Tumgik
ayramluke · 3 years
Text
Ang Hiwaga ng Rivera Aklan
Tumblr media
Karaniwang nasa isip ng mga tao kapag naririnig ang Aklan ay ang Boracay, kung saan ito ang isa sa pinakakilalang lugar sa Pilipinas at isa sa mga naging dahilan ng mataas na antas ng turismo sa Pilipinas. Ngunit lingid sa kaalaman ng mga turista, marami pang nakatagong hiwaga ang Aklan.
Huli akong nagpunta sa Aklan kasama ang aking pamilya noong ako ay anim na taong gulang. Binisita namin ang naturang probinsya upang makilala ko ang pamilya ng aking ina at makita ko kung saan siya namulat at lumaki. Madaling araw pa lamang ay umalis na kami sa bahay papuntang Maynila upang sunduin ang aking auntie at pinsan upang sumabay papuntang pier na aming sasakyan papuntang Aklan. Kapag ang sasakyan papunta ay barko, dalawang araw ang gugugulin bago makapunta sa Aklan kung saan bababa sa munisipalidad ng Kalibo.
Kalibo, Aklan
Tumblr media
Kabilang sa isang pangkat ng mga lalawigan sa loob ng isang solong landmass na tinatawag na Panay sa loob ng Kanlurang Kabisayaan, ang Aklan ay gumagawa ng isa sa apat at kung saan nakaupo ang Kalibo sa paligid ng hilagang-kanluran. Bilang isang lalawigan din na may napakalapit na distansya sa hotspot ng mga turista na isla ng Boracay, gumagawa ang kabiserang lungsod ng isang launching pad sa kalapit na atoll. Ang munisipalidad ng Kalibo ay ang kabisera ng Aklan. Maaari itong matagpuan sa hilagang-kanluran ng Panay Island, sa Western Visayas Region ng Pilipinas. Kung pupunta ka sa Boracay, maaari kang dumaan sa Kalibo. Sa halip na dumaan lamang, bakit hindi manatili nang ilang sandali at masiyahan sa lugar? Maraming mga atraksyon na maaari bisitahin habang nasa Kalibo. 
Pagkatapos na kami ay makababa sa Kalibo ay sumakay kami ng bus upang makapunta sa Libacao kung saan kami ay susunduin ng pamilya ng aking ina. Lubhang malubak ang daan noong mga panahon na iyon kaya’t kinakailangan na kami ay sumakay sa oner ng aking uncle upang makapunta sa barangay ng Rivera.
Tumblr media
Rivera, Libacao, Aklan
Sa Rivera, makikita mo ang mga nakatagong hiwaga ng Aklan, bukod sa Boracay, hindi makakailang may nakatagong paraiso sa lugar na ito. Hindi kilala ang barangay ng Rivera, marahil sa kadahilanang ito lamang ay isang maliit na barangay, bukod doon, halos lahat ng nakatira sa barangay ay mga kamag-anak ng aking ina, isa sa mga uncle ng aking ina ang namamahala at namumuno sa barangay. Noong nakarating kami sa eksaktong lugar kung nasaan ang bahay ng aking lola, nabighani ako sa ganda ng lugar. Sa mura kong edad, ang natatanging nalalaman ko lamang sa Aklan ay ang Boracay, ngunit sa pagbisita naming sa lugar kung saan namulat ang aking ina, lumawak ang aking pang-unawa at unti-unti kong nalaman na may mga paraiso pa pala na hindi nadidiskubre ng mga turista. Ang harapan ng aming bahay ay isang bukid, kaunting lakad lamang ay makikita mo ang ilog at isang talon kung kami ay naligo kasama ang aking ina at ama. Malinaw at malinis ang ilog at ang talon, kakaunti lamang ang mga taong nakakaalam sa lugar na ito, bukod sa pamilya ng ina ko ay wala ng iba pang nakakaalam sa tagong lugar na ito kaya naman napakapayapa at huni lamang ng mga ibon ang iyong maririnig.
1 note · View note