Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Unang Araw.
Masaya naman siya. Kahit hindi na ako magchat. Kumain sila ni Alexa. Alam kong masaya siya so masaya na rin ako for her. Mahal na mahal ko siya.

0 notes
Text
Pangapat na Kabanata: Presensya

Iba ang tema ng araw na ito. Late ko na itong na-post pero laman nito ang kaganapan sa pangapat na araw mula noong nagdesisyon kaming hindi na ipakita sa isa't isa ang pagmamahal namin.
Nagkita kami. Hinintay ko siya. Akala ko, galit siya. Pero hindi ko alam. Siguro, it's a mood na gusto niyang i-portray sa aming pagkikita o talagang 'yon lang ang nararamdaman niya. Totoo naman rin na valid ang dahilan kung mapili niya man na ganoon talaga ang ipakita sa akin sa ganoong pagkakataon.
We bought our dinner(?) sa Jollibee like we always do and went to our place. Alam mo, it was really different. It was really reminiscent of who we were when we first got close. Lagpas one hour kaming nagkkwentuhan lang. Ang saya. We said our pieces. We said what we have to say. And I think, those words were really reflective of what we felt. Nakwento ko rin at nabasa sakan'ya ang existence nito. May nakwento rin siya sa akin. Ang bottom line, masaya ako sa panahon na nagkwentuhan kami for that period of time. Ganon kami palagi eh.
Nakakamiss. Ganoon yung mga panahon na when I look back, talagang nakakamiss. Hindi yung intimacy. Hindi yung other acts. Pero yung alam mong even with the simples gestures, we get to show how much we love each other. The PRESENCE. Kaya nga noon, iyon talaga ang nickname niya sa phone ko. PRESENCE.
I miss your presence. Kung posible lang, I'd want to spend my life in your presence. Hindi ko alam what is to happen the coming days. Pero... I really miss your presence, Ericka. I miss you.
0 notes
Text
Kabanata Tatlo: Ang Ugong ng Katahimikan

Ikatlong araw. Marami na ring nagbago. Malaking tulong 'yong busy sa work. Ang kaso lang, at the end of the day, babalik pa rin sa nakasanayan. So, I still long for her.
Magkausap kami kagabi. Wala talagang kwentuhan na naganap. Tahimik lang. Habang natutulog. Syempre, masarap sa feeling na nararamdaman kong nandiyan siya. At the other end of the line. Yung breathing, thought, presence. Iba.
Magkausap rin kami kaninang umaga. May sinabi siya sa akin. So, napapaisip pa rin ako sa pwede naming pagusapan. Bukas. Magkikita kami. Kung ano mang meron doon, malalaman nalang.
Nalulungkot ako na natatakot. Kasi, habang tumatagal, alam kong nagiging distant na rin siya sa akin. Na naiintidihan ko naman. Naiintindihan ko talaga. So, make the most out of our convos nalang. Though hindi na rin siya pala-reply. Tanggapin nalang. After all, ito rin naman ang best for her.
Nakakalungkot lang. Mahal kita, Ericka!
0 notes
Text
Ikalawang Kabanata: Absence

Pangalawang araw mula nang pinili na ni Ericka na huwag na akong pansinin. Feeling ko, medyo hindi tama 'yong opening ko sa una dahil kahit sa maliit na paraan, pinakikita ko pa rin sakan'ya na mahal ko siya. So, aayusin ko. Pangalawang araw mula noong hindi na ako pinansin ni Ericka.
Linggo ngayon. At sa totoo lang, namiss ko siya. Namiss siya ng church. Ng mga bata. iba ang aura kapag nandoon siya. Hindi ako napunan ng dahilan para tumingin sa likod. Wala akong titingnan eh.
Pero higit sa lahat, namiss ko siya. Noong mga huli niyang attend, hindi na niya ako nginingitian. Nakakamiss 'yong kapag nasa church kami, magkatabi kami. 'Yong funny moments namin na magkasama. Lalo na nung naguumpisa palang siya. At naguumpisa palang rin kami.
Ngayong araw, ramdam ko ang absence niya. Mula kahapon pa talaga. Hindi na niya sinasagot 'yong mga tawag ko. Wala ring reply at 'see' sa messages ko. Which is something I really understand. Nakakalungkot lang kasi sobrang bago ng dynamics ng gabi ko. Pagtulog. Paggising. Iba. Crushing. Nakakadurog. Mahirap matulog. Mahirap bumangon. Lalo na kapag naalala ko na umiiyak siya noong huli ko siyang nakausap.

Nakita ko pala day posts niya. Kasama niya si Gwen. Nakita ko na may bible siyang dala so I'm sure, nag-church siya. Di ko lang alam kung saan. Sana, kung nasaan man siya, safe siya palagi. Nakita ko, ngayon lang, as in ngayon lang, na nasa labas pa siya ng 8:56 p.m. So, kung nasaan man siya, sana safe siya.
Nakakamiss talaga siya. I feel the absence, so bad. Alam kong she is trying to move forward without me na. Sana, maging masaya rin siya. Sana, maging masaya na rin ako para sakan'ya.
Mahal kita, Ericka. Love. Baby. Dito nalang muna for tonight. I miss you.
0 notes
Text
Unang Kabanata: Pagintig ng Musika

Unang araw ngayon. Unang araw mula nang pinili kong hindi na ipakita ang pagmamahal ko para kay Ericka.
Huli kaming magkausap, kanina umaga. Ayaw ko pa talagang ibaba 'yong tawag. Pero may pasok ako sa COLM. Wala akong choice. Pero parang siya yata nagbaba ng tawag kanina.
Habang kausap ko siya, naramdaman ko lahat ng emosyon na dapat ko yatang maramdaman. Naramdaman ko 'yong kalungkutan kasi alam kong hindi ko na siya makakausap moving forward - sa paraang kinakausap ko siya ng lagpas isang taon. Sobrang sarap kausap ni Ericka. Sa totoo lang, siya ang gusto kong kausap sa 'di ko malamang kadahilanan. Lagi naman 'yon. Paggising, bago matulog. Minsan, kapag nagising ako ng madaling araw.
Ewan ko ba. Kapag kausap ko 'yon, I have the penchant of making her feel na I really love her. Habang kausap ko rin siya kanina, I really wanted to make her feel na I really love her. Alam kong hindi na siya inaasahan at sa totoo lang, hindi na siya pwede. Pero it was everything na I wanted. It is everything na I want habang sinusulat ko ito.
Habang kausap ko rin siya kanina, nakaramdam ako ng pagmamahal. Pagmamahal niya para sa akin. Sobrang legit. Habang kausap ko siya, naramdaman ko na she was willing to fight for me. Naramdaman ko na she was willing to fight... against all odds. Mas na-verify siya noong nabasa ko blog post niya. Sana pala, bago pa lahat, binasa ko 'yon. Marami akong na-realize upon reading it.
Pero mas naramdaman ko 'yong degree ng pagmamahal ko sakan'ya. Kasi, parang noong panahon na iyon, mas pinili ko na 'yong benefit niya kaysa sa akin. In the past, parang naging selfish ako. Laging sarili ko pinipil ko. I always chose to stay. I always made her stay. Akala ko, it was the best decision. Pero may realization ako. From our convo the past night. Yung mga sinabi ng friend niya. It struck me. Nag-carry over sa kinabukasan. Nong nagusap kami, when she opened the idea of getting everything over na, I finally(?) had peace with my heart to let her go. Not for my sake, but hers. Kasi, it is what she really deserve. Wala rin akong maibigay sakan'ya that makes the stay worth it. So, naramdaman ko na mahal ko siya kasi finally, binigyan ko siya ng chance to be with herself - without me.

So, bakit pagingtig ng musika?
Narinig ko kasi 'yong Musika na inawit ni Dionela. Habang nasa byahe ako pauwi. Nilagay ko sa shoulder ko yung phone para malapit. Ayaw ko namang mag-pods kasi driving ako at baka delikado. Nilagay ko talaga sa playlist na Cycle-Fifty Seven since iniisip ko talaga itong entry na ito. Naka-shuffle. Tumunog. Akala ko, nilagay niya. Hindi pala. Pero nagustuhan ko 'yong kanta. Napakaganda. O dahil lang siguro naka-relate ako ng sobra sa lyrics.
Ikaw lang, mahal, laman ng tula Tunog ng gitara't himig ng kanta Kumupas man ang tinig ay hindi mawawala Hiwaga mong dala Ikaw aking musika
Solid, 'di ba? Maganda. Tapos, sinundan pa ng representation ng current status namin.
Kung dumating ang araw na 'di na maalala Ng iyong mata ang aking mukha Mahal, huwag kang mag-alala, tanda naman ng puso Ang itsura ng naging pagsinta
Kung oras ay nababalik lang sana Ay babalik no'ng una kang nakita Muli kang liligawan nang muli kong maranasan Ang umibig sa anghel sa lupa
Lahat ng inclination ko sa music, in recent history, puro kay Ericka. Hindi man siya ang main reason why I am into music, siya ang main theme ng bawat kanta na naririnig ko. From Taylor Swift, The Ridleys, lahat ng mga kanta sa playlist namin, basta. Siya ang alaala. Kung may personification ang music, si Ericka 'yon. Especially, sa akin. Siya nga yata 'yong aking musika.
Ngayon, hindi ko pa siya nakakalimutan. Hindi pa posible na makalimutan ko siya. Na hindi maalala. Pero kung dumating man para sakan'ya 'yong pagkalimot sa akin, pangako kong lagi kong dadalhin 'yong pagalaala ko sakan'ya.
So, sa ngayon, tapusin ko na ito. Hindi mawawala ang hiwaga mong dala. Ikaw ang aking musika, Ericka.
1 note
·
View note