cardodalisay-blog
cardodalisay-blog
Pagpatid Ng Lubid
6 posts
palike naman po para sa grades
Don't wanna be here? Send us removal request.
cardodalisay-blog · 6 years ago
Text
Ang galing naman ng paggwa ng Essay mo may magandang aral na binibigay
Kalayaan at kung paanong nagkakaroon o nawawalan nito ang isang kabataang tulad mo?
Kalayaan ng bawat tao
Ano ba ang Kalayaan? Ang Kalayaan ay isang paraan upang maging masaya at magawa ang mga bagay na gusto ng isang tao. Bilang isang kabataan ang Kalayaan para sa akin ay magkaroon ng karapatan makapag-aral, mabigay ang aking panganagilangan at maabot ang mga bagay na aking gustong makamit. Aminin na natin na ang salitang "KALAYAAN" para sa atin ay may iba't ibang kahulugan. Ang kahulugan para sa iba ay ang pagbabaliwala ng magulang sa kanilang mga ginagawang hindi kaaya aya dahil sa kalayaang ito naliligaw tayo ng landas katulad nalang ng pagkalulong sa masamang bisyo, pagmumura, pag-aabuso sa paghingi ng pera at higit sa lahat ang kawalan ng respeto sa ating magulang.
Kalayaan nating mailabas ang ating nararamdaman o saloobin at kung alam naman nating wala tayong nasasaktan o natatapakan ay sundin lang nating ang ating kagustuhan. At iniisip nating nawawalan tayo ng kalayaan kapag lagi tayong pinapakialaman ng ating mga magulang. Marapat lang na tayo'y pakialaman at gabayan ng ating mga magulang dahil ito ang kanilang tungkulin at alam naman nating alam nila ang mas makakabuti sa atin. Ang Kalayaan na gusto natin ay dumedepende sa ating pag-iisip o nararamdaman ngunit lagi nating tandaan ang "Labis na Kalayaan ay nagdudulot ng masamang epekto sa ating masayang pamumuhay"
-Isinulat ni:Kristine Teodoro
14 notes · View notes
cardodalisay-blog · 6 years ago
Text
Kalayaan Ng kabataan
Sa ating kaalaman ang sabi ni GAT Jose Rizal ang kabataan ay ang pag asa ng bayan. madami daming kabataan ang nag hihirap ayon sakin obserbasyon sila ay nauulila pinapabayaan hinahayaan at kung ano ano pang uri ng di pag bigay kalayaan sakanila at yung iba panga hindi nabigyan ng kalayaan para mabuhay. Madaming kabataan ang nagigipit sa buhay nag susumikap kumakayod nag tratrabaho para lang maka mabuhay makapag aral at may maibigay na pera sakanilang magulang. karapat dapat ang mga kabataan ay mag karoon ng sari sarili nilang kalayaan kalayaan maglaro, mag saya,mabuhay. kahit ano pa ang estado ng buhay dapat pading mag karoon ng kalayaan ang isang bata. ang bata ay nag bibigay saya at ngiti sa pamilya minsan tama minsan hinde madaming kabataan ang nakaka ranas ng CHILD LABOR CHILD ABUSE at CHILD MOLESTATION dapat iwasan ito kase madaming kabataan ang nakakaranas ng ganyang pananakit bilang estudyante dapat talaga nating iwasan at ipaglaban kung ano ang tama para sa kalayaan ng mga bata
-Napoleon Hernandez IV
25 notes · View notes
cardodalisay-blog · 6 years ago
Text
Kalayaan
Maraming tao ang gusto ng kalayaan dahil sa mga nararanasang mga pag hihirap sa buhay lalo na ngayon maraming nahihirapan sa buhay tulad nalang ng mga magsasaka natin sa pilipinas mas humirap ang buhay nila noong naisabatas ang rice tarrification. Kalayaan ay ang karapatan na gawin ang anumang gustong gawin ng isang tao. Mas ikakabuti kung gagawin mo ang mga iyong ginugusto sa maganda at mabuting paraan at hindi ikasasama sa iyong kapwa tao. Maraming tao ang gustong makamit ang kalayaan dahil sa bawat galaw nila may mga pumipigil sakanila hindi nila mgawa ang gusto nilang gawin sa sarili nilang buhay. Kalayaan ang susi sa pag kakaisa ng mga tao para narin maiwasan ang mga digmaan sa bansa natin kaylangan natin gumising kaylangan natin ng kalayaan.
Nahihirapan ang tao dahil hindi napapansin ng mga ating gobyerno gusto ng mga taong mahihirap ang maka subok ng magandang buhay isang problema rin ang corruption kaya gusto ng mga tao ang kalayaan sa ating bansa na kung saan ang bansa natin ay corrupt dahil sa mga ating gobyerno mas lalaong pinapahirap ang ibang tao dahil sa pag cocorrupt
-james andrei gumpal
23 notes · View notes
cardodalisay-blog · 6 years ago
Text
Kalayaan
Ang kalayaan ay tungkol sa ating mga sarili. Kalayaan na pwede mong gawin ang mga gusto mo, kalayaan na Wala ni isang kayang pumigil sa iyo. Pero dapat kahit na bibigyan ka Ng kalayaan dapat alam mo rin ang hangganan sa pag-gamit nito, Kasi pag minsan Kung nasosobrahan natin ang pag-gamit Ng kalayaan. Pag minsa'y Hindi natin napapansin na may nasasaktan na pala tayong damdamin ng iba at Ang kalayaan o Ang salitang kalayaan Ibinigay Ito sa atin Ng diyos para magawa natin o gamitin natin Ito sa mabuting bagay tulad ng pagtulong sa kapwa tao, ipaglaban Ang tama, pag respeto sa mas maganda sa iyo, at pag-linis ng kapaligiran ngunit sa panahon natin ngayon sampo sa labing-lima ang gumagamit ng kalayaan sa walang kwenta na bagay tulad Ng pagbabastos sa mas nakakatanda, nalulong sa droga, at marami pang iba. ni Hindi man Lang maisip Kung Tama Ang kanilang ginagawa at marami sa kanila Hindi ramdam ang kalayaan, iba sa kanila porket may jowa Hindi na ramdam ang kanilang kalayaan dahil may bumabawal sa kanila. Higit sa lahat nasa sayo Kung Ang kalayaan ay gagamitin mo para maging masaya ka. Ang Sabi nga nila "Y.O.L.O" o "you only live once" Kaya Ang iba sinusulit na nila mag-saya ng kanilang buhay dahil nga naniniwala sila sa salitang "Y.O.L.O." nasa saatin din Naman Kung gusto natin maging masaya sa kalagayaan natin sa buhay dahil nga kalayaan ang dahilan Kung bakit natin nagagawa ang gusto natin ng Malaya at walang binabayaran na Kung ano man.
-xyra taguibao
20 notes · View notes
cardodalisay-blog · 6 years ago
Text
Kalayaan
Madami Ang nag-aasam na kalayaan ngunit marami sa kanila ay Hindi ito makamit. Madami Rin Ang may kalayaan ngunit binabalewala Lang Ito. Ganito na ba Ang pag-iisip Ng mga Tao ngayon? May Mali ba sa atin at ganito tayo Kung umasta? Ang kalayaan ay para sa lahat ngunit madami sa kanila Ang Wala nun. Bakit? Dahil sa mga bagay na pilit humila sa kanila pababa kahit matagal na nilang inaasam na makalaya hanggang abot kamay Lang nila Ito. Isang pangarap na mahirap abutin ngunit nasira na. Ang mga Ito ay Ang mga biktima ng terrorism, digmaan at iba pa. Madami sa again Ang nang-aabuso Ng taglay nating kalayaan. Ginagawa natin Ang Kung ano many gusto natin na sila ring sumisira sabuhay natin. At pag nasira na Yun Ang oras na masisisi tayo SA mga pinaggagawa natin noon. Ang pagaabuso Ng kalayaan natin Ang siyang sumisira sa buhay natin.
-Sweet Angelique springer
22 notes · View notes
cardodalisay-blog · 6 years ago
Text
Kalayaan ng Buhay
Sa mundong ginagalawan natin ngayon, madalang nalang nating mararanasan Ang salitang kalayaan. Ang kalayaan ay isang salitang nagbabahagi Ng karapatan Ng isang taong gumawa Ng kahit anong gustong gawin nila at iba pa. Ang kalayaan ay limitado na sa acting mundo ngayon Kasi Ang kalayaan Ng isang Tao ay binabalewala nalang nila tulad Ng kalayaang gumawa Ng kahit anong ikakasaya natin. Bagama't Ang kalayaan ay pwede ring maging masamasa pamamaraan Ng pagnanakaw, pagpapatay, at panggagahasa sa mga babae. Kasi sa kasobrahan Ng kalayaan magkakaroon tayo Ng kalayaang pumatay, magnakaw at manggahasa Ng Kung Sino man. Ipinapahiwatig ko na dapat Ang kalayaan natin at nang ibang Tao ay dapat pantay pantay lamang Kasi Ito ay nagdudulot Ng masama. Alam Kong ikakasaya natin Ang kalayaan Kasi pag may kalayaan, makakamit natin Ang mga kagustuhan nating gawin.
Bilang mamamayang pilipino dapat nating pahalagahan Ang kalayaan at gawin ito sa tamang paraan subalit pag nagamit ito SA masamang paraan Ito ay magdudulot Ng napakasamang pangyayari tulad Ng kamatayan.
-Jon Gabrielle So
25 notes · View notes