byullalin0100-blog
byullalin0100-blog
Moon and Stars🌘
4 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
byullalin0100-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
’ 11:11 ’
11:11 balikan mo ko, 11:11 magkamilagro, 11:11 sabihin mong mahal mo pa ako, 11:11 ma miss mo din sana ako.
Ang gara ko diba? Lahat, lahat pinatulan ko na para bumalik ka, Lahat ng hihilingan, hinilingan ko na, Lahat ng katangahan, para lang bumalik ka, ginawa ko na, Wala e, mahal talaga kita.
Kahit alam kong imposible na ay ginagawa ko pa ding umasa, Umasa na kahit ilang buwan na ay magagawa mo pa din akong balikan, Umasa na sana ay bumalik ka kahit alam kong meron ka ng iba, Umasa na sana ay makita mo kung gano kita kamahal at kung gaano ko kayang maghintay.
Ika-labing lima ng setyembre, isang araw bago ang araw nating dalawa, Sa oras na labing-isa’t labing isa, Heto ako’t nakatitig sa larawan nating dalawa, Ibinubulong sa hangin ang aking mga hiling, Umaasa, na sa ika-apat na pagkakataon ay magigising ka’t malalaman mong mahal mo pa din ako.
Kahit imposible, kahit alam kong di na mangyayari, Maghihintay ako, Maghihintay ako kasi mahal kita, Maghihintay ako kasi gusto ko'y ikaw lang talaga, Maghihintay ako kasi ayoko na sa iba, Maghihintay ako kahit abutin pa ko ng santo santo, marinig ko lang ulit mula sa labi mo ang mga salitang ‘andito na ako ulit mahal ko’.
1 note · View note
byullalin0100-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
“Tamang tao, Maling panahon”
Sa tingin ko hindi tayo yung may mali, Sa tingin ko tayo dapat talaga sana, pero hindi sang-ayon ang panahon, Sa tingin ko tayo dapat talaga pero hindi din sang ayon ang distansya, Sa tingin ko tayo nga talaga, pero mali ang oras ng iyong pagtugon.
Hindi ako naniniwala na dumaan ka lang para bigyan ako ng leksyon, Naniniwala ako, na binigay ka sakin, para patunayan na may tamang pag-ibig pero mali ang panahon, Hindi ako naniniwala na dumating ka sakin para maging isang alaala, Naniniwala ako na pinagtagpo tayo para may mapatunayan sa iba.
Pero katulad nga ng sinabi ko, Maling panahon yung paggawa ng ‘tayo’, Maling panahon na nakilala mo ako, Maling panahon na minahal natin ang isa’t isa at sinabing kaya natin yung mga bagay na imposible pa.
Maling panahon nang banggitin ko ang mga salitang ‘mahal kita’, Maling panahon nang binanggit ko ang mga salitang 'tayo na’, Maling panahon nang hawakan mo ang aking kamay at sinabi mong 'huwag na huwag kang bibitaw’, Maling panahon ang pagnakaw mo sa aking puso na hanggang ngayon ay nasasayo pa kahit saki'y wala ka na.
Bakit? Bakit mali ang tyempo nating dalawa? Bakit sa dinami dami ng nagdaang tao’t panahon sa buhay ko ay sayo pa? Bakit sayo pa nasakto ang mga salitang 'hindi muna dapat naging kayo’, Bakit sa dinami dami ng mga nanakit sakin ay sayo pa ko nasaktan ng ganito?
Sabi nila 'madami naman dyan, bat di mo sya makalimutan’ Kasi ewan ko, kasi siguro minahal ko, Minahal ko ng todo kahit hindi dapat, Minahal ko ng tapat kahit alam kong may iba syang gusto, Minahal ko kahit alam kong kulang ako, Kahit alam kong hindi naman talaga ako yung gusto mong nasa tabi mo.
Pero salamat, salamat sa mga ala-ala, Salamat sa pagpaparamdam sa loob ng walong buwan na ako lang talaga, Salamat sa pagkukunwari, na hindi mo siya mahal sa tuwing tayo'y magkatabi, Salamat sa sakit at hapdi, Salamat sa pagsama sakin sa pagbuo ng 'tayo’, kahit hindi pala talaga dapat muna.
Paalam, paalam na sa mga matatamis na ngiti sa aking mga labi, Paalam na sa tawa mong paborito ko, Paalam na sa mga mata mong gustong gusto kong tinititigan sa tuwing ako'y iyong sinusulyapan, Paalam na, paalam na sa mga matatamis nating hagikgikan pag tayo'y may magandang pinagu-usapan, Paalam na, paalam na kasi, mahirap na.
Mahirap na makita kita na bumabalik sakanya, Mahirap na makita kitang sumasaya sa simpleng pagtitig lang sakanya, Mahirap, mahirap kasi mahal pa din kita, Kaya paalam na.
0 notes
byullalin0100-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
“ TAYO”
Nagmahal, nasaktan, tumingin sa buwan, Nagmahal, nagmahal ako ng taong alam kong may ibang mundo, Ibang mundo, ibang tao sa kanyang puso, Taong hindi ako, at kailanman hindi magiging ako.
Ika-apat ng Nobyembre ng tayo'y magsimula, Masaya, masaya tayo nung una, Masaya tayong nagsimula, Masaya tayo kahit mali sa tingin ng iba.
Ika-labing anim ng Disyembre, taong dalawang libo’t labing anim, Sa labas ng aming bahay, Sa may tabi ng poste ng ilaw, Alas otso ng gabi, natanggap mo, ang hindi katamisang oo ko.
Saksi natin ang mga puno’t halaman, Pati mga bituwin at buwan, Isama na din natin ang alikabok at hangin, At ang traysikel na dumaan ng saktong binanggit ko ang mga salitang “Tayo na.”
Ang relasyong meron tayo ay maihahalintulad ko sa mundo, Paikot-ikot at magulo, Isang oras masaya tayo at paglipas ng ilang segundo mayron na tayong gulo, Pero tulad ng sabi ko ay katulad tayo ng mundo, May daan tayong tinatahak, tinutungo.
Pero bat ganon? Unang araw ng Abril, taong dalawang libo’t labing pito, Iniwan mo kong mag-isa sa daang tinatahak nating dalawa, Bigla kang nawala ng parang bula, Bigla kang naglaho na parang anino.
Pero sabi nga sa kantang Walang Hanggan, “ Lingon ka lang, paminsan-minsan, dito lang ako, di ako lilisan, ” Hinintay kita ng matagal at hindi ako lumisan, At mahal, hindi ko yun pinagsisisihan, Dahil pagkalipas ng ilang linggo’t ilang araw, Lumingon ka’t ako'y pinuntahan, binalikan.
Pero katulad ng gabi, mayron tayong katapusan, At kasabay ng pagdating ng liwanag ay ang paglisan mo, Pero katulad ng dati mahal, Putuloy kong pinakikinggan ang kantang Walang Hanggan, Patuloy na pinanghahawakan ang pangako mong “ Tayo. Pang lifetime.” At patuloy na umaasa na muli ay lilingon ka’t ako'y babalikan at sasabihin ang mga katagang “ Halika na Mahal. Ang bagal mo na naman.”
0 notes
byullalin0100-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
"Si Manunulat at Si Mambabasa"
Ako ang manunulat at ikaw ang mambabasa, Mahilig kang lumabas mahilig akong mapag-isa, Sa mundo na kung saan ang pansin ng tao ay palagi nalang nasa telepono, Naroon sa gitna ang tayo na may sariling mundong naninibugho.
Ang isang manunulat ay kumukuha ng inspirasyon sa kanyang paligid upang makagawa ng librong panibago, Ang katulad mo namang mambabasa ay kumukuha ng inspirasyon sa mga librong binabasa para mailagay sa mga pangyayari sa iyong buhay, Magkaiba yung dalawang tao na bumubuo sa tayo, May iilang pagkakaparehas ngunit yung ating pagkakaiba ang umaalpas.
Kung inyong tutuusin, ang mambabasa at manunulat ay maihahalintulad natin sa isang uod at isang paru-paro, Ang paru-paro ay nakakalipad sa kung saang lugar nito gustuhing lumipad, Simisipsip ng katas ng hindi niya naman kilalang bulaklak, Parang ang manunulat, lumilipad sa alapaap ng imahinasyon at inspirasyon, Sumisipsip ng ideya mula sa iba na hindi naman nila kilala.
Samantala ang uod naman ay nasa ibaba, Naghahanap ng magandang lupang susuungin, Parang mambabasa, ang kanilang lupa ay ang isang kwarto na puno ng libro, At ang hinahanap ay isang librong pagtutuunan ng pansin hanggang sa manawa’t maging mainipin.
Pero paano pag ganito, Pag nabasa mo na ang lahat ng librong naisulat ko, Kapag ang kwarto na puno ng libro ay isa nalang malawak na espasyo. Paano kapag nawala ako na manunulat mo, Hahanapin mo kaya ako?
Hahanapin mo kaya ako na kapareha mo sa isang libro na wala pang dulo, Sa libro na kumukapal habang tayo'y nagtatagal, Sa libro na huli mong binasa dahil sa tingin mo ay walang gana, Sa libro na ang bawat pahina pala ay tungkol sa ating dalawa.
Siguro oo pero malamang ay hindi, Dahil wag nating kalilimutan na sa uod nagmumula ang isang magandang paru-paro, Kaya maaaring hindi tayo hanapin ng mga mambabasa natin, Dahil sila mismo, ay pwedeng maging manunulat,
Manunulat na gagawa ng ibang libro, Manunulat na gagawa ng bagong kwento, Manunulat na mayroon na ding sariling kwento, Manunulat pero hindi isusulat ang ang susunod na kabanata ng kwento niyo.
Kaya sa mga kapwa ko manunulat, Kung meron man kayong mambabasa ay kayo'y magpasalamat, Mahalin niyo sila hanggat hindi pa sila isang paru-paro, Mahalin niyo sila hanggat hawak mo pa ang libro ninyo, Mahalin niyo sila hanggat hindi pa sila natututong magsulat ng sarili nilang kwento.
0 notes