Text
0 notes
Text
MINAHAL
MRT Ortigas station,
Doon kami minsang pinagtagpo
Naging magkaibigan hanggang sa nagkaibigan
Akala ko nga ako na ang para sa kanya
Pinagtagpo lang pala kami, pero hindi itinadhana
o di ba parang kanta lang ng the juans
Matagal na din palang panahon ang lumipas
Yung akala mong dating wala ng bukas,
Mga iyak at sakit meron din palang wakas
Na isang araw gigising ka na sa puso mo'y wala ng bakas
Salamat,
Dahil sayo MINAHAL ko ang sarili ko
Nakilala ng lubusan kung sino ako
Narinig ang sinisigaw ng puso ko
Nalaman ang totoong halaga ko
Dahil sayo, nabuksan ang mga mata ko
Ang dami palang taong nakapaligid at minamahal ako
Sobrang laki pala ng mundo
Masaya palang maging malaya at makuntento.
Mahal MINAHAL kita,
Kahit kelan hindi yun mababago
Paalam, masaya kong malamang masaya ka na.
Alam ko dadating din yung araw na ako naman
Hindi ko alam kung kelan at saan
Basta nagtitiwala ako sa nag-iisang nakakaalam.
When the time is right I, the Lord will make it happen.
Isaiah 60:22
elaine.daldaldiva

0 notes
Text
ULAP
Noong bata pa ako gustong gusto kong tumingala sa mga ulap
Bumuo ng iba't ibang muka at karakter gamit ang aking isipan
Marami nga ding kwentong napagtagpi tagpi ko pa
Habang nilalasap ang sariwang hangin sa bubungan
Kasabay din ng hangin unti-unting gumagalaw ang mga ulap
Tapos hmmmmmmm
Anu na nga ulit yung nabuong larawan at kwento sa isipan ko?
Noong panahon na yun, sobrang simple lang ng mundo para sa batang katulad ko.
Yung kahit sa isang kisap mata mawala man yung kinaliligaya ko
Na kahit may mga karakter na bigla nalang naglaho
at kahit may mga istoryang kaylangan ng matapos.
Ayos lang, kasi alam ko na may bukas pa
May panibagong umaga para sa mas magandang istorya na bubuuin ko.
Ngayong araw,
Di ko alam kung ilang taon ng nakalipas(Grabe naiiyak ako)
Tumingala ulit ako sa mga ulap,
Habang nilalasap ang sariwang hangin
Kasabay ng huni ng mga ibon sa himpapawid
Mga pangamba ko'y pinawi
Muli akong binalik sa aking pagkabata
Nakakita ng pag-asa sa mga ulap na nagsasabing
"Anak, hawakan mo ang mga kamay ko
Halika, mamahinga ka sa kanlungan ko
May panibagong umagang naghihintay,
Magtiwala ka lang sa akin meron akong napaka gandang istoryang ginawa para sayo."
Gusto ng Panginoon na ibalik ako sa "Childlike faith"
Na hindi nabibingi sa ingay ng mundo
Kung hindi nakikinig lang sa kanya at wala ng iba.
Because He is the alpha and the Omega, The beginning and the end.
Nasa kanya lang ang kapayapaang hinahanap ko.
Gaya ng mga ulap na nakikita ko,at paniguradong nakikita mo
At ang Panginoon nangungusap sakin, Yun din yung Panginoon kumakatok sa puso mo,
Hinihintay ka lang nyang lumapit sa kanya
Kahit kelan hindi ka nya iniwan.
Return, O faithless children, declares the Lord; for I am your master; I will take you, one from a city and two from a family, and I will bring you to Zion.
Jeremiah 3:14
-
elaine.daldaldiva

#faith in jesus#faithonpurpose#faith speaks#faithoverfear#childlike faith#clouds#poetry#pinoyphotography#philippines#pagasa#love poem#photography#poem#pictures
0 notes
Text
Pananampalataya
Pag-asa
Pagmamahal
Panay ang tanong, "nakikinig kaba?"
"Nandyan kaba pag kinakailangan kita?"
Madalas hindi ko naririnig ang iyong tugon
Nabibingi kasi ako sa mga pangyayare ngayon,
Mas nagtutuon sa emosyon
Kesa sa pananampalataya sayo Panginoon.
Dumating na ako sa dulo ng akin kakayanan
Ginawa ng lahat para makaahon sa kalungkutan
Ngunit lunod pa din sa sariling isipan.
PAG-ASA natanaw sa bibliya
At naranasan sa piling mo Ama.
PAGMAMAHAL mo sakin andyan lang pala
Hindi nagmamaliw magmula pa nung una
Hinihintay mo lang pala akong makita at piliin ka
Upang muling ibalik ang Pananampalaya
Para makita ang Pag-asa
At maranasan ang walang hanggang Pagmamahal mo sakin Ama.
1 Corinthians 13:13 And now these three remain: faith, hope and love

0 notes
Text
Makabagong bayani
Unang hanay,
Humaharap sa laban na parang walang malay
Nakikipaglaban na hawak ang nakakagaling na bagay
Lumalaban sa hindi nakikitang kalaban
Na parang hinahabol ang hangin para ang buhay nati'y madugtungan
Kahit mga proteksyong gamit ay kulang-kulang
Pero hawak na armas pang gamot hindi pa rin binibitawan
Dahil ang tungkulin nila'y ika'y proteksyonan,
Kahit sila ang nakapain sa labanan.
Panahon na para sila'y suklian
Mga sakripisyo'y dapat nang pahalagahan
Suportahan ang mga nasa unang hanay ng laban
Sa pamamagitan ng pag-donate upang makagawa o makabili ng proteksyon na gamit na kanilang kinakailangan.
Maliit man o malaki ay may halaga
Mga puso ang nakikita,
Pasasalamat na walang hanggan
at pagaalay ng panalangin para sa kanilang kaligtasan.
Tarang magbayanihan kaibigan.
Author: Elaine.daldaldiva
Artist: Aaron

0 notes
Text
DILIM = LILIM
Ako'y tumingala at bahagyang nasilaw
Palubog nanaman pala ang haring araw
Mga pangamba saking puso'y pumukaw
Sa isang iglap pag-asa'y biglang pumanaw
DILIM
Natatakot ako
Teka teka di ko na mahabol ang paghinga ko
Malalalim na pagbuga ng hininga ang takbuhan ko
Gusto kong uminum ng tubig, Ngunit nanginginig ang mga kamay ko
Di ko gustong sabihin sa kahit sino ang nararamdaman ko
Ayoko ng makadagdag sa bigat ng dinadala mo
Pero seryoso na itong nararamdaman ko
San ako tatakbo? San ako lalapit?
Mga tanung sa puso't isipan ko
Sa tao ba na kasing hina ko?
O sa Panginoong pinanggagalingan ng lakas ko?
LILIM
Natagpuan sa DILIM
Sa mga oras na wala na akong kayang gawin
Nasumpungan ka doon sa dakong lihim
Naghihintay ka lang pala
Kung saan saan pa ako nagpunta
Humihingi ako ng tawad sa aking paglayo Ama
Wala naman talaga akong kayang gawin,
Maski ang takot hindi kayang sugpuin
Salamat at kinatagpo mo ulit ako sa DILIM upang maranasan ang LILIM ng iyong pag-ibig.
Author:Elaine.Daldaldiva

1 note
·
View note