dannieaihud
dannieaihud
Lumistxr
1 post
Mon tresur
Don't wanna be here? Send us removal request.
dannieaihud · 26 days ago
Text
FILIPINO PAGSUSURI
So Edgardo M. Reyes ay ipinanganak noong Setyembre 20, 1936. Ngunit sya ay binawian ng buhay sa edas na 75 taong gulang noong Mayo 15, 2012. Bukod sa pagiging nobelista, isa din s’yang screen writer. Ang mga nasulat n’yang penikula ay Sa Kagubatan ng Lungsod, Hoy Mister Ako Misis Mo, at marami pang iba. Unang lumabas ang nobela nyang “ Maynila sa Kuko ng Liwanag “ sa isang Tagalog Magazine na Liwayway.
Ipinapakita ni Edgardo sa nobela nyang Maynila sa Kuko ng liwanag na, kung gusto mong makarating sa taas, kailangan mong itatag sarili mo at maging masipag. Para saakin, ang ibig sabihin ng pamagat na “Maynila sa Kuko ng Liwanag” ay Maynila, sumisimbolo sa mga oportunidad na makakamit natin, Kuko, ang hihila saatin pababa, at ang Liwanag, ang mga pangarap na gusto nating makamit. Ipinapakita ng pamagat na hindi tayo laging magiging swerte, kaya pagbutihan natin sa buhay.
Si Julio, isa syang probinsyano na lumipat sa Maynila para hanapin ang kanyang minamahal na si Ligaya. Si Ligaya naman ay lumipat sa Maynila para mag aral doon. Ang mga katunggaling karakter natin ay si Mrs. Cruz, ang nag aya kay Ligaya na lumipat sa Maynila. At si Ah-Tek, ang tsinong amo ni Ligaya. Meron pa tayong ibang karakter na si Pol, at Atong, ang dalawang kaibigan ni Julio. Si Perla, ang kapatid na babae ni Atong. At si Bobby, ang lalaking kumupkop kay Julio.
Nai-publish ang nobelang ito sa Maynila noong 1986. Ang kwento ng nobelang ito ay sumisimula kay Julio, isang mangingisda sa Marinduque. S’ya ay lumipat sa Maynila para hanapin ang kanyang nobya na si Ligaya. Si Ligaya ay inaya ni Mrs. Cruz para mag aral doon, ngunit binenta s’ya kay Ah-Tek, isang tsino. Babalik tayo ay Julio, si Julio ay nag trabaho sa construction work, ngunit natanggal s’ya. Natulog sya sa lansangan, ngunit kinupkop sya ni Bobby. Matapos ang lahat na nangyari, nahanap na n’ya si Ligaya at nagplano sila na tumakas. Pero pinatay ni Ah-Tek si Ligaya, noong nalaman ni Julio ito, s’ya ay nagalit. Sa huli, pinatay ni Julio si Ah-Tek at nung nalaman ng mga mamamayan ito, hinabol si Julio hanggat binugbog sya.
Ang uri ng nobelang ito ay Political Fiction, dahil pinapakita nila na hindi lagi matagumpay ang pamumuhay sa isang lungsod. Nagpapakita ang Realismo dito sa paraan na pag abuso ni Ah-Tek kay ligaya, at ang pag abuso ng isang tsino sa kanyang empleyado na nagkamali. Andito din ang Humanismo sa paraan na, gagawin ni Julio ang lahat para lang makasama ang kanyang minamahal na si Ligaya, at gagawin nya ang lahat para mahanap s’ya.
Sa huli, makikita natin ang pag hihirap ni Julio para mahanap lang si Ligaya. Pati na rin ang ibang mga karakter sa nobela, nakikita natin na hindi madali para mabuhay na komportable. Kung mahilig kayo sa mga kwento na nagbibigay ng aral sa buhay, at nag papakita ng realidas, para sa iyo na ang nobelang ito!
Tumblr media
1 note · View note