Tumgik
batutevlog · 2 years
Text
Fashion Article
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
batutevlog · 2 years
Text
Pandemya
Simula nung tayo ay natamaan ng pandemya maraming mga tao ang nahirapan mamuhay, mga nawalan ng trabaho at sa karamahin sa atin ay nawalan ng trabaho nahirapan silang maitawid ang kanilang pang araw araw na gastusin. Maraming mga tao namatayan dahil sa pandemyang kinakaharap natin. Maraming mga tao ang naranas Depresyon at Anxiety dahil sa kawalan ng trabaho at madalang na pakikipag kumikasyon sa pamilya at mga kaibigan. Mapapangalagaan o maiiwasan nating maranasan ang pagkakaroon ng Depresyon at Anxiety sa panahon ng pandemya; ayon sa, https://www.unicef.org/ “Paano ko aalagaan ang aking mental health sa panahon ng COVID-19?” Normal lamang na makaramdam ng takot at pagkabalisa sa panahon ng COVID-19, lalo na’t tumatagal ang krisis na ito. Bukod sa pag-alaga ng ating kalusugan upang makaiwas sa coronavirus, mahalaga rin na alagaan natin ang ating mental health habang nananatili sa loob ng bahay. Ilan sa mga halimbawa mula sa artikulong ito upang maiwasan o magabayan ang kalusugang pangkaisipan ay: Maghanap ng pagkakaabalahan o mapaglilibangan, Gamitin ang social media, video call, chat o text para kumustahin at makausap ang mga kaibigan. Tumulong sa mga gawaing bahay hangga’t makakaya at iba pa.
Marami ring mga tao ang nataranta kung kailan matatapos ang pandemyang ito dahil hindi nila alam kung kaya pa nila mamuhay muli at kung sila ay makakaahon muli. Maraming mga magulang ang nabahala kung paano nila mabibigyan ng edukasyon ang kanilang mga anak dahil sa pagsasara ng mga paaralan. Maraming kabataan din ang tumigil sa pag aaral dahil sa kakulangan sa pera at ang iba ay nahihirapan dahil sa bagong set up katulad ng Online Class, marahil din sa mga kabataan ang tumigil sa pag aaral para makatulong sa kanilang magulang samakatuwid, mas pinili nilang pasukin ang Online selling at pagtatrabaho sa Grab delivery. Ayon sa aking pananaliksik sa https://manilatoday.net/, “Edukasyon sa Panahon ng Pandemya: Mga Hamon at Hinaharap” na isinulat ni Kenneth Dapadap at Juliana Clarenne Gayapa, Ang pagsisimula ng pasukan ay napakalaking pagbabago sa lahat. Panibagong gising sa umaga, at panibagong mga hamon na naman ang ating kinakaharap. Subalit hindi rin naman natin maitatangi ang mga alaala at masasayang pangyayaring naipon natin noong nakaraang pasukan. Sa pagpasok sa paaralan ay makakabuo tayo ng mga bagong kaibigan, mga kaibigang makakasama sa hamon ng online learning. Hindi man ito kagaya ng mga karanasan bago ang pandemiya, maituturing pa rin natin itong mga masasayang alaala na mabitbit habambuhay. Hindi na bago sa atin ang kahalagahan ng edukasyon maging online man o pisikal.
Sa pagtaas ng kaso ng COVID-19, marami ang nangamba dahil hindi nila alam at paano nila ito maiiwasan sa kadahilanang hindi nila alam kung apektado ba ang mga taong kanilang nakakasalamuha. Halos lahat ng mga health workers ang nahirapan magsilbi sa mga nagkakasakit dahil una, kaunti lamang ang kanilang mga tauhan, pangalawa, hindi pa nagagawa ang tamang gamot upang magbigay lunas sa mga taong apektado ng COVID-19. Buwis buhay ang dinanas ng mga tao simula nung nagkaroon ng pandemya sa bansa upang sila ay mamuhay, makapag-aral, at kumita ng pera. Bukod sa pagsusuot ng face mask, face shield, at pag-disinfect ng buong bahay, ay para sa nakararami ay kulang pa ito para sila ay mabigyang proteksyon; sa gayong dahilan ay nagpursigi ang mga scientist na bumuo ng isang gamot o bakuna na makakatulong magbigay proteksyon para sa mga tao, ito ay ang mga Pfizer, Moderna, Oxford/AstraZeneca, at iba pa na iniksyunan sa atin. Bagama’t alam naman ng mga nakararami ang kahalagahan ng pagbabakuna ngunit, marami pa rin na tumatanggi magpabakuna dahil para sa kanila ay ayaw, takot marahil ito ay hindi epektibo, yung iba ay may katakutan na baka sila ay mamatay, at yung iba ay hindi kayanin ng kani-kanilang katawan. Sa isang banda, para sa nakararami ay epektibo sa kanilang katawan at kalusugan. Naging mas protektado sila sa susunod pang sakit na kanilang madadama, at naging malusog ang ilan. Marami rin nagsasabi na sa tuwing magkakaroon sila ng sakit na ito ay mas napapabilis ang kanilang pag galing.
Sa aking pananaw, ang bakuna ay nakakabuti para sa ating kalusugan, mas nabibigyan tayo ng proteksyon sa tuwing tayo ay magkakasakit, at kailangan din ito upang makapasok sa mga establisyemento at kailangan din ito sa paaralang pinapasukan ko sa kadahilang pumapasok na ang mga estudyanteng katulad ko; hindi lang ito para sa mga iyon kundi para na rin sa makakasalamuhang mga tao na ikaw ay isang bakunado at kung magkakaroon ka agad ng sakit ay madali at mabilis ang ating pag galing.
Matapos ang halos dalawang taong paghihirap ng mga tao ngayong panahon ng Pandemya, unti-unting nakakabawi ang mga Pilipino at mga kalakip na bansa natin na halos nagpahirap sa mga tao sa larangan ng edukasyon, agrikultura, ekonomiya, politika, relihiyon, negosyo, kalusugan, at pakikisalamuha ng bawat isa na ngayo'y nagbibigay ng pag-asa at sigla sa atin. Magmula rin noong nagpatupad ang mga opisyales ng “New Normal”, karamihan sa mga tao ang nakaahon at nakabawi sa kahirapan kasama na rin sa pag ahon na ito ang magandang health protocol na ipinapatupad at kinakailangang sundin ng bawat tao sa tuwing pupunta sa mga establisyemento, at paaralan.
At ngayong balik na ang mga tao sa lahat, tulad kong estudyanteng nag-aaral sa aking paaralan ay isang malaking tulong dahil mas natututunan ko ang bawat talakayin na inilalahad ng aking guro, mas nakakasama ko pa ang aking mga kaibigan sa paaralan man o sa mga pasyalan. Marami rin mga bata ang nakakapasyal na ngayon dahil noon nung kasagsagan ng pandemya ay nasa kanilang mga tahanan lamang sila; katulad ng kapatid ko, siya ay nakakapunta at nakakapag-enjoy makipaglaro sa labas, nakakapasyal sa mall, at iba pang mga lugar.
References:
https://www.unicef.org/philippines/stories/paano-ko-aalagaan-ang-aking-mental-health-sa-panahon-ng-covid-19
https://manilatoday.net/edukasyon-sa-panahon-ng-pandemya-mga-hamon-at-hinaharap/
1 note · View note
batutevlog · 2 years
Text
Tumblr media
Ang aking ginuhit ay si Anton John Argabioso Tolentino. Ang aking pinaka matalik at pinagkakatiwalaan na kaibigan. Nag kakilala kame sa Saint Michaels College of Laguna kami ay mag kaklase ng Grade 1 hindi pa kame masyado mag ka close at nag papansinan. Hangang sa Grade 8 ay mag kaklase paren kame doon na buo ang aming pagigiging mag kaibigan. Si Anton ay isang mahisayin bata pero ugod ng kulit at mapang asar masarap kasama dahil pag kasama mo sya ay para bang makakalimutan mo ang mga problemang dala mo. Dahil pag kasama mo sya ay walang araw na hindi ka tatawa hindinghindi ka makakaranas ng lungkot dahil lahat cguro ng katangian nasakanya. Katulad ng malake mata, payat at ang ngiting nyang mapang asar at iba pa. At lalo pang pinatibay ang aming pagiging mag kaibigan noong naging mag kaklase kame nung Grade 9. Dahil lagi na kaming mag kasama kahit saan ako pumunta nandoon sya, kahit saan naman sya pumunta nandoon ako hindi kami nag iiwanan. Kahit sa kalokohan lagi kaming mag kasama, mag laro ng basketball mag kasama paren kame. Si Anton ang tanging nakuha ang tiwala ko dahil sa ugali nyang ibang iba kumpara sa iba, dahil si anton hinding hindi ka iiwanan nyan kahit may problema kang daladala sasamahan ka nyan hinding hindi ka iiwanan nyan. May magawa kang male hindi ka iiwan nyan tutulungan ka pa nyan ayusen. Susuportahan ka ren nya sa mga bagay na gusto mo at kokontrahin nya naman ito kung sa tingin nya ay mali. Si Anton ay isang napaka matampuhin na tropa pero konting lambing mo lng at biro ay bibigay ren papatawanin mo lang mag kaka ayos na kayo. Halos mag ka dikit na nga ang aming bituka dahil hindi kame pinag hihiwalay hangang ngayon kung nasan ako nandon sya. Walang boss samin walang nasusunod samin basta kung san namin gusto doon kame, kung san kame masaya doon kame. Ngunit kailangan rin naman namin mag hiwalay dahil paalis na ren sya ng bansa, kaya sya ang napili kong i uket para naman ay mabigay ko sakanya ung drawing at maalala nya paren ako.
5 notes · View notes
batutevlog · 2 years
Text
“Daan”
Lumipas ang bawat oras, araw, buwan, taon. Tayo'y manatiling sama-sama Tumahak sa tamang landas para sa atin. para sa atin. para sa atin. Kaming dalawa lang ang didikta. tama kami. sabay tayo Oo sabay tayong pumunta sa kalye. Kahit na may mga pagkakataong magulo, hindi siya sumuko. Nakatayo ito nang kasing tibay ng ginawa namin sa dating patag na kalsada. Magkahawak-kamay tayong maglalakbay, pababa sa isang kalsadang hindi tayo hahantong sa kung saan. Tinahak namin ang landas nang magkasama, anuman ang mga kahirapan at kumplikado. Pero habang naglalakad ako, parang may napapansin akong dalawang daan. At dito. Dito magsisimulang magulo ang isip mo, magulo ang isip mo. "Saan ka nakatira?" Ang tanong mo. "Siya ba ay papunta sa akin, o ako sa aking paraan upang dalhin ang aking sarili?" How I sadded your heart forever not to be with you, the time with you made me happy.
Binuksan namin ang kalsada gamit ang aming mga kamay na mahigpit na nakahawak. Hanga ako sa iyo sa pagpapatuloy sa landas na iyong pinili. Mag-ingat sa bawat hakbang na iyong gagawin. Kung dati madalas kang makipag-ugnayan, ngayon puso mo na lang ang kumokonekta sa iyo. Isang beses din kaming pinagtagpo ng kalsadang ito, ngunit nagkahiwalay muli pagkaraan ng ilang oras. tingnan mo Ang kalyeng ito ay lubhang kawili-wili. Hindi mo alam kung gaano katagal ang iyong tatahakin sa isang kalsada na tila hinubog sa tanda ng kawalang-hanggan. Nagkikita kami sa daan, pero
naghiwalay na naman tayo. At inaabangan ko ang araw at oras na muli tayong magkikita. "Saan patungo ang ganyang daan?" Nagtanong ako. Magkahawak kamay hanggang sa mapagtanto mo na sa dulo ng hindi maintindihan at magulong landas na ito ay may isa pang tuwid na landas upang muling lakaran. At ligtas na huwag nang umalis. Handa na ang mga malubak at masalimuot na kalsada. At sa muli nating pagharap, handa pa rin tayong piliin ang landas na ating tatahakin, harapin ang bawat problemang darating. Nawa'y ang bawat isa sa atin ay tumuntong sa kaalaman na pipiliin nating magkasama at hindi kailanman bibitawan.
8 notes · View notes