Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Pag nag "K" na wag mo ng replyan. End of convo na yun.
2 notes
·
View notes
Text
Okay nga kayo, kasi sa tuwing mag-aaway kayo pinapamukha nyang tama lahat ng ginawa nilang mali sayo.
Okay nga kayo, kasi sa dami nyang hiniling na kalayaan na ginawa mo nasasakal pa rin sya sayo.
Okay nga kayo, kasi di nya ma-open sa'yo kung anong usapan meron sila.
Okay nga kayo, kasi ginagawa nya lahat para hindi nalang pag-usapan lahat ng hindi nya ma-open sayo. Tapos ang segwey nya kasi naaalala nya yung sakit na ginawa mo, para ikaw ulit magiging mali at iwas na yung gusto mong i-open nya.
Okay nga kayo, kasi kinakalimutan nalang nya lahat, para pagtakpan lahat ng ginawa ng mga kaibigan mo sa'yo kasi kasali sya doon. (Magkaibigan eh dapat daw nagtutulungan syempre secret nalang)
Okay nga kayo, kasi ikaw lang gusto nya maging open sa relationship, pagdating sakanya hanggang taas nalang ng kilay at pag sasabi ng "Oo sige ganyan sila". Para matapos nalang hanggang sa hindi ma-open ulit yung side nya. Sasabihan ka pa ng "Hindi mo tanggap na mali ka" para side mo ulit yung topic.
Okay nga kayo, kasi kahit anong gawin mong pag-aayos kung yun lang hindi nya ma-open at para malaman lahat ng yon at ayusin, mas pinipili nyang kalimutan at isumbat sayo lahat pag di ulit kayo maayos.
Okay nga kayo, kasi kapag nagkakatampuhan kayo sinusumbat nya lahat ng ginagawa nya na akala mo okay lang pero hindi pala okay sakanya.
Okay nga kayo, kasi kapag nagtatampo ka galit na galit at maling mali kana sa mga ginagawa mo sakanya.
Dedeny nya yan, alam mo kung bakit? Kasi okay kayo. Try nyong mag-away lahat yan lalabas sa bibig nya. Ganun lang kadali yan sakanya kasi kapag galit yan nakakalimutan nyang mahal ka nya.
0 notes
Text
Gusto kong umiyak ng umiyak kasi lahat ng ginagawa kong pagbabago walang nakakakita... Bulag pa rin sila sa pagbabago ko sa sarili ko. Di ko na alam gagawin ko kung paano maging tama sa paraang alam nila hindi kasi nila nakikita yung pagbabago ko sa sarili ko sa paraang alam ko kung paano ako magbabago. Ang hirap.
0 notes
Text
#5 "PAGBABAGO"
Paano nyo makikita yung pagbabago sa sarili ko kung pinapamukha pa rin lahat ng pagkakamali ko?
Paano nyo makikita yung pagbabago sa sarili ko kung hanggang ngayon kinocompare nyo pa rin ako sa dating ako?
Paano nyo makikita pagbabago sa sarili ko kung hindi nyo naman nakikita lahat ng ginagawa ko?
Paano nyo makikita pagbabago sa sarili ko kung lahat nalang ng sasabihin ko mali para sainyo?
Paano nyo makikita pagbabago sa sarili ko kung hindi nyo naman din matanggap lahat ng saloobin ko?
Paano?
0 notes
Text
#4 "AYUSIN ANG SARILI"
Aayusin ko sarili ko sa paraang alam ko at gusto ko, hindi sa paraang alam nyo at gusto nyo.
Aayusin ko sarili ko para sa sarili ko, hindi para sainyo.
Aayusin ko sarili ko para sa ikabubuti ko, hindi para ipamukha sainyo.
Inaayos ko sarili ko maghintay lang kayo.
0 notes
Text
#3 "GUSTO KO NA GUMAAN PAKIRAMDAM KO"
Pero paano? Kung lahat nalang ng tanong ko walang miski isang sagot?.
Pero paano? Kung lahat nalang ng sasabihin ko walang nakikinig?.
Pero paano? Kung lahat nalang ng gagawin ko, hindi tama?.
Pero paano? Kung lahat nalang ng pagtatanggol ko sa sarili ko balewala?
Pero paano? Kung lahat nalang ng pagbabago ko walang nakakakita?
Paano?.
0 notes
Text
#2 "HINDI 'KO MATANGGAP MALI KO"
Hindi ko daw matanggap lahat ng pagkakamali ko, pero sa totoo lang una palang tanggap ko na. Ang hindi ko lang matanggap ba't kailangan sa usapan nyo clueless ako?. Ba't kapag usapan namin umaabot hanggang sa iba't ibang tao na. Pwede bang bigyan mo naman ako ng clue kung ano mga pinagsasasabi nyo sa'kin?, Para matauhan na rin sana ako.. hindi lang ikaw. Malay mo dun sa usapan nyo mas matutulungan nyo kong i-let go lahat tulad ng mga kagustuhan nyong mangyari. Hirap kalimutan kasi ba't kailangan itago?. Ba't hanggang ngayon yung mga tanong ko walang matinong kasagutan? Puro nalang segwey puro out of nowhere, puro nalang pagkakamali ko laging ibinabato?. bakit?.
0 notes
Text
#1 "DI AKO MATINO"
Hindi daw ako matino? Pero sa pagkakaalam ko, Oo may pagkakamali ako. Pero matino akong tao kumpara sa mga taong nakakasalamuha ko. Pero kung yung pagkakamali ko lang yung nakikita, kung kaya nasabi sa'kin yang salita na yan. Okay titigilan ko para masabing matino akong tao.
0 notes
Text
DAY 1
Natulog ako ng 3am at gumising ng 5am para makipag-ayos ng paulit-ulit, kaso nabigo ako kasi di ko na sya naabutan.. Wala na s'ya. Ang sakit sobra, ang hirap tanggapin na ayaw na nya. Kaya ko pa naman magbago para sakanya. Bigyan nya lang ako ng chance, pakinggan niya lang ako, Oo magulo utak ko ngayon pero sana naiintindihan nya ko. Hindi naman ako palaging ganito. Ang gusto ko lang magkasama pa rin kaming ayusin yung dapat ayusin. Di naman solusyon ang hiwalayan kung willing talaga ayusin. Sakit sobra💔💔💔
1 note
·
View note