balintatawtwo
balintatawtwo
Balintataw
3 posts
insert shorter ver of description
Don't wanna be here? Send us removal request.
balintatawtwo · 5 years ago
Text
Kahulugan ng Pagbasa
Ang pagbasa ay isa sa limang makrong kasanayang pangwika at nagtataglay ito ng iba’t-ibang kahulugan batay sa iba’t ibang manunulat at dalubhasa. 
Ayon sa Diksyunaryo ni Webster, ang pagbasa ay isang kilos o gawa ng isang taong bumabasa at pag-unawa sa kahulugan ng isang aklat, sulatin at iba pang nasusulat na bagay. Batay naman sa International Reading Association, nangangailangan ang pagbasa ng paglinag at pananatili ng kawilihan sa pagbasa, paggamit ng istratehiya upang makuha ang kahulugan ng teksto, sapat na kaalaman at bokabularyo sa tutulong sap ag-unawa sa teksto, kakayahan sa matatas na pagbasa, istilong gagamitin upang maunawaan ang salitang di pamilyar, at kakayahang umunawa sa mga nakatalang salita batay sa tunog o pagbigkas nito.
Tumblr media
         Sabi ni Villamin (1999), ang pagbasa ay isang susing nagbubukas ng pintuan tungo sa pagtatamo ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang larangan bukod sa nagbibigay ito ng kasiyahan. Ito naman ay ang pagkilala sa kahulugan ng mga nakasulat na mga salita ayon kay William Morris at binigyang kahulugan din ito ni Frank Smith (1997) sa kaniyang librong Reading Without Non Sense bilang pagtatanong sa nakatalang teksto at pag-uunawa rito upang makuha ang sagot sa tanong.
Tumblr media
         Mula naman kay Kenneth Goodman sa Journal of the Reading Specialist, ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game, sapagkat ito ay nagdudulot ng interaksyon sa pagitan ng wika at pag-iisip. Ang tiyak at maayos na pagkilala sa pagsama-sama ng mga salita naman ang kahulugan nito alinsunod kay Angeles. Sa pagbasa, binibigyan ng kahulugan at pagkilala ang mga kaalamang nakalimbag batay sa pagkakasulat ng may akda (Silvey, n.d.) at kailangan nito ng sapat na pag-iisip at pang-unawa sa mga simbolong nakalimbag sa teksto (McWhorter, n.d.).
         Maraming kahulugan man ang pagbasa, bagamat iisa lang ang kaisipang nakapaloob dito. Ito ay ang pag-unawa sa isang teksto at paglinang sa kaisipan ng isang indibidwal upang madagdagan ang kaniyang kaalaman.
0 notes
balintatawtwo · 5 years ago
Text
Mga Halimbawa ng Sosyolek
Ang sosyolek ay isang barayti ng wika na ginagamit ng partikular na pangat or grupo ng tao sa lipunan. Maaari ito maging pormal at di pormal. 
Pormal - wika na gamit ng mga propesyonal tulad ng mga guro, doktor, enhinyero at iba pa. 
Di pormal - mga salitang naimbento lamang ng mga ordinaryong tao. Minsan naman ay kusa itong nawawala kaoag uto ay luma at napagsawaan na ng mga gumagamit nito 
Tumblr media
Mga halimbawa
Gay lingo o Bekimon - lenggwahe ng mga bading halimbawa: “Gorabels! Push mo yan!”  
Jejemon - paggamit o pagbuo ng pangugusap o parirala sa pagiba-iba ng mga posisyon ng titik sa isang salita, pagpalit ng maliliit na titik sa malaking titik, sobrang paggamit ng mg titik na H, X o Z at paghahalo ng mga numerikong karakter at ng ating normal na alpabeto. halimbawa: "e0wh pFOu? mUsZtAh nHa? jejejeje"  
Konyo - paghalo ng wikamg Ingles at Filipino na tinatawag na taglish. Kadalasang ginagamit ang pandiwang Ingles na "make". halimbawa: “I don’t like to make lakad in the baha nga, no? Eh diba it’s like, so eew, diba?”  
Balbal - di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika sapagkat itobay nabuo sa inpormal na paraan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye. halimbawa: "Masaya yung tipar ni Lilibeth kagabi kaso maaga akong pinauwi ni erpat"
0 notes
balintatawtwo · 5 years ago
Text
DISCLAIMER
Kami ay mga mag-aaral sa Baitang 11 ng Philipinne Science High School – SOCCSKSARGEN Region Campus. Ang blog na ito ay ginawa bilang katuparan sa bahagyang pangangailan ng aming asignaturang Filipino sa ilalim ng pagtuturo ng aming gurong si G. Kenjave Mark T. Parlero. Ito ay naglalaman ng aming mga awtput na kaugnay sa aming asignatura at may layunin itong maging instrumento sa pagbahagi ng mga kaalamang aming nakamit sa mga leksiyon. Higit pa, ang blog na ito ay malayang pinangangasiwaan ng mga mag-aaral na kasapi ng patnugutang ito kung kaya ay walang direktang pananagutan ang pamunuan ng paaralan at guro ng asignatura sa kung ano mang nakalimbag dito. Para sa karagdagang suhestiyon at komento, maaaring makipag-ugnayan sa patnugutan sa pamamagitan ng email: [email protected]
0 notes