagiging dahilan kung bakit bulag ang masa, ang mga tao. Mas inuuna pa nila ang pamboboso sa buhay ng may buhay na kahit media handang-handa makakuha lang ng scoop na magbibigay sa kanya ng pera. Ang nakikita na lamang nila ay ang nakakasilaw na liwanag na tila ba ito ang sagot sa lahat. Pinoprotektahan ng liwanag ang mga humahawak sa kanila upang ang mga mukha’y matakpan. Ang kaligayahang dala ng ilaw ay inililiko ang mga totoong at seryosong balita na dapat kaharapin. Mas pinamumukhang mas dapat libangin ang sarili kaysa sagutin ang mga problemang dahilan kung bakit naghahanap ng kasiyahan ang masa na para bang dapat iyo lamang ang isipin at wala ng iba. Iisipin mong malaya ka ngunit sadyang malaki at malawak ang kulungan.
Malaya? Paanong magiging malaya ang mga tao sa sunod-sunod na pamantayang ginagawa nito? Sunod sa utos, sunod sa uso. Nagiging sakit ng tao na paniwalaan lamang ang kanyang kinalakihang paniniwala kahit na maraming pagbabago na ang naganap. Nagiging sarado ang kanyang pag-iisip sa mga bagong ideya na sana’y lubos na makakatulong sa kanya. Kaya imbes na magkaroon ng iisang pondasyan, bakit hindi ito palawakin mula sa ideyang hawak mo patungo sa mga ideyang pakikinggan mo.
Ang solusyon? Diskurso. Malinaw na magkakaugnay at hindi nagkakatalo-talo. Mas maging bukas at hayaang lumawak ang mga ideya upang ang perspektibo mo ay malayo ang matanaw. Tandaan lamang na matutong pakawalan ang dapat pakawalan, pigain at salain ang dapat na yakapin.
Tandaan din at huwag kalilimutan na lahat ng tao’y kailangan ng atensyon pero huwag naman sobra sobra. Ayos na kahit ang atensyong binibigay ng pamilya’t mga kaibigan mo pero mas espesyal ang atensyon na nakukuha mo sa sarili mo.
Mas ayos pang maging bulag, sapagkat mas nakikita nila ang totoong kalagayan ng bansa sapagkat bulag ang mga tao, totoo, ngunit may mali sapagkat sila’y binubulag talaga ng serbisyong binibigay ng iba pang taong nasa trono.
0 notes
asourire-blog · 6 years ago
Conversation
Ang Nakakakitang Bulag
Tessa: Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at mga nakakakita?
Kapitan Sino: Paningin?
Tessa: Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag.
Kapitan Sino: Ikaw, lahat ba ng hindi nakikita ng mata, nakikita mo?
Tessa: Nararamdaman.
- Sipi mula sa Kapitan Sino, Bob Ong
Sabi sa isang sikat na kanluraning pelikula, "Seeing is believing but is it truth?" dahil "The more you look, the less you see." Sa kagustuhan mong mahanap ang kagandahan mula sa pamantayan ng iba, mas lalo kang mahihirapang makita ang nasa harap mo na. Sa kagustuhang umiwas sa mga problemasa sa lipunan, mas lalo kang mahihirapang tanggapin at mababago ang sitwasyong nasa harapan mo na.
Sa panahon ngayo'y umuusbong ang mga pelikulang kulang na lang ay ilipad ka patungo sa isang perpektong mundong dati mo pa hinahangad. Hinhubog ng mga pelikulang ito ang perspektibo mo tungkol sa kamalayan sa realidad na pinapalitan at inililihis tungo sa pantasya sapagkat madami tayong napupulot na aral, hayag man o simboliko.
Mula pa noong panahon noong panahon ng Kastila, lahat ng pamantayan nila sa dula't pelikula ay isinapuso na. Pinalaganap nila ang apat na pinakalaganap at pinakamapinsalang pagpapahalaga na siyang sumusunod:
1. MAGANDA ANG MAPUTI
Normal na sa mga Pilipino ang pahayag na ang kagandahan ay nakabase sa kulay na kahit sa mga palabas ay makikita ang diskriminasyon. Ang mga mahihirap ay laging kayumanggi o negra samantalang mapuputi ang mga tinatanghal na mayayaman. Kaya ngayon, nagkakaubusan na siguro ng mga pampaputing sabon dito sa Pinas upang makuha ang pinapangarap na balat.
Nakakahiyang mukhang mas marami pa ang mga whitening soap na nabebenta kaysa sa mga lokal na mga patinda. Nakakalimutan nila na ang totoong kagandahan at patunay ng pagiging isang Pilipino ay ang pagkakaroon at pagmamalaki sa iyong tinataglay na kulay.
Hindi na kailangan pa ng mga bulag ng mata para tignan ang pisikal na anyo ng ibang tao, nararamdaman nila ang totoo sa hindi at kung sino ka ba talaga at paano naiiba kahit may halong impluwensiya ng mga taga-labas dito. Mula sa mga saloobin ng iba dahil sa mga kamaliang nadarama at mga pampagandang sinusubo sa kanila, nakikita ng mga bulag ang tunay na anyo ng sambayanang Pilipino at ang pagpapahalaga nila ay hinding-hindi masisira.
2. MASAYA ANG MAY PALABAS
Wala namang mali sa paghahanap ng aliw sa buhay lalo na sa mga taong gusto lamang tumawa kahit mukhang pinagbagsakan na sila ng langit at lupa. Ang masama? Nabubulag ang tao sa mga palabas na puro katatawanan na lamang ang isinasaisip at ang mga aral ay binabale-wala pati ang realidad ay tinatakasan na. Imbes na isabuhay ang mga turo sa pelikula upang makatulong sa pag-iisip ng solusyon, nasisiyahan na lang na kumandong sa sayang hatid ng mga pinapanood.
3. MABUTI ANG INAAPI
Mabuti ang inaapi! Simula bata, nakikintil na yan sa isip ng iilan lalo na sa mga babaeng hilig ay pantasya. Ngunit sino ba naman tao ang hindi nakakakilala sa mga prinsesa sa fairy tales na laging naghihintay ng sasagip sa kanya? Sila Superman na laging sinasagip ang mga taong kailangan ng tulong? Ngunit naisip mo man lang ba paano naman kung ang mga superhero na ito naman ang inapi? Nasa mga palabas hindi ba? Pinagtatanggol nila ang kanilang sarili.
Hanggang pagtanda, ayan at patok na patok at hindi pa rin nalalaos ang mga bidang inaapi at nagpapakaalipin. Nakakatawa sapagkat relate ata ang ating bansa kaya patuloy itong tinatampok sa madla. Kaso lang, hindi nga lang ganoon kadali makabangon tulad sa mga dramang pelikula, dito sa Pilipinas, pagpunta pa lang sa may kanto, may drama na agad na aabutin pa ng siyam-siyam bago malutas.
Naghihirap ang mga Pilipino, hindi dahil sa walang sumasagip sa kanya kundi dahil mismong sarili niya'y hindi niya tinutulungan at lalo pa niyang ibinababa.
Nandyan din ang paniniwala na magtiis lamang "daw" at problema ay lilipas din. Ngunit ano yun? Titiisin lahat ng sakit kahit may paraan naman para problema'y mabilis mawaglit o paano kung hindi lumipat? Ang problema parang baygo lang, hindi maaaring idaan sa dasal lamang sapagkat base nga sa kasabihan, "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa."
May pag-asa naman talaga tulad ng mga pinapalabas sa pelikula pero hindi iyon dahil sa mga mahika at abilidad na hindi naman mangyayari sa totoong buhay. Maging mulat. Pilitin maging mulat dahil hindi normal ang pagiging mahirap!
4. MAGANDA PA ANG DAIGDIG
Tanga, gising na! Sa tingin mo ba hindi nagbabago ang mundo ilang taon man lumipas? Huwag kang makulong sa imaheng nakikita sa mga pelikula. Buwagin ang pantasya at perpektong mundong itinatayo ng mga drama! Pero paano mo nga ba bubuwagin ang bagay na nakasanayan mo na?
Gising, tanga! Daig ka pa ng bulag na nakakakita. Sa pelikula lamang may happy ending! Lumabas sa apat na sulok ng kwarto, pagmasdan ang dilim sa kalangitang nababalot ng usok. Makikita ang mga batang nag-iiyakan dahil sa gutom. Mga mukha ng mga politikong puro pangakong napako ang hatid sa bayan, ayan at nakakabit pa sa mga poste't pader ng tindahan. Tanggalin ang maskara na pilit itinatago ang kapangitan ng mundo. Tanggapin na upang pagbabago'y masimulan na. Ayan ang katotohanan sa bansa, wala ng mas gaganda pa kung masosolusyunan agad.
Bilang isang Pilipinong mamamayan, kailangan palawakin at payabungin ang magagandang katangian ng sariling pelikula natin. Ibukas 'di lang sa mga nakakakitang bulag ang kagandahang hatid ng pag-alam sa mga karapatan at panloob na anyo. Maging matalas ang kaisipan at maging mapanuri, dahil ngayon? Mas mahalaga ang pagpapahalaga sa sariling atin kaya't pahalagahan ang wikang ating tinanim.
0 notes
asourire-blog · 6 years ago
Text
Tatak sa Puso...
Ang apoy na tinupok Alaala na lamang ang papawalang usok Nang dahil sa paang siyang tumapak ‘Di na maibabalik sa isang kurap. Isang siklab ay pag-asa Pagkabuhay ay nakasaalang-alang sa mga taong gumagawa Kaakibat ito ng pagkakaisa Lalong pag-igtingin sa pagsasama-sama Para sa pagniningas na dati pang inaasam. Ang paang siyang tumapak Ngayo’y, sana, nagsusumiklab Ang apoy na minsang tumupok Magbabalik, nagbabalik,  Ang liwanag ay lalagablab.
________________________________________________________________
Paano mo kausapin ang sarili mo tuwing mag-isa ka? Nagi-ingles ka ba? Bisaya? Tagalog? o natural na conyo o TagLish na uri ng wika ang ginagamit mo?
Mula sa tanong sa itaas, anong naisagot mo? 
Sa pagkuha sa kasagutan, naisip mo man lang ba ang pambansang wika na dapat nating pinapalaganap? Wikang Filipino. Wala sa pamimilian sa itaas, namansin mo ba?
Mula sa akda ni Conrado de Quiros, “Ang Kapangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan,” malaki ang mahalaga ng Ingles bilang isang paraan para sa komunikasyon. Ngunit kailangan ba talaga natin ng wikang Ingles sa buhay nating mga Filipino? Malamang na ang pagsang-ayon ang sagot ng nakararami at hindi naman sila nagkakamali.
Sa panahong ngayon kung saan ang teknolohiya’y patuloy na umuusbong sa buong dako ng mundo. Ingles  ang pangunahing wika, basic nga raw kumbaga. Ang Ingles ay ang dominanteng global lingua franca ngunit hindi ibig sabihin na ito na kaagad ang primaryang wika ng isang bansa lalo na ng Pilipinas. Ginagamit ito bilang tulay sa pagkakaintindihan ng iba’t ibang mga lahi. Ayon sa tantiya ng ibang mananaliksik, umaabot ng 80 porsyento ang dami ng bilang  ng mga non-native English speakers.
Ngunit mas mahalaga ang wikang atin, hindi ba? Bakit pinagsisiksikang ipilit ang Ingles sa bawat Pilipino?
Tignan ang bansang Thailand na ayon sa akda ni de Quiros ay hindi marunong mag-Ingles ngunit ang umaangat pa rin patungong itaas hindi tulad sa ating bansang halos mag-Ingles na lang kahit saan, mula sa mga babala sa daan, pangalan ng mga eatery dyan sa may kanluran pati na sa pagkausap sa mg alagang hayop na pakiramdam ko’y hinuhusgahan ka sa iyong kabaliwan.
Ang problema ay we’re missing the forest for the trees.Tinitignan natin ang kahalagahan ng wika bilang komunikasyon lamang imbes na alamin ang buong diwa nito. Ang punto kasi ay hindi lang naman iisa ang gamit ng wika, hindi lang para sa komunikasyon, marami itong tulong at sari-sari pa.
Magpahanggang sa ngayon, nakikipagpatintero at pilit hinahabol na makamit ng ating sinisintang gobyerno ang katanyagang hatid ng wikang usapin. Pinaniniwalaang ito ang susi sa kaunlarang pang-ekonomiya na dati pang argumento para sa pagtataguyod ng Amerikanisadong Pilipinas. Wow! Napakagandang basahin. Contrasting sh*t.
Mababa ang tingin sa mga hindi marunong at hasa ang paggamit ng wikang Ingles kaya nandyan na naman ang kumpol ng mga tao, magtatakbuhan na parang tanga makahabol lamang sa uso. Puspusang gagamitin kahit hindi naman talaga maintindihan ang esensya. Subalit bakit nga ba patuloy na sinasayang ng isang tao ang kanyang oras sa pagbabasa ng isang artikulong wala namang saysay sapagkat wala namang karagdagang impormasyong naibibigay? Kabobohan.
Welcome sa Pilipinas na isa’t kalahating dayuhang kaisipan na ang tila umiikot at patuloy na dumadaloy sa kaugat-ugatan ng bawat isa. Kung saan ginagawang pribilehiyo ang pagsasalita ng Ingles, isang mabilis na daan patungo sa panandaliang o dagling tapak sa tuktok na mabilis masira.
Nagkakaroon na ng stereotype, kung saan ang mga alipin sa palabas ay nag-tatagalog samantalang ang mga aktor na gumaganap na may gintong kutsara sa bibig ay inaasahan ng magaling makipagtalastasan sa Ingles. Bakit pinapalabas na ang Tagalog o Filipino ay wikang pang-mahirap sa mismong sarili nating bansa at dapat gamitin ang Ingles bilang hagdan patungo sa taas? “Hindi tayo ang rule, tayo ang exception.”...Hindi naman mahalaga na basta iba, ang maganda ay naiiba ka sa magandang paraan. 
 Ayon nga sa balita ng GMA News taong 2011, isang artikulo ang nailathala sa ilalim ng Manila Bulletin na nagsasaad hindi lang ng agwat sa pamumuhay ng mahihirap at mayayaman kundi pati na rin sa paggamit ng wika. Tinutukoy na wikang pang-kalsada nga lang ba talaga ang ating wikang Filipino? Sapagkat mas pinupuna ang kamalian sa Ingles na para bang dito nakasalalay ang dignidad ng isang Filipino kaysa sa pagpansin at pag-initindi sa kamaliang dapat itama sa Wikang Filipino, parte ng pagkatao nating mga mamamayan dito.
Bakit sa mga hindi marunong ng tamang paggamit ng Wikang Filipino? Ang mga taong ‘di alam ang pinagkaiba ng salitang “nang” o “ng” at “rin” o “din”? Hindi ba mas nakakahiya?
Napapaisip ka na ba? Sapagkat ang wikang Filipino ay tila natatabunan na at umuusbong ang Ingles bilang isang panibagong moda. Isang napakagandang diskarte, ipamahagi ang karunungan upang kaisipan ng mamayan ay mabuksan at tuluyang masakop ng kolonyal.
Ngunit bakit ka mahihiya? Dapat lang! Ngunit huwag nang ihiya pa nang sobra sapagkat ang kailangan ay tamang pagtuturo at paghuhubog.
Nakakatatwa lamang na inuusig na tanggalin ang wikang sariling atin ngunit alam natin sa sarili nating hindi natin ito ganoong kagamay sapagkat paulit-ulit na raw, kahit paulit-ulit na nga. Paulit-ulit nga ngunit sa isip ng iilan lamang napapatda. Innovation? Walang magandang resulta ang pagbabagong hinahangad kung tatalikdan ang iyong pinanggalingan. “Ang siyang marunong lumingon sa kanyang pinagmulan, ay tiyak na makakarating sa kanyang paroroonan.”
Kaya ba ng wikang Filipino ang seryosong diskusyon? KAYA! Sadyang tatanga-tanga ang ibang tao at ‘di marunong makipagsabayan. Kung lahat ay makikisalamuha sapagkat atin namang naiintindihan ang sarili nating wika (hindi ba?)
Sa SONA (State of the Nation Address), isang napakahalagang talumpati sa bansa na dapat maging isang halimbawa upang palaganapin at kumonekta sa bawat mamayang Pilipino sa bawat sulok ng Pilipinas ngunit sinasabi na ang gobyernong Pilipino’y higit na komportable sa pagsasalita sa wikang dayuhan ‘di naman nila totoong gamay. Mas nauuna pang pag-aralan ang wika ng iba kaysa sa dapat naman talaga.
Ang kultura ng iba’y nagiging una pa. Ang tulay o hagdan ang binigbiyan ng higit na kahalagahan imbes na tumawid at pagtuunan ng tunon ang wikang dapat na satin naman. Bago tumuloy at makipagsapalaran sa tulay, ayusin muna at patatagin ang pondasyon ng siyang pinanggalingan bago gumawa ng mga sanga sanga upang kaguluhan ay maiwasan at hindi magkaroon ng kalituhan.
Ika nga ni Conrado de Quiros, “Ang wika ay isang buhay na bagay. tumutubo ang wika mula sa puso ng isang bayan.” Mayroon itong kapangyarihang saklaw, ang kultura at sensibilidad ng lipunan.
Bakit pa kailangan tumingin sa iba kung may hawak ka naman na matatawag na tiyak na iyo talaga? Hindi na kailangan hanapin pa ang wikang pinaka-mahusay sa lahat sapagkat walang likas na mahusay na wika. Tao ang nagbibigay buhay at kabuluhan sa bawat letra,bawat salita, bawat pangungusap na binibigkas. Kung walang taong gagamit at magpapayaman, walang uusbong na mahusay na wika.
Hindi lang Ingles ang may kapangyarihan, kapangyarihan ng mga Pilipino ang wikang Filipino. Sa paggamit ng wikang sariling atin at lubos na niintindihan, ang emosyong maipapamalas ay totoo at mas epektibo, tatak sa puso.
Mga Pinagkunan:
https://www.altalang.com/beyond-words/how-is-english-used-as-a-lingua-franca-today/
https://www.youtube.com/watch?v=p5IRKbYDCy0
https://elvalienteonline.wordpress.com/2018/09/07/the-kili-kili-power/
https://www.facebook.com/wikapediaph/posts/kung-nasa-wikang-filipino-lang-sana-ang-sona-ni-pangulong-duterte-mas-maiintindi/1240517902648185/
0 notes
asourire-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Tanikala ng Kahapon
Paaralan. Isang lugar kung saan ang kaalaman ay nililinang ng mabuti at tinatawag na ngang pangalawang tirahan ng mga kabataan sapagkat oras nila ay dito na nalalaan halos buong araw. Matuturing na isa sa lubhang napakahalagang institusyon sa lipunan mula pa noon sapagkat nasa ilalim ng kanilang pangangalaga ang susi’t kinabukasan ng bayan. Ngunit sa lugar na ito kung saan hinuhubog ang mga mag-aaral, kompetisyon ang madalas na laganap sa loob ng apat na sulok ng klase. Hinuhulma nga ba sila para sa hinaharap na haharapin o mula sa nakaraan na nakagisnan na natin?
Mula sa “Edukasyong Kolonyal: Sanhi at Bunga ng Mahabang Pagkaalipin,” ang kasaysayan, politika, at edukasyon ay mga puwersang maaari nating gamitin upang tuluyang makalaya sa imperyalismong Estados Unidos ang Pilipinas. Ngunit ang nabanggit na malalaking pwersa sa itaas ay pinupunto rin na hawak ng mga dayuhan. Ang ating kasaysayan ay lagi na lamang nagsisimula kung paano tayo sumakop at niloko ng mga dayuhan. Hindi rin makakatakas sa mga kritikal na pag-iisip ng iilan na hanggang ngayon ay kapit sa leeg ng mga Amerikano ang ilang mayayamang tao sa Pilipinas lalo na ang mga nakaupo sa gobyerno. Paano? Dahil sa takot sa koneksyong mapariwara at mapatanggal sa pwesto. Mahahalata naman agad ito sapagkat ang ating bansa ay nakadepende sa Amerikanong diplomasya pati na rin ang saklaw ng edukasyon ay nakasentro sa paggamit ng mga midyum na nakasulat sa Ingles.
Tila ba wala ng panahon para sumuway. Ang bumaklas sa sistemang monopolyo, siguradong palulubugin na parang ikaw pa ang nagkamaling baliktarin ang sinasantong sibilisasyon. Tila ba’y layunin na ng sitemang makapaggawa ng isang robot-zombie na mga mamamayan na sunod lamang ng sunod at walang isip na naglalakad tungo sa gusto nilang layunin.
“The most effective means of subjugating a people is to capture their minds,” sabi kay Renato Constantino. Tunay ngang epektibong kadena ang edukasyon upang mga isip ng tao’y maging sarado sa paglaban. Laban saan? Dito papasok ang globalisasyon sa Pilipinas. Ano ba ang ganap ng isang arkipelagong bansa laban sa mga nagtatayugan at naglalabanang iba’t ibang bansa? “Tagapalakpak na lamang ba? Tagapanuod na lamang ba?" Ito ang pambungad na katanungang inihain ni Propesor Voltaire Villanueva.
Dahil dito nagkakaroon ng pangamba sa kapaligiran, hindi lang sa ating bansa. Pinatitingkad ang pagkakalayo ng mayaman at mahirap sa globalisasyon sa ekonomiya kung saan mas pinapasigla ang mga impluwensiyang sanhi at bunga ng pamilihang lakas kaysa sa pangangalaga.
Pinapatay ng Amerikano ang ating kaisipan bilang isang Pilipino. Ang ating local power ay pinapahina na siyang nagreresulta sa paglagapak ng ating ekonomiya na siyang sanhi ng kahirapan sa bansa. Dahil sa pakikipagsabayan sa mga nakakaangat na bansa, hanggang sa global market ay walang benepisyong nakukuha ang Pilipinas, puro na lang paglalabas ng mga materyales na siyang inaabuso ng mga dayuhan. Nagkakaroon ng market surplus o sobrang mga supplies sa ibang bansa higit pa sa kailangan nila samantalang kulang ang naipapaabot sa mga totoong mamamayan ng Pilipinas. Hindi lang din naman mga materyales ang ibinebenta ng ating bansa, pati ang mga tao ay ipinapadala upang magtrabaho bilang mga manggagawa na siyang tutulong sa pagtaas ng bilang ng dolyar dito sa Pilipinas dahil sobrang mura na ng palitan ng piso-dolyar.
Ngayon pa lamang, kailangan na agad nating magising! Ang mga Pilipino ay hinuhulma bilang isang mabuting tagasunod, bilang isang kolonyal. Tinuturuan ang bawat isa na sumunod sa sentralisadong ganap ngunit patungo naman talaga sa Amerikanisadong kaisipan.
Ang edukasyon na siyang inaasahan upang maipasa at mapalayo ang saklaw ng nasyonalismo sa Pilipinas ay siya pa palang naging makinarya ng mga Amerikano laban sa atin upang mas mapalakas pa ang kanilang kapangyarihan. Huwag kalilimutan na sa mga Amerikano nagsimula ang edukasyong kolonyal, nagbibihis regalo lamang ito ngunit isa talagang taktika upang ang kamalayan ay mabilis mapasakanila.
Ang pangunahing wikang gamit sa pag-aaral ay Ingles kung saan hinihiwalay nito ang totoong realidad na dapat ipalaganap ang diwa ng mga Pilipino. Ngunit nagsimula na, hindi lamang isang bagong wika ang natutunan ng mga Pilipino, natuto na rin silang mamuhay sa isang buhay na naninibago sa mga kaugalian nating dapat taglay. Imbes na ang lumabas na imahe sa imahinasyon ng mga Pilipino tungo sa kaunlaran ay ang ating baansang arkipelago na puno ng mga palayan na hayok sa bunga, mas napagtutuunan at nagbabago ang imahe sa matatas at makukulay na istraktura na tila inaabot na ang mga tala sa langit. Dahil sa pagbabagong ito, mas minimithi ng masa na maabot ang tuktok ng mga pondasyon ng semento at piniling talikuran ang pantay pantay na kalsadang may masarap na hanging sariwa.
Ang solusyon ay ang pagyakap muli sa ating Pantayong Pananaw. Balikan at matuto sa ating kasaysayan at isapuso ang pag-aaral ng nasyonalismong Pilipino. Sabi nga ni Renato Constantino, “The education of the Filipino must be a Filipino education. It must be based on the needs of the nation and the goals of the nation. The object is not merely to produce men and women who can read and write or who can add and subtract. The primary object is to produce a citizenry that appreciates and is conscious of its nationhood and has national goals for the betterment of the community, and not an anarchic mass of people who know how to take care of themselves only.”
Anong kwenta ng pag-aaral natin sa mga bayaning nagtanggol sa ating bansa. Paulit-ulit na pag-aaral kahit pilit na sinisiksik sa isipan ang tanyag na Ingles sa lahat ng bayan. Ngunit para saan nga ba? Anong pinaka-layunin ng pag-aaral na ito? Para gunitain at magpasalamat sa ginawa at pinamalas nilang angking galing at katapangan? Hindi. Pinag-aaralan natin ito hindi upang bisitahin ang nakaraan. Pinag-aaralan natin ito hindi upang makapagbigay buhay sa mga namatay na lumaban. Pinag-aaralan natin ito dahil may layunin ito na gisingin tayo, paulit-ulit, upang maisapuso ang mga pamanang turong magbubukas sa ating isip, magpapalinaw sa ating mga mata at kakalas sa tanikalang pilit nating kinakapitan.
Mga Pinagkunan:
Ang larawan sa itaas ay ginamit bilang representasyon mula sa http://www.mascotdesigngallery.com/gargantuar-prime/
https://pupiskolarngbayan.wordpress.com/2018/07/07/edukasyong-kolonyal-sanhi-at-bunga-ng-mahabang-pagkakaalipin/
https://pdfs.semanticscholar.org/7735/865e2ea8fd8d9662f3916ffe41cc14376706.pdf
https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102002361
0 notes
asourire-blog · 6 years ago
Text
Tumatagas na Pader
Ang sayang maging mahirap hindi ba?  Araw-araw kang nakasadlak sa bilad ng init ng araw.
Mula sa akda ni Bienvenido Lumbera, “Edukasyon Para Sa Iilan: Kung Bakit Asal Mayaman si Pedro Maralita,” pinapakita ang realidad ng buhay. Kung saan ang mga mayayaman ay may pribilehiyo kung saan iniimpluwensyahan ang kaisipan ng mga nasa ibaba na abutin o pantayan sila para man lang malasahan kahit katiting na sarap ng pag-angat sa buhay.
Naalala ko tuloy ang dahilan kung bakit nagalit ang aking ina sa aking pamangkin nito lamang nakaraan. Bilang bagong tapak sa sekondarya, maninibago ka sa mga iba’t ibang uri ng mga estudyanteng iyong makikita pero siguradong hindi mawawala sa madla ang ibang mayayamang agaw-atensyon at ang ibang inaapi mahihirap na para bang sakit maging isa dahil sa maling pag-iisip na itinanim sa murang edad pa lamang. Kaya’t ayun ay nilustay ng magaling kong pamangkin ang lahat ng perang pinabaon para isang linggo upang makipagsabayan at sumabay sa uso.
Ginagawang batayan sa buhay ang pagiging mayaman. Kahit umakto at manamit ka lang na mayaman ay mabibigyan ka na ng kaparehas na respetong binibigay sa mga nasa itaas.
Aminin man natin o hindi, lahat tayo’y dumating na sa puntong ito ng ating mga buhay. Nandyan si Pedro na naghihintay ng sale para makabili ng isang damit na kung tutuusin ay napakamura lamang kung hindi dahil sa brand na binabayaran. Pumupunta rin si Pedro sa Starbucks at syempre, hindi maaaring kaligtaan ang agkuha ng litrato sa kapeng kaparehas lang naman ng lasa sa iba pang kape para ibalandra online na para bang pinapamukha niya sa iba na kaya niya rin bumili kahit kinabukasan, sa totoo lang ay wala na siyang pera.
Masyadong niroromansa ang pagiging mayaman na kahit sa pagpili ng unibersidad o institusyon papasukan, marapat lamang na pasok ito sa pamantayan ng pagiging mayaman. Halimbawa na rito ang mga pribado at iba pang tanyag na unibersidad na layunin din naman magturo ngunit may kapalit na matataas na bayad. Nasa isip ng masa na kapag sa isa sa mga unibersidad na ito ka nakapagtapos, luluhod ang mga nasa itaas at aabutan ka ng karangyaan at respeto na laging hinahangad. Pinapasok ang mga walang katuturang kaartehan ng mga tao at binibigyan ng pribilehiyo na makita at hangaan ng lahat, nagsusumigaw ng karapatan na gusto nilang matamasa habang tinatakpan ang katotohanan na pilit binubura.
Bakit ba iisa lamang ang ipinupunyal na uri ng pag-iisip sa bawat isa? Bakit nga ba hindi na pagsamahain ang mga ideolohiyang alam ng lahat ay angat sa iba sa hindi? Ayon kay Bobi Luciano, isang propesor sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, “Dapat laging magkaiba mag-isip ang nasa ilalim at nasa itaas, dahil magkaiba sila ng interes.”
Ang pader ng bawat isa’y tumatagas, napapansin ang butas ngunit sadyang pinapabayaan. Asal-mayaman si Pedro Maralita sapagkat obligado daw siyang makisunod sa binibigay na bobong kaisipan na pagpapahalagang ipinapakain ng mga nasa itaas. Isang kaisipan na laganap at ginagawang isang popular na kultura sa ating lipunan. Ginagawang ignorante ng sistema ang mga indibidwal sa totoong kaganapan sa mga bagay bagay na gabundok ang epekto sa buhay nating lahat.
Imbes na magtanong, walang ginagawa si Pedro liban sa mag-isip. Mas binigyan pa niya ng pahintulot ang mga nasa itaas ang ginagawa sa kaniya. Dulot na rin ng panibagong teknolohiya, nariyan ang TV, radyo at mga dyaryo kung saan ibinubulong at ipinapakita ang karangyaang tinatamasa ng mga nasa itaas na marapat na tanungin kung saan nagmula bagkus, binibigyan nito ng ideya na dapat lang sundin ni Pedro Maralita ng walang reklamo at walang tanong tanong. Ayon nga kay Kay Marx, tayo na mismo ang nagtatanim ng sariling buto tungo pagkasira.
Tila ba napakasaya ng talagang maging mahirap! Grabe! Ramdam na ramdam ang kaluwalhatiang hatid ng kahirapan! Nandyan ang mga walang katuturang pangarap na pinapabango ng salitang ‘yaman’ na kahit papano’y mararating din ni Pedro ang rurok na kaniyang inaasam sa pamamagitan ng pagtalikod kung sino’t ano ba ang totoong siya.
0 notes
asourire-blog · 6 years ago
Quote
Ang edukasyon ang makakapagpabago sa ating lipunan. May solusyon pa sa laganap na misedukasyon sa Pilipinas.
Daniel Marc M. Deleña
Commited sa Nakaraan
Bakit ba kailangan mag-aral? Pagkalabas sa mundong ating ginagalawan, itinatatak na kaagad ang kaisipang dapat kang mag-aral. Magandang kinabukasan, hanapbuhay at lahat ng mga pangarap mo’y makakamtam sa pamamagitan ng pag-aaral. Totoo ba? Mukhang ‘hindi naman halata.
Ang edukasyon ngayo’y kapansin-pansin na tila ginagawa ng isang produktong mababa ang kalidad ngunit ang presyo’y lumilipad. Iisa lamang ang sistemang bulok na pinapairal. Iisang pamantayan sa iba’t ibang husay na pinapamalas ng bawat mag-aaral.
“Everyone is a genius. But if you judge a fish by its ability to climb a tree, it will live its whole life believing that it is stupid.” Mga katagang pinasikat ni Albert Einstein. Bakit nga ba kailangang sundin ang nakakatangang sukatan ng kagalingan kung magkakaiba ang tinataglay ng bawat indibidwal.
Kaalaman. Kayamanan. Dignidad. Yan ang halaga ng usaping edukasyon sa masa, ng mga magulang at mga kabataan pilit na tinatapos ang pag-aaral. Subalit sa kasalukuyan, inuupos ng paaralan ang apoy ng katalinuhan, kakanyahan at pagkamalikhain ng isang mag-aaral na dapat tutungo na sa kaunlaran.
Pagmasdan, maliit na pondong nakalaan sa edukasyon ay nandoon at pinambabayad utang tungo liberalisasyon. Ang mga guro’y nawawalan na ng gana, ngunit masisisi nga ba natin sila? Ang hirap na kanilang dinaranas ay hindi napapansin ng karamihan. Hindi lang mga estudyante ang naghihirap, pakatandaan na lahat ay sama-samang nalulugmok sa misedukasyong nagaganap. 
To be committed but mistreated.
Isang kahihiyan! Ang mga guro ang may pinakamahalagang trabaho sa buong mundo. Sila ang tulay na gagabay sa mga susing inaantay na sasagip sa lipunan nating hidni pantay. Ngunit kahit sila’y nararanasan ang maltratong hindi nila dapat natatamasa at sila pa ang karaniwang umaako sapagkat inaakusahan sa mga problemang ‘di naman sila ang pinagmulan.
Mas gustong makipagsabayan sa komersyalisasyon at modernisyasyon ng ibang bansa ngunit paano? Ang pangunahing susi, ang edukasyon, ay hindi na natututukan. Ginagawang market ang mga paaralan, at ang mga estudyante ang mga produktong inaangkat at niluluwas sa mga malalaking kompanya’t malalaking bansa.
“Quality education is expensive. You want quality education; you should be ready to pay for it.”
Yan ang mga katagang binitiwan ng isang opisyales ng CHED. Karapatan ng bawat tao ang makapag-aral kaya marapat lamang na bigyan sila ng tama at wastong edukasyong walang ibang nakatagong agenda na magbibigay laman sa bulsa ng iba.
Kung titignan ang nakaraan ng edukasyon, makikitang hanggang ngayon ay nasa loob pa rin tayo ng kahon ng kahapon. Tinuturing na lehitimong pananakop ng mga Amerikano ang paggamit ng edukasyon, dahilan upang ang kamalayan ng mga Pilipino’y naging bukas sa pang-dayuhang kaisipan. Hanggang ngayon ay binibigyan buhay pa rin ang ganitong katarantaduhan, ang masama pa ay hindi lamang ng mga Amerikano ngunit pati na rin ng mga kapwa Pilipinong nag-aaktong Amerikanisado.
Mapapansin ito mula Wikang Ingles na pangunahing lenggwahe sa pagtuturo imbes na palawakin at palaganapin ang sarili nating wika na parang sinusuka at pinapahiwatig na sawa na tayo sa wikang Filipino kaya nga umusbong ang CHED Memo 20, dahil sapagkat paulit-ulit nang tinuturo ang Filipino mula noong unang pasok sa elementarya pa lamang. (Sa kabutihang-palad, ito ay ipinatigil.) Hinuhulma ang mga estudyante para sa nakaraang dapat na binabago. 
Sa Finland, kahit na ang araw ng pag-aaral sa mga paaralan ay maikli, sinisigurado na kaalamang nakakalap ng bawat estudyante’y sakto at ang sweldong  natatanggap ng mga nagtuturo ay marapat. Hindi layuning ipaghambing ang Finland sa ating bansa, ito’y isang paraan upang ang diwa ng bawat isa, sana, ay magising at maimulat ang mga mata. Ang karapatan ng bawat estudyante at guro sa Pilipinas, marapat lamang na makamtam nila. 
Sabi nga sa bidyong ipinanood sa aming klaseng pinamagatan na Misedukasyon, tutulan ang komersyalisasyon.  Ayon nga kay Deleña, ang edukasyon ay isang regalo mula sa mga Amerikano, gamitin ang regalong ito hindi bilang batayan ng katayuan sa komunidad kundi basehan kung paano natin iaahon ang lugmok nating lipunan. Huwag tayong maging makasarili sa paghubog ng ating kakayahan kaya marapat lamang na matuto tayong magbahagi ng ating mga nalalaman dahil may solusyon pa sa laganap na misedukasyon sa Pilipinas. Walang problemang hindi nasosolusyunan.
Ika nga ni Renato Constantino, “Philippines  educational policies should be geared to the making of Filipinos.” Magpaka-Filipino, dugong nanalaytay sa katawan mo’y ibalandra sa mundo.
Mga Pinagkunan:
https://www.youtube.com/watch?v=_ouvNEbDHLY
http://www.philippinestoday.net/archives/72
0 notes
asourire-blog · 6 years ago
Quote
A heart can only fight the wind so long before it learns to embrace it.
Soman Chainani
9 notes · View notes