bloggernasweetlover-blog
bloggernasweetlover-blog
glass heart
807 posts
JC |  Araw araw inlove kay Boss ♥ •xv • hard • iblog • tanong?
Don't wanna be here? Send us removal request.
bloggernasweetlover-blog · 9 years ago
Text
Ako kasi yung taong tanga tanga. Yung kahit na walang matira sa sarili, give lang nang give. Kahit na di nasusuklian nang tama ung binibigay, okay lang. Yung ikaw ang pinakamahalagang tao para sakin. Yung ibibigay ko nang sapat o pwedeng sobra ang lahat. Yung kahit saktan saktan mo, patatawarin ka padin. Yung kahit nakakasakit ka na pabibigyan ka padin. Kahit paulit ulit. Once, twice, tatlo, apat na beses bibigyan kita nang chance. Pero sa panglima na sirain mo yung tiwala ko, yung di mo padin pahalagahan ang mga effort ko, yung binabalewala mo lang ako, yung pinaglalaruan mo ung feelings ko.. Sorry.. sorry pero wag mong hintayin na matauhan ako kasi di mo ko makikilala. Sa pag ibig at pagdating sa trabaho ganyan ako. Pano kasi sinasapuso ko ang bawat ginagawa ko at pinahahalagahan ko ung taong mahal ko pero pag time na natauhan na ko, pasensyahan pero di mo na ko mapipigilan. At ipapakita ko kung ano ung sinayang nyo. Parang ngayon, antagal ko sa CJ. Mahal na mahal ko ung trabaho ko sobra. To the point na mas pipiliin ko pa sila kesa gawin yung mga bagay na dapat ikagogrow ko. Pero nung ngayon na natatauhan na ko, ngayon na nakikita ko na lahat.. wala na.. unti unti na kong nagfifade.. unti unti na kong nawawalan nang gana.. Nalulungkot ako kasi maiiwan ko sila, naging malaking parte sila nang buhay ko pero di ko na matake eh. Di ko na matake na paulit ulit na kong ginagago at nililinlang. Di ko na matake na nasasayang lahat nang effort ko. Di ko na matake. Nagsasawa na kong maging tanga sa kahit anong aspeto. Lubog na lubog na ko eh. Kaya ngayon na may pagkakataon na kong kumawala, eto na, di na ko mapigilan. Kasi naman eh, wala naman sanang gaguhan. Ginagawa na nga lahat para sainyo eh tapos manggagago pa kayo, eh kaso di nyo alam na mas gago. Kaya sorry nalang..
3 notes · View notes
bloggernasweetlover-blog · 9 years ago
Photo
Tumblr media
Summer Get Away ❤🌊
0 notes
bloggernasweetlover-blog · 9 years ago
Photo
Tumblr media
You're my honeybunch, sugar plum Pumpy-umpy-umpkin You're my sweetie pie You're my cuppycake, gumdrop Snoogums, boogums, you're The apple of my eye And I love you so And I want you to know That I'm always be right here And I want to sing Sweet songs to you Because you are so dear ❤
2 notes · View notes
bloggernasweetlover-blog · 9 years ago
Text
Kasi masakit. Hayaan nyo kong magrants muna kasi masakit. Kailangan ko lang to ilabas. Kasi nga masakit. Yung feeling na namimiss mo yung isang tao. Tapos excited ka makita sya kanina kasi ilang araw din kayong di nagkasama. Tuwang tuwa ka kasi makikita at makakasama mo na ulit sya.. tapos ayan na nung anjan na sya sobrang saya mo, ung ngiti mo abot langit eh. Kahit masama pakiramdam nya at medyo nasusungitan ka nya sige lang kasi at least kasama mo sya ulit. Kaso.. may unexpected moment.. nakakalungkot na mas mahaba pa yung oras na hinintay mo kesa maka usap sya nang maayos o mayakap man lang.. Nasungitan na nga ko tapos ganun pa.. Pero medyo napawi nung pinabalik nya pa ikaw.. yung kahit pagod ka na okay lang babalik ka kasi gusto mo ulit sya makasama eh. Kaso.. yung moment na anjan na sya.. yung gustong gusto mo sya masolo kasi aun na yung pagkakataon eh kaso nakakadisappoint ulit na nakikita mo syang patawa tawa dahil sa kachat nya kahit andun ka.. samantalang kanina di man lang sya matuwa sayo kahit ngitin ngiti ka na sakanya.. Yung namimiss mo kasi sya eh kaya gusto mo sya masolo muna kasi pwede naman sya magchat pag di na kayo magkasama. Yung sana cherish the moment yung mangyari kaso naging worst moment nung nasita mo sya. Hanggang sa inaway ka na.. hanggang sa ayaw ka na lapitan.. hanggang sa sasabihan ka pa na "edi umuwi ka na!".. yung wala kang ibang masabi kundi "grabe" nalang tapos nangingilid yung mga luha mo. Yung habang naglalakad kayo gusot na gusot yung mukha mo. Kasi namimiss mo lang naman sya eh pero ganun.. Pero bumawi naman sya.. kaso triple naman ung binalik sobra.. napikon na naman sya kasi di padin maayos mood mo, samantalang syempre di madaling ibalik yung mood na ganun ganun lang. Hanggang sa ikaw na yung iniwan na naman sa ere. Hanggang sa ikaw pa yung nagmamakaawa lumabas lang ulit sya, dahil namimiss mo sya eeeh! Yakap nya lang okay na! Di na kailangan nang iba kasi yakap nya lang okay na.. Hanggang sa ikaw na luhaan.. Masakit eh.. Yung tipong di mo mapigilan ung luha mo sa pagtulo kasi masakit.. Yung feeling na nag effort ka pero walang nangyari, nabalewala.. yung feeling na namimiss mo sya at gusto mo masolo kaso inaway ka lang. Yung sana naramdaman ko din sana na miss nya ko.. Kaso wala eh.. Masakit. Masakit. Masakit eh :(
1 note · View note
bloggernasweetlover-blog · 9 years ago
Text
Please take note nang mga simpleng bagay na natitake for granted natin minsan. Kasi madalas kung ano yung simpleng bagay, ayun ung sobrang nakakasakit nang sobra.
1 note · View note
bloggernasweetlover-blog · 9 years ago
Photo
Tumblr media
Hi Baby! I miss you already :( Ilang araw din tayong di magkakasama.. ilang araw muna kitang di maha-hug, di makikiss, at di makikita. Ldr muna tayo pansamantala hehe. Videocall nalang ah? Iloveyou always! mwa! :*
3 notes · View notes
bloggernasweetlover-blog · 9 years ago
Photo
Tumblr media
In a relationship, things like age, size, weight, distance, religion, gender, race, flaws and difference shouldn't matter. If you find a person you love, the love is requited and they made you smile since day one. Keep that person. Because you were born for each other ♥
2 notes · View notes
bloggernasweetlover-blog · 9 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
kahit anong pagpapagusot mo sa mukha mo, ikaw padin ang apple of my eye at ang pinakamaganda para sakin 😍 iloveyou wacky buddy ❤
2 notes · View notes
bloggernasweetlover-blog · 9 years ago
Text
I would rather have someone blow up my phone with messages because they care about me than constantly be left empty handed and unsure about how someone really feels about me
211K notes · View notes
bloggernasweetlover-blog · 9 years ago
Text
Gusto ko yung taong presence ko lang yung makaka-fulfill sakanya kahit na marami pa syang kausap na iba.
23 notes · View notes
bloggernasweetlover-blog · 9 years ago
Text
So nagkalat na sa social media ang interview ni Pacman against same sex marriage.
Bilang isang open minded na tao, di ako galit kay Pacman, sino ba naman ako para magalit sa kanya. Lahat naman tayo nagkakamali at opinyon lang naman nya un.
PERO. In behalf sa mga taong nasaktan ni Pacman dahil di sila straight at member sila nang LGBT, sino ba naman din si manny para manghusga? Okay na sanang nagbigay sya nang opinyon nya eh kaso lumagpas na sya sa linya, below the belt na ang sinabi nya at nanghusga na sya which is wrong. 
Sabihin na nating oo, mali sa mata nang tao ang same sex marriage at nasa bible na ang lalake ay para sa babae at ang babae ay para sa lalake. Pero diba si God nga nagbigay nang free will. Kung si God nga di nya hinusgahan ang mga sino man sa atin na nagkasala, babae man o lalake o same sex eh, ikaw pa kaya na tao lang? 
Di ako kumakampi sa mga sumang ayon kay manny at lalong di din ako kumakampi sa mga tumutuligsa sakanya. Pero sana lang minsan bago tayo magsabi nang opinyon natin, siguraduhin muna natin ang mga bawat salitang bibitawan natin. Kasi di lang tayo ang tao sa mundo, sana maging sensitive enough tayo sa mga salita na bibitawan natin. 
Okay lang magbigay nang opinyon, walang masama jan as long as wala kang tinatapakang ibang tao.  At lagi nating tatandaan na lahat nang tao may karapatang irespeto at mahalin, kahit ano pa man ang sexual orientation nya.
6 notes · View notes
bloggernasweetlover-blog · 9 years ago
Text
It's funny how you disregard me while you're having fun with others :)
0 notes
bloggernasweetlover-blog · 9 years ago
Text
Let's pretend na manhid ako. Let's pretend na di ako nagtatampo. Let's pretend na di ako nasasaktan. Let's pretend that everything is fine.
1 note · View note
bloggernasweetlover-blog · 9 years ago
Text
Alam mo kung ano yung masakit? Yung sa ibang tao okay sya, masaya sya nakikipag usap. Pero pag dating sayo, plain at walang gana.
1 note · View note
bloggernasweetlover-blog · 9 years ago
Photo
Tumblr media
6K notes · View notes
bloggernasweetlover-blog · 9 years ago
Photo
Tumblr media
when im not busy.. my mind be like.. 💢
0 notes
bloggernasweetlover-blog · 9 years ago
Photo
Tumblr media
24hrs ❤ 24hrs kaming magkasama. Yung tipong naghihintayan kami mag saktong 12mn kanina para mabati nang personal with eye to eye ang isat isa. Yung tipong kahit la naman kayong ginagawa, magkatabi lang eh ansaya saya padin at nakakakilig. Yung tipong sa sobrang tuwa namin, nakaligtaan na namin magselfie selfie nung kumain talaga kami sa labas kanina kaya ayan late na at sa isawan nalang kasi pauwi na kami nyan at kumain lang saglit. Yung tipong umaapaw ung saya na nararamdaman namin at yung kilig. Yiiii Heart heart ❤
2 notes · View notes