Text
Pinagtagpo, itinadhana sana kaso 🥲🥲🥲
TNW One Shots
Title: God Gave Me You
“She’s beautiful.”
Mga salitang nakapagpakunot ng noo ni Cassandra Zordick nang sabihin sa kanya iyon ni Joseph Zach. Malaki ang ngiti nito habang nakatingin sa iniinom nitong kape.
“Nakita niya yung Herring’s Eyes sa jewelry shop.” Tumawa ito nang mahina. "Matagal na iyon doon pero ngayon lang may nakapansin. At gaya pa niya.“
Iyon ang unang beses na nakita ni Cassandra ang napakasayang ngiti kay Joseph simula noong makasama niya ito. Ngiti na lalo sanang makakapagpasaya sana kung hindi ibang babae ang pinag-uusapan nila.
"Simple lang siya, Cas!” masayang saad nito. "Magugustuhan mo siya kapag nakilala mo.“
Isang pilit na ngiti naman ang ibinigay ni Cassandra kay Joseph. Napahawak tuloy siya sa engagement ring na suot niya. "Joseph…”
“Hmm?” Tinignan siya nito na may napakatamis na ngiti.
“Yung kasal… natin.” Agad siyang napayuko at napa-buntong hininga. Pinilit niyang ngumiti upang ipaalala kay Joseph ang tungkol doon bago ito tingnan kaso nang makita niya ang reaksyon nito'y agad siyang sumeryoso.
“Kasal…” Iniwas agad nito ang tingin sa kanya. Nawala na ang kanina'y maganda nitong ngiti. "Oo nga pala.“
Napakuyom ng kamao si Cassandra dahil mukhang nakalimutan nito ang tungkol sa kasal nila.
"Joseph kung may problema… sana maaga pa lang sabihin mo na,” malungkot niyang sinabi.
“Hindi.” Umiling si Joseph at kinuha ang kamay ni Cassandra na nasa mesa. "Walang– walang problema.“
At kahit pa nanigurado na siya, ramdam naman ni Cassandra na nagsisimula nang magbago ang lahat sa kanila.
Ilang araw na ang lumilipas at napapansin na ni Cassandra na bihira na niya makita si Joseph. Nasa maliit siyang apartment ngayon na pansamantala niyang tinitirhan. Naghahanda siya ng simpleng tanghalian nang makarinig siya ng kakaibang tunog mula sa pinto. Napahugot siya ng malalim na hininga at kinapa sa ilalim ng mesa sa likod niya ang nakaipit doong handgun. Pasimple rin niyang kinuha ang kitchen knife sa harapan niya. Saglit siyang pumikit at pinakiramdaman ang paligid.
Mabilis siyang tumalikod at itinutok ang baril na hawak niya sa noo ng basta-basta na lang pumasok sa bahay niya at itinutok sa leeg nito ang kutsilyo. Napakatalim ng tingin niya sa lalaking kaharap.
"At sinong nagbigay sa iyo ng pahintulot na basta na lang pumasok sa bahay ko?” matigas na tanong ni Cassandra sa walang emosyong lalaki na nag-trespass sa apartment niya.
“Just checking if you’re still alive,” diretso at malamig nitong sinabi. Inurong nito ang baril na natutok sa noo niya at inilayo ang kutsilyo sa kanyang leeg. "Mas delikado ka pala kapag heartbroken ka.“
Tumaas lang ang kilay ni Cassandra sa sinabi nito. "Is that a joke, Mr. Hwong?”
“If you take that as it is– I guess so.” Lumapit pa siya kay Cassandra. Napaatras tuloy ito upang hindi siya makadikit. "He’s with somebody else right now.“ Huminto siya sa paghakbang nang maramdamang dumikit na si Cassandra sa kitchen counter. "Poor you.” Inabot niya ang strawberry jam na nasa gilid lang ni Cassandra. Nakataas ang kilay niya nang tingnan iyon. "Ngayon ka pa lang ba magbe-breakfast?“
"That’s my lunch.”
“I know the difference between a lunch and a breakfast, Madame Zordick.” Inilapag niya ang hawak na bote ng jam at itinapat ang mukha kay Cassandra. "And, now I know why you have cooks in your palace.“ Inalis niya ito palayo sa kitchen counter at nagkalkal na ng cabinet. "Do you have any edible food here aside from breads and jams?”
“Assassins don’t cook, Mr Hwong.” Pagtataray ni Cassandra habang nakahalukipkip.
“Good news: I was trained to survive, and cooking is part of survival. Food is a necessity and luckily, I have talent.” Hinanda na niya ang mga kailangang gamitin at nakakita naman siya ng mapagtya-tiyagaan nang pagkaing laman ng ref ni Cassandra. "Bad news is I am an assassin, yet I have to babysit you because your fiance is trying to be a normal man with a heart right now and he can’t be with you today.“
"You talk a lot right now, Mr. Hwong.” Bahagyang umupo naman si Cassandra habang pinanonood ang bisita niya na magluto para sa kanya.
“It’s unfair if NightShade’s trying to be normal while I don’t.”
Natawa naman si Cassandra sa narinig. "You? Trying to be normal? Do I have to laugh right now?“
"If it’ll make you happy, why not?”
Kumunot lang ang noo ni Cassandra sa narinig. Alam niyang matalik na magkaibigan si NightShade at ang lalaking kasama ngayon kaya may ideya na siya kung bakit ito nasa apartment niya. Hindi lang talaga niya maintindihan kung bakit nito kailangang pumunta.
Ilang sandali pa'y tapos na ang pagluluto at paghahanda at naghain na ang bisita ni Cassandra sa mesa nitong apat na tao. Nakataas lang ang kilay ni Cassandra habang nakatitig sa pagkaing nasa harapan niya.
“Eat,” utos ng lalaki sa kanya.
Inilipat ni Cassandra ang tingin sa bisita. "I felt being threatened by your word. I felt being threatened by this food. And I felt being threatened by your presence here in my place. So, what’s the catch?“
"Eat your food.”
“Why would I?”
“Just eat it.”
“Why?”
“Bakit ba ang tigas ng ulo mo?”
“Bakit ko ‘to kailangang kainin?”
“Just eat it. It’s food.”
“I know. I’m not stupid.”
“Then, eat it.”
“Why are you doing this?”
“Eat your food. Don’t ask for more.”
“Your presence here bother me most. Why are you here? Si Joseph ba talaga ang nagpapunta sa iyo o ang Fuhrer?”
“Eat. Now.” Matigas na utos nito.
“Being thoughtful is not your nature, No. 99. You kill, that’s you.”
“And you think, I’m gonna kill you?”
“Am I wrong? Pinipilit mo 'kong kainin ang pagkaing 'to.” Itinuro niya ang niluto ni No. 99 para sa kanya. "May sapat na rason ako para pag-isipan ka nang masama.“
Wala namang kahit anong reaksyon mula kay No. 99. "You’re being cautious. Kaso wala sa lugar.”
“Ikaw ang wala sa lugar.” Tumayo si Cassandra at dinala ang platong naglalaman ng nilutong pagkain ni No. 99 para sa kanya. Walang pagdadalawang-isip na tinapon niya iyon sa basurahan. "Tigilan mo ang paggawa ng mga bagay na hindi mo dapat ginagawa.“ Pagtalikod niya, bumulaga agad sa harapa niya si No. 99 na masama ang tingin sa kanya. Kinuha nito ang hawak niyang plato at ibinalibag sa sahig at pagkatapos ay itinulak siya sa pader ng maliit na kusina.
"Tigilan mo na ang pagpapakatanga, Cassandra,” mariin nitong sinabi.
“Ikaw ang tumigil! Wala kang alam!”
Napakuyom ng kamao si No. 99 dahil sa pagka-inis. Agad niyang kinuha ang pulso ni Cassandra at dali-dali niya itong hinatak palabas ng apartment nito.
“Yoo-Ji! Ano ba?! Bitiwan mo 'ko!” Pumalag si Cassandra ngunit masyadong malakas si No. 99.
Nakababa na sila sa may parking lot at sapilitang pinasakay ng lalaki si Cassandra sa sasakyan. Ni-lock nito ang pinto ng kotse upang hindi na makalabas pa si Cassandra.
“Wala akong alam?” sabi ni No. 99 habang nakatingin sa daan at nag-drive na paalis. "Tingnan natin kung sino ang walang alam.“
Inabot ng tatlumpung minuto ang biyahe nila at tatlumpung minuto rin na katahimikan ang nanaig sa dalawa.
Huminto ang sasakyan sa gitna ng isang parte ng kalsada na matatanaw ang baybaying-dagat sa ibaba. Lumabas doon si No. 99 at hinatak na naman si Cassandra upang ipakita ang kaganapan sa ibaba.
"Saan mo ba ako dinala?” inis na tanong ni Cassandra.
“Tingnan mo sila. Ngayon mo sabihin kung sino ang walang alam sa ating dalawa.” Itinuro ni No. 99 ng tingin ang nangyayaring kasalan sa ibaba. Isang simpleng beach wedding lang ang nagaganap. Iilan lang ang mga bisita at nagsisimula nang magpalakpakan ang lahat.
Nakagat ni Cassandra ang labi at napahigpit ang pagkakakuyom niya sa kamao habang nakikita ang dalawang ikinakasal.
“Bakit ka nga ba niya kailangang pabantayan ngayon?” tanong ni No. 99 habang pinanonood si Joseph Zach at ang kasama nitong babae na nag-alay ng halik sa isa’t-isa bilang pagtatapos ng seremonya. Napatingin siya sa gilid at agad siyang naalarma nang wala na doon si Cassandra. "Madame Zordick!“ tawag niya rito nang makitang naglalakad pababa sa pwesto nila. Agad niya itong hinabol upang pigilan. "Nasisiraan ka na ba?”
“Huwag mo 'kong pipigilan,” banta nito sa kanya.
“Cassandra!” Hinatak niya ang braso nito para pigilan at binantaan ito ng tingin. Hindi na niya inalintana pa ang pagluha nito.
“Mr. Hwong…” Kitang-kita ang panginginig ng labi at boses niya habang unti-unting tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. Hinatak na lang siya ni No. 99 palapit at niyakap siya nang mahigpit.
Paulit-ulit na umiikot sa isipan ni Cassandra ang mga nakita habang nakapikit siya. Napakahigpit ng pagkakakuyom niya sa kanyang kamao na halos bumakat na ang mga kuko niya sa palad. Hindi niya nakakausap si Joseph dahil ang alam niya, may misyon ito o 'di kaya ay may importanteng ginagawa. Hindi naman niya inaasahang sa gano'ng sitwasyon niya uli ito masisilayan.
Lumayo na siya kay No. 99 at naisipang tumuloy sa balak.
“Cassandra, it will not help you.”
“Gusto ko lang siyang kausapin.” Nagtuluy-tuloy pa rin siya at nakasunod sa kanya si No. 99.
Ilang sandali pa ay nakaabot na sila sa pinangyarihan ng kasal at natatanaw na niya ang mapapangasawa at ang 'napangasawa’ nito na nakikipag-kamay sa mga bisita.
“Mr. Zach!” malakas niyang tawag kaya natigilan ang iba, lalo na si Joseph. Kitang-kita niya ang gulat sa mukha nito, kasunod ang pagtataka dahil kasama niya ang matalik nitong kaibigan.
“Cas?” Agad-agad itong lumapit sa kanya upang magpaliwanag. "Cas, let me explain.“
Nanatili ang blangkong ekspresiyon sa mukha ni Cassandra at walang pagdadalawang-isip niyang hinubad ang engagement ring nila ni Joseph Zach. Inabot niya ito sa lalaki.
"Hindi ko na kailangan niyan… Hindi na natin kailangan niyan.”
Aabutin na sana ni Joseph ang singsing nang bigla niya itong bitawan at nalaglag na lang ang mamahaling engagement ring sa puting buhangin ng baybaying-dagat. Napalunok na lang ang lalaki habang nakatitig sa singsing.
Naglakad na si Cassandra at tumungo sa pwesto ng bride na pinanonood sila.
“Cas!”
Walang ibang gustong gawin si Cas kundi ang makahawak ng isang napakatalim na kutsilyo, gilitan sa leeg ang lapastangang babaeng sumira ng pangarap niya at isunod ang walang kwentang si Joseph Zach na ang lakas ng loob na lokohin siya.
Kaso, wala siyang balak ibaba ang sarili niya sa gano'ng punto. Isa siyang Zordick at hindi siya magpapakababa para lang sa walang kwentang bagay.
“Congratulations!” pilit na bati ni Cassandra at inalok ang kamay niya sa napangasawa ni Joseph. "I’m Cassandra Zordick.“
Ngumiti naman ang babae sa kanya kahit na naasiwa ito sa tono niya at nakipag-kamay rin. "Hello, Cassandra. I’m Anjanette.”
“You’re beautiful. Joseph is right.” Bumitaw na siya sa pakikipagkamay at tinignan ang lalaki sa likuran nila.
“Are you his friend?” tanong ni Anjanette.
Umiling naman si Cassandra at ibinalik ang atensyon sa kausap. "I’m his partner. Sa work. Anyway, best wishes. Sayang, nahuli ako nang dating at hindi ako nakaabot sa wedding ceremony.“
"No! It’s fine! You want to attend the reception? May seats for visitors,” masaya nitong alok.
Agad na umiling si Cassandra. "Ah, no! Aalis din agad ako. I have work and I don’t have time for this shit.“ Nakita niya ang biglaang pagbago ng reaksyon ni Anjanette sa huling sinabi niya. Hindi na niya iyon inintindi pa at tinalikuran na ang kausap. Diretso lang ang tingin niya habang naglalakad papalapit sa pwesto ni Joseph.
"Cas…”
“Fuck you.”
Nagtuluy-tuloy lang siya sa paglalakad kaso pinigilan na naman siya ni Joseph.
“Cassandra, sandali lang!” Walang anu-ano'y sinuntok siya nang pagkalakas-lakas ni Cassandra na halos makapagpa-atras sa kanya at makapagpabagsak sa lupa.
Halos mag-usok sa galit si Cassandra habang buong-buo ang kamaong ipinansuntok kay Joseph. "That’s my wedding gift for you, Mr. Zach! Sana man lang binigyan mo 'ko ng invitation para naman hindi ako nagmukhang gatecrasher!“ Tumalikod na siya at naglakad palayo. Napahinto lang siya nang may maalala. Agad siyang bumalik at dali-daling kinuha ang pulso ni No. 99.
"I’ll take him! At least siya, marunong umintindi ng salitang 'loyalty’.”
Hatak-hatak niya si No. 99 paalis doon. Nagagalit siya. Masama ang tingin niya sa daan. Dire-diretso siya at hidni niya alam kung saan nga ba ang punta niya. Tahimik lang ang kasama niya at hinayaan na lang siya kung ano man ang gusto niyang gawin.
Nasa kabilang daan ang kalsadang pinanggalingan nila ngunit sa ibang direksyon siya nagpunta.
Nasasaktan siya ngunit may parte sa kanyang pilit na tinatanggap ang lahat dahil nararamdaman naman na niya umpisa pa lang na nagsisimula nang magbago si Joseph Zach. Iba na ang ginagawa nito, iba na ang inaasikaso nito, iba na ang minamahal nito. At wala na siya sa kahit saan sa tatlong iyon.
Nararamdaman niya ang pagtulo ng likido sa kanyang pisngi. Unti-unti at naging tuluy-tuloy na. Damay na ang ulo at balikat niya sa nakararamdam ng pagtulong iyon.
Napahinto siya at napatingin sa itaas. Nabitiwan niya ang kasama.
Umuulan…
Padilim na at umuulan pa…
“Madame Zordick, kailangan mo nang sumilong. Lumalakas na ang ulan.”
Nanatiling nakatingala si Cassandra at pumikit. Hinatak ni No. 99 ang pulso niya ngunit pinigilan niya ito.
“Madame Zordick…”
“Am I not enough…?”
Tinitigan lang ni No. 99 si Cassandra. Napahugot siya ng hininga at bumitaw sa pagkakahawak nito. Hinubad niya ang suot na suit jacket at pinangpandong kay Cassandra.
“Having you is too much,” sabi ni No. 99 nang dumilat si Cassandra dahil hindi na niya nararamdaman pa ang mga patak ng ulan. Tiningnan na siya nito nang diretso. "And he has had enough to have you.“
Matamlay na yumuko si Cassandra at inisip na wala na talaga siyang pag-asa.
"You should go home now, Madame Zordick. This day is not yet through,” isang matipid na ngiti ang binigay ni No. 99 kay Cassandra. "…and I’m willing to cook another lunch for you.“
_________________________
4 notes
·
View notes
Text
hUUYY NA-MISS KO ITOOO!! 😭😭😭🫶🫶🫶
He was scanning the shelf for this specific book published by Lightbooks way back 2013. Nakailang hanap din siya pero wala na talaga siyang makita.
Kanina pa niya napapansin na may grupo ng mga estudyante ang nakatitig sa kanya. Ilang beses niyang nginitian ang mga iyon—hindi yata sanay na may gaya niyang tumatambay sa pop fiction books. Nagpapaluan na ang mga iyon habang nakatingin sa kanya.
Sanay naman na siya sa ganoong eksena. Pero hindi iyon ang ipinunta niya sa panglimang National Bookstore na dinaanan. Wala na ang hinahanap niyang libro. Hindi na tuloy niya alam kung saan pa siya makakahanap niyon.
Sa dami ng librong naroon, kung ano pa yung gusto niyang bilhin, ‘yon pa ang wala.
He left that shelf at nadatnan na naman ang mga libro niyang nasa bestseller stalls. Kahit saan siya lumingon, nakikita niya ang pseudonym niya.
Hindi naman sa ikinakahiya niyang writer siya, pero sa panahon kasi kung kailan niya naisipang magsulat, kinakailangan talaga niya ng pseudonym para lang hindi malaman ang tunay niyang pagkatao sa likod ng pen name niya.
Gregory Troye.
Humihilera sa mga alamat ng romantic novels ang pangalang iyon sa Pilipinas. Unang labas pa lang ng unang libro niya, hindi niya inaasahang tatangkilikin iyon ng mga mambabasa. Hanggang sa nasundan ng isa, naging tatlo, hanggang umabot na 26 novels ang nai-publish under sa pangalang iyon.
At kahit hindi niya hiniling, alam niya sa sarili niyang malaki ang utang na loob niya sa pagsusulat.
He just wanted a release. Gusto lang niyang maglabas ng sama ng loob noong umpisa—malay ba niyang yayaman siya sa paglalabas ng libro.
“Miss, wala na talaga kayo ng kopya ng libro ni Althea Doe?”
Halos magmakaawa na ang tono niya sa babaeng naka-uniform sa customer service.
“Sir, nag-check na po kami ng inventory, na-pull out na po lahat ng copy.”
Again, bigo na naman siya.
“May copy pa kaya online?” nasabi na lang niya habang nakatingin sa kahabaan ng aisle ng NBS sa Robinson’s Novaliches.
~ Hawakan mo ang aking kamay
At tayong dalawa’y maghahasik ng kaligayahan ~
Napadukot siya sa bulsa ng suot na jeans dahil sa tumatawag.
“Good morning, Carl John speaking.”
“Vince, hi!”
Nilayo agad niya ang phone sa tainga at sinilip kung sino ang tumatawag.
Karen
Binalikan niya ang tumatawag at saka siya ngumiti nang malapad habang nilalakad ang palabas ng bookstore.
“Hi, Karen! How are you?”
“Doing good! Anyway, sorry, alam kong busy ka. Alam ko namang ayaw mo nang naabala kapag walang kailangan sa ‘yo.”
Alam na alam na agad ng kausap niya kung ano ang ugali niya. Sinabi naman na niya dati pa sa mga kaibigan na huwag siyang tatawagan o kukumustahin kapag walang kailangan sa kanya. Mauubos kasi ang oras niya kakakausap sa kanila, nawawala siya sa concentration.
“Drop it, darling,” sabi pa niya at nginitian ang guwardiyang nakabantay sa entrance ng bookstore bilang paalam.
“I really need a help right now. My company’s financially unstable.”
“Manghihiram ng pera?”
“I could use a loan, pero kasi … we need to terminate half of our people.”
Pinagmamasdan niya ang paligid habang pinakikinggan ang kausap. Nadaan niya ang mga nasa makeup section ng Ze Beau. Sinusundan siya ng tingin ng mga transgender at kinikindatan pa siya habang matipid na kinakawayan.
Ngumiti na lang din siya pabalik at saka kumaway rin bago ideretso ang tingin.
“Yung lead editor ko, freelancer lang. And madalas siyang wala sa office. Wala akong makuhang ka-level niya or beyond her skills—”
“Let me guess,” putol niya agad sa kausap at itinaas pa ang kanang hintuturo. “Editor?”
He heard the Karen sigh. “Sana.”
“Uhm okay, Karen, actually I have a project right now. Gusto ko sanang isingit sa schedule pero—” Natigilan siya sa paglalakad nang makita na naman yung maliit na babaeng nang-agaw sa kanya noon ng libro ni Gregory Troye. May hawak itong chocolate sundae sa cone at kalalabas lang ng Booksale.
“If hindi avail, Vince, okay lang, ha? Nagbabakasakali lang naman. I know you’re so busy.”
“It’s fine, Karen. Siguro, I’ll pay a visit na lang sa office n’yo tomorrow. Usap tayo about your company’s problem. Baka matulungan kita financially.”
“Oh, thank you so much, Vince. I owe you one.”
“You’re welcome. Anyway, I gotta go. Bye!” At nagpatay na agad siya ng phone at saka sinundan yung babaeng halos ipahiya niya noon, mabili lang nito ang huling kopya ng Young Blood’s Debt—yung third published novel niya.
Hindi naman sa may galit siya, but he really thought that she was a minor buying a Rated-18 book. At ayaw niyang nakakakita ng minor na bumibili ng libro niya kaya pinilit niyang agawin ang huling kopya ng libro. Sinabi niyang siya ang bibili niyon dahil minor pa ang kausap niya. He was surprised na pagkatapos niyang dalhin sa customer service ang babaeng akala niya ay minor, malalaman niyang 25 years old na pala ito at mukha lang grade 9 student. Malay ba niya?
Sinundan niya iyon hanggang sa tapat ng Padi’s Point bago sumakay ng jeep pa-Philcoa.
———-
Sampung taon—hindi singhaba ng taon gaya ng sa ibang writer na kasabayan niya sa mga shelf ng MC room, pero sampung taon na siyang sikat bilang contemporary, ecstacy, and gothic romance writer. At karamihan naman talaga ng readers niya ay puro adults dahil iyon ang target market niya.
“Shit!”
Except for some cases na may naaabutan siyang minor na bumibili ng libro niya sa bookstore.
“Oh my gosh! Hala, nag-iisa na lang!”
He stood there staring at this girl na naka-T shirt ng black, naka-jean shorts at naka-sandals. Kasabayan niya iyong naghahanap ng libro. Hinahanap niya ang libro ni Althea Doe at malay ba naman niyang bigla itong titili sa tabi niya habang hawak ang isang libro—librong pinanlakihan niya ng mata dahil libro niya iyon.
“Wala na? Nasaan na yung iba?” He grunted at her voice. Boses batang inaagawan ng candy. Pinanood pa niya itong magkalkal ng bookshelf. “Kuya, excuse nga, ‘wag kang harang.”
Napaatras na lang siya at lalong pinanlakihan ng mata ang batang babaeng nag-iisa-isa ng libro sa bookshelf na hinintuan niya.
“Shit, wala na! Hnngg!” Nagpapadyak ito sa kinatatayuan at parang nagdadabog pa dahil hindi nito nakita ang hinahanap. Ilang saglit pa ay tinitigan na naman nito ang libro na parang nakakuha ng kayamanan. “Sa wakas, mabibili na rin kita.”
Pahakbang pa lang ito nang bigla niyang hinalbot ang libro.
“What the fuck!” Bigla siya nitong dinuro—o yung libro ang tinuturo nito. “Hoy!”
“Can’t you see? Bawal sa minor ‘to?” Ipinakita pa niya ang likuran ng libro at itinuro ang barcode sa ibaba na may nakalagay na Rated-18.
Nagpamaywang ang batang babae at tinaasan siya ng kilay. “Pake ko?”
Oh Lord. Umiling na lang siya at pumunta sa counter.
“Hoy! Mister, excuse me! Ako ang unang nakakuha niyan!”
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad papuntang counter. Sa ganitong araw at oras pa naman, wala halos tao dahil wala naman gaanong pumupunta ng National Bookstore sa buwan ng November.
“Miss, I’ll buy this book,” sabi niya agad sa babaeng cashier at inilapag sa counter ang librong may title na Young Blood’s Debt ni Gregory Troye.
“Miss, wait!” Halos lumipad naman ang batang babae sa counter at inagaw agad ang libro bago pa makuha ng cashier. “Ako yung nauna rito e!”
“Any problem?” Iyan ang mababasa sa timpla ng mukha at tindig niya. Nagpamaywang lang ito at pinagtaasan din siya ng mukha habang tinitingala siya nito.
“Kapal mo, ‘no? Wala kang magawang maganda, ha?”
“You don’t talk to me like that, baby girl,” sabi pa niya sa batang babaeng tinataasan din siya ng kilay.
“Baby girl mo mukha mo.” Ibinaling nito ang atensyon sa cashier. “Ako ang bibili nito, miss.” At saka nito ibinagsak ang libro sa counter. “Ako ang naunang nakakuha niyan, ako ang bibili.” At masamang tingin ang ipinukol nito sa kanya para maghamon.
“Bawal sa minor ang book,” pagpipilit pa niya.
“So?”
“Ma’am, bawal po talaga sa minor,” segunda pa ng cashier at nginitian ng matipid ang batang babae.
“So?” pag-uulit na naman nito at lalo pang nagmataray.
“In short, bawal sa ‘yo,” panapos na lang niya at inurong sa tabi niya ang libro para ilayo sa batang babaeng kaaway.
“E kung sampalin kaya kita, makita mo.”
Hindi siya makapaniwalang sinasagot-sagot lang siya nang gano’n ng isang bata. Parang hindi nito nakikitang nakasuot na nga siya ng blue-and-khaki formal attire, naka-eyeglasses pa siya, at halos ipamukha na niya rito ang edad niya, pero nagawa ba siyang sagutin nang pabalang.
“Sino ang parents mo?” Iyon na lang ang naitanong niya at saka nagpamaywang—talo pa ang professor na nanenermon ng estudyante niya.
“Fuck that.”
“Watch your language, baby girl.”
She just smirked and shook her head in dismay. Dumukot ito sa bulsa ng shorts at inilabas ang UMID nito sabay lapag sa counter habang di inaalis ang tingin sa kanya.
“Miss, pakisabi nga sa lalaking ‘to kung paano naging bawal sa akin yung libro?” hamon pa nito habang tinitingnan siya nang sobrang talim.
Hindi nito inalis ang tingin sa kanya kaya hindi rin siya bumitiw sa tingin nito.
“Sino po ang bibili ng libro sa inyo?”
“Ako!” magkasabay pa nilang sinabi.
“Sir, 25 na po si ma’am. Magkasundo na lang po kayo kung sino ang bibili.”
“Who’s—she?” Itinuro pa niya ang batang babaeng nakapamaywang sa kanya at tinataasan siya ng kilay.
Hindi lang naman siya makapaniwala. Malay ba niya.
“Ako na’ng bibili, miss. Nauna ako,” sabi pa nito sabay irap sa kanya.
Hindi na siya nakipagtalo pa. Tinitigan na lang niya nang maigi ang babaeng nasa harapan niya. Mukha kasi talaga ‘tong bata. Ni wala ngang pimple sa makinis na mukha, parang balat ng bata. Mukhang naalagaang mabuti kasi kutis-gatas. Mahaba rin ang diretsong buhok na sobrang taas ng pagkaka-ponytail dahil halos umabot na sa bumbunan. Kahit yung relo nito, kulay pink din. Maganda nga, kung tutuusin, mukha lang talagang spoiled na Grade 9 student.
“Next time, don’t meddle with other people’s business, ha?” paalala pa nito sa kanya. “Daming alam.”
At saka ito umalis dala ang libro niya.
Hindi na siya nakapalag pa. Hindi lang talaga siya makapaniwalang mangyayari iyon.
***
3 notes
·
View notes
Photo

iT rEaLlY hUrTsSsSs. HAHAHAHA! Hulaan ninyo kung sino ean. HAHAHAHA https://www.instagram.com/p/CFOuUNZAMf9zSgQ2p8qJszRBjIDYxl9daXCat80/?igshid=mlezu2xkhpqv
0 notes
Photo

iT rEaLlY hUrTsSsSs WIP—Charot akala mo naman kayang tapusin. HAHAHAHA! https://www.instagram.com/p/CFOR0jggOv3JOBvmcGFdsmInuiBVwf5_HbnYH80/?igshid=iu7gvvk6z3b7
0 notes
Photo

Dang. Let's cry, my dudes. T^T (Kung hindi sinabi ni Jaz kanina, endi ko malalaman. Aoxjsjx---!!) https://www.instagram.com/p/CE7BIb9APhivSX1WXfqJil9audYDR2hcrXupQM0/?igshid=pa7r04suvuky
0 notes
Photo

HAPPY BIRTHDAY FRANCEZ. WIWOO https://www.instagram.com/p/CEtYkw9AP7u5tu7dk6CKEo3h93dRYFA0N7hZEY0/?igshid=382v41ok67nt
0 notes
Photo

Happy birthday Koopa! Lol. Special thanks (naks) kay Ate Jill (pinsan) sa banner at kay Ate Pat sa chibi na Francez (I just change the hat na pang Mario. Kasama nitong pic yung orig na galing kay Ate Pat--- naawa yata siya sa chibi'ng ginawa ko. Chos. HAHAHAHA! https://www.instagram.com/p/CEtBBzBAayBc99IBgoPbjclQK4XrcsLM6K7VbM0/?igshid=18nbc325rj83o
0 notes
Photo

Fallin' Flower---ay charot. HAHAHAHAA https://www.instagram.com/p/B_jdbdygsx1/?igshid=1rbso912e6cmq
0 notes
Photo

Ehe. Lol. HAHAHAHA! https://www.instagram.com/p/B_hrohFArtf/?igshid=1rvo15dpodwz2
0 notes
Photo

#QEDClub #HappyHourFriday #PlayDaySaturday #SouthLuzonChapter Cavite Chapter presents... YUGYUGAN NATION! This will be a five weeks (5 weeks) long celebration with a theme na... *drum rolls* RETROOO!!! It will start today (March 20, 2020) up to April 17. May dalawang daily activity na sakop ang event na ito: Happy hour Friday and Play day Saturday. Sa event na 'to, na gaganapin lang tuwing 12:00 ng Biyernes hanggang 11:59 ng Sabado, ay magbabago ang chat color at ang emoji ng group chats natin. ANONG MERON SA EVENT NA 'TO? Lahat ng mga sasali, taga-Cav chapter man o bisita, ay walang-wala, except sa starting virtual money na 10,000. Hanggang April 17 na 'yan at walang refresh-refresh ng pera (lol). Saan nyo naman gagamitin 'yan? May mga ibebenta kaming damit o pagkain na maaari nyong magamit sa party. You need to buy something, or else ay wala kang isusuot o kakainin sa party. PAANO PALAGUIN ANG PERA? Simple lang! Sumali sa mga activities na ipapalaro tuwing Play Day Saturday! Different awards sa different games. Madalas ay sa Group ang mga activities kaya abang-abang lang. ANONG ORAS PO MAGSISIMULA? 9:00 PM po. ANONG MAPAPALA NAMIN DITO KUNG SASALI KAMI? Unang-una ay ang bragging rights (lol), para sa mga taga-Cavite chapter na sasali ay may diamonds sila (alam nyo na gamit nyan), at para sa mga bisita naman ay--- for fun lang. May special awards naman, don't worry-hehehe. SO ANO PANG HINIHINTAY NYO? SALI NAAAA!! https://www.instagram.com/p/B98KTy5gwck/?igshid=80gbx6yapkr6
0 notes
Photo

#QEDClub #HappyHourFriday #PlayDaySaturday #SouthLuzonChapter Cavite Chapter presents... YUGYUGAN NATION! This will be a five weeks (5 weeks) long celebration with a theme na... *drum rolls* RETROOO!!! It will start today (March 20, 2020) up to April 17. May dalawang daily activity na sakop ang event na ito: Happy hour Friday and Play day Saturday. Sa event na 'to, na gaganapin lang tuwing 12:00 ng Biyernes hanggang 11:59 ng Sabado, ay magbabago ang chat color at ang emoji ng group chats natin. ANONG MERON SA EVENT NA 'TO? Lahat ng mga sasali, taga-Cav chapter man o bisita, ay walang-wala, except sa starting virtual money na 10,000. Hanggang April 17 na 'yan at walang refresh-refresh ng pera (lol). Saan nyo naman gagamitin 'yan? May mga ibebenta kaming damit o pagkain na maaari nyong magamit sa party. You need to buy something, or else ay wala kang isusuot o kakainin sa party. PAANO PALAGUIN ANG PERA? Simple lang! Sumali sa mga activities na ipapalaro tuwing Play Day Saturday! Different awards sa different games. Madalas ay sa Group ang mga activities kaya abang-abang lang. ANONG ORAS PO MAGSISIMULA? 9:00 PM po. ANONG MAPAPALA NAMIN DITO KUNG SASALI KAMI? Unang-una ay ang bragging rights (lol), para sa mga taga-Cavite chapter na sasali ay may diamonds sila (alam nyo na gamit nyan), at para sa mga bisita naman ay--- for fun lang. May special awards naman, don't worry-hehehe. SO ANO PANG HINIHINTAY NYO? SALI NAAAA!! https://www.instagram.com/p/B98KPbEgvCY/?igshid=ji28iiyhgh4o
0 notes
Photo

#QEDClub #HappyHourFriday #PlayDaySaturday #SouthLuzonChapter Cavite Chapter presents... YUGYUGAN NATION! This will be a five weeks (5 weeks) long celebration with a theme na... *drum rolls* RETROOO!!! It will start today (March 20, 2020) up to April 17. May dalawang daily activity na sakop ang event na ito: Happy hour Friday and Play day Saturday. Sa event na 'to, na gaganapin lang tuwing 12:00 ng Biyernes hanggang 11:59 ng Sabado, ay magbabago ang chat color at ang emoji ng group chats natin. ANONG MERON SA EVENT NA 'TO? Lahat ng mga sasali, taga-Cav chapter man o bisita, ay walang-wala, except sa starting virtual money na 10,000. Hanggang April 17 na 'yan at walang refresh-refresh ng pera (lol). Saan nyo naman gagamitin 'yan? May mga ibebenta kaming damit o pagkain na maaari nyong magamit sa party. You need to buy something, or else ay wala kang isusuot o kakainin sa party. PAANO PALAGUIN ANG PERA? Simple lang! Sumali sa mga activities na ipapalaro tuwing Play Day Saturday! Different awards sa different games. Madalas ay sa Group ang mga activities kaya abang-abang lang. ANONG ORAS PO MAGSISIMULA? 9:00 PM po. ANONG MAPAPALA NAMIN DITO KUNG SASALI KAMI? Unang-una ay ang bragging rights (lol), para sa mga taga-Cavite chapter na sasali ay may diamonds sila (alam nyo na gamit nyan), at para sa mga bisita naman ay--- for fun lang. May special awards naman, don't worry-hehehe. SO ANO PANG HINIHINTAY NYO? SALI NAAAA!! https://www.instagram.com/p/B98KMWsAdGJ/?igshid=160mj2fp4iedw
0 notes
Photo

#QEDClub #HappyHourFriday #PlayDaySaturday #SouthLuzonChapter Cavite Chapter presents... YUGYUGAN NATION! This will be a five weeks (5 weeks) long celebration with a theme na... *drum rolls* RETROOO!!! It will start today (March 20, 2020) up to April 17. May dalawang daily activity na sakop ang event na ito: Happy hour Friday and Play day Saturday. Sa event na 'to, na gaganapin lang tuwing 12:00 ng Biyernes hanggang 11:59 ng Sabado, ay magbabago ang chat color at ang emoji ng group chats natin. ANONG MERON SA EVENT NA 'TO? Lahat ng mga sasali, taga-Cav chapter man o bisita, ay walang-wala, except sa starting virtual money na 10,000. Hanggang April 17 na 'yan at walang refresh-refresh ng pera (lol). Saan nyo naman gagamitin 'yan? May mga ibebenta kaming damit o pagkain na maaari nyong magamit sa party. You need to buy something, or else ay wala kang isusuot o kakainin sa party. PAANO PALAGUIN ANG PERA? Simple lang! Sumali sa mga activities na ipapalaro tuwing Play Day Saturday! Different awards sa different games. Madalas ay sa Group ang mga activities kaya abang-abang lang. ANONG ORAS PO MAGSISIMULA? 9:00 PM po. ANONG MAPAPALA NAMIN DITO KUNG SASALI KAMI? Unang-una ay ang bragging rights (lol), para sa mga taga-Cavite chapter na sasali ay may diamonds sila (alam nyo na gamit nyan), at para sa mga bisita naman ay--- for fun lang. May special awards naman, don't worry-hehehe. SO ANO PANG HINIHINTAY NYO? SALI NAAAA!! https://www.instagram.com/p/B98KGsgAYiA/?igshid=w8u6408jlvcz
0 notes
Photo

Earthbound by Yelokun (2) https://www.instagram.com/p/B98JEF9gF7b/?igshid=r1n5ins4la9r
0 notes
Photo

Earthbound by Yelokun https://www.instagram.com/p/B98I88OAIUM/?igshid=1bh46rth7v807
0 notes