Photo










MAHAL KO NA ANG ANTIPOLO ๐
Hoy mga makakati ang paa! Kung gusto niyo ng galang sulit at budget friendly at IG worthy mag Antipolo kayo!
Sobrang biglaan lang yung pag punta namin sa Antipolo kasi dapat mag bbeach kami sa batangas para sa travelogue project namin for finals pero parang hassle kasi diba?? Daming dala tapos mas malaki gagastusin pero dahil 10% praktikal kame at 90% kuripot edi nag antipolo kami.
So ayon na nga, 10 am na hindi pa kami nakakapag decide kung G kme that day, kasi nga anong oras na baka wala kaming abutan kasi 9:00am-6:00pm lang yung Pinto Art Museum. Kuripot na nga kami malulugi pa kme sa pamasahe tangina paano na?? Pero tinuloy na namin kasi medyo maaga pa naman. Napag usapan na sa Metropoint Mall sa Savers nalang magkita.
Edi eto na, gahol na nga kami sa oras ang tagal pa magsidating ng mga kagrupo ko itago nalang natin sila sa pangalang Elka Gen Medrano at Dane Klarenz Derramas. Umalis kami ng Metropoint ng 3:00 pm. Jsqlord!
Kung gusto niyo malaman pano pumunta sa Pinto Art Museum in a very detailed instruction eto yon:
Sumakay kayo ng MRT papuntang shaw blvd. 20 pesos pamasahe don, pumila kayo dun sa pinaka right na booth para mabilis, tapos ayun na. Pag dating niyo ng shaw labas kayo sa tren syempre. Pagka insert niyo ng MRT ticket labas kayo tapos turn right yung pa-shangrila mall na way, pero wag kayo papasok mga baliw! May hagdan don sa right, baba kayo tapos lakad, tapos tawid kayo tapos pag tawid niyo lakad kayo pa-left tapos derecho lang hanggang makita niyo yung terminal ng jeep tanong niyo kung saan yung jeep pa-Antipolo Shopwise. Pag nalaman niyo na umuwi na kayo hahaha siyempre sumakay kayo! 35 pesos bayad don at wag kayong magkamaling mag bayad sa driver dahil babatuhin kayo ng manibela non hahaha joke! Yung kumukuha kasi ng bayad yung taong nakasabit sa likod ng jeep. Nandon lang siya sa likod nakasabit buong byahe niyo. Iba din yung talent niya sa pag sabit. Medyo mahaba yung byahe depende sa diskarte ng driver sa traffic. Pag dating niyo ng Shopwise may terminal don ng tricycle papuntang Pinto Art Museum pwede siyang lakarin pero dahil alam kong taeng-tae na kayo makarating sa PAM mag tric na kayo. 40 pesos bayad don. โข
Nakarating kami sa PAM ng 4:45 pm. salamat kay Manong driver kasi sobrang galing niya mag pasikot sikot sa gitna ng traffic. Sabi ng mga taga don 2 hrs daw yung byahe pero mga 1hr lang ata byahe namin. Ginalingan din kasi ni Manong! Pag dating niyo don mag register muna kayo, 100 pesos bayad pag student mag dala lang kayo ng ID. 200 pesos yung regular fee. Pag pasok namin sobrang namangha kami nawala na sa isip namin yung totoong pakay namin lintek na yan! basta lakad-lakad na. Sobrang ganda ng mga artworks at sobrang IG worthy solved na yung pang 1 buwan mong IG post. May mga cafe don, tinignan namin pero parang pang mga nakakaangat lang sa buhay kaya hindi na namin sinubukan pumasok. Basta sobrang ganda ng place!
After namin mag PAM ayaw pa namin umuwi kasi tangina nasa Antipolo na kami bakit hindi pa namin sulitin diba? Antipolo na yun eh! Pinuntahan namin yung sikat na Cloud 9 na may 360 view.
How to go to cloud 9? Ganito yon..
Pag labas niyo ng pinto art maglakad nalang kayo palabas ng subdivision sayang 40 pesos niyo sa tricycle malapit lang naman! Masakit nga lang sa hita kasi pataas baba yung daan. Hindi na kami nagiimikan ng mga kasama ko tapos naririninig nalang namin yung hingal ng isat-isa. Cardio narin yon. (Kuya Cardio sa Ang probinsyano. hehe) Pagkalabas niyo ng subd. tawid kayo tapos mag hintay kayo ng jeep (insert hugot here) pa cubao. Tapos sabihin niyo lang sa Cloud 9 kayo bababa. 12 pesos lang pamasahe don, then iapply niyo yung golden rule na wag mag babayad sa driver. ๐ Pag dating niyo sa Cloud 9 ihanda niyo na ulit yung mga binti niyo kasi pataas ulit yung daan. Pag dating niyo sa taas, turn left tapos paakyat na naman yon. Pag dating niyo punta kayo sa information. Nasa left side siya tapos bumili kayo ng ticket papunta sa 360 view. 50 pesos lang yon at sobrang sulit na. After niyo bumili pumila na kayo papasok sa hanging bridge tangina eto yung hanging bridge na nagpanginig ng tumubong ko. Medyo mahaba siya tapos pataas pa. Parang tanga pa yung iba kasi napakalikot edi lalong umaalog yung bridge tangina sarap ihulog. Pero after mo ma-conquer yung bridge bubungad sayo yung 360 degree view ng antipolo. Sobrang sulit parang ang sarap mag beer at yosi bigla. Nag picture lang kami tapos tambay konti tapos alis na, pagbaba mo hindi ka na dadaan sa bridge may hagdan na don pababa tapos may mga artworks din don na sobrang ganda! (Artistic ba talaga ang mga taga antipolo??) So ayon na pag pauwi niyo sakay ulit kayo jeep pa-cubao derecho na yon sa MRT Station. Alam niyo na naman siguro pano umuwi sa mga bahay niyo?
Ayon na nga yung nangyari samin. Sobrang bitin pa ko kasi parang sobrang dami pang pwedeng puntahan sa Antipolo. Babalik ako soon. Promise! ๐
1 note
ยท
View note