Text
Minsan daig ng malandi ang maganda, matalino at mabait. Kaya ingat kay bes. 😂
0 notes
Text
Simple lang naman ang buhay. Mahalin mo yung mga nagmamahal sa 'yo. Wag yung mahal mo lang pero hindi ka naman mahal.
0 notes
Text
Masaya na'ko sa 168 na tao na pumatol at nauto na i-share ang sulat ko. Sana may pumasok na entry ko ulit next year. Again thanks to Tambalan for featuring and sharing worldwide one of my fruits of talent. #blessed #TiwalaLang #NagmamawriterTeh

0 notes
Text
Who's the lucky girl?
Kaya nga tinawag na lucky e. Swinerte, at nanalo sa laban. 'Yung pinapangarap mong pwesto na sana maging ikaw. Yung mahal ng crush mo. Wag ka na don, umayos ka. Don't waste your time and effort. Tandaan, Life is too short, fix your hair, build your own personality, make your own brand and be also a lucky girl for that someone else who's really meant for you.
0 notes
Text
It hurts the worst when the person that made you feel so special yesterday, makes you feel so unwanted today.
0 notes
Text
Don't ever exert some extra effort for that person who supposedly just an extra person in your life. 'Cause you will definitely end up nothing. - Bennie ⭐

0 notes
Text
Minsan ang pag-iyak ay hindi nangangahulogan na ika'y mahina. Bagkus, naibigay mo na ang lahat lahat ng alam mong kaya mong ibigay pero kulang pa pala. - Bennie 💚

0 notes
Text
Minsan talaga sa buhay natin hinihiling natin mawala tayo ng saglit, at ibalik tayo pag okey na ang lahat. 'Yung bang kahit papaano wala kang pakiramdam at iniisip, palutang lutang ka lang sa agos ng buhay. Pero hindi e, kailangan mong harapin ang lahat. Kailangan mong langoyin para marating mo ang dulo, at malaman mo ang tunay na kahulogan ng tagumpay. - Bennie✊

0 notes
Text
Sigurado ka bang mahal ka rin ng dahilan ng puyat mo? Kung hindi, itulog mo na yan.

0 notes
Text
Fight lang nang fight!
Today is totally different from tomorrow. Matatapos din 'tong araw na' to at bawi ka na lang bukas o sa mga susunod na araw at pagkakataon. Sa buhay dapat bawal mapagod. Ika nga, don't stop when you're tired, stop when you're done. - Bennie💜

0 notes
Text
Nakaharap ako sa may salamin. Parang iba na yung ako, para bang hindi na ako 'tong nasa harapan ko, yung dating ako. Hindi ko sigurado at mawari kung nagbago lang ba ako o kung may nabago man.
Mula sa salamin tanaw kita sa may bandang likuran ko. Pero bakit ganon? Mukha kang malungkot. Tinanong kita pero hindi ka sumagot. Kaya naman nilapitan kita at naupo sa may tabi mo. Niyakap ka ng mahigpit pero tila hindi mo ito naramdaman. Tinitigan ko ang mukha mo, parang napakalalim ng mga iniisip mo. Hindi ko alam kung anong naisip ko at natanong kita bigla ng ganito "Hindi ka na ba masaya?", pero hindi ka umimik.
Binalewala ko na lang ito na tila ba wala lang nangyari. Bumaba ako para ipaghanda ka ng Breakfast mo dahil maya-maya lang papasok ka na sa trabaho. Pinagluto kita ng paborito mong agahan at pinagtimpla ng hot chocolate na gustong gusto mo na tinitimpla ko sa 'yo bago ka pumasok sa opisina. Naupo ka pero halata pa rin ang lungkot sa bagsak mong mukha, at saktong ilalapag ko na sana ang mga ito sa harapan mo bigla kang tumayo at nagtimpla ng sarili mong kape. "Ano bang nangyayari sa' yo? Hindi ka naman nagkakape diba?" halos pasigaw na rin na sambit ko. Pero gaya kanina, wala kang sagot at nagpatuloy ka lang sa pagtitimpla.
Matapos kong mag-ayos sa kusina, pumanhik ako sa kwarto para ihanda ang mga gamit mo at susuotin papasok ng trabaho. Paglabas mo ng banyo kinuha mo yung paborito mong pulang polo na hinanda ko at binalik ito sa kabinet at pinalitan ito ng ibang kulay. "May problema ba tayo mahal? Sagotin mo ako, may iba ka na ba? Iiwan mo na ba ako?" di ko naiwasang mapalakas na ang sigaw ko sa pagtatanong sa'yo na halos manikip na ang dibdib ko at lalamonan ko. Pero tumingin ka lang ng saglit na para bang walang ka-malay malay sa mga nangyayari at nagpatuloy sa pagbibihis. Nilingon mo ng bahagya ang isang malaking larawan natin na nakasabit sa pader at sabay labas ng kwarto. Hinatid kita hanggang sa may garahe na tila wala lang ako na sumusunod sa 'yo.
Nakalimutan mo na rin yung araw-araw na ginagawa mo bago ka lumabas ng bahay. Ang humalik sa noo ko. Wala na kong nagawa, tuloyan ng bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilang bumagsak habang nakatingin sa'yo papalayo ng bahay.
Napaisip ako at napatanong sa sarili ko. Eto na ba yung kinakatakotan ko? Yung darating ang panahon na magsasawa ka din, maghahanap at bibitaw? Dahil sa malungkot man isipin sa pitong taon natin mag-asawa hindi kita mabigyan bigyan ng anak. Na kahit ilang beses na natin napag-usapan ito at sobra kong sinisisi ang sarili ko. At palagi mo lang sinasabi hindi pa siguro tamang panahon. Pero eto mukhang napagod kana at susuko na.
Noong araw din 'yon. Ginabi ka ng uwi at mukhang nakainom dahil amoy alak ka at hindi maayos ang itsura mo na pagewang gewang din sa paglalakad. "Umiinom ka na rin pala ngayon? " matigas kong tanong sa' yo sabay alalay papanhik sa may kwarto.
Habang inaayos kita bigla ka na lang umiyak. Hinablot yung jacket na hawak ko na hinubad ko sa 'yo at nilabas mula dito ang isang pamilyar na litrato. Hinalikan mo ito at niyakap na para bang miss na miss mo na yung taong nasa may litrato.
Ngayon lang kita nakitang lasing, at ganito ka pala ka-praning at kamuntanga pag nakakainom. Natawa tuloy ako sa mga kinikilos mo. Inisip ko na lang, siguro pagod ka lang kaya nakuha mong uminom o di naman kaya napagalitan ka nanaman ng boss mo sa trabaho.
Araw ng linggo, maaga kang nagising at tila may lakad, kasi bihis na bihis ka at mukhang nagmamadali rin. Habang pababa ng hagdanan, malambing kitang inalok ng breakfast pero gaya kahapon hindi ka din sumagot. Sumunod ako sa 'yo at huminto ka ng bahagya bago lumabas ng pintuan. Muli mong nilabas ang pamilyar na litrato sa bulsa mo at sabay halik dito. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ng mga oras na iyon. At pinilit ka pa ring sundan hanggang sa may garahe ng bahay. Bago mo tuloyang pinaandar ang sasakyan, may dinampot kang mga bulaklak sa tabi mo at bahagyang inamoy-amoy ang mga ito. At doon na ako nagdesisyong sundan ka.
Bigla kong naalala si Andrea. Ang dati mong kasintahan bago naging tayo. Sampung taon ang itinagal ng relasyon ninyo at inamin mo rin dati sa akin na nahirapan kang kalimutan siya. "Nagkita na kaya kayo ulit nito? At nagkamabuti ulit?" Tanong ko ulit sa sarili ko, Wag naman sana.
Halo-halong pakiramdam ang naramdaman ko ng mga oras na iyon. Umabot ang pag sunod ko sa 'yo sa isang sementeryo. Nagdalawang isip ako kung susundan pa ba kita papasok o wag na. Baka kasi makaramdam ka. Pero tila may tumutulak sa akin gawin ito. Nangangatog ang mga tuhod ko habang unti-unti kang sinusundan patungo sa paruruonan mo. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tawagin ka sa pangalan mo nang makarating ka sa sadya mo. Halos pasigaw na ako sa pagtawag sa 'yo pero tila wala kang pakealam. Inilapag mo na rin ang mga bulaklak na kanina'y bitbit mo. Patuloy ako sa paghakbang palapit sa kinaruruonan mo. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang posibilidad na si Andrea nga ang dahilan mo kung bakit ka naririto.
Nabigla ako ng marating ko ang kinaruruonan mo pero bakit imbes na magalit at maiyak ako. May tila kagaanan sa loob at kaginhawaan sa dibdib akong naramdaman ng mabasa ko ang nakasulat na pangalan sa lapidang nasa harapan mo. Ang pangalan ko.

0 notes