Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
15
041720
3:43 am
Wow. Eto talaga di ko inexpect na mabubuksan at magsusulat pako rito. Malapit na mag-one year! Hope you are doing fine! Binasa ko ulit lahat ng pinost ko, paenglish english pako hahahahaha! Tapos naalala ko tuloy mga nangyare nung grade 12. Nakakatawa nalang ngayon! Sobrang random lang nito. Nabuksan ko lang kase di ko alam kung iba ba ginamit kong email add sa isa kong tumblr acc. Hehehehehehe! Yun lang. Sana di mo na to mabasa. Lol joke. Babyeeee.
0 notes
Text
14
012714
Di ko akalain na magsusulat uli ako dito. Pero ayon, nangyari. Nangyari rin pinakakinatatakutan ko. You ended everything earlier. Ang alam ko ako yung galit. Ako yung dapat suyuin. Pero ano? Tinapos mo. Kasalanan ko naman. Lahat naman ng nangyayari kasalanan ko. Hope you're doing fine cause I'm not. Mula umaga hanggang ngayon, umiiyak pa rin ako. Masakit na mata ko hahahaha. Okay lang. Deserve ko. Deserve ko lahat. Ingat ka lagi. Goodbye.
0 notes
Text
13
122617
Nagkausap tayo. Nabasa mo na rin yung mga nasulat ko. Nahihiya nako magrant dito. Sabe mo tinatamad ka basahin. Kase gagawa ka pa ng acc para mabasa tong mga to. Wow effort gumawa ka nga. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nung biglang nagpop up chathead mo. Nagchacharge ako kaya di ko agad nabasa. Sorry. Pinaiyak kita. Kung ayaw mo na masaktan, lumayo ka na sakin. Dahil mahilig ako manakit charot.
Tulog ka na siguro. Kanina ka pa inaantok e. Sweetdreams.
May possibility na di na tayo makapag usap bukas. I missed you. Bye.
0 notes
Text
12.5
122517
Nanghihingi ka ss. Ang alam ko we pwede naman buksan kahit alang acc. Hay ewan. Bahala ka jan. Gumawa ka acc.
0 notes
Text
12.4
122417
Di mo naaalala hahaha. Pinag usapan natin to. Grabe ka. Ganyan ka na ba kawalang pake saken? Hahaha sabagay. Kasalanan ko naman. Eto na siguro last. Merry christmas.
1 note
·
View note
Text
12.1
122417
Di mo naman to mababasa kase di mo pa siniseen yung sa ig
0 notes
Text
12
122417
Merry Christmas
Chinat mo ko
"Siguro last na pagbati ko sayo to tsaka last na paalala hehe. Merry christmas! Ily. :)
P.S. Walang forever
#bitterako"
Di ko alam isasagot ko tangina. Merry christmas din. I love you too.
0 notes
Text
11
122417
Ano ba bago? Lagi mo naman ako hinahayaang umuwi mag isa kahit tayo pa.
0 notes
Text
10.2
122317
Sanna mabasa mo to. Sesend ko na ba sa messenger to. Grabe naman. Check mo ig mo badtrip.
0 notes
Text
10.1
122317
Mukhang di mo naman to nababasa tangina sinend ko sayo sa ig. Taeng tae nako.
0 notes
Text
10
122317
Nakkanila joys tayo habang sinusulat ko to. Kumanta ka little things. Tangina mo pero tangina ko. Gusto ko magtanong pero ayoko rin malaman sagot. Bakit nga ba?
0 notes
Text
09
Nakita kita. Ang tagal na pala nung huli tayong nagkita. Nagulat ako. May inabot ka sakin. Yung picture ko.
Nung sinabe kong babalik ko nalang sa isang linggo mga damit mo, ang sabi wag na kapag ibinalik mo magagalit ka pa kamo. Pero bakit mo ibinalik picture ko? Ayoko isipin. Ayoko kasi may mga ilang rason akong naiisip.
1. Nakita mo lang bigla at gusto mo lang ibalik sakin. Simple.
2. Gusto mong ibalik sakin dahil naiinis ka kapag nakikita mo.
3. Ibinalik mo dahil may ipapalit ka na.
4. Napapangitan ka na sakin. Kahit noong araw pa naman.
5. Tapos mo na ipanakot sa daga.
6. Kailangan ko sa pagaapply sa bsu.
7. Wala na kasing kwenta pang itago.
8. May nagsabi na dapat ibalik mo.
9. Pakalat kalat. Nakakasira ng araw.
10. Sign na para ibalik ko rin sayo lahat ng ibinigay mo.
The list could go on. Pero ayoko na ituloy. Bukod sa sobrang hinang net. Pagod nako isipin. Pagkatapos kong isulat ito, hindi ko na iisipin pang muli. Amen.
0 notes
Text
08
121117
Ngayon ko lang napansen na mali mga dates eedit ko nalang lol. Ayun 1st day ng immersion sa public schools. May tonsillitis pa ren ako pero ala na lagnat. Sinat sinat nalang. Tapos ayun. Ala kong boses. Napwersa e. Ala manlang akong kasama. Pati teacher wala. Hayst. Sige. Di ka naman na interesado magbasa. Bye. :)
0 notes
Text
07
121017
May lagnat pa rin ako kaya maiksi lang siguro masusulat ko uli. Chinachat ako nung brother sa seminaryo. Yung christian. Inadd niya ko bago pa kame pumunta dun. Wala naman masama na makipag usap sa kanya di ba? Naggugoodnight at goodmorning siya. Tapos tinanong kung nakapag isip na raw ba ko tungkol sa future ko hahahahahahaha. Bastos hahahahaha. Sige na matutulog uli ako. Di ko na kaya. Ingat :))
1 note
·
View note