Mga kathang isip, kalokohan, kadramahan, tula, kabugokan, at kung ano-ano lang. Ito ang mga kwento ko sa aking sarili.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Ano'ng Magagawa
Damdamin na di maamin
Totoong pagmamahal ngunit bawal
Yan ang nadarama ko sa'yo
Pero may nagmamay-ari na ng ating mga puso
.post
Damdamin na di maamin
Pinapahiwatig na lang sa tingin
Sa tuwing magtatagpo ang mga mata
Ibang saya ang nadarama
.post
Totoong pagmamahal ngunit bawal
Ang pagkakataon ang tanging sagabal
Sapagka't bago pa tayo nagkatagpo
Ako'y napa sa kanya at ikaw ay sinuyo ng iba
.post
Yan ang nadarama ko sa'yo
Pag-ibig na bawal at nakakalito
Nag-uumapaw at tila ayaw papigil
Pilit mang ikubli ay di pasisiil
.post
Pero may nagmamay-ari na ng ating mga puso
Ano ang gagawin? Saan patutungo?
Kaya heto tayo ngayon mata sa mata,
Walang magawa, tumutulo lang ang luha.
1 note
·
View note
Text
Nasa Pananaw Lang Yan
Kapag nasilayan na ang sikat ng araw
Ako'y nagpapasalamat bago bumango't gumalaw.
Nakangiti habang nag uunat-unat
Sapagkat may panibagong umagang magagawa ang dapat.
Hindi man perpekto at nakakaangat sa buhay
Malusog nama't nakakahinga ng matiwasay.
Mas pinipili kong makita ang tuwa at ligaya
Sa kabila ng unos ay mayroon laging pag-asa.
Ang paligid ko may puno ng kahirapan
At tila ba walang katapusan ang kaguluhan.
Ako'y hindi natatakot at nag-aalala
Tinatawag ang Dyos at pangambay nawawala.
Sa paningin nila buhay ay puno ng pagdurusa
Ngunit saya lang ang nakikita ng aking mga mata.
Kahit di mayaman ako nama'y kontento
Di lahat ay mapalad na mabuhay sa mundo.
0 notes