blogger-from-south
blogger-from-south
BLOGGER FROM SOUTH
38 posts
'94 | Living in my dreams | ♋
Don't wanna be here? Send us removal request.
blogger-from-south · 6 years ago
Text
Hinahayaan kita.
Hinahayaan kitang makita ang totoong ako, kahit na alam kong sa susunod unti unti ka ng lalayo.
Hinahayaan kitang saktan ako, kahit na alam kong sa huli mas masakit pa to lalo.
Heto ako, hinahayaan kita na pabayaan nalang ako.
0 notes
blogger-from-south · 7 years ago
Text
Just when I thought I'd lost you, you found a way to save us. That's wonderful, its you who keep this relationship strong.
Im in so much awe knowing that you stay even if I screwed up. You made an exception out of your rules, and I'm so thankful. And I love you even more, though I'm not as expressive as you are. Our relationship is not perfect just like with everybody else, but knowing that its you I can say that Im perfectly happy.
You know what, I am planning for our future, which I did not imagine among all the relationship Ive been through (apparently it is what we must do cause thats what relationships are for). Maybe this is it, love. Been dreaming for our happy fambam life after we end up to this phase of our relationship.
Maybe we should enjoy a little more. Explore, travel then after, thats the time we can finally tie the knot. Love you, love. Its always been you.
0 notes
blogger-from-south · 7 years ago
Text
Sid&Aya (not a love story)
Mga gago kayo, sinaktan nyo ako. Di naman ako broken hearted nung pumasok ako magisa sa sinehan, pero paglabas ko ang sakit sakit. Nagthrowback yung mga sakit na naramdaman ko noon. Taena, gusto ko maging kagaya mo Aya, gusto ko din bumawi. Kahit masama bumawi na makasakit din, gusto ko yon gawin. Gusto ko lang maramdaman din nung mga taong nanakit sakit yung sakit na pinagdaanan ko. Di naman ako selfish kaya ishare ko din yung sakit.
May natutunan naman ako sa movie nyo kahit litong lito ako paglabas ko ng sinehan. Natutunan ko na, tama pa lang sumusugal ako sa buhay ko kahit na alam kong masasaktan ako. Minsan ka lang mabubuhay gago, sulitin mo na. Sulitin mong masaktan, sulitin mong magmahal kahit di ka mahalin pabalik, sulitin mong magpakatanga at magpagago kasi di mo yon maexperience palagi. Ang dami kong naramdaman sa movie pero bat ganon ngayon di ko na sya ma express.
Basta kung may isang bagay na tumatak sakin yun yung linya ni Sid.."Lahat naman tayo may kanya kanyang sira sa ulo.. nasa sayo na lang kung pano mo itatago.".
0 notes
blogger-from-south · 7 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
blogger-from-south · 7 years ago
Text
My 2017 Journey
It was not what I expected it to be. Full of emotions, full of dramas. And of course, a lot of surprises.
This year I was able to travel a lot; Boracay, Surigao, Siargao, Davao and Camsur. I got regularized at Unionbank and I am running as top 2 relationship manager in Mortgage Loans, not bad for a less than 2years employee. I already have my own car "Champ".And I finally passed the real estate brokers board exam (which until now Im in state of convincing myself that it is true). It's like ticking off one by one the dreams I put on my bucket list.
At the beginning of the year, I felt so lost, I don't have plans of what would I do for the new year, new chances that I have. Until, everything went on its own, and I am so thankful for that. Thank you Lord God for everything I owe you a lot. Every year is our year, with you by our side.
As we begin another chapter of our lives, my life, we hope that you continue to guide us and bless us. Give us the desires of our hearts and never let us down. I screwed up a countless times, but I will never give up. I will never let my guard down for the challenges that will come to my way, for I know that I will surpass everything. True enough, everything will come in the right time, in the right place. This year will be great again, we are ready for you 2018.
0 notes
blogger-from-south · 7 years ago
Text
#003
Kagabi, habang nagkkwentuhan tayo hindi ko alam bakit na open up yung about sa mga blog, kaya naman ako, pinakita ko sayo yung tumblr. Tapos naalala ko bigla na may mga sulat pa pala ako sayo na hindi ko pa natatapos. Binasa ko sayo isa isa yung mga nagawa ko na, akala ko hindi mo na yon mababasa o maririnig. Narealize ko na ang korny ko pala, pero ikaw tuwang tuwa ka kasi hindi mo akalain na may mga taong mahilig magsulat na kagaya ko, sa totoo lang hindi ako fan ng pagsusulat, tagahanga ako ng mga alaala, alam ko kasi pagdating ng panahon makakalimutan na natin yung mga ganitong araw. Hindi na natin maalala sa dami ng mas dapat pang alalahanin.
Ang bilis bilis ng panahon B, may mga araw na gusto ko yung pahintuin lalo na yung mga oras na masaya tayong magkakasama nila ate at kuya. Mga araw na sana mas mahaba yung gabi kaysa sa umaga. Mga araw na sana kayang icapture lahat ng thoughts ko para maisulat ko. Sa totoo lang hindi ko alam bakit ko sinusulat ngayon to, siguro nga pagdating ng araw eto magsisilbing taga pag alala ko. Syempre mag senior moments na tayo.
Hindi pala talaga tungkol sayo itong pangatlong entry ko pero gusto kong isama sa isang daang sulat ko para maisip mo na nagkkwento lang ulit ako.
0 notes
blogger-from-south · 8 years ago
Text
#002
Natatawa talaga ako pag naalala ko yung mga araw na nag away tayo, kung pano tayo mag walk out sa isat isa at walang humpay na magchat ng “okay”, 👍🏻 emoji. Sobrang nakakainis pero nakakatawa pag babalikan mo. Naiinis ka pag binabalikan mo yong mga araw na yon pero ako gusto kong balikan, ang bilis kasi ng mga araw at parang tumatakbo yung oras, di tayo nagpapaiwan at sumasabay sa daloy pero parang unti unti ng nauubos yung mga araw na magkakasama pa tayo.
Nakakatuwa no? Kasi parang kailan lang nung nagkakilala tayo, totoo talaga yung mabilis lang yung panahon na kataga e. Hindi ko alam kung alam mong nagbblog pa din ako pero basta nakasulat ka dito, at hindi ko alam kung kailan mo madiscover ‘to. Kung hindi man eh di masaya pa din ako kasi at least nasusulat kung mga naguumapaw na salitang nasa isip ko na minsan diko na alam san ko ilalagay.
Madami pa kong sulat para sayo nasa pangalawa pa lang to pero pakiramdam ko hindi lang isang daan yung kaya kong gawin. Parang higit isang libo pero baka yung daliri ko sobrang kulubot at nangangapal na. Wag ka masyadong matuwa sa sulat na to kasi hindi to kasing sweet ng inaakala mo.
0 notes
blogger-from-south · 8 years ago
Text
#001
Gagayahin ko sana yung isang daang tula para kay stella pero naalala ko di pala ako magaling sa ryhmes, kaya gagawan na lang kita ng isang daang sulat. Hindi na kasi uso yung sulat kamay na love letters kaya dito ko nalang gagawin. Mag throwback muna ako kasi bigla akong may naalala, sobrang gabing gabi na non tapos exam ko na ata bukas sa brokerage (na sadly hindi ako pumasa dahil kulang sa review at points) sabi ko sayo, hindi ako makatulog tsaka parang ang daming natakbo sa isip ko, kaya sabi ko, kantahan mo ko ng kahit anong kanta. Kausap kita sa phone tapos hindi mo pa alam kakantahin mo kaya sunud sunod na random lyrics naririnig ko, sobrang saya ko non tapos sobrang sarap ng tulog ko (kahit di ganon kaganda boses mo). Ang sarap pakinggan pakiramdam ko katabi kita at wala akong haharaping problema kinabukasan. Salamat.
0 notes
blogger-from-south · 8 years ago
Text
I don't know what's with me. But I love writing when I'm sad or broken or almost gave up in life. At hindi ko na nga pala papahirapan yung sarili ko kasi magtatagalog nlang ako. Isang gabi, isang gabi na dapat masaya na dapat puro tawa. Pero nauwi sa lungkot, iyak, sakit na halos durugin yung puso ko. Hindi ko alam kung ano yung sinabi ko para mangyari to. Hindi ko alam kung tama pa ba yung mga iniisip ko tungkol sayo. Kasi ang alam ko lang wala akong mapagsabihan ng sakit na nararamdaman ko kundi yung sarili ko. Hindi ko alam kung pagod na ba ko, pagod ako saan, sa paghihintay o sa pag asang balang araw lahat ng nararamdaman kong pagkukulang mapupunan din ng saya, ng atensyon. Mas mabuti pa nga noon, naalala mo ba yung mga panahon na halos hawak natin yung oras na tayo yung nagdidikta kung kailan tayo magpapaalaman, kung kailan tayo dapat magkita, kung kailan natin dapat tapusin yung mga gabing dumadaan satin. Bakit noon? Bakit hindi na ngayon? Yon yung mga tanong ko sa sarili ko na hindi ko na masagot. Yon yung mga tanong ko sa sarili ko na ngayon unti unti mo ng binibigyan ng sagot. At ngayon, nagiisa ako, umiiyak sa kawalan. Umaasa na baka sakaling pagdating mo babalik tayo sa dati, babalik tayo sa masayang alaala na pinipilit ko ilagay sa utak ko para hindi ako umiyak. Para hindi ko maisip lahat ng masasakit na sinabi mo na pilit kong iniaalis sa utak ko. Na pilit kong pinapaniwala yung sarili ko na lahat yon panaginip lang. na lahat yon epekto lang ng mga galit natin sa isat isa. Na naipon, naipon ng mahabang panahon. At sa isang gabi na napakaimportante biglang lilitaw na parang kabute, na parang pasabog. Kailan tayo babalik sa noon? Kailan tayo babalik sa dating masaya? Kailan, kasi napapagod na kong maghintay. Tatlong oras, anim na oras, walang nakakapagod sa pagpapalipas ng oras noon, pero ngayon parang hinihila na ng orasan yung kamay nya at unti unti nakong nangangamba na baka mamaya ala una na, hindi ko nanaman namalayan yung oras at konti nlang uuwi na. Napagod ako. Pero sana bumalik yung dating lakas na meron ako.
0 notes
blogger-from-south · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
You. You who always makes me angry. You who always make me so mad I can’t even say something. You who always gets to my nerve because of some stupid things you do. You always, always have that special part of me. I don’t know why. But I want you to know that I’m happy, contented and complete by just being with you. Always, B. 😘🤗
0 notes
blogger-from-south · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
#122816 First time to meet your family or should I say buong angkan nyo since wedding din ng kapatid mo. And first time ko din pumunta ng Paniqui, Tarlac. Masaya, sobrang saya. Nung pauwi na nga ako halos maiyak iyak pa ko kasi parang #sepanx yung feeling non. Sobrang welcoming ng mga tao sa inyo, parang nahihiya ako para sa pamilya ko kasi baka hindi sila ganon in time. Ang sarap sa pakiramdam pala pag kasama mo ko don na pumunta na parang lahat sila looking forward din talaga na makita pa ko ulit. Sana makabisita ako ulit. Tatapusin ko pa tong dapat kwento sa kasal ng kapatid mo, pero hassle kasi 12:49am na at may pasok pa ko mamaya. I love you B! 💕💕
0 notes
blogger-from-south · 9 years ago
Photo
Tumblr media
Teka lang, nagpapacute ka ba sakin?
0 notes
blogger-from-south · 9 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
blogger-from-south · 9 years ago
Photo
Tumblr media
Sept 24- Don lang kami naging friends sa facebook, well ganon kami ka weird na ayaw namin iadd ang isa’t isa sa facebook. Nakakatawa lang.
Sept 26- First ever message nya sakin sa fb messenger, usually imessage o viber lang kami nagkakausap pero huhuhu finally nagmessage na yung lablab ko sakin sa fb. Gusto ko lang tandaan dahil memories yan. 😍😍😂😂
1 note · View note
blogger-from-south · 9 years ago
Photo
Tumblr media
Yung mukha kang naka jackpot sa picture na to. Swerte mo kiniss kita. Joke! Sobrang i love you palagi. 😘😘😘
0 notes
blogger-from-south · 9 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
Kapag ayaw talaga magpicture ng kasama mo at napipilitan lang. 😘
Kahit lagi tayong nagkakainisan dahil sa mga topak moments ko. I love you pa din palagi!
0 notes
blogger-from-south · 9 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
FIRST ADVENTURE. #JBTravels #060916 Location: Twin Falls, Laguna (Pagsanjan sana kaya lang ang mahal pala) Ipupush ko yung hashtag, why not? Need to document this one because it's worth posting. Nag away pa tayo nito before kasi naiinis ka o nagseselos ka na di mo maamin? Duh, alam mong mahal na mahal kita para traydorin kita. Anyway, bukod sa tulog ka ng tulog sa byahe, ang saya naman nung buong trip. Kahit medyo epic fail dahil ang dumi ng tubig dahil sa maulan na at hindi na summer. Pero push pa din, actually may mga kasama tayo nito pero ayoko na ipost pic nila dito dahil tayo bida dito sa blog ko. Hehe 😙 Super pagod, pero sobrang saya dahil kasama kita at dahil after nito umaagenda ka pa. Super thank you kasi first time to para sakin na magpunta sa ganito kasama ka. Nakakatuwa sana more adventures to come, and cray cray moments with you Lablab 😘😍
0 notes