Text
College Friends (3)

Ito na nga ang mga pinaka best buds ko nung college.
โข Jed Tyrone K. Martinez - ang pinaka makulit at malakas mangtrip sa tatlong lalaking to. Pero wag kayo, ako daw unang crush nyan nung college ๐คฃ๐คช more of that later haha! Lagi kong kaaway tong lalaking to pero kasundong kasundo sa mga trip.
โข Jerald P. Junio - Si kuya jers na napaka bait at "ideal boyfriend" ko. Hahahahaha! Pero di ko sya gusto maging boyfriend! Gusto ko lang qualities ni kuya jers hehehe sobrang bait kasi. Matalino pa yan si kuya jers at Kuyang kuya ang datingan e ahaha
โข Nicko Angelo E. Garahico - ito crush ng bayan to ahahaha at napakatalinooo! Mayaman pa. San ka pa? ๐คฃ charot ahaha. Sobrang bait din nito ni Nicko at cool. Basta all in package na talaga to kaya ano pa hintay nyo girls?? Ahaha chaarrr!
Sadly, after ng term na to, nahiwalay din kami kay Nicko hehe. Siya lang pumasa sa min sa Calculus ๐ฅฒ ๐
0 notes
Text
Year: 2014
Ito na talaga yung legit college feels ko. Patikim palang yung first two terms last year.
Dito ko makkwento unang bagsak ko ๐คฃ๐
Also, 2014 din ako nag start mag attend ng mga debut ng friends ahaha!
0 notes
Text
College Friends (2)
Itong second set of friends ko.. Ang tawag ko sakanila non sa isip ko is Power Group HAHAHA
Sama sama kasi sila non nung first day palang.. parang close close na sila! So inisip ko nun baka sa Eplus sila naging mga magkaklase hehe. Tapos pag may tanong ang prof, laging sa circle nila madalas mag volunteer! Kaya amazed ako sa kanila, naisip ko ang tatalino nila haha.
Naging friends ko sila nung pinag Group kami ni Mam Pinugu. Nung una gusto sana naming girls (set 1 friends ๐คฃ) na sama sama sa group kaso since 9 lang kaming girls sa klase, hindi pumayag si mam, kailangan daw mag hiwahiwalay kami.
SOBRANG NAFLATTER AKO. PINAG AGAWAN AKO NG GROUPS! ๐คฃ๐ Pero ayun, napunta ako sa power group HAHAHA - Team Philippines! ๐คฃ

From left to right:
Paula Peregrino - napakilala ko na sa previous post ko.
Kent Evalla - Cool kid to! Rich kid ahaha. Umalis din siya ng Mapua after 1 term..
Camille Valera - Rich kid! Grabe sobrang friendly at kalog nito ni Camille. Les ang tawag sa kanya nila Lee. Bahay nila una kong napuntahan sa lahat ng college friends ko. GRABE NAWINDANG KAMI SA GANDA NG BAHAY HAHAHA. After a year ata before niya iniwan ang Mapua.
Japjap Hiwatig - Si Japjap mejo weird na maasarin na tao haha. Lakas maka highschool hahaha. Di ko masyado naging close to and after 1 term lang din yata, umalis na siya ng Mapua.
Renz Lee - Cool friend to! Fashionista! Ang funny nya pa haha. Believe ako sa taong to kasi malapit sa Enchanted Kingdom siya nakatira tapos uwian! YES UWIAN AHAHA Ang chill ng buhay nitong friend kong to pero grumaduate sa Mapua yan, wag kayo hahaha!
Dark Arts Jerome - Di niya true name yan pero nalimutan ko na kasi last name nya ahaha! Dark arts kasi nakalagay sa email niya nung finlash ni sir Quinto kaya un na tawag namin sa kanya. May time pa nun na gagawa kami ng props kila Gabo, tas biglang naglaho na siya.. d na pumasok ever since! And wala kami balita ano nangyare sa kanya. Creepy.
Gabo Andulan - Di ko na tanda name ni Gabo. D ko din alam if tama last name na nilagay ko ahaha! Si Gabo cool kid din yan. Sa may likod ng PWU banda nakatira. Pumupunta kami sa kanila para gumawa ng mga props namin para sa Hum10. Umalis din siya agad sa Mapua after 1 term.
Nicko Garachico - Siyempre save the best for last! Si Mr. Crush ng Block at Pride ng B21 kasi siya lang ang natirang Regular hanggang grumaduate! ๐คฃ Cum Laude pa yan! ๐๐๐ TOP 5 PA SA BOARDS YAN! ๐๐๐ Sobrang proud friend and blockmate! Ahahaha. Dati takot ako kay Nicko! Kasi dati pag sasagot ako, tas napapatingin ako sa kanya, ang serious nya kasi tumingin, akala mo galit ๐คฃ tas naiintimidate pa nga ko non sa group nila kasi nga nasa isip ko power group sila ahaha. Pero d naman ako nagkamali kay Nicko. Ever since i met him talaga, alam ko matalinong tao siya. Sobrang bait, pogi, at talino nitong taong to - sobrang yaman pa! ๐คฃ Full package nga talaga sabi nga ni kuya Jers ahahaha. Isa to sa friends ko na for keeps talaga!
0 notes
Text
College Friends
New school, new life, new friends!
I'd like to remember them all kaya iisa-isahin ko sila dito! Haha. As you have observed in my past posts, lahat ng mentioned names ay naka full name.. Its because someday in the future i might forget them and maybe i'd like to remember or find/search for them.. maybe it will be helpful for me someday haha.
Without further ado,
Here are my first set of friends nung college:

From left to right:
Guiana Monzon - Si Guia una kong seatmate! Nahihiya kasi ako yung iba mga magkakausap na.. e si Guia parang kasabay ko dumating at pareha kaming walang kausap non kaya kinausap ko siya tas ayun, naging magkatabi kami sa class. Dun nagstart friendship namin ahaha. Taga Cavite si Guia, naka ilang bisita at sleepover kami sa kanila nung college.
Chloe Belle Sevilla - Best Gal Pal ko to sa Mapua! As in siya kasama ko hanggang sa huli. Akala ko nung una talaga bitch to HAHAHA GIRL KASE NAMAN ๐คฃ kinausap niya non si Guia tas nag Hello ako sa kanya. GIRL DI MO KO PINANSIN! HAHAHA tho nung kinwento ko sa kanya yun tawa kami ng tawa.. d niya daw kasi talaga napansin na nag hello ako sa kanya. Ahahahaha langya ๐คฃ๐ Mahal na mahal ko to kasi di ako makakagraduate kasabay sila kung hindi dahil sa kanya. Kami ung nag chchat sa isa't isa kung nanjan na ba ung prof, papasok ka ba? ๐คฃ Nakakatawa pa nga kasi may times na nagtatampo o nalulungkot ako minsan pag naffeel kong babagsak ako tas maiiwan niya ko .. pero hindi haha. Sabay kami grumaduate! LABYU CHLOE! ๐
Leslie Calvo - Si Leslie may kakambal si Val! Haha. Ang lagi niya kasama si Mary Grace. Later on nung term namin, hindi na namin siya masyado naging kaclose di ko na tanda bakit hehe. After first term, umalis na rin siya agad ng Mapua.
Patricia Santos - Pat Smiley! Super bait nitong babaeng to at kalog haha! Love ko rin to kasi ang simple and true niya lang! After first term, Once ko lang siya naging classmate uli, sa Hydrology class namin haha pero everytime naman na magkita kami sa Mapua, nagbebeso pa siya sa kin and chumichika haha! ๐
Paula Peregrino - Si Pau madalas ko katabi pag alphabetical! ๐คฃ Mabait si Pau, friendly and may pagkamahiyain. May kasalanan nga ako kay Pau ๐ฅ although d naman intentional! Kasi bday niya nun.. tas nag ramen nagi and Pablo kami nila Chloe, Nicko at Jed.. yung box ng pablo dinala pa namin pabalik sa Mapua, jjoke namin si Pau.. tas before klase namin, binigay ko kay pau ung box sabi ko happy bday from us! Tas nung binuksan nya, walang laman.. naoffend siya ๐ญ IM SO SORRY PAU!! ๐ญ๐ญ Nag sorry naman ako sa kanya pero syempre up to now.. i felt horrible. BAD JOKE!
Mary Grace Manlolo - Nakaclose ko si Grace nung patapos na ang term and nung 2nd term. Nagulat pa ko nun may GF si Grace, si Kristela Tabalina. Si Chloe nakadiscover ahaha. Pero sadly, umalis ng Mapua at nag shift si Grace ๐ฅบ pero proud ako jan! Nag culinary siya at naging happier naman siya. Naalala ko pa dati sobrang torn siya nun kung magsasabi ba siya sa ate niya na hindi siya happy sa CE.. hehe. Sobrang commend and applause for finding her courage and napunta siya sa course na mas gusto niya.
0 notes
Text
Mapua: If you have Big Dreams, Start Here
July 2013, official classes have begun. College na ko!!!!
My block, B21, had Mrs. Jasmine Pinugu as our first college professor in HUM10. Tas we had Sir Edward Quinto (Kapatid ni Jerwin! ๐คฃ) for our Eng10. ๐
Sa Mapua mabilis. 4 terms each year, 11 weeks per term. Vacation? 1 week or 2 weeks lang, balik agad sa gyerra. HAHA
Yes, mahirap nga ang math dito sa Mapua. Grabe naman kase kailangan mo matutunan lahat within 11 weeks! Pero at the end of the term naman, I survived without failing! Sobrang proud pa ko non at shinare ko grades ko kahit hindi naman puro line of 1 HAHAHA

Sobrang big thing kasi sa Mapua pag nakaraos ka ng term ng wala kang singko HAHAHA. Napakatalino mo na kung wala kang tres ๐คฃ tho swertihan din kasi actually sa prof.. tulad nung sa Math12-1 ko, napakakuripot ng prof namin jan ๐คท๐ปโโ๏ธ at sadly, ang dami sa aming bumagsak don. ๐
After surviving first term without 5.00, proud ako na matatawag pa kong "Regular" ๐ Sadly, the streak continued for 3 terms only. Yes, I failed a subject for the first time and grabe heartbreak ko non HAHA! This story is going to be told on a separate blog kasi ganon siya ka memorable ๐
Moving on, After First term palang, ang dami na agad Frosh ang umalis sa Mapua. Usually daw dahil sa pressure ng fast paced learning, stress at hirap. Dagdag pa nga ng iba, kasi isang linggo lang ang bakasyon! HAHAHA
0 notes
Text
J23 | English Plus Class
Grabe, ang solid nitong class na ito! Nakakatuwa pa kasi kaklase ko si Ana Marie dito kaya mejo comfy ako hehe.
May crush ako sa class na ito; Si Jerwin, na kapatid ni Sir Quinto - who was one of my fave profs sa Mapua!!! Syempre may ka-MU ako kaya d pwede lumandi, hanggang crush crush lang HAHAHA
Meron din noong nagkacrush sa kin na kaklase ko dito na gusto ko ligawan kaso d pede kasi may KaMU ako hahaha
Every after class namin, sabay sabay kami kumain sa SM Manila tas naglalaro kami sa Toms World para makapag ipon ng tickets. Yung tickets na naipon namin, inexchange namin for mug at stuff toy ng toms world na binigay namin sa EPluss instructor namin haha. Ang sweet namin noh? ๐คฃ

Sobrang fun talaga ng June 2013 because of this class. Thanks, self kasi naisipan mong magpaenroll sa class na ito!
But syempre, all things must come to an end..
Iba iba kami ng courses, onti lang kapareho kong CE.. Nung official class na sa Mapua, after 1 term lang, Marami sa J23 ang umalis na ng Mapua which is sad. Pero di rin nagtagal, may sari-sarili na kaming group of friends kaya hindi na kami nagkasama sama uli nung nag start na ang official classes. :(
Well ganun talaga sa life. There are moments where you will feel na you don't want that moment to end but it will.. You don't want to part with some people who once became a part of your everyday life .. but eventually, you will have to.
So always live in the moment and make beautiful memories. I highly suggest to take photos! So you'll always have something to look back to and reminisce.

0 notes
Text
Welcome to Mapua!
Before the official classes started sa Mapua, meron agad akong memories na ayokong malimutan.
Inquiring for Admission for Entrance exam - Ako, Si Mama Marlyn at JM ang magkakasama noon. Commute lang kami, nag LRT kami, baba sa Central Station, tas ayaw nila maglakad so nag Pedicab kami. ๐คฃ IMAGINE KAMING TATLO SA PEDICAB TAPOS MEJO MATANDA YUNG DRIVER. GRABE SOBRANG HILARIOUS. SOBRANG BAGAL NAMIN AHAHAHA TAS SI MANONG HIRAP NA HIRAP, GUSTO NALANG NAMIN ITULAK.
Oy pero kidding aside, Naaawa kami kay manong kaso wala na kasi talagang pedicab non tas gusto niya kami isakay kasi siyempre kita niya un..
so ayun na nga pag baba namin.. tawa kami ng tawa. And everytime maalala namin yun, classic. ๐ Ahahaha
Entrance Exam - nung nag inquire palang kami, sabi nung babae pwede na daw ako mag exam on the same day. D ko na matandaan if nag same day ba ako or week after.. Tas nung exam na mismo, mabilis ko lang natapos yung exam. Kinakabahan pa nga ako bago mag exam kasi sabi merong computer related blabla questions.. best in computer ako ng elem pero malay ko ba ano ibig sabihin nito, kung ano mga itatanong dun ๐คฃ pero thankfully madali lang naman pala ung exam hehe.
Physical and Medical Exam - Nakilala ko ung first friend ko sa Mapua! Si Cy Castillo na nasa Australia na ngayon hehe. Tas si Carissa Palmon, Nikki Magay, Janine Sabater at Rhea Pacheco
Psychological exam - Same room kami ng exam ni Rhea at Janine so tabi tabi kami. Si Janine at Rhea nag papataasan ng grade sa Math. Pinagmamalaki pa ni Rhea na 98 sya ganern tas si Janine 90 something din .. e ako di nalang umiimik kasi d naman ganun kataas grade ko sa math so ngiti ngiti nalang ako sa kanila.. nakiki Wow ganun haha kasi sabi ko d ganun kataas grade ko! Pero deep inside nappressure ako.. iniisip ko.. iba pala talaga pag top engg school! Kailangan magaling sa math!!! So ayun na nga nag exam na kami. By the end of the exam, nacheckan din agad ung papers, and ung result, mataas nakuha ko - "Superior level" yung equivalent! Tas si Rhea "Mediocre", Si Janine ung nasa gitna nung dalawa namin ni Rhea.. so yung dalawa nagulat sa kin! Superior! Pinakamataas! Jinojoke ko lang daw ata sila na d mataas grade ko sa math. Deep inside ko nun, sumasayaw inner me ko nun sa sobrang proud HAHAHA
English Plus Class - July pa talaga pasok namin sa Mapua.. pero pag June merong inooffer na EPC para sa mga frosh na gusto mag jumpstart ng english class nila. E dahil nabbore ako, sabi ko kay Mama Marlyn, gusto ko mag Enroll hihi. Para rin may baon na ko ng June! HAHAHA and thankfully napagdecidean ko un kasi i met the best pips at J23 class ๐
0 notes
Text
Graduation Gift
As Grad gift, nag out of country kami! We went to Cambodia! ๐ Me, Apy, Mama Marlyn, Kenet and JM. Then kasama namin Rivera Family.
Sobrang memorable nito since eto first out of country na magkakasama kaming 5 and ang ganda ganda dun!
Simple lang ung country nila, akala mo nasa probinsya ka ng Pinas. Papaunlad palang din sila pero Wow! Dami naming pinuntahan dun including yung infamous Angkor Wat!
Isa pang memorable event dito is na heat stroke si Sir Elorde dito! Grabe takot namin nun! Buti nalang umOK si sir nun. Nagpahinga lang and pinaypayan namin.. tas merong 2 foreigner na mukhang chinese, binigyan siya ng gamot oara sa hilo daw.. parang energy drink siya na powder, ihahalo pa sa water.. Thank, God kasi wala na masamang nangyare after nun.
First day palang yun actually and after that naman, nag proceed kami sa itinerary namin without any problems na.. karamihan sa pinuntahan namin is temples. Nakakatuwa nga eh, feeling Indiana Jones kami atsaka feeling namin kami ung Character sa larong Temple Run! Hahaha
Ang mahal lang ng bilihin sa Cambodia kasi US Dollar ang pera na gamit nila since wala pa daw silang sarili nilang currency.
Also pala, eto yung time na usong uso yung gwiyomi! HAHAHAHAHA
Siyempre di nagpatalo si Ate ghorl!! Nakitrend!! ๐คฃ AT SOSYAL GWIYOMI KO, IMPORTED! ๐คฃ MADE IN CAMBODIA! AHAHAHAHA โ๐ผ
0 notes
Text
So Where to Next?
With so much schools to choose from, paano nga ba ako namili kung saan ako magcCollege?
Honestly talaga, nung una, UE, TUP, PLM lang ang nasa isip ko non since iniisip ko financial capacity namin, at dalawa kami ng kuya ko magccollege. Kuya ko nga AMA at STI lang gusto niya.. nung una PUP pa nga.. kaso ayaw nila mama marlyn dun dahil sa activists and nakakatakot ung place..
Pero nung time na yon, sobrang generous talaga ni God sa min. Meron nanamang miracle na nangyari. Nabenta ung lupa nila papa sa Grace kaya nagkaron kami ng pera.
Sabi nila Mama Marlyn sa kin, sige na mamili na ko ng gusto ko talagang School. Itatabi na nila tuition namin for 2 years, and the rest is mapag iipunan naman na nila ni Apy ๐ญ๐
Si kenet, pinag exam nila sa Adamson at FEU, ako di na ko nag exam kahit gusto ko rin itry kasi maganda din engg dun pareha .. kasi sabi nila mama marlyn, nappressure daw kuya ko pag kasama ako mag exam. Feeling niya, ako papasa, siya hindi. Kaya nagparaya na ko since madami naman na din ako napasahan at mahihirapan lang ako lalo mamili ahaha! In the end, sa FEU si kenet pumasa at nag college. Sobrang saya namin for him and siya rin, masaya at excited.
So ako naman, gusto ko na talaga nun is UST. since dream ko dati is mag-aral sa UAAP school or NCAA school at maging part ng volleyball team. But since i can't play anymore.. might as well grant my first wish nalang hehe. Tas magkalaban kami ni kenet pag ust vs feu HAHAHA
Pinili ko nung una UST because lagi nandun Silent Sanctuary HAHA! Lagi may paEvent UST ๐คฃ And because accessible sa min hehe madali mag uwian.
So ok na sana lahat, nakapag down na kami, may schedule na ko, uniform, black shoes ..
Problema is nung nabasa namin ung about sa NSTP ng UST AHAHA basta parang nakalagay dun is out of town siya.. tas ayaw ni Mama Marlyn .. then from there.. parang sabi ko, ok try muna natin sa iba? .. hehe .. parang gusto ko na rin muna mag tingin sa iba. HAHAHAHA kala mo nag shshopping e.
So ang mga kinonsider ko na this time is TUP, PLM, UE, MAPUA and here's why:
TUP - Nandun si Kuya Veron ๐คฃ Cons lang is andun si Bakla. HAHAHA CHAR!
PLM - Magandang Engg school, nandun si Kuya Alvin ๐คฃ
UE - Magandang Engg School din and Full Scholar akong papasok don.
Mapua - Top 1 Engg School! And wala pa akong alam na kaklaseng CHS na dun mag aaral. Gusto ko kase malayo sa mga taga CHS sa totoo lang ahaha kasi para walang comparison hehehe โ๐ผ
And in the end, Sa Mapua na nga ako nag-aral.
EE talaga dapat course ko sa Mapua.. kaso ayaw ni mama marlyn since sa kuryente namatay si Papa .. kaya sabi ko sige kahit anong engg nalang.. sabi niya.. Civil ayaw ko daw ba? Civil si tito dandy e..
Ako naman tong si madaling kausap. Edi ok sige, Civil Engg.
And that's the story of how my miserable college life started. HAHAHA CHARR.
0 notes
Text
HS Graduation Day
Naaalala ko HS Graduation namin ng Kuya ko. May sumpong ako nun! ๐คฃ
E kasi may pasok sila Mama Marlyn at Apy.. e gusto ko sila umattend kasi Special event yun e!!! :(( Pero ayun kasi umiyak ako sa bahay non kaya si mama marlyn umattend.
Not in good terms pa kami ng Shrekies nun.. d ko na maalala ano drama namin non. Pero malungkot ako nitong Grad na to. Pero may pic kami ng shrekies nun.. d lang namin alam nakaninong camera haha.
Tas may picture kami together ni JOHANN!!!
QUICK INFO! Isaiah Johann C. Pilapil - Ex BF ko. POGI DIN TO AHAHAHA! Kilabot din ng regulars yan haha! 2nd yr HS naging kami.. nakilala ko sa TLE class ko yan HAHAHA magkasunod kami ng klase. Huhu pogi pa rin siya ngayon and ok naman kami nito after break up since d naman kami serious HAHAHA. Nakakachat ko pa to dati after break up e.
So ayun na nga.
After graduation, nag lunch lang kami nila Mama Marlyn sa Max's tas umuwi na rin agad.
Selemet CHS! Napakadami kong masasayang memories dito. Dito po ko natuto lumandi.
HAHAHAHAHAHAHAHA โ๐ผ
1 note
ยท
View note
Text
College Admissions
Ang pinaka stressful na part as a Senior HS Student, is yung pag figure out ng course at school mo sa College.
As Graduation nears, the pressure is increasing. Lahat ng tao sa paligid ko, nag rereview.. Nagreresearch saang school maganda kumuha ng ganitong course .. while ako .. either tulog o nagbabasa ng novel book sa isang tabi, walang paki sa future ko.
Honestly kasi, hindi ko din kasi alam ano gusto ko maging someday sa dami kong gusto. Ang gulo noh? HAHAHAHAH. I mean, hindi ako makapili ng isa lang. And if magiging OK ba ko dun, d ko ba pagsisisihan? Ok ba sa fam ko?
Sa school naman, HINDI KO ALAM KUNG AFFORD BA NAMIN!!
So ayun, at dahil gulong gulo ako at tamad na tamad ako mag isip nung mga panahon na yun, pinagexaman ko lahat ng school at iba iba actually courses na nilagay ko dun ahaha! Civil engg, Electrical Engg, European Studies, Comp Engg, Comp Sci, Communications - yan ung mga naalala kong nilagay ko sa applications ko haha!
Bahala na ang tadhana ano mapasahan ko.. tas kung ano man course na nilagay ko dun, edi un na course ko! HAHA!
Sabi ko nga sa old account ko:

Never akong nag hawak ng reviewer o review books.. sobrang binigay ko nalang talaga sa tadhana kinabukasan ko HAHAHAHA.
But hey gurl! Ewan ko anong miracle ang nangyare at binuhos sayo ng Diyos ang lahat ng biyaya.
NAIPASA MO LAHAT NG PINAG EXAMAN MO GURL!
UST, DLSU, BENILDE, TIP, TUP, PUP, UE, MAPUA, PLM, UPLB !!!
Congrats! At sobrang proud na proud ako sa sarili ko nyan!! Imagine?!?! Walang aral aral!!! Sobrang pinagpala ako promise! Hindi ko rin talaga inexpect as in!!! Kaya Thank You po talaga, Lord! I love you po!
Never ko naexperience ung heartbreak from failing. HAHAHAHAHA YABANG ๐คฃ PERO KASI AS I SAID, SOBRANG PROUD LANG TALAGA AKO. HAHAHAHAH BRAGGING RIGHTS AHAHAHAH IM SO SORRY!
Kaya ang ending nyang lahat, nahirapan pa rin ako mamili san ako papasok kasi nga lahat naipasa ko, tas iba ibang course. So tinamad din si tadhana mag decide for me. Ako pa rin pala ang mamimili ng course ko in the end at ng school ko. Haha! Napaka Daya mo, Tadhana! ๐คฃ
1 note
ยท
View note
Text
Fell in love
Yoko na sana ilagay to dito e. Ahahaha kaso for looking back purposes .. HAHA! ok lezzdudizz
So before i graduated, may kaMU ako. Si Joen Klinde L. Gomez. Lower year siya sa min, we met 2012, nung Science Group Quiz Bee where kailangan yung 4 members ng group is iba ibang year. Himblis na si Jonathan Jimenez ang kagroup ko, tokis siya, kaya last minute nag hanap ako ng kapalit niya.. nung nag hanap ako, si Joen nalang available non kaya siya naging kagroup ko.
After nung quiz bee, naging textmates na kami tapos one day, inasar ako ni lyssa dun tas later on, etong si lalaki nag confess sa kin. DZAI HABA NG HAIR KO JAN! A month after nyan mag confess, may pa Bouquet at Cake pa yan! Happy 1 month daw HAHAHA AKALA MO KAMI NA E AHAHAHA pero binigyan ko din siya ng "effort book" nun. Clearbook na puro art lang naman laman nun.. pero dun daw siya natuto mag effort dahil sa kin haha.
Nag ask si Joen ng permission kila apy non kung pwede manligaw kasi yun ang requirement ko sa mga manliligaw ko haha! Tho pumayag naman sila apy, di' type ng fam ko si Joen.
We spent prom together. I wore a violet long back gown hihi ang cute nung gown ko! Tas ang ganda din ng sandals ko nun.. silver high heels na may wing na design yun eh. Hehe just wanna remember :))
Nung birthday ko, sinurprise ako ni Joen. Uwian non. Tas mag infinitea kaming friends.. nasa room kami, tas cleaners kami ata nun.. e ako tong nagmamadali maglinis para gora na sa Infinitea.. etong sila Micah ang bagal! Dre seryoso ngayon ka pa sinipag mag linis?? HAHAHAHAHA then biglang kumanta na sila ng happy birthday.. etong si koya may pasurprise pala! D ko tanda kung eto ung day na may malaking heart gawa sa cardboard siya na binigay o kung nung valentines ba yon HAHAHA basta gift nya sa kin ng bday ko is HARRY STYLES NA BARBIE! HOY KILIG NA KILIG AKO NON! 2K PA WORTH NUN NOON EH! HAHAHAHA
Naging kami ni Joen nung October 27, 2013. Sa MOA Eye kami nun.. nung nasa tuktok na kami, kala mo magppropose siya e HAHAHAH lumuhod si loko, may pa ring pa! ๐คฃ mejo fail nga lang, nalaglag nya yung ring e! HAHAHAHAHA lam mong d meant to be e. HAHAHAHAHA tas siyempre kilig ate ghorl nyo non. Syempre yes sinagot ko non kasi mahal ko yun non e.
Then 2 years later, nag break din kami. The end! ๐คฃ HAHAHA CHAR!
TO BE CONTINUED UNDER SA IBANG YEAR!!! ๐คฃ
1 note
ยท
View note
Text
Year: 2013
New Year, New Life. This was the year i swore na I will do better. The start of something new.
Prom was just around the corner and Graduation!
1 note
ยท
View note
Text
The Most Heartbreaking part of 2012
This was the year Dada died.. ๐ญ๐
Before Dada died.. napanaginipan ko siya as if he was saying goodbye.. ๐ญ๐
In my dream: I remember ung place is sa St. Dominic.. mausok ung paligid.. maputi. Tas nakita ko sa gitna si Dada.. yumakap ako sa kanya tas sabi niya sa kin ng nakangiti.. Malapit na pala yung katapusan.. so ako, di ko maintindihan.. tas lumakad siya palayo.. umiiyak ako, sumisigaw ako sa kanya.. Dada! .. hahabulin ko sana kaso wala na siya.. tas iyak ako ng iyak, sigaw ng sigaw ng Dada!
Hanggang sa nagising na ko, umiiyak pa rin ako. Gusto ko sana yayain sila mama marlyn non pumunta ng Quezon para bisitahin si Dada.. kaso alam kong di kami makakapunta dahil sa school .. ๐ญ๐
And months later.. wala na siya ๐ญ๐ญ
Natandaan ko pa yung gabi bago siya nawala.
I was talking with Joen over the phone nun.. told him na hindi pa ko nakakapag I love you kay Dada.. and na he's sick, nasa Quezon ..
I really thought that night, God is my witness, bukas kakamustahin ko si Dada. Madaling araw na kasi nun.. kaya matutulog na muna ko ..
And when i woke up the following day.. nagulat ako hinihintay ako magising nila Apy, which i found weird. They said, maligo na ko at pupunta kami ng Quezon.. so natatakot ako. Ayaw nila sagutin bakit kami pupunta e. From the moment i woke up, hanggang sa byahe.. i was secretly crying and praying na Please, Lord. Sana parang dati lang, kakailanganin nya lang ng surgery or what.. kaya kami pupunta..
But I was wrong.. the news was he was gone. ๐ญ๐ญ๐ญ๐๐๐
I will never ever forget the pain.
Ang kwento ni mama taba:
Nung umagang yon.. nagpabili pa daw ng pagkain si dada kay mama taba ng pagkain.. so lumabas si mama para bumili .. tas nung nakahain na siya ng almusal nila.. nung kakain na sila.. biglang d na daw gumagalaw si dada.. and thats how he passed away ๐ญ๐ญ๐ญ๐๐๐
Somehow, we were happy with how he passed kasi we think he passed away peacefully. He was at home with mama taba, was about to eat something he requested. He even waited for her to come home! Instead of dying sa hospital, alone.
At sobrang nakakagalit pa noon kasi I remember the day na nilibing siya.. NANAKAWAN YUNG BAHAY NAMIN SA QUEZON!!! As in someone broke into our house! Sira ung lockan, magulo yung damitan nila mama ๐ญ๐ญ sobrang heart breaking lalo para kay mama taba ๐ญ๐ sabi niya ang nawala daw is mga alahas na ibibigay niya sana kila apy.. ๐ญ๐
Now, going back sa Quezon is SO PAINFUL. And ayaw na namin bumalik dun.
If I would have the chance to talk with Dada again.. i'd like to tell him this:
I LOVE YOU SO MUCH DADA. I REALLY HOPE I COULD SAY THAT TO YOU IN PERSON. I'M REALLY SORRY I WASN'T ABLE TO. ๐ญ๐ญ๐ญ HINDI KO KASI MAALALA KUNG NAKAPAG I LOVE YOU AKO SAYO NUNG DINALAW KA NAMIN DATI.. BUT STILL, IM SO SORRY I WAS NOT ABLE TO SAY AND EXPRESS IT AS MUCH AS YOU'D LIKE ME TO. And I like to thank you sooo much. Kahit na most of my life, we were apart, i know there was never a day you did not think of us. Pag nandito ka sa bahay, minsan nag aabot ka pa ng baon sa kin kahit 20 lang o 50.. kahit alam kong mas kailangan mo yung pera .. kinukuha ko pa rin kasi alam ko namang masasaktan ka pag tinanggihan ko .. pero i'm really really thankful dada. Im really happy pag nakikita kita sa bahay.. A day na i know you are fine and strong, sobrang masaya na ko. Pag uuwi na kayo ng quezon, it breaks my heart kasi d ko alam kailan na uli kita makikita.
If i would be reborn again, i would like to be born as your daughter again. I want to be reborn with you and mama taba as my parents again. Together pa rin tayo nila kenet, jm.. and sila apy, mama marlyn at mami.. ๐ญ๐ญ๐ญ
1 note
ยท
View note
Text
2012: New People in my life
New Bestfriend!
This was the year na naging BFF namin si Chrishelle and naform ang Shrekies ๐ Me, Allyssa, Micah and Chrishelle. And up til now (2021) we still keep in touch! :)) tho sobrang rocky road ng friendship namin haha. Well, i admit, ako kasi may kasalanan mainly, but we'll get to it later in my future posts haha.
New Suitor!
The year I met my ex, Joen - YES SPOILER AGAD! NAGING KAMI AT NAGHIWALAY DIN NAMAN KAMI AHAHAHA
New Friends!
Thru Joen, I met Carl. He deserves to be written in this page kasi sinamahan niya ko sa Meet&Greet with Ateneo Volleyball players ๐ญ YES GIRL! NAKAPAG PAPICTURE AND PAPIRMA KA KILA ATE ALYSSA, ATE AMY, ATE AERIEL, ETC ETC. BUT MOST ESPECIALLY WITH DENDEN LAZARO! All thanks to Carl! And Mama Marlyn and Apy ๐
Sadly lang, now, we don't talk anymore. Well college happened and we lost touch na.. tho i saw him once nung kasagsagan ng Pokemon Go. Sobrang taba niya na. Heart throb sya sa UE nung HS eh.. ngayon tumaba siya ng sobra.. hope he's fine.
Also, I met Doms!
Dominic Jasper Jose ata full name ni Doms. I can't remember na last name niya.. nag deactivate na siya sa FB e :((
I met Doms dahil sa pagpapalike para sa robotics. LOL! Taga St. Bernadette siya and he's a big fan of Silent Sanctuary din. From there, madalas na kami magchat about different interesting topics! Crush ko to! HAHA pero hindi Jowable kasi ang layo, di praktikal. HAHAHA pero huhu kung schoolmate ko lang sana siya, mas jojowain ko to kesa kay Joen realtalk HAHAHAHAHA โ๐ผ
Di ko na siya nakakausap now, deactivated na FB, And nasa US na siya. Ang memorable nitong tao nato kaya deserve nya mamention dito haha and I have a story bout him later on :))
1 note
ยท
View note
Text
Year: 2012
Last post in my old tumblr account was about me - stressed with a lot of school stuff and college admissions haha! So let me start my life update with my senior year.
The following posts will be about my life during the year 2012! Haha
1 note
ยท
View note
Text
Yes, thanks for the playlist, Spotify! Spotify read my mind ๐
LOL!

1 note
ยท
View note