I made this just for fun. Just to have a sort of ideas about anything. 😊
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Goodbye’s are Bullshit!
So to start with, this supposed to be posted March 2,2020 (Monday) but I was so depressed that day sobrang damong nangyari with just a snap parang gumuho mundo namin lahat.
Mahirap tanggapin para saming mga Employees ng AIDE na one month nalang yun natitra para magkasama sama kami as workmates. It was monday morning when HR announces that we’re going to have an emergency meeting and all employees are required to go, so para sakin wala lang sya, Baka kasi normal meeting lang. Pero that afternoon sobrang sakit samin na makita namin yung mga Boss namin na umiyak, and sasabihing they did their best to have that fucking Japanese investor then all of a sudden sasabihing di na sila mag iinvest walang isang salit parang yung Ex ko Japanese din yun eh,
As for the result they need to have a retrenchment at dun gumuho mundo namin, 50 employees kami pero 8 lang yung matitira, mawawala na yung office, wala na lahat. Masakit sa puso tong nangyari kasi biglaan, tapos madami na kaming nabuong friendship and moments. Madami na akong iniyak sa work na to tapos all of a sudden mawawala, Iniisip mo palang na mawawala ka ng mga ka close, nag invest ka na ng feelings sa mga kawork mo, madami ka ng ginawang best para sa company na to.sonrang lungkot at sakit lang.
One month nalang natitira samin para icherish at gawing memorable, sana may game changer, sana march fools nalang to eh, kasi sobrang sakit talaga para samin. Madami pang mangyayari within one month, naniniwala ako na tataas at babangon ulit yung AIDE, all my heart para sa AIDE!!!
1 note
·
View note
Photo
Learning to deal with the pain..


some kind of disaster // all time low
1K notes
·
View notes
Photo

So I just remember that I have this personal blog where I can just be myself and kahit anong sabihin ko is walang may pake. This post will be so very long. I just need to express myself and gusto ko lang na may malagyan ako ng nararamdaman ko.
So, it is obvious naman with the picture above what I'm experiencing right now for almost a year. It all started when I work sa dating kong OJT. At first ayaw ko talaga mag work dun kasi nga sobrang bored ako nung nag Ojt ako and wala akong friends kasi di naman ako friendly, Then one of the founders message me via instagram na if I can consider to be part of their company again since graduating naman na ako, syempre nag isip ako nun and I ask her if I can bring my friend din kasi he’s looking for a job naman also, and she said yes and after that yung HR naman yung nagchat kinukulit na ako para i consider yung job vacancy nila, so I TRY ULIT na to be part of their company.
I came sa office nila, ang dami ng nag iba, yung office and dumami na yung employees,madaming new faces and andun pa din yung iba kong mga kasama dati. The usual thing happened, ang saya ko kasi nakita ko ulit sila lalo na si Doc na sobrang bait sakin,after that nag back out yung kasama ko. Fast forward inaya ko nalang yung Highschool friends ko which is si Daryl and Royce ayun nakapasok din sila as part timer.
First Day ko sa work, pinakilala yung magiging partner ko, si Kath. Mabait sya, cute akala ko ka age lang namin pero it turns out 10 years older sya sakin. Sobrang bait ng mga naging ka work ko, magaan yung work ko walang stress, until unti unting naging madaming work na binigay sakin, One time may new task na binigay sakin ng biglaan, walang kanotice notice, then ni rushed nila ako, pumunta nalang ako ng cr para umiyak ng almost 30 minutes na hindi ko alam gagawin ko, and dun ko narealized na meron talagang part sa pagiging employee yung maiiyak ka nalang, but then naging okay pa din yung lahat hangang sa I used to it, until now yun padin work ko.
Months passed by, naging close kami ni kath, everymonth may inuman sa office and nalaman ko na di pala sya straight and it’s okay with me, wala naman akong pake. Naging sobrang close kami talaga na parang ate ko na sya, I started na mag open up sa kanya sa minor problems ko. Madaming naging issue sa office na nalaman ko were she was included and I kept my mouth shut that time. Ayokong mainlcude sa mga issue nila. Going back, si kath ay naging super close sakin na we texted every night and we shared secrets na din pero she can’t trust me enough pa which na question nya kung dapat ba akong isama sa circle of friend ng ibang department which is tech. Kath told the tech team na don’t trust me pa kasi di pa kami ganon kakilala, but then she’s wrong kasi people trust me enough na kahit mag ka away tayo never kong sasabihin secrets mo. And she apologize for what she says, until there this time na I questioned myself if Bisexual ba ako kasi nga na aatract ako sa girls, so I decided to download bumble nakakita ako ng mga girls but then naisip ko ay di ako na aatrcat dito kasi girl ako kaya I deleted my account. Dun nag start yung pag iisip ko na Bi ba ako, pero may boyfriend ako.
Time goes by, naging super super close kami ni kath, she became so clingy lagi and one time nung nag anniversarry yung company namin, I know na lasing sya she hold my hands, and wala syang meaning sakin pero ang saya ko that time. Nagkaroon ako ng problem sa office which includes her, na suspend ako for 3 days nag sorry sya, and iyak ako ng iyak that time sa loob ng Cr after ako kausapin ng boss ko. She texted me if I’m okay which is hindi ako okay, Hindi ko sya nireplyan kasi I’m not okay talaga.
After that nag text sya skain nag sorry which made me cry talaga kasi ayoko sa lahat na may nagtatanong sakin if I’m okay ba, kasi maiiyak talaga ako. After monthly meeting namin syempre may after party, bago umuwi she hug me, ask me if I’m okay sabi ko No I’m not okay. She comforted me, which is naiyak talaga ako.
She became too close sakin, na hindi ko na alam unti unti na pala akong nagkakagusto sa kanya, She made me feel na I hindi ako staright, she made me realize na mas ma effort ang girls. Nag Baguio kami and we played “jojowain or totropahin challenge” she answered na jojowain nya ako and yun din ang sinagot which is sakin is totoo talaga na I want her not to be my sister figure, I want her to be someone sa life ko. This thing got stuck in my mind for almost 6 months, I’m so very happy kapag andyan sya, kapag nag smile sya and even kapag niyayakap nya ako. She saw me crying lagi kapag may problem ako sa office, nandyan sya para icomfort ako.
I even told her na hindi ata ako straight, but hindi nya alam na sya yung dahilan. Hindi nya alam na dahil sa kanya nalito ako sa gender ko. Hindi ko naman dapat to nararanasan kasi hindi naman ako ganito dati. Tinatry kong iwasan ka sa office pero di ko magawa kasi nga partner tayo eh, hindi ko magawa kasi andyan ka lagi para kausapin ako, andyan ka lagi para tanungin ako kung okay ba ako. Gustong gusto kong sabihin sayo na kung pwede tigilan mo na yung ganitong trato sakin kasi nahihirapan ako, Pero alam kong hindi ko kayang sabihin sayo yun kasi alam kong malulungkot ako, ayokong mapalayo yung loob mo sakin at alam kong ayaw mo din nun.
Alam kong hindi tayo lalagpas kung ano man ang meron satin ngayon kasi meron kang partner at alam ko kung gaano ka kasaya and meron ding akong Boyfriend. Pero sana habang di pa ganon kalalim, itigil na natin? itigil mo na? kasi ako sinusubukan ko, kasi nahihirapan na ako. Sinusubukan kong wag kang kausapin, wag kang itext or ichat at maging professional sa office,
Siguro kasi binigyan ko ng meaning yung love moko, yung iloveyou mo at yung pagiging sweet at clingy mo, yung pag yakap mo at paghawak sakin kaya ako nagiging ganito. Pero alam mo yun sobrang sakit sa puso, sobrang nakakabaliw, sobrang nakakasakit ng ulo. Iniisip ko kung may mali ba sakin,
Hindi ko alam kung saan ako lulugar...
ANG HIRAP MONG IWASAN :( </3 KASI ALAM KO BABAE AKO, PERO NILITO MOKO. MAHAL NA ATA KITA PERO MALI.
0 notes
Text
Bitches. bat kailangan ko mag sacrifice for the sake of my happiness?
0 notes
Text
AYYYY MAY GANITO PALA AKO 😂😂😂 DAMI KONG RANTS SA BUHAY DAT PALA DITO NA LANG. HAHAHA.
0 notes
Photo



AIDE, my last day. Huhuhu. So, uuuhm. first thank you for everything. Thank you so much for accepting me as part of your growing family. You accept me as your friend,intern,employee and even a daughter. Tinuro nyo sa akin lahat lahat. Kayo na ata yung pinakamabait at pinaka generous na employer. Special thanks sa una kong boss, sir pao, thank you for everything na tinuro nyo sa akin kahit everyday nyo akong inaasar dahil muka akong taong buhok. Thank you din sa second boss ko doc pat, the most funny and happy,sa lahat ng tiwala na binigay nyo sa akin doc and especially sa wife mo po dra shaina, thank you for trusting me sa hospital works sobrang thankyou. And ms pam, thank you for trusting me too. For the partners and associates thank you everyone. I will surely miss you guys kahit di obvious sa akin na mamimiss ko kayo. nawala man ako dyan pero di kayo mawawala sa puso ko ❤ i love you all, and wishing you a successful company. Cheers for the success 🍺🍻
0 notes
Photo

Back to old days, For the second time around. Experiencing thins kind of shitness in my life. I fear no one? I am Trying to be stronger than I feel. Everything is falling a part na lang. I dont know bakit ako lgi tinatamaan ng depression. 😭😭😭 but this time hindi sya malala, i dont feel ending my life just for the 2 fucking reason of being depressed. I just wanna be alone, i want to have a drink alone. sleep all day. I thought i wont feel the same again. Bat ganon? Ang hilig ko mag please ng tao na hindi naman nila deserve kung ano at sino ako? Ang hilig ko mag chase ng tao khit alam kong niloloko na ako! Abnormal ba ako? Kahit naman anong advice ibigay nyo sakin hindi sya papakinggan. I know how to cure my depression naman eh not as easy as now, but soon. Me and my boyfriend just broke up, because of my fucking attitude!! i pleased him na wag nya ako iiwan and i love him pero I dont know if that will work, i think hindi coz i know he find some girls out there waiting for us na maghiwalay. And for those girls!!!! FUCK YOU ALL BITHES!!!! I thought this time na mag mamahal ako hindi na ako iiyak kapag ddating sa point na maghihiwalay kami but why this is happening to me???? I cried a lot na yung tipong di na naman ako makahinga. Then makakatulog ako sa sobrang pagod, magigising na umiiyak ulit. Fucking fucking fucking feelings!!! Then sumabay pa tong problema with my family. my tita's are blaming me na im pregnant or nag pa abortion ako because my period runs a month. wtf??? Those judgmental people!!!! It keeps running inside my mind na ganyan yung mga sinsabi nila!!!! Pokpok ba ako?? May pangarap ako s buhay! Hindi ako gagawa ng alam kong di maganda para skin. Alam ko mga sacrifices ng parents ko to sent me sa college. Alam ko ginagawa ko. NEVER QUESTIONED MY MOM'S CAPACITY KUNG PANO NYA AKO PINALAKI!!! I DONT KNOW WHAT TO DO!!! I JUST WANT TO BE OKAY. HOW TO BE OKAY? #life #teenager #broken #familyproblems #depressed
0 notes
Photo










COLLEGE II 🌼🌙✨⚡
Omygad!!!! My pamili. Uhm, wait….. Ahahaha??
So ang post na to ay all about my second year in college!!! Hooray! So eto na.
Ever since enrollment, sobrang natuwa na ko kasi iba na section ko, hahahaha! Natuwa ako nung moment na nalaman kong kasama ko malipat ng block sila Ed at Ced. Yun lang sapat na. ✊ As usual, ang aking panata everytime na magpapasukan, ay another one week extension ng bakasyon. Hahahaha! Pusta ko buhay ko na walang prof na magkaklase agad o kahit man lang papasok sa first week ng pasukan. Wew. Second week, pumasok na ko. Ang napansin ko sa block namin, maunti lang kami. Yung mga tira tira ng lahat ng section nung first year, napunta sa section namin. Majority ng klase ay mga blockmates ko rin dati so chill lang. Wala yung mga kinaiinisan ko. As time pass by, unti unti kaming naging close nung mga bagong faces para sakin. Wala naman kasi akong pake sa iba, kahit nga sa blockmates ko dati, kaya wala talagang familiarity sa kanila. So ayun, nagkaka usap na kami, nagkaka biruan ang everything. Hanggang dumating sa point na sabay na kami mag lunch, lumabas, ganito, ganyan. I don’t really remember the details pero in the end naging magkakaibigan nga kami. Another na naganap ngayong second year, ay naging close din ako sa mga dati kong blockmates, especially kay Mark. Ang galing galing talaga ng timing ni Lord. 💖 From the very first day ko kasi sa Sintang Paaralan, humihiling na ko sa kanya na sana magka friends ako, yung good vibes lang at masaya kasama. Di man naibigay sakin yun nung first year fully, at least nabigay naman sakin si Tita Ed ko. 💛 Hahahaha! At ngayong second year, lalong lumawak ang friendship scale ko kasi ang saya kasama ng blockmates ko. Yiiieee. Nung first sem, maraming naganap, syempre isa na dun yung cramming. Hahaha, di yun mawawala. Pero ang pinaka memorable talaga ay yung Fashion Show namin sa PPD. Wew, aura kung aura talaga lahat!! Nakaka proud talaga na nagawa namin yun, sarap sa feeling. Kahit beyond na ang date ng show namin sa school calendar at dapat nagwawalwal na kami sa sembreak, pinush talaga at pinaghandaan para sa 1.50 na grade!!! Potek. Hahahaha. 1.50 grade ko nun sa subject na yun. Grabe. 😕
Lumipas ang sembreak na parang bula, ni hindi ko man lang na enjoy kasi nagkasakit pa ko boset. Second sem na!!!! Isa sa pinaka masayang sem ko dito sa Piyups! Ewan ko ha, pero vibe na vibe ko talaga tong sem na to. Mas lalo kaming naging close ng mga blockmates ko. We made friends na nakakadramahan na tuwing madaling araw. Si Patricia at Recel. W E W. Ang enjoy lang talaga, kahit sobrang daming requirements, feel na feel na yung pressure, pero ang gaan pa rin ng atmosphere at the end of the day. This sem, nagstart na rin kaming mag ojt. Sobrang exhausting!!! 6 days a week yung pasok tapos linggo lang yung pahinga. Wew. Buti na lang di ako nagbreak down nung mga panahong yun. After ojt, finals naman ang inatupag. Kahit talaga ang sipag sipag mo pumasok tatamarin ka talaga e. Ilang oras ba naman palagi yung vacant dahil sa mga tamad na prof na mahilig mag extend. At ang isa sa malupet na pantawid boredom nung mga panahong yun ay ang UNO cards!!!! Hahahahaha. Dabest talaga yung moments at mga game face ng mga kasama ko pag ganito e. Laban lang!!! Sobrang henyo na namin sa uno pwede na kami pang international! Hahaha. Ang mga talo minsan dare, minsan palo sa kamay. Ketchupan na tu. Sobrang daming first times at unforgettable moments ngayong second sem, unforgettable people, friends, blockmates, professors especially and some acquaintances.
Nakakatuwa na naeenjoy ko na yung buhay college. Parang nung first year kasi, puro masasamang nangyari lang yung naaalala ko e, pero this time, wala akong maalalang hindi maganda na nangyari. Kahit tres man o singko yung grade sa quiz or recitation, no hard feelings. Life goes on, bawi bawi na lang next time. Ganun kasi yung vibe pag kasama ko sila e. Parang okay lang maging carefree, pero still, di ka nagpapabaya sa studies mo. Hays. And before the end of this academic year, another blessing na naman ang nareceive ko from Lord. Dean’s Lister recognition of our College. Kahit ang dami dami kong kasama nun, napaka sarap sa feeling na isa ko sa mga estudyante na yun. Huhuhuhu, isa pa sa mga dumagdag sa pagka overwhelm ko ay ang parents ko syempre. Kahit sabit lang talaga yung average ko dun, saktong sakto lang talaga, sabi nila sobrang proud sila sakin. Sobrang enough na yun para mas lalo pa ko ma-motivate na pagbutihin pa yung studies ko. Tho goal ko talaga magka latin honor sa graduation (well sino ba namang hindi??), minsan di na rin ako umaasa ewan ko ba. Hahahhaa. Gusto ko na lang tuloy i-enjoy tong course na to, team corporate for the win! Major life na next year, more ojt, more requirements, and hopefully more experiences that will make this college life worth while. 💝
3 notes
·
View notes
Photo

Sooo uhm this influential girl having selfie with me is my bestest.shet. So, here it goes. Nako azar mag ddrama nanaman ako dito. I want this to be special kasi sya nanaman yung nag pagawa ulit sa akin ng tumblr. She’s Allaissa. Say hello to her. Sobrang bait neto and caring. She came from different section but naging close kami kasi navibe ko na sya from the very first day palang na I want her to be my friend but God is really good hindi lang friend binigay nya sa akin the best of friend pa. even though second sem na kami masyadong super close. First chats namin about reincarnation lang eh and kwento about my drama in life pero now iba na. I already mention to her na I consider her as My bestest unfortunately di ko naman na witness yung reaction nya kasi di ko naman sa personal sinabi kasi wala sa sarili yan nung outing namin lasing ata. After kong sabihin sa kanya non I confess all my secrets to her kasi I trust her so much and I get Jealous everytime she is not replying to my chats pero nakikita kong may ka tweet 😭. I want to be with her nga now eh to talk anything about life, party, drink all nights and videoke but magagawa pa namin to after 2 years pero we will wait naman. I miss her kahit di obvious sa chats ko sa kanya. Hahaha. I promise to her na sya yung bestest ko for life eh and I’ll hold that promise for life. Alam ko naman you’ll find out this post naman eh. Hahaha. In fact The reason behind changing my path is all bcoz of her. I want to take a medical transcription major but she wants corporate. Just bcoz I don’t want to be alone there and Its hard for me to make friends again and I know its hard for me to find someone like her kaya I’ll change my path. I want to be with her all the time, spending the rest of my college with her will be a lot of fun. Shet baka isipin nyo na im a lesbian a big NO. Im just being thoughtful? Hahhaa. Basta gusto ko lang malaman nya how special she is to me and I treasure every moment that happened and will happen to uss. JUST FOR A RECORD AGAIN. DI PO AKO LESBIAN 😭 I just miss her that much kahit di nya ako miss. Hahaha
#bestest #life #goals
2 notes
·
View notes