Labasan ko lang ng rants, opinyon, kaeklatan, at kabaklaan ang acct na to BUT take me guys seriously .
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Ngayon na lang ulit napadaan dito. Hello 😊
And yes, nakapanganak na ang lola nyo.
Hindi madali ang maging ina, sobra.
Alam kong wala akong gaanong alam lalo na at originally hindi naman talaga ako mahilig sa bata at ftm ako.
Pero yung iba mas pipiliin ka lang talagang yamutin kesa gabayan o suportahan o i-comfort ka man lang.
Natural na may mga pagkakamali pa akong nagagawa pero hindi naman ibig sabihin nun e masama na akong ina o dapat akong kamuhian.
As I've said, ftm lang ako kaya bago pa sakin ang lahat. Di lang naman yung bata ang nag aadjust sa ngayon e. Ako din naman.
At mas lalong hindi ko kailangan makarinig ng mga pangit na salita lalo na kung hindi mo naman nakikita yung ginagawa ko sa maghapon. Dibale sana kung maghapon lang talaga akong nakahiga at wala ng ginagawa sa loob ng bahay.
Yung meron ka lang masabi para lang ewan ba, masatisfy yung ego mo? Na dibaleng makasakit ka ng damdamin ng iba not considering na baka dumadaan na sa post partum yung sinasabihan mo ng mga pangit na salita. Kesehodang ganun ka lang pag concern ka, pwes di nakakatouch. Hindi cute. The fact na hindi ka marunong makipag communicate ng mahinahon at ayos, hindi mo kinaastig yun. Halatang sinusupplyan mo lang yang ego mo para masabi mong me naitutulong ka emotionally pero sa totoo lang, wala ka namang naiambag kundi sama ng loob.
Dibale na lang din sana talaga kung may naitulong kang malaki simula nung magbuntis ako hanggang ngayon na pwede ko man lang sana tignan as 'utang na loob' man lang. Kaso wala talaga ako makita e. Puro bunganga mo lang narinig ko mula noon hanggang ngayon.
What a shame na lang din talaga na ang unang dudurog sayo is sarili mo pang pamilya na akala mo entitled sa lahat ng nangyayari sayo when in reality wala namang naiambag o naidulot na maganda sayo. Wala pang palya sa pagbigay sayo ng sama ng loob.
Kaya hindi rin umaangat sa buhay e kahit anong pagmamagaling ang gawin. 😏 Si Lord naman ang bahala sayo at sa matabil mong bunganga. Naniniwala ako sa karma. Hindi kita hinihilingan ng masama pero pag alam mong may ginawa kang hindi tama sa kapwa mo, kahit as a tao na lang, di na kapamilya, is babalik sayo. That's the general rule naman diba. Ipagpapasa Dyos na lang kita kasi wala ka nang lunas at yang kahambugan mo. 😊
2 notes
·
View notes
Text
Yung gusto mo ng makakaintindi at ipaglalaban ka sa magulong sitwasyon na meron ka. Yung magkaka amor man lang sayo kasi alam nilang hindi mo deserve yung nangyayari sayo. Yung mas magkakaroon ng boses para sayo kasi sobrang hinang hina ka na. Kaso paano? Kahit sinabi mo na lahat ng hinanakit mo at kahit hindi mo man sabihin sa kanila kung anong nangyayari sa buhay mo ngayon e reality check , wala naman talaga silan pakialaman sayo. Ni hindi man lang nila napapansin o nararamdaman yung hirap ng loob mo. Literal na hangin ka lang sa paningin nila.
Suportang moral man lang ba. Bilang isang lumaki na walang ina, nasanay ako ng mag isa. Pero hindi ko inakala na kakailanganin ko pa ng kahit ganitong suporta man lang sa natitirang myembro ng pamilya ko. At nakakalungkot lang din na dahil sa nasanay kami ng kanya kanya sa buhay, ay hindi ko sila maasahan sa kahit gantong bagay man lang. Pero makikita mo na yung ibang tao nakukuha nilang suportahan, mapa moral o pinansyal man. Pagdating sayo, wala. Alam mong wala kang bilang sa kanila.
Mapapaisip ka na lang din e. Buong buhay ko ba talaga e sobrang sama ko? Ano bang ginawa ko para magkaroon ng gantong mga kapamilya? Walang pakialam sayo kahit naghihingalo ka na. Na sa simpleng problema mo, lalo na kung mabigat na e hindi mo man lang masabihan kasi babalewalain ka lang din. Mula ba nung pinanganak ako hanggang ngayon puro masama lang ba ang ginawa ko?
Gusto ko ng sumuko. Ang bigat. May mga literal na kasama ka nga sa bahay pero literal na wala din namang pakialam sayo. Wala akong makitang paraan na para ipagpatuloy pa ang lahat ng ito. Wala na ko ng lahat. Ano pang saysay kung andito pa ko diba? E kung wala naman na din ako wala namang magbabago sa kanila kasi nga wala naman silang pakialam sa akin.
1 note
·
View note
Photo

Maraming nangyari ngayong taon and as the year approaches its end, I'm glad I can finally say that: "I survived". I survived in so many freaking points of this roller coaster ride and I'm so proud of myself. 💖 Marami mang plano ang di pa naisakatuparan, marami mang lakad ang nauntal, kahit hindi pa din natin nararamdaman yung genuine happiness na inaasam natin but hey, 2021 is on its way now. Bawi pa ulit tayo. Laban lang ng laban para sa sarili. 👊 Di pa din man tayo buo sa ngayon, atleast marami pa ding mga araw at panahon para sulitin yung nag iisang buhay natin. Pahalagahan at pangalagaan lahat ng meron tayo. Kaya ngiti lang, magiging ayos din ang lahat. 😊 Salamat at paalam 2020. 💋 #365of365 https://www.instagram.com/p/CJcU2DpHo316KQznNmPpYi-tWDqATIJQCr3Mfs0/?igshid=hvohz1fkku06
1 note
·
View note
Text

pwede bang pakibalik ako sa edad na to? 😅 kailangan ko lang ulit ng gantong positivity. na kahit walang wala ako noon, malayo sa lahat, tuloy lang ang buhay. unlike ngayon, sabihin mo nang me mga nakakasama ka pero feel mo mag isa ka pa din. 😔
1 note
·
View note
Photo

It won’t always be your day, but the best thing to do is think on the bright side!☀️Good morrow 😊 https://www.instagram.com/p/CDux1UBHIrb0uhFGn4NEk4Y7TzKW_KHD5gO3B80/?igshid=bgv61mcjvogc
1 note
·
View note
Text
Long time no entry! 🙋 Daeng ganap as usual pero del restday ko today at may certain topic ako sa utak ko (I wanna voice rec it but andito kasi si Papa at nag aayos ng pinto ng kwarto so tipa pa muna ulet ako) ✌
I should have alrdy known by this age what are the answers and conclusions on this topic pero iba lang din talaga pag ikaw na ang naka-exp.
The question is: "Kapag ba ang isang babae ay mahilig makipag inuman lalo na sa mga lalaki netong kaibigan, nangangahulugan ba na kaladkarin, o pakarat na sya?"
Nirekta ko na wala ng intro intro pa. HAHA. As usual, base sa pinagdadaanan ko rn kaya ko to naitatanong. Sa mga totoong nakakakilala sakin, ang main tropa ko talaga is 3 kaming babae at isang bakla. Which is may kanya kanya na ding buhay at pamilya kaya ako na lang ang natitirang bachelorette. (taray 😂) Kaya kung ayain ko man sila ng inuman, o ket chill lang, is napakahirap so I tend to call out the other guys, yung mga tropa kong lalaki. Well nakilala ko sila sa clan noong 2012 pa so napakarami na din naming naging memories. Mapaharap man sa baso o hindi. In short, matropa ako sa lalaki. As in.
'One of the boys' ang tawag nila sakin eversince kasi boyish talaga ako dati. Nagka identity crisis pa nga ako at one point kasi lesbiana na talaga ang datingan ko nun pero naconfirm ko din later on na talagang babae ako. Late bloomer lang in almost everything.
So balik sa tanong, ako kasi yung tao na nasanay na may kainuman na lalaki. Tropa ko man o bagong kakilala. Pero di tayo kabilang dun sa populasyon ng 'nagpapakama' everytime na may nakikilalang bago.
What had me thinking is because this past weeks, after my bday celeb is this one guy na kakakilala ko lang ang na hook ng matindi sakin. Yung as in nagiging stalker mode sya para lang makainuman ako, at syempre alam nyo na.
Nag umpisa kasi yun sa isang biruan habang nag iinuman kami na hindi ko inakalang seseryosohin nya. Na umabot sya sa puntong na 'obsess' sya sakin. Na ultimo oras ng out ko, inaabangan nya. Pupunta sa workplace ko ng nakainom tas sinisilip ako. At lastly, nag iinsist na ihahatid ako pag sumama ako sa inuman nila ng tropa nya. Ultimo bahay ko, inaalaman nya para lang mapuntahan ako.
Creepy right?
That's why. And it came to my senses na hindi lang sya ang nag attempt sakin nun. Sobrang dami na pala. Which is I will proudly say that I refused. Kasi alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ganung babae. Matakaw ako sa alak, lasinggera, maoy pa kung gusto mo HAHA pero never akong naging matakaw sa lalaki esp. habang nag iinuman. Oo bastos ang bunganga ko sa bastos. Pasmado nga ika nila. Pero hindi dahilan yun (para sakin ha) para isipin nila na ganun ako kadaling makuha na tipo. Na pakarat ako o kaladkarin.
And with that thought, mejo nada-down ako. Parang nakakababa lang ng tingin sa sarili. Wild sa wild akong babae pero hindi sa iba't ibang lalaki. Sa alak manapa. Alam ko sa sarili ko na hindi ako ganun pero bakit ganun yung ibang tao (esp. boys. hindi ko nilalahat a. pero kadalasan lang kasi talaga) mag isip.
HINDI LAHAT NG BABAENG NAKIKIPAG INUMAN SA KAHIT HINDI NYA GANUN NA KAKILALANG LALAKI AY PAKARAT NA. O KALADKARIN. WAG NYONG DALHIN LAGI LIBIDO NYO SA INUMAN. LALO NA KUNG PAMILYADO KANG TAO. MARAMING BABAE ANG GAME SA KALOKOHAN PERO HINDI IBIG SABIHIN NUN E LAHAT.
Di mo alam nag eenjoy lang yung tao sa inuman tas biglang guguluhin mo yung buhay. MALI YUN.
0 notes
Text
Better to be late than never! 😁 My own #dripeffect photos (for wallpaper) of BTS with their BT21 sons. 💜
Feel free to use just don't crop the watermark. 😊


0 notes
Text
I don't want to share this but it triggered me awhile ago and I can't help but to be sad rn. 🙁
There's this video on YT about "BTS talking about their girlfriends and dating" just recently and this comment caught my attention:

Just simply because we're thinking the same. So I put some of my cents:

And then left the vid.
But the next day as I'm checking my notifs ofc including YT, I came across this reply on my 'simply thoughts':

I was really Jungshook.
I know I'm a late Army and obviously I'm late on gathering some infos about them including their past. Ofc it hurts a little, as we all know being a fan sometimes gives you this fantasies and everything (don't tell me that you didn't? 😏) But as for me, I understand that they're human too and everything can happen. They can date, (as we also know BigHit allowed them) , have family and etc., the reason why I said that it's the saddest truth. Because it's the truth. I'm just stating the reality. It's sad because who wouldn't want to be the love of their lives right? It's just impossible because we are in all different circumstances. And honestly, I got offended by this Army. I didn't meant anything wrong and she replied like I'm a crazy sasaeng. So I gather some courage and replied this to her:

And ended it there. If she gonnna reply to that, I'm not interested to know. I've got no time for some sns petty war. 💅
But at the back of my mind I did ask myself what she said: "Am I being delusional?" Even though it will sadden us fans if the time comes, I know I will be happy for them. Because they will be happy too. And that's what matters the most right? So am I being delusional rn? 🙁 The thought saddened me and I've decided to step back for now. I know this is so petty. But look at me rn, it triggered me again. Call me sensitive but that's what I'm feeling and I won't be sorry. Maybe I'll be a quiet fan (again) starting today. Too much interactions hurt us sometimes so bad, I guess. 👉👈
0 notes
Text
this quarantine made me so much like a stalker to our boys' past that I can't sleep well at night whenever I found out some past news. I'm a late bloom Army and I am so inlove with them rn but I know their human too. they can date, do whatever they want. I don't want to be obsessed with the thought that : " they can love me or they will get to know me personally, maybe we can be friends in real life or much better, lovers" because we all know what's the real deal. I will be just contented if they're happy when they finally found the love of their lives. but maybe yeah, I just can't get over that fact. this quarantine is making me crazy. 😅 sorry . I just want to spill my thoughts. It's kind of troubling me now these days. 😭 #StayStrong_Army
0 notes
Text
Hi! 🖐 Himala at naligaw ako dito sa tumblr acct ko. Haha. De actually kase, asa gitna pa din tayo ng #ECQ and lagi kong sinasabi na dadalawin ko tong tumblr ko kasi sa totoo lang naikutan ko na lahat ng socmed ko and yet di pa din ako naliligaw dito so here I go. 😊
So dahil nga nasa gitna tayo ng pagkaburyo, halos lahat nakakalkal natin ngayon. Daeng time e. Haha. Mapa throwback pictures, mga lumang gamit, ultimo mga pangako ng ex's natin na napako lang. 😂 And sa mga tunay na nakakakilala sa akin, alam kong alam nyong isa to sa mga pagkakabusyhan ko kapag wala na talaga akong magawa. Ang mag spazz sa mga korean idols ko. 😊
But before that, nauna ko na kasing dineactivate yung fb acct na ginagamit ko ngayon dahil sa kadahilanang jejemon HAHA (might share sooner too) then napabukas na lang ako nang mag binge watch ako ng MVs ng BTS sa isa nilang fanbase na Weverse. Dahil nga me pinagdadaanan ako noon, ang lola nyo, down na down pero tinatry ko labanan yung bumabalik kong depression that time and the best thing I did by that time is manuod ng MVs ng BTS sa Weverse. Bago lang din ako nun dun, napakalkal del nga lockdown sa sobrang kaburyuhan, e napasali na lang din. Alam nyo naman na YG stan talaga ako from the start kaso aaminin ko na nawalan na din ako ng gana simula pumasok sa army Bigbang, tas kabikabilang issue pa kinaharap nila lalo na si Seungri. 🙁 Tapos yung mga past issues pa about comeback tas every group me umaalis pa. Me nagdisband pa. Tas yung small promotion time nila na parang na discourage ako kasi parang kabuti na lang yung ent. Sorry kung naging mahina ako sa pag stan pero dun lang tayo sa realidad, masarap mag stan ng grupo na active. Pero mahal na mahal ko pa din YG artists, di na nga lang ako tulad nung dati na head over heels. Mian 🙁
Balik sa topic, ayun nga ang pinanuod kong MV nila nun is yung Lights. Nadidinig ko na yun dati pa lalo na dun sa game ko pero di ako ganun ka interesado. Pero that time with shining shimmering subtitles, e pinanuod ko sya and when the lyrics said to me :
"But it's okay sometimes
To show weakness
It's okay to be you
Don't lie to yourself any more"
Ses nangilid luha ko kasama yung bigat ng loob na dinadala ko sa araw araw. Sobrang na-touch ako. Sobrang sakit, na sobrang nakakagaan kasi at the same time nailabas mo yung bigat ng loob mo na walang nakakakita kasi tinatawan mo lang kunwari pero sa totoo lang sobrang sakit na. And so came to me na I should move forward and hindi ako dapat malubog sa kalungkutan at bitterness. Kaya after days of shutting down my system, deactivating my fb account, I opened it again as if I've been born again. Corny kung iisipin pero totoo talaga to. Bigla akong na-heal. Yung sakit na nararamdaman ko biglang nawala. Ang sinasabi ko lagi sa sarili ko nun, 'magiging okay din ang lahat' ng paulit paulit and I guess it worked. 😁
As for this quarantine na na-extend ng na-extend, I found myself spazzing again but this time with BTS. That time talaga was the hardest hit they've done to me. Kasi I've known them eversince but I've never been their fan. I just find their songs energetic. Just like any kpop song I've heard. I've once stalk their journey but doesn't mean I'm an Army by that time. Inalam ko lang basics about them para di naman ako mukhang bobita pag napadpad sa isang discussion about them. Wala akong bias by then but I found V and Jungkook interesting. But this lockdown made me insanely inlove, all about them.
I found out how everyone is charming in their own ways. They're all different but they swoon everyone's hearts just by being them. Nung una aminado ako si V at Jungkook lang napapansin ko
pero nung natitigan ko na silang maigi, nagugulat na lang ako sa sarili ko na: 'wow, ang husband material pala ni Yoongi,
si Jin sobrang bait, napaka pasensyoso sa lahat.
Same kay RM na laging nanjan para sa grupo, yung taong alam mong maaasahan.
Si Hobi na 'backbone' ng grupo lalo na sa performances nila, na sobrang organized yang tao.
Si Jimin na sobrang hard sa sarili na di sya dapat ganun kasi sa totoo lang ang galing galing nya na ang dami nyang napapasayang tao just by his existence na meron talaga syang pure talent na ang lambing lambing nya, na handa syang gumitna sa mga alitan na nangyayari sa grupo same sa lahat ng members.
Na ganun pala sila. Nakakatuwa isipin na akala mo me isa ka lang na papaburan sa kanila as we all know 'bias' pero pag sila na pag uusapan, no, magugulo ka nang bonggang bongga sa pagpili hahaha. Pero sigurado ako sa bias ko sa kanila. Oo me bias ako pero doesn't mean na hindi ko nakikita yung iba and yun yung nakakatuwa. Sa bias wrecker lang talaga ako nagugulo kasi lahat sila bias wrecker naman talaga HAHAHA. Ang bias ko is si V. 💜 Kasi simpleng baliw lang sya. 😂 He's so delicate na parang ang sarap nyang alagaan. Tapos ang bias wrecker ko nung una is si Jungkook, then naging si Suga tapos ngayon si Hobi and mukhang pabalik na naman ke Jungkook na nakikiagaw pa si Jimin. O diba kagulo HAHAHA.
Ang haba na neto pero keri lang, alam kong ako lang naman makakabasa neto. 😅 Sa sobrang pagka hook ko sa kanila, minsan tuloy pag di nila ako napapansin sa Weverse at Twitter, e nagtatampo ako. 😅😂 Totoo. Hahahaha lalo na nung nakaraang araw lang. Power papansin ako ke V nun kasi ang dae na nyang nirereplyan pero kahit gumamit na ko ng translator, wala, deadma tayo ni oppa kaya nastress ako and in the end, nagpatay na lang ako ng data at nagpalamig. Hahahaha. Nakakatawa na nakakabwisit kasi nagiging ganun ka sa taong ni hindi alam na nag eexist ka. Sad but true diba? 😅
As days passes by napapaisip ako kung may pagkakataon nga ba talaga na makilala man lang nila ako bilang Army. O yung simpleng makita ko lang sila. Ganito lang ako e. Di mayaman. Tamang spazz lang ang kayang gawin. I-cheer sila through screen. May chance ba na makita ko sila o kahit mahawakan man lang yung mga kamay nila. Napapaisip din ako na ang swerte ng mga magiging asawa nila. Sobra. Sa personality pa lang ng bawat isa sobra na, bonus na lang ang looks lalo na ang bank accounts HAHA pero diba sa totoo lang. Panigurado magiging masakit sa lahat ng Armys yun , ngayon pa lang naiimagine ko na e. Pero para sa akin, kung saan sila sasaya, dun na din ako. 😊
Sa ngayon, asa bucket list ko yung makapunta sa concert nila. Kahit di ko alam kung posible pa ba. I just hate the fact na late akong naging Army. 😅 Everything can happen na e. Pwedeng me pumasok na ng army, me mag asawa, mag slow down sa carreer. Di natin masasabi.
I love how I met them and how their music healed me everytime I'm falling off the cliff. Kasi sa totoo lang, hindi lang this time nila ako natulungan. Just realized it lately, dati pa pala nila ako natutulungan without me even noticing about it so I thank you 반단 for that. 💜 Huli man akong dumating sa inyo, pero sana, sana magkaroon ako ng pagkakataon na makita man lang kayo. At mapasalamatan sa tulong na nagagawa nyo sakin. Ang saya saya ko palagi dahil sa inyo. Akala ko dahil sa panahon na to, lalong lalala mental health probs ko pero hindi dahil anjan kayo. 😊 Sobrang maraming salamat. 💜 Mahal ko kayo di dahil sikat kayo, gwapo, o kung anupaman pero mahal na mahal ko kayo sa kung sino kayo. Yung totoong kayo. Yung wala sa spotlight. Yung walang make up. Yung mga purong puso nyo na nagmamahal sa mga katulad naming mga simpleng humahanga lang sa inyo. Mahal na mahal ko kayo. 💜 Ang ipinagdadasal ko lang palagi is maging malusog at masaya kayo. 😊 Kung makaramdam kayo ng kalungkutan, emptiness, andito lang ako,kami palagi. Hindi namin kayo iiwan. 💜
Danggg, after so many years ngayon lang ulit ako nagkaganto sa isang Kpop group. Ang korni ko na at mukhang tanga sa paningin ng marami ngayon pero gusto ko lamg ishare to. Yung isang moment sa buhay ko na nakuntento, na-heal at sumaya ako ng tunay dahil sa musikang bigay ng pitong lalaki 귿
1 note
·
View note
Photo
*We Belong Together by Mariah Carey playing on loop* Naalala mo ba yung kanta na to bes? Ito yung kantang paulit ulit kong pinatugtog noon habang pinapadama natin sa isa't isa ang ating pagmamahal. Wala tayong pake kung may makarinig na iba. Ang mahalaga lang ng mga oras na yun ay kung gaano natin naipapadama sa isa't isa ang pagmamahal na yun. Kung paano natin pinagsaluhan ang gabi na yun. Habang naaalala ko hanggang ngayon ay hindi ko maikakaila na nagbibigay pa rin yun ng kakaibang pakiramdam sa akin. Saya, kilig, lahat na ata. At the same time, ito rin yung talagang kanta ko sayo noon. Para kasi tayong mga tanga nun e. Magulo mula sa kung paano tayo nagkakilala, mejo freniemes pa nung una hanggang sa naging tayo. Naging tayo nga ba? Yung totoo? O landian lang talaga ang lahat? Naalala ko pa nga noon kung paano tayo nagkahiwalay. Parang wala lang. Palibhasa wala lang naman talaga sa akin yun. Noon. Hanggang sa para kang naging droga sa paningin ko. Alak, sigarilyo, bisyo na lagi kong hinahanap hanap. Ganoon ako kaloko sayo noon. Na kahit alam kong mali yung ginagawa ko, natin, ay wala tayong pakialam sa maaring sabihin ng iba. Landian nga lang kumbaga. Para baga kasing na-challenge ako sayo. Kasi may pagka pabebe kang kumag ka e. Minsan hindi ko alam kung sinasakyan mo lang yung trip ko o kaya nananadya kang pagselosin ako gamit ang iba. Nalito ako sayo. Kasi ang hirap hirap mong mahalin. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Hanggang sa nagkaroon ako ng bagong karelasyon. Tapos ikaw din. Hindi ko sigurado kung nasaktan ka lang kaya sinabayan mo na lang ako o talagang mahal mo sya. Ako din nung una sa kanya, oo ganun din ang pakiramdam ko. Sinubukan ko lang kung susubukan mo akong agawin sa kanya. Pero hinayaan mo lang ako. Parang wala lang sayo. Dumalang yung mga pagkikita natin. Siguro maaring nasaktan ka nga pero hindi ka man lang gumawa ng paraan para gawin mo sana yung dapat. Kung mahal o minahal mo talaga ako noon. Sobrang binuhos ko kasi yung sarili ko noon sayo na literal na oo, nabaliw ako sayo. Na akala ko ganoon ka din sa akin. Na akala ko lalabas ang totoo pag ginawa ko yun. Pero wala. Wala kang ginawa. Umiwas ka lang. Hanggang sa ayun na nga, nagkaroon ka na din ng ibang karelasyon. Na-disappoint ako nun sayo. Nasaktan. Kasi sa totoo lang, label na lang ang kulang sa atin. Tapos sinubok lang kita, sinukuan mo din ako agad. Akala ko lang pala ang lahat. Akala ko doon na magtatapos yun. Pero isang malaking kalokohan pala yung napasok ko. Kasi alam kong niloloko ko na yung karelasyon ko, pati na rin yung sarili ko. Ikaw pa din yung hinahanap hanap ko. Ikaw pa din talaga. Tapos eto na naman tayo. Nagkahiwalay na kayo nung karelasyon mo, naging magkaibigan ulit tayo at muli na naman tayong bumalik sa dati. Heto na naman. Heto na naman ako. Pero sa wala pa din nauwi ang lahat. Hindi ko na kasi alam noon kung seryoso ka na ba talaga o pinaglalaruan mo lang ako e. Na hangga't wala kang nakikitang bago, ako muna ang playmate mo. Na umabot pa isang matinding pangyayari ang lahat bago ako natauhan. Na sinaktan mo ako sa pinaka brutal na paraan kaya para akong nauntog sa pader nang mapagtanto ko ang lahat. Ngayon, tho alam ko na may bago ka ulit. At ako natutunan ko na din syang mahalin, kumbaga nga kwits na tayo, pero bakit itinatago mo pa din sakin yung identity nya? For all I know, ikaw din naman ang nagkwento sa akin ng tungkol sa kanya. Wag kang mag alala, hindi ko siya aawayin. ☺ O kahit ano pa man. Hindi na din naman kita aangkinin. Natapos na ko mag-assume nang sa atin noon. Mukhang seseryosohin mo na din naman sya. Dahil nga sabi mo e sabi ko. (anudaw?) haha. Oo andito ka pa din..... Pero mahirap angkinin yung tao na ayaw magpa angkin at aminin na sa akin din sya. Mahirap magselos dahil wala kayong label. Mahirap mag assume na kahit kilala ka nang pamilya nya, e ikaw na talaga. Na kayo na talaga ang para sa isa't isa. Nakakamatay. Muntikan na ako. Mabuti na lang at sa tulong nya, nakabangon pa ako kahit papaano. Pero paano kung bumalik ka ulit sa buhay ko? Weh, hindi na rin ata.
2 notes
·
View notes
Photo

Give me the courage. 🙏 I really need some time out from all these shit.
0 notes
Text
Cluttered mind
Yo. Long time no talk/post here. Marami lang talagang ganap. And di ko na maisa isa lahat dito but this time, I'm gonna open up again some feels of mine. Actually kasi hangga't kaya kong solusyunan agad, hindi ko na ishinishare pa dito lalo na sa iba. Privacy na din of course. But this time, nahihirapan na talaga kalooban ko so kailangan ko nang atleast mailabas man lang ito. So leggo... I'm fine. Strong. Brave. But it was just on my outside appearance. Sabi nga nang isang kaibigan ko na ako daw yung tipo nang tao na hindi na kailangan ng madaming kaibigan o kakampi kasi kayang kaya ko naman daw mabuhay kahit wala nun. Pero akala nya lang yun. Loner ako, aloof dahil sa anxiety ko. Sa trauma na dala dala ko from HS. Na kinalaunan e nauwi sa pagiging introvert. Yes, I have anxiety and def an introv. I thought na-overcome ko na 'to from my past years but I think hindi pa din. So going back...kaya ko napagdesisyunan mag-post ngayon dito is dahil wala talaga akong mapaghingahan ng mga hinanakit ko. Ano bang iniinda ko? MADAMI. As in. At hindi ko alam kung paano ko iisa isahin ngayon. Pero gonna do the best I can. So... Hanggang ngayon kasi, wala pa din akong work. Going 2years na. Napapahaba na ata yung pahinga ko. I know I can find naman asap pero alam mo yun, parang ayaw na nang katawan mo. Wanna know why? Coz I'm already in comfort. Yes. With my partner. I feel so lightly because nabubuhay nya ko. Pero napapansin ko kasi as time passes, parang nag iiba na yata yung concept nang partner ko sa akin. Sa pera. I know that this shouldn't be an issue to every partners pero yun yung lumalabas kasi sa akin. Sa ngayon, sya ang may work saming dalawa. Tapos sya pa yung nagbubudget. (Nung bago pa lang kasi kami, sabi nya ako daw hahawak ng pera nya. Kasi mejo gastador pa sya noon e. Pinapadalhan kasi sya every month ng mother nya from States. But later, sya na ulit humawak ng pera nya. I didn't protest kasi on the first place, pera nyon so go na lang. Bahala sya.) Iniisip ko na lang na binubudget nya lang talaga yung pera na nakukuha nya kaya ganun sya. Hindi na kasi tulad ng dati na nababalance namin yung pera. Pag nag susuggest ako ng outing namin, magrerefuse sya kasi gastos daw yun. Nagegets ko naman kung bakit nasasabi nya yun e. Pero one time na nagplano kami months ahead ng outing. (So understood na dapat na kahit anong mangyari, matutuloy yun diba? But a month til the said date, umatras sya. I can't understand why. Kahit ba paulit ulit nyang sinasabi na ipangkain na lang natin yan kaysa ipanggala pa natin, di nagsisink in sa utak ko kasi sa amount na natatanggap nya monthly and sa trabaho nya, sobrang daming sobra pa. As in kaya mo magset ng outing every month. E wala akong magawa. So hindi na natuloy, hinayaan ko na lang kahit sobrang tampo talaga ang naramdaman ko noon.) Ang naiisip ko ngayon is pabigat na ba ako sa kanya? I'm getting a uneasy feeling now esp. this past few days. May mga nangyari pa kasi but I can't elaborate those anymore. Sabihin na lang natin na natapakan nya yung pride ko. Parang may naipamukha sya sa akin. Then I felt guilty. Mali na nga ata siguro ako. Di ko alam e. Ewan ba. Ngayon, I want to have more courage para makapaghanap na ng work. Kasi sa totoo lang, parang kinain na ko nang comfort life na binigay nya sakin. Pero ayoko din naman dumating kami sa punto na magsusumbatan kami ng dahil lang sa pera kaya siguro bago pa kami mapunta dun I better work my ass already. Di ko alam kung anong mga susunod na mangyayari pero bahala na. IpagpapasaDyos ko na lang ang lahat. Hayyyyyyyy~ 😞 Isa pa lang yan sa napakadami kong concerns ngayon. But I don't think I can go on. Dito pa lang sa una sumakit na agad ulo ko e. Pasensya na ha. Kung magulo din yung formatting ngayon. Iba lang talaga pag stressed ka. BTW, kung mabasa nyo to, salamat. Atleast parang nakipagkwentuhan na din ako nun sa isang kaibigan. Virtually nga lang. Sana ipag-pray nyo na lang ako na sana makayanan ko to. 🙂 Gtg. Til next. Byie!~
1 note
·
View note
Text
Na okay lang na magkamali sya basta bandang huli puro 'sorry' lang ang maririnig mo sa kanya.
1 note
·
View note
Text
Ang sakit sakit lang na hindi ka nya iprinaprioritize. Kasi mas bet pa nyang alalahanin at makipag inuman sa mga 'tropa' at 'kababata' nya. 💔🔫
0 notes
Text
Sober rn
Ang hirap ipaliwanag nang nararamdaman ko ngayon. Since weeks ago. Sobra. I'm out of words to say. 😭💔
0 notes