Tumgik
auruxeania00 4 years
Text
I miss seeing you with your jacket on your shoulder on a bright sunny day. When everything seems like in a slow-motion as you walk towards my path. I miss seeing the smile on your lips, the way those little eyes of yours shine. And as our paths crossed, you'll never know how I feel. To all those butterflies on my stomach and the way my heart beats like drum. Yes, I am officially missing you.
0 notes
auruxeania00 4 years
Text
For the past 10 months, you became my strength and weakness at the same time. You became my happines and sadness too. It's hard to fully digest everything, but one thing's for sure. It hurts, really bad I didn't expect it to be this way. I'll write this letter at this early morning, dahil pagkagising ko doon parang bumabalik lahat. I cannot sleep well actually for the past days. You can't sleep peacefully having a heavy heart.
You turn my world into a whole lot better and fun. Someone told me last night about your talk, at nasaktan nanaman ako dun sa part na kahit papano nagsisisi ka dun sa mga araw na kung anu ano lang ginawa natin at sayang sa oras. Yah, marami na sana tayong naggawa but I don't regret any of it because it made me happy. Sabi mo noon time isn't wasted when it's spent with me, sana wag mo pagsisihan un.
I am thankful for you R, always will be. But I am sorry for I have to distance myself first for the next 5 to 7 days. I don't know kung pano, kung kakayanin ko ba. Pero my heart's shattered into pieces, I need to pick them up by myself first. I won't be plastic anymore but I have this disappointments that you didn't choose to stood up for me. I know your reasons, but you have a choice. And that choice broke my heart, maybe for the better? We don't know yet. Yes disappointed, but not angry. And being disappointed only lasts for a couple of days, you will never be angry to someone if you truly love them and treasures them.
I maybe gone for this coming days, but if you want to talk, rant or any kwento. Ichat mo lang ako, I will reply. Don't hesitate, pwede ko namang isantabi ung sakit at maging kaibigan mo eh. You have a lot of things on your plate. I'm sorry for making things complicated, I'm sorry for hurting you too.
PLEASE PROMISE ME WHEN I COME BACK, EVERYTHING WILL BE THE SAME. THAT YOU'LL WAIT FOR THE DAY THAT I AM FULLY HEALED. BECAUSE I PROMISE YOU, I WILL BE BACK R. I can't afford to lose you, not anymore. I hope that if things gets more complicated you can consider me too to be one of your choices.
Listen to Barbie's song two voices one song. :) I love you.
0 notes
auruxeania00 4 years
Text
Why do I always felt like I am on a competition. I need to step up neither way I'll lose, I will lose in the battle. Battle of you being the prize. Or am I wrong? For in the first place, no matter how hard I try you have chose the winner.
Why do I always feel like I am on a competition.
I need to step up or else I'll lose. I will lose on this battle.
Battle of you being the prize.
Or maybe I am wrong? For in the first place, no matter how hard I try, how hard I fight for you, for us.
You have already chosen the winner.
0 notes
auruxeania00 4 years
Text
Dream.
We all sleep when we're tired and even if we simply want to escape from reality for awhile. Then I realize, sleep is not just closing your eyes and dreaming, but sometimes the feeling of being asleep can be found through someone. Someone that can lighten everything up, be an escape of how shitty life sometimes be. I did found you in the middle of nowhere, in the midst of many different people, I got to know you. You who became the sweetest dream I've ever had. An escape, an enlightenment, a ray of sunshine and the one who brought out the colors out of grey.
But I need to wake up soon. I need to face the reality and put all the shits on my plate. Even waking up means giving you up, that dream that once made me happy.
Tumblr media
0 notes
auruxeania00 4 years
Text
Iniiwasan kong mag browse ng gallery ko kasi halos every folder may memory about sayo or sa atin. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na tama na maging malungkot, wag nang umiyak. Pero kapag nakikita ko lahat ng memories, mas lamang na yung sakit kesa saya.
Hindi ko inasahan na mag iisang taon na rin pala mula nung makilala kita. Hindi rin maiiwasan na marami nang nagbago sating dalawa. Mula doon sa panahong hindi natatapos yung usapan na naging wala ng mapagusapan ngayon.
Pinakamasakit ung part na akala ko mapipili na ko ngayon. Hahaha. Kaso mali eh, pinili mo yung taong hirap na hirap kang bigyan ng oras. Nandun ako nung mga panahong hirap na hirap kang magdesisyon, at gulong gulo ka sa mga nangyayari sa palagid mo. Nandun ako nung kailangan mo ng kausap, at taong magpapaalala sayo na magiging okay rin ang lahat.
Tinulungan kitang kalimutan ung unfair na mundo kahit saglit, tinulungan kitang makita ung happiness kahit sobrang gulo. Pero bakit ganun? Ang unfair unfair naman. Hahaha. Halos parang binalewala mo lahat para lang sakanya.
Ayokong makita kang masaya, ayokong makita kayong masaya habang ako lungkot na lungkot. Hahaha. Kumbaga sa stages of grief nasa anger ako, sana sapat na yun na dahilan para maging valid na maramdman to.
Masakit. Sobrang sakit. Malungkot. Sobrang lungkot. 馃檪馃檭
0 notes
auruxeania00 4 years
Text
Mahal pa rin kita kahit ang sakit sakit na. Araw araw lumalabas sa feed ko ung profile nung girl, araw araw sinasampal ako ng katotohanan na siya ung pinili mo. Ang unfair no? Ako yung nandyan para sayo eh. Hahahaha. Tangina. Sobra kitang minahal, ikaw ang naging dahilan ng bawat pag ngiti, at saya ko. Ikaw ung dahilan kung bakit ako ginaganahan pumasok sa araw araw. Pero sa isang iglap mawawala lahat, mula nung araw na napagdesisyunan mong piliin siya at hindi ako na binigay lahat ng oras at effort mapasaya at mapakita lang na nandito ako, ung taong minahal ka ng sobra.
0 notes
auruxeania00 4 years
Text
Ikaw ang siyang nagpasaya sa puso ko
Pero ikaw ang siya ring nagbalik sakin kung saan durog na durog ako.
0 notes
auruxeania00 4 years
Text
Sa hindi inaasahang pagkakataon darating yung taong makakapag-pagaan ng lahat ng dinadala mo sa araw araw. Pero darating rin pala yung araw na haharapin mo yung katotohanang "Ikaw lang pala"
Dumating ka sa panahong kailangan ko ng kasama.
Sa araw araw ikaw ang siyang nagbigay kulay at sigla.
Hindi ko inasahan na darating pala agad ung katotohanan sa ating dalawa.
Mali palang masanay at umasa.
Ikaw lang pala.
Ikaw lang pala yung nahuhulog sakanya.
Ikaw lang pala yung nagbabakasakaling, ikaw at ako?
Magkakaroon ng tayo.
Sana noong una pa lang nilinaw mo na, na tayo ay magkaibigan lang rin pala.
Sana hindi mo ako sinanay sa mga matatamis mong salita
na para bang ako'y mahal mo na.
Ah, oo sabi mo mahalaga.
Pero hindi lahat ng mahalaga ay pipiliin sa huli,
Tulad ko, sa huli ay isinantabi.
Minahal naman kita ng totoo ah.
Sinugal ko na lahat ng baraha.
Akala ko mananalo na
Pero sa huli ang pinili mo pa rin siya.
Hindi naman lingid sa jsipan ang posibilidad na ito.
Kumapit lang talaga sa "Baka ako naman, siguro"
Ikaw ang nagpasaya sa aking puso,
Ikaw rin pala ang mag babalik sakin sa sitwasyong durog na durog ako.
Tagos na tagos sa puso yung sakit.
Mapapalitan pala lahat ng saya ng pait.
Pasensya kung minahal kita higit pa sa dapat.
Pasensya kung di ko matanggap agad.
Pero eto ang tandaan mo,
wala akong pinagsisihan sa kung anong naging tayo.
Ung para bang Muntik na. Nandun na.
Hindi lang inasahan na hanggang doon na lang pala ang ating jstorya.
0 notes
auruxeania00 4 years
Text
SANA
May mga pagkakataon na napapaisip tayo, kailan kaya darating ung taong pipiliin tayo sa araw araw, hindi man tayo ganoon kahiwaga. Mali bang ako mismo ang naghanap at hindi naghintay?
Isang araw, napa download na lang ako ng isang dating app, swipe dito, swipe doon. Tila ba namimili ng taong papanain ni kupido. Tanging hiling "hayyyy siya nawa". Napatigil at napatitig sa larawan mong mga mata'y kay singkit. Swipe right, baka kasi ikaw na si Mr. Right. Gulat at tuwa ng biglang lumabas ang mga katagang "you and.... MATCHED", tila ba nabuhayan ang loob na baka ikaw na nga.
Nagkausap, nagkakilanlan, nagkapalagayan. Isang araw natagpuan ko na lang ang sarili kong papunta sa Pambansang Museo upang makita at mas makilala ka. Lumipas ang mga araw, araw na tila walang kulay, simple, walang buhay ay nagiba, nakita ko na lang ang sarili ko sa salamin na napakasaya habang ikaw ang kasama. Naglalakad sa Intra, naikot ang iba't ibang museo at simbahan sa Maynila, dinadama ang ganda ng Luneta.
Napaisip ako, kupido eto na ba talaga ito? Dahil parang napana mo na ang puso ko, sakanya rin kaya ay ganito? Lumipas ang buwan, koneksyon nati'y higit na ata sa pagkakaibigan. Ngunit sa mas pagkakilala ko sayo, ay natagpuan ko rin ang isa, isa pang taong tila bumubuo rin ng araw mo. Isang Kaibigan wari mo.
Pero sa aking pagiisip, ako'y kaibigan mo lang rin naman. Bakit may kirot? Bakit may sakit? Na sa mga araw na hindi tayo ang magkasama, kayo pala ang siyang nagkikita. Daming tanong na hindi ko magawang itanong, dahil sa takot na ang sagot ay ang mga katagang mananakit at magpapaluha sa aking puso. Mali ba na sa loob ng halos ilang buwan ay nahulog na ako?
Ikaw naman kasi eh, pinakilala mo ako sa iyong mga kaibigan, pati kapatid at magulang. Sa bawat pag akbay mo, sa pagtitig sa mga mata ko. Sa bawat paghawak sa aking mga kamay, at ngiti na sumisilay. Akala ko kasabay ng paghulog ko, ang siya ring paghulog mo. Pero nagkamali ata ako, nagkamali ba ako? Pasensya na, hindi ko kasi kayang tanungin ka ng direkta. Tanong ng iba, "Ano ba kayo?", gusto kong sagutin na "yan nga rin ang tanong ko".
Nahihirapan, nasasaktan. Kupido bakit ka naman ganyan? Sa paglipas ng mga buwan, sa paglalim ng aking nararamdaman. Mas napapansin ko ang mga pagbabago, napapansin ang tila araw araw na pagkikita noon ay napapalitan ng isang beses na lamang ngayon. Marami ka ba talagang ginagawa? O sadyang, atensyon mo'y nasa iba na. Teka, ano nga ba ang aking magagawa, eh siya naman ang nauna.
Sana sa oras na handa na muli akong masaktan, maitanong ko na lahat ng tanong. Masabi ko na lahat ng sakit at selos na nadarama. Masabi ko na rin ng direkta sa mga singkit mong mata, ang salitang Mahal kita.
Sana pag nagkaroon ng kahit maliit na pagkakataon kapag tinanong ko kung ako ba o siya. Ako, ako sana ang siyang piliin mo.
0 notes
auruxeania00 5 years
Text
Dance Cover ng Tala. HAHAHAAHHA
0 notes
auruxeania00 5 years
Text
Tumblr media Tumblr media
You're close to my heart, you're almost there.
Thank you for bringing sunshine unto my darkest days.
U light up my world like nobody else. 馃挮鉂わ笍
0 notes
auruxeania00 5 years
Text
I love it when you brush and hold my hair. When you put your arms on my shoulder. Love it when you hold my hand everytime we're crossing the streets. Love it when you're eyes are locked on mine. 馃挮鈽猴笍
0 notes
auruxeania00 5 years
Text
Tumblr media
2019 Plot Twist
They say that people come and go. Pag may umaalis, may darating.
Ang mahirap na parte ay tanggapin na may taong aalis sa buhay natin, at wala tayong ibang magagawa kundi tanggapin ito.
In this year, pakiramdam ko ito na ang pinakamahirap na taon sa buhay ko, lalo na ang pagtanggap sa mga taong umalis. Si mamayeng, siya ang pinakamasakit sa lahat.
Akala ko buong taon na ito ay puro lungkot na lang. Pero totoo nga ung kasabihan sa taas, mayroong darating.
At ikaw yun, isa kang bagyo na biglang dumating ngunit hindi ulan ang hatid. Pero kasing lakas ng bagyo ang pagbabagong hinatid mo sa buhay ko.
Hindi ko inakala na mapupuntahan ko yung mga magagandang lugar sa Manila na ikaw ang kasama. Na mapupuntahan ko ang mga lugar na iyon sa unang pagkakataon na ikaw ang dahilan, ikaw ang kasama.
Maikot ang MOA kasama ka, bumaba ng EDSA, sumakay ng LRT 1 kahit siksikan. Ikaw pa ung nagsilbing kapitan ko para lang di tumumba at mawala sa loob ng punong punong train. Sabi mo pa nga
"Yumakap ka sakin para di ka matumba"
"Wag kang bibitaw sakin"
"Natakot ako kasi paglabas ng train bumitaw ka, akala ko kung saan ka na napunta"
Naikot ko na rin ung buong U-Belt dahil sayo. SM San Lazaro, habang may exhibit doon na kunwari nasa Palawan tayo. Tapos nag arcade at Just Dance kahit na alam kong di mo naman gawain yung mga ganun, at nahihiya ka sumayaw sayaw. Hahaha. Pero sinabayan mo pa rin yung trip ko.
Nakapunta ako ng Fort Santiago, na halos kalahati ng araw ko ay ikaw lang ang kasama. Kapag ikaw kasi di ako napapagod lakarin man natin mula:
Ongpin hanggang Intramuros
PNU hanggang Legarda
PNU hanggang Quirino Grandstand
PNU hanggang Malacanang
Libutin buong Intramuros
Sino ba namang mapapagod kung kasama mo yung taong nagpapasaya ng puso mo?
Bukod sa mga lugar na napuntahan, nagkaroon rin ako ng ibat ibang kaibigan. Kaibigan na alam kong hindi pangkaraniwan dahil sila yung mga taong pang matagalan.
MAY CHING CHONG NA BOSS KO
MAY RK BOI NA MANAGER KO.
Sila yung mga taong malalapit sa puso mo, na hindi mo pinagdamot na makilala ko. At sa isang iglap ay naging parte na rin ng buhay ko.
You helped me conquer some of my fears, being independent. Napasakay mo ako ng LRT 1 magisa. Nakadaan ako dun sa bridge sa Legarda na sobrang dilim habang nakahawak ako sa bag at braso mo. Hindi mo ko iniwan, at ung patience mo na kahit sobrang kulit at ingay ko na noon. SOBRANG SAYA PA RIN NATING DALAWA.
Yun na ata ung pinaka nakakatakot pero pinakamasayang experience ko.
And one of the most important and memorable place we've been ay sa mga Church
St. Jude
San Miguel Church
San Agustin Church
Manila Cathedral
Di ko kasi inimagine na may taong darating sa buhay ko na tulad mo. Na makakasama ko sa Church para mag rosary, nahiya pa nga ako kasi di ko na memorize habang ikaw alam na alam mo.
Yung hinablot mo pa kamay ko noong Ama namin
Yung joke na muntik mo na akong ikiss noong "Peace be with you"
Yung paghalik sa relic ni Sta. Rita noong special day niya.
Yung pag aalay ng prayer for the souls
You made everything possible.
Every solid day, halos di yun mawala sa isip ko lahat ng nangyari buong araw nakatatak sa memory ko. Because those days are one of the most special day I ever have, that will remain forever in my heart
You became my 2019 plot twist. You changed my life in a moment. And all at once everything looks different, now that I see you.
0 notes
auruxeania00 5 years
Text
Memories
Sabi mo ieedit mo ung pictures natin sa Vinkle kaya pinasend mo sakin sa Viber. Tagal eh, kaya gumawa na lang ako ng sarili ko. HAHAHAHA.
Wala natutuwa lang ako sa kanta. Dami na rin pala nating pictures.
More pictures to come.馃挮馃挮馃槉
0 notes
auruxeania00 5 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
AGATHA-CEEJAY-SOPHIA
Hey! I just want to say thank you to all of you for always making my day brighter, and happier. Isa kayo sa dahilan kung bakit hindi ako npapagod pumasok, isa sa dahilan kung bakit ginaganahan ako mag aral at isa kayo sa dahilan kung bakit masaya akong uuwi.聽
Sa bawat araw na kasama ko kayo lagi kong iniisip ANO NANAMAN KAYANG MANGYAYARI NGAYONG ARAW NA TO? Sana maging masaya lang palagi.聽
Sorry kung may mga oras na mas pinipili ko ung iba kaysa sainyo, alam kong marami rin akong pagkukulang bilang isang kaibigan pero no words can explain how thankful and blessed I am na kayo ang naging squad ko.聽
I LOVE YOU ALL. SANA KAYO NA UNG MAKASAMA KO SA BUONG STAY KO SA PNU. AT KAHIT SA ACADEME WORLD.
0 notes
auruxeania00 5 years
Photo
Tumblr media
JULY 25, 2019
We met on an online app, hindi ko inaasahan na magkakaroon tayo ng totoong pagkakaibigan. Alam mo? Salamat sa lahat ng mga bagay na kinukwento mo sakin. Salamat sa tiwala na binigay mo kahit sa sandaling panahon pa lang tayong magkakilala.聽
Hindi mo nilimitahan ung kung anong mayroon sa atin dahil kahit ung iba mong kaibigan ay naging kaibigan ko na rin.聽
Sa bawat araw na lumilipas, araw araw rin akong nagdadasal na sana wag kang aalis sa buhay ko.聽
Hindi mo alam kung gaano mo binago at binuhay muli ung happiness within me.聽
Ramon, sobrang hirap bago mo to mabasa alam ko hahaha, pero kung mabasa mo man sana ma appreciate mo at malaman mo na ganito kita tinetreasure.聽
story of us? hahaha. I hope it will end to a happily ever after聽
0 notes
auruxeania00 5 years
Photo
Tumblr media
MAMAYENG
Hi Mamayeng, miss na miss na kita. Hindi ko inasahan na sa taong ito mawawala ka na sa tabi namin. Nagpapasalamat ako kasi nasulit ko ung mga araw na kasama ka pa namin, ung mga araw na lagi kitang niyayakap habang nanonood ng TV. Yung mga di ko pagbitaw sa kamay mo tuwing umaalis tayo.聽
Ang saya balikan ung mga alala kasama ka, tulad na lang ng picture na yan Birthday ko yan ngayogn 2019, yan ung mga panahong may sakit ka at ang hiniling ko kay Lord bilang birthday gift ay ang pagalingin ka nya. Tinupad niya naman yun at nakasama ka pa namin ng ilang buwan.聽
Una po sa lahat salamat. Salamat sa lahat ng sacrifices, love at effort niyo hindi lang para sakin kundi para saming lahat. Salamat po kasi dahil sainyo, lumaki sila mama ng isang mabuting ina kagaya niyo. Hindi ko inaasahan na biglaan, kasi diba? Gagraduate pa nga ako eh, tapos sabi ko bibigyan ko kayo sa una kong sweldo. Ang dami kong dapat ipagpasalamat sainyo, kasi hindi lang po kayo lola para sakin. Naging nanay ko po kayo mula pagkapanganak ko hanggang forever. Ang saya sa pakiramdam balikan lahat ng memories natin, pero sobrang lungkot rin. Ung mga panahong, hinahatid mo ako sa school at sinusundo. Yung tuwing umaga ikaw ung nag aasikaso sakin pag papasok. Pag masakit yung tiyan ko kahit tinatqmad lang naman ako pumasok. Sabi ko pa nga noon, gusto kita maging mama kasi nga sa malayo nagtatrabaho si mama. Yung mga test paper at grades namin na pinapabayaran namin sayo kapag mataas, alam po naming proud na peoud kayo sa amin . Sinasama mo ako pag mamalengke ka, kasi hindi mo kayang iwan ako magisa sa bahay. Pag sumusutsut ka darti akala ko ako ung tawag mo, yun pala ung aso kasi ang ingay. Hinhintay kita matapos maglaba noon pars lang makanood ako ng TV kasi takot ako magsaksak ng kuryente. Pag may nangaaway sakin kalaro ko, lalabas ka twpos pagsasabihan mo. Ung iba nga takot ako awayin kasi sabi nila "Wag niyong awayin yan, apo yan ni Aling Caring". Nung ikaw ung nagsabit sakin nung award ko nung grase one. Kapag may sakit ako, ikaw ung gumagamot sakin lalo na nung nasabit ung daliri ko sa pedicab kasi nilusot ko dun sa parang pedal, ikaw ung gumamot nung sugat ko run. Ikaw ung nagpagaling non. Nung minsan pa na may natusok ako sa school, ikaw po ung pumunta para sakin. Salamat po. Tapos dumating sila, ken, patrick. Mil jed at jude. Sabi ko ay, hindi na lang sakin ung atensyon mo. Pero tinuring niyo po kami lahat ng pantay pantay, ng pagmamahal na hindi mapapantayan. Na kahit pasaway kami at tamad pinagpapasensyahan niyo kami. Sorry po kung naging pasaway kami, kung minsan nakukulitan kami kapag di mo kami naririnig. Mamimiss kita mamayeng, sobra sobra. Kasi di lang ako nawalan ng lola, kundi nanay. Yung tuwing may iuutos ka lolokohin mo ako na magkano ba ang bayad niyan. Na isang sabi lang namin sayo ng ice cream, bibilhan mo na agad kami. Wala na kong gagawan ng buko na ice candy na favorite mo. Ung zagu na buko pandan, hindi na kita nabilhan. Ung mangga na favorite mo rin. Tapos ung enervon na vitamins na sabay natin iniinom pag umaga. Alam niyo po? Pakiramdam ko ako ung pinakamaswerte sa amin. Kasi nakasama kita ng matagal nung mas malakas ka pa.聽
聽Siguro nga po, tapos ba ung misyon niyo sa amin. Salamat sa lahat lahat. Wala na kong kasama sa bahay kapag ako ung naiiwan. Wala na kaming gigisingin para manood ng Kadenang ginto at TV patrol. Wala na ung pagdating ko sa bahay, magtatampo kapag di ako nakapagbless. Ikaw po ung the best lola para samin, kahit na minsan nasusungitan mo kami kasi di mo kami marinig at maintindihan magsalita. Ikaw at ikaw ung lola na pipiliin namin ano man ang mangyari. Mahal na mahal na mahal ka namin, alam kong masaya ka na dyan kasama ni Lolo Amping. Catherine at ni Jesus. Lagi mo po kaming babantayan ha? Alam kong hindi mo kami papabayaan. Wala ka man na ngayon sa tabi namin, nandito ka pa rin sa puso naming lahat.聽
I love you mamayeng.
0 notes