Tumgik
ayawsakalabasa 4 years
Text
Di ako makatulog kasi. Tapos tumatakbo ka sa isipan ko... Kunyari kausap kita. Nilalahad yung mga salitang di ko pa siguro nailalabas.
From that Starbucks day I knew it was really you. Yung na fefeel kong compatible sa akin. Yung makakapatay ng dead air. Yung makakasasabay sa way of thinking. Yung makakintindi ng silence. Yung mararamdaman kong magiging panatag ako in the long run. Ikaw talaga eh.
Siguro naghabol din ako sa "hope" na baka may chance simula nung magkausap tayo social medially. Ayokong tumigil sayo nang may limitasyon sa pagbibigay respeto sa relasyong meron ka/yo.
Di ko pa din siguro mahanap yung bagay na tinutukoy mo o yung mga hidden impression din ng mga tao from the past.
Di ako marunong makipag commit?
Di ako makapagbigay ng assurance?
Di ako marunong to prove my words?
Di ako what?
Wala akong kayang ioffer na something interesting. As in ang boring lang talaga ng naging buhay ko sa loob ng bente-singkong taon na lumipas.
I'm just introvert guy who loves to ooverthink. But yeah, I think na overcome ko na rin naman not 100%.
Feeling ko wala akong pinursue na bagay. Nagtago lang ako sa anino ng mga tao sa paligid ko. Madalas kailangan pang itulak para lang gumalaw.
Wala. Di ko din maintindihan. Di ko alam kung sapat na bang rason na introvert-kasi-ako o takot lang din ako na baka hindi ako enough o di ako needed o gusto ko lang din magmasid kaysa magpakita. Kampante kuno.
Last last convo we had, something triggers me about acceptance. As in nag stop na yung hope ko na one day:
Makakasama kita
Magsisilbing kanlungan
Iintindi sa pait ng buhay
Makakasama maglakbay sa mga lugar na gagawa ng memorya
Makakayakap pag di na talaga kaya ng mga salita yung bigat nang nadarama
My peace-of-mind-button person pag nilamon nanaman nang mga kinginang ideya.
Di ko lang alam kung bat nag babalik ka pa. Sabagay we're friends pa din naman. And wala naman akong bitterness. Sadyang busy lang din mag adjust sa work work.
Wish ko na mag grow yung relationship niyo kasi mukhang may nawawalan ng gana. Pero sana pagsubok lang din sa inyo. Sana one day, worth it talaga lahat nang reasons bat ka pa rin nagsstay diyan for whatever personal real reasons mo.
Ayun wag sana dumating sa point na "sana pag mahal mo na, mahal ka pa" kasi feelingero ako eh 馃槀
Mahahanap ko din siya. At mahahanap mo din yung rason kung bat ka nag stay diyan. Tiwala lang us. Kahit there was never an us.
P.S
Parang di ko din nailabas dito yung hanash sa utak ko. Hahahha san napunta?
0 notes
ayawsakalabasa 4 years
Text
we had no chat almost a month a messenger when she unexpectedly initiate at 1:43am.
0 notes
ayawsakalabasa 4 years
Text
we started not to talk for about N weeks already.
it looks like I intentionally do the deed but busy lang. New job eh. Sobrang hirap mag adjust sa totoo lang. Nagdive ako ngayon sa lalim na hanggang ngayon di ko pa rin alam ang sukat at ako'y nalulunod na habang pahapyaw hapyaw sa sa kapit nang mga marurunong.
Hindi ko alam kung marahil ba mahirap naman talaga mang madaming bagay sa umpisa pero masyado kong binabarat yung pagkatuto sa paglangoy. O marahil na nalulunod din yung mga taong kaakibakat kung san ako dumidepende?
Gusto ko sanang sabihing "bahala na" pero sige bahala na nga.
Nagtataka ano kaya iniisip mo? Inuunahan ko na nang pasensya. Magkasabay sabay na ang lahat na para bang kunyari'y nagkataon lang.
0 notes
ayawsakalabasa 4 years
Text
Nag message siya pagkatapos nung huling blog ko.
Ang awkward na may bf siya pero ako yung mas madalas niyang kausap sa pasapit na umaga. Di ko nanaman nilalagyan ng malisya sa totoo lang. At tska alam ko din naman na wala din naman talaga sa kanya.
Kaso ang lungkot ko nga. Naiistress ako. Ngayon ko na feel pakiramdam ng mga hindi naman preso pero nakakulong sa mga tahanan nila, nagiisip kung pano sila sa susunod na araw. Walang katiyakan. Walang kontrol sa galaw. Walang laya. Nakakawalang pag asa. Hello, virus.
Tumblr media
0 notes
ayawsakalabasa 4 years
Text
And she's okay. I'm not.
She had a peace with her bf as usual and adjusted living with some of her family now. She's okay. She's happy I guess. No drama. No tantrums. She's playful when chatting me like the way I used to know.
While...
I got a job offer. A huge pay. Something that I can double up my savings a month. I resign afterwards and expecting to render for a maximum of 45 days. So good to think my current payroll will cross my first pay on the new one doing WFH. But, fuck yeah. They decided for an effective immediately resignation and... Im going to start my next job for almost a month from now. My last payroll was on hold. I'm currently unemployed expecting no money to come while my bills are waving at me. Look who's happy?
She is.
I'm not.
I hate my life.
Temporarily.
It's okay not to be ok.
0 notes
ayawsakalabasa 4 years
Text
Napanood ko nga pala ang hintay story niya live on YouTube noong sabado.
Hindi man patungkol sa akin ang mga letrang binitawan niya, nagulat pa din ako na hiwalay na pala sila noon pang March 19.
Nag simula ulit kaming mag usap bago na tapos ang buwan ng marso. Watta timing. Yung araw na 'yun lang ulit ako inaabot ng umaga sa pakikipagusap. Sa pagkakaalala ko, nag thank you siya sa akin. Pero di niya tinanong ang bakit ko. Simula noon, dumalas nanaman kami mag kwentuhan nang mga kwentong kahit ano lang. Smooth pa rin naman. Kahit alam kong nag uusap pa rin sila ng bf niya that time. Palagi sila nagaaway. Pero magbabati din naman agad.
Pakiramdam ko nagbabadya na ang pagtatapos sa kanila at nagkakaliwanag and dilim sa amin dalawa.
At ang pinaka nakakatawa, itong araw ng linggo, nalaman kong siya lang pala nag send nung story ng friend niya. Kaya pala gulo g gulo ako kasi
Hindi niya talaga boses yun
Ni reveal na yung sender na si Bianca ay gf pala ni Nikko na vocalist ng banda na inaakala ko drama lang kasi nahihiya mag salita ang bf ni elli which is bassist nila.
Gulo no. Lakas maka gago. Napaka ko lang. Yun lang. Bye. Night. Sweet dreams. JAPAN.
0 notes
ayawsakalabasa 4 years
Text
Kasi hindi pa kayang tanungin
Kahit alam naman ang sasabihin
0 notes
ayawsakalabasa 4 years
Text
Dumating ang oras na natagpuan ko ang "acceptance" ko sa kanya. Na hindi talaga ako yung taong naiisip niyang makasama hanggang sa huling buntong hininga ng buhay niya. Na hindi ako yung iniisip niya na babahagi sa yakap niya sa bawat oras na kailangan niya nang masasandalan. Na hindi ako yung taong uuwian niya at magbibigay nang kapayapaan sa bawat aktibong mga ugat na nagtutumalon sa loob ng bungo niya. Na hindi ako yung taong gusto niyang hawakan ang kamay sa kada eroplanong sasakyan at bababaan namin. Na hindi ako yung taong willing siyang ipakilala sa mga taong nakapaligid sa kanya. Na hindi ako yung taong magaalay ng katiyakan sa buhay niya.
Natanggap ko na lang noong oras na 'yun na naiparamdam niya sakin na wala na talagang maiuusad ang karera ko sa kanya. Na mayroong malaking balakid na kahit anong gawin ko, hindi ko kayang lampasan.
Ang hindi ko lang lubos maisip, bakit dumadating ang oras na para bang may mga pahiwatig na-- sa likod ng malaking balakid, naghihintay siya. O baka ako'y nalilibang nanaman nang mga kathang isip kong ito. Wari'y dala lang ng dating pagmamahal sayo.
Ayos na ako, sa totoo lang. Hindi sumuko. Natanggap ko na lang.
Na baka nga hindi siya yung pupuna sa kakulangan ko. Na baka nga hindi siya ang taong handang sumalubong sa mga yakap ko. Na baka hindi nga talaga siya ang taong handang sumama sa akin sa walang hanggan. Kasi ito ako, nasa dulo.
0 notes
ayawsakalabasa 4 years
Text
Itago na lang natin siya sa pangalang "Bianca"
Bukod sa pagong, ikwento natin ng live ang kwentong-hintay ni Bianca sa Viva Records sa darating na sabado, alas otso ng gabi. Hindi ko alam bakit nagtutunog MMK na to pero ayun nga, balik tayo.
Nakakaaabang yung eksaktong oras. Patungkol kanino kaya ang pagaalay ng mga salita niya? Ayaw kong umasa, pero di ko alam ang eksaktong mararamdaman ko kung para sa akin.
Madaming mga pahiwatig ang kwentong bumibitin sa mga oras na to.
March - kung saan muli tayong nag usap
Reaksyon - ng BF & friends niya na inaakalang hiwalay na sila noong marso pa, pero nag anniversary pa sila?
Wala rin naman akong kasagutan, kaya at sama sama na lang tayong mag abang kung para patungkol kaya sa akin o isa nanaman akong assuming.
0 notes
ayawsakalabasa 4 years
Text
Unti unti munang wag natin sanayin na para bang ako iyong katuwang mo sa araw araw na katuwaan.
Kasabay nang pagtatapos ng Abs-Cbn yung pagtatapos ng araw na hindi ko masisilayan yung mga mensahe at mga kwentong basag mo.
Sige na, tutal nandito na rin tayo. Unti untiin na natin. Di ko na sasanayin pa ang sarili ko sa hindi naman sigurado.
0 notes
ayawsakalabasa 4 years
Text
Congrats! May nadiskubre akong bagong skill sa sarili ko. Ang magpatahan kapag nalulungkot siya. Para bang ang galing galing ko na dito na pwede ko na ring idagdag sa resume ko.
Wala lang. Parang mababali na ko sa karupukan. Kahit nangako na kong pipigilan ko nang kausapin siya... isang chat niya lang, ito nanaman. Para lang akong tuyong lupa at sabik na sabik sa ulan. Kahit na, alam naman natin na marami pang ibang tubig ang pwedeng pagkunan, dun pa rin ako tataya kung san ako maghihintay. Kung saan walang katiyakan kung darating pa ba.
0 notes
ayawsakalabasa 4 years
Text
Kung magiging pagkain ako ano ako at bakit?
Her: Kalabasa
Them: Bakit?
Her: Kasi, ayaw ko nun.
Dito nagmula yung paghanga ko. Ang tapang niya sumagot nang totoo sa harap ng mga tao. Nakakabilib na hindi ko inaasahan na sa araw na to, mas lalo ko siyang nagustuhan. Yung babaeng maglalakas loob ng saloobin niya kahit na hindi aakma sa tenga ng iba. Ito yung unang araw at pagkakataon na makakausap ko siya at ito rin yung araw na alam ko na kagad na gusto ko siya.
Nagkabuhol buhol na yung mga naiisip ko sa dami ng labas pasok na mga kathang isip sa kanya. Alam kong iba siya sa maraming babaeng nakasalamuha ko. Lalo ko siyang nagugustuhan sa pamamagitan lang ng pagiisip kung bakit ko siya nagugustuhan.
Halos di ko na naisip, na yung mga huling salitang binigkas niya ay nangangahulugan na wala naman kagad akong pag asa.
0 notes
ayawsakalabasa 4 years
Text
Hi Elli,
Ito ang umpisa nang pagtatapos.
0 notes