Don't wanna be here? Send us removal request.
Text

Dear Jo,
Sa madilim na sulok ng gabi, hindi ko hangad ang muli kang maisip.
Lumipas na ang mahabang bwan...teka isang taon o dalawang taon na nga yata ng lumipas ng lumisan ka. Nang iwan natin ang bawat isa.
Matagal na panahon na rin ng huli kong maramdam ang ganitong pakiramdam. Ang pakiramdam ng may inaasam.
Marami ng mga araw na kinaya kong mag isa, tumawa at maging masaya.
Sa bawat segundo ay hindi kana ang naiisip. Sa bawat panahon hindi na kita tinanaw.
Matagal na ang lumipas ng muli kitang ma isip at ma mimimiss.
Pinili ko kasing kalimutan at umusad dahil yun ang tama.
Akala ko ayos na ako hindi na kasi kita kasama sa panaginip at imahinasyon.
Akala ko okay na hindi na kita muling maiisip o kung maiiisip man kita bale wala na lang.
Ngunit bakit tila mapaglaro ang tadhana. Kung kailan nakakausad na ako saka ka muling nagparamdam sa aking puso't isipan.
May mga bagay na akong nakikita at nababasa at ikaw ang naaalala.
Nakakainis lamang isipin na hanggang ngayon inaalala pa rin kita..ngunit ako ba inisip mo pa?
Duda ako kung oo dahil alam kong ayos kana. Payapa at malaya na.
Sana ako rin..sana kayanin ko muling maging payapa at tuluyang lumaya sa kahapon at nakaraan.
#dearjo
0 notes
Text

Dear Jo,
"Hindi ko lubos maintindihan ang mga tao
Ganoon na ba kadali husgahan ang pagkatao
Na kahit hindi mo pa ito kilala ng husto."
Ganoon na ba kadali ang husgahan at kwestuyunin ang pagkatao ng isa tao na kahit hindi mo pa ito kilala ng husto kung maka-batikos tila ito ay nakasama mo na nang matagal at kilala ng tunay. Ang sakit lamang sa kalooban na para sa mga tao napakadaling husgahan at kwestuyunin ang isang nilalang at tuluyang patawan ng mga salitang hindi naman nila kailangan. Mahirap tanggapin na hirap ka na ngang ipakita ang tunay mong pagkatao may babatikos pa sa iyo.
Siguro nga'y isa ito sa dahilan kung bakit malaki ang aking harang sa pagitan ng sarili, tao at kapaligiran dahil alam ko balang araw ako ay kanilang madaling mahuhusgahan. Tumahimik lamang ako, napansin na marami na agad may nasabi't napuna na kung tutuusin nais ko lang naman tumahimik at tumunganga dahil ako ay pagod na, na husgahan pa nga. Hay buhay.
#dearjo
0 notes
Text

Dear Jo,
Noong ako ay nasa elementarya baitang tatlo nang mahilig ako sa pagbabasa ng mga kwento sa spookify. Baitang apat naman ng mahilig ako sa pagsusulat ng kwento tanda ko pa na dayalogo ang paraan ng aking pagsusulat tapos may narrator lang para mas maintindihan yung daloy ng kwento. Pagtungtong ko naman sa baitang lima ninais ko na sumulat ng kwento patungkol sa aming section na nasa genre ng horror na may halong romance dahil na uso sa section namin ang pagkakaroon ng crush, tandang tanda ko pa gumagastos ako ng maraming tinta ng ballpen at pahina ng kwaderno para lang makapag sulat ako, tandang-tanda ko rin na sa baitang na ito naranasan kong ma-bully dahil sa pagsusulat ko ng kwento patungkol sa aming section na kung babasahin ay puro kathang isip lamang. Bagamat ganoon ang nangyari hindi ito ang naging hadlang upang tumigil ako sa pagsusulat mas pinag igihan ko pa ng husto. Sa ika-anim na baitang na uso at nakilala ko ang e-book mga kwento na naka-post sa facebook masasabi kong na adik ako sa panahon na yun pagbabasa na kahit ultimo sa keypad na cellphone ay ginagamit ko upang makapag basa dito rin kasi ako kumukuha ng ideya at inspirasyon sa pagsusulat dahil wala namang sumusuporta sa gusto at mga ginagawa ko.
Akala ko hanggang e-book lang ako ngunit noong tumungtong ako sa sekondarya nalaman ko ang patungkol sa "wattpad stories", at dito mas lalo akong na adik dumating sa punto na buong mag damag mulat ang aking mga mata para lamang matapos ang napakahabang kabanata ng kwento at pagtapos ko ito talagang ikukwento ko sa mga kaibigan at mga kaklase ko sabi nila sa akin "cool" daw ako kasi na gawa kong basahin ng isang gabi yung mahigit 50 na kabanata na may sampung pahina o higit pa sa bawat kabanata. At ng dahil sa wattpad mas lalong ginusto ko na magsulat pa punong-puno ako ng inspirasyon sa pagsusulat at higit sa lahat tila naging pantasya ang mundo para sa akin na sa tuwing ako ay matutulog kinakailangan kong magkaroon ng imahinasyon, mga imahinasyon na napakalayo sa reyalidad ng aking buhay ngunit masaya ako, payapa kasi sa imahinasyon ko malayo sa reyalidad at magulong mundo.
Lumipas ang madaming taon hindi na namalayan madami na pala akong nasulat na mga kwento at mga nabasang napakahaba at maiiksing kwento at sa mga taon na yun hindi ko naisip na darating pala ako sa punto ng aking gusto, ninanais o "passion" ay mawawala ng parang bula. Napagod kasi ako, na wala yung sigla, na wala yung kulay ng bawat linya ng karakter na isinusulat ko,na wala yung pag-ibig ko sa unang bagay na minahal ko at alam kong minahal din ako at higit sa lahat sa panahon na ito wala pa ring nakasuporta sa nais ko, sa passion ko.
Sabi ni mama tumigil na raw ako sa pagsusulat nag aaksaya lang ako ng tinta ng ballpen at pahina ng kwadernong aking sinusulatan. Mag aral na lang daw ako kesa gumawa ng walang kwentang bagay at higit sa lahat wala raw pera sa pagsusulat nag aaksaya lang ako ng lakas at panahon ko sa ganitong bagay. Walang humpay na sinasabi sa akin yun ni mama araw-araw walang kapaguran ang kanyang bibig para ipamukha sa akin ang mga ganong bagay. Yung mga tao sa paligid ko weird daw ako dahil sa mga bagay na gusto ko, nakakalungkot hindi naman ako weird sadyang iba't iba lang talaga tayo ng gusto at trip sa buhay.
Hipokrito ako kung sasabihin ko na hindi ang mga sinabi ng mga tao sa paligid ko ang isa sa mga naging dahilan kung bakit ako huminto at na wala yung gigil sa pagsusulat, masyado akong na dala sa mga negatibong salita na kanilang binabato sa akin. Mas nakakalungkot lang isipin na kung kailan wala na yung passion ko sa pagsusulat saka naman ako sinusuportah ni mama hahahaha salamat ma! Pero sana po una pa lang naniwala na kayo aa akin, sinuportahan nyo na ako para sana hindi ako humantong sa ganitong sitwasyon ng buhay ko. Sana una pa lang naramdaman ko na kasama ko kayo sa pangarap at mithiing ito. Kaya sana huwag kayong magtaka kung bakit hindi na ako sumusulat, baka kasi kayo rin ang dahilan ng lahat.
So...ano nga ba ang multo ko? Hindi yung suporta, maaaring ito ngunit hindi talaga.
Ang multo ko yung na walang passion sa pagsusulat, yung na walang spark sa bawat linya ng karakter, yung na walang pagmamahal para sa bawat karakter sa kwento at yung na walang gana sa paghawak ng ballpen at papel.
Kailan kaya muli? Nais ko na kasing bumalik. ❤️
NOTE:
Unang taong naniwala sa akin at sumuporta sa pagsusulat ko- Chris Rocco.
Unang wattpad story na nabasa ko- Hell University by Kib.
Pakihintay ako pakiusap, mahal kong pagsusulat.
#dearjo
0 notes
Text

Dear Jo,
"Kung hindi pa na wala si ate hind pa tayo mag sasama-sama ng ganito"
Mga salitang bumalot ng lungkot at pighati sa aking puso't isipan. Bakit nga ba ganoon kung kailan may nawawala saka dumarating, kapag may nababawas saka muling nabubuo at nagkikita.
Nakakalungkot lang isipin na ang nagiging reunion ng isang pamilya ay hindi sa araw ng pasko, kaarawan o bagong taon. Madalas mangyari ang reunion ng bawat pamilya sa hindi inaasahang pangyayari at sa hindi planadong panahon. Kapag may na wala na, kapag kulang na, kapag may namatay na.
Para saan pa nga ba ang pagsasama-sama kung puro iyakan at kalungkutan ang madarama. Para saan pa reunion kung kulang na, hinding-hindi na mabubuo pa. May mga pagbabago at kulang sa bawat espasyal na araw.
-----------------------------------------------------------
"Ang tagal na rin pala, ang bilis ng panahon"
Tunay na napakabilis ng panahon matapos ang siyam na taon simula nang mag tapos sa elementarya at hindi na muling nagkita, hindi inaasahang sa tagpong ito pa muling magkikita.
Sa tagpong may na wala
Sa tagpong hindi naka plano
Sa tagpong purong sakit at kalungkutan ang nadarama
Sa tagpong wala na si tita.
#dearjo
0 notes
Text

Dear Jo,
"Ako naman sa susunod"
Alam kong mahaba pa ang aking lalakbayin. Marami pang bigas ang kailangan kainin at mga luhang kailangan salatin. Marami pang mga bundok na kinakailangan akyatin. Marami pang mga hinto, pagdududa, hinagpis, takot at kalungkutan ang kailangan harapin.
Walang madaling pangarap, walang madaling daan lahat may lubak, may bato at tubig kung minsan ay may pa liko pa. Ngunit alam ko kakayanin ko at kung hindi man pipilitin ko pa rin ilalaban ang bawat hakbang tungo sa pangarap na nais makamtan.
Ako naman sa susunod. Ako naman ang magiging LPT ng aking sintang Unibersidad at ng aking bayang kinalakihan.
At "Sa Tamang Panahon Darating Din Yun"
Padayon Alay sa Bayan!
#dearjo
0 notes
Text

Dear Jo,
"Nais ko ng kapahingahan"
Mga letra at salita na rumirihistro sa aking isipan
Tila isa akong ibong nakakulong sa hawlang ng mahabang taon
At sabik na sabik na makawala at makahinga sa pagkaka piit
Bagama't mahabang taon ang ginugol sa hawlang iyon
Kapahingahan kailan man ay hindi naramdaman
Sa bawat araw tila isa akong manok, mabuti pa nga ang manok nakakapag ingay ako kaya kailan maiboboses ang bitbit sa bigatin sa damdamin
Upang tunay na kapahingahan ay aking maramdaman.
#dearjo
0 notes
Text

Dear Jo,
Payapa man kung ito'y tignan malalaman ang tunay na kulay kung ikaw ang nariyan
Danas ng kolehiyalang ninanais na lamang lumubog ang araw at bumilis ang ikot ng orasan
Upang ng sa ganon kahit kaunting kapahingahan ay kanya muling maranasan.
#dearjo
0 notes
Text

Dear Jo,
Ang paglubog ng araw ay hudyat na malapit na magtapos ang buong araw. Ilang saglit na lamang ay muli itong dudungaw at magiging hudyat ng panibagong araw. At sa bawat paglubog ng araw kapayapaan at kapahingahan ang nais nating maatim. Ngunit kung bubuksan natin ang ating mga paningin, hindi ang paglubog ng araw ang hudyat ng kapayapaan at kapahingahan at walang sino man ang makapagsasabi kung kailan natin ito makakamtan dahil ang tunay na makakaalam nito ay ikaw lamang.
Nawa'y hindi ang paglubog ng araw ang magdikta sa iyong kapayapaan at kapahingahan. Marapat na sundin mo ang iyong puso't isipan kung kailan mo nais ito makatamtan o talagang nakamtan mo na nga ba ito.
Dahil maaaring ang paglubog ng araw ay siyang simula ng iyong araw, sa bawat paglubog nito dala ang bigat sa kalooban at sa paglubog ng araw maaaring hilingin mo na lamang na sumilay na ang liwanag upang matapos na kalungkutan at magkaroon ng bagong bukas.
Hangad ko na sa kabila ng iyong sitwasyon hindi magbago ang pananaw mo sa bawat paglubog ng araw, dahil naniniwala ako na "Ang paglubog ng araw ay siyang nagsasabi ng may maganda pa ring nangyari sa iyong buong araw kailangan mo lamang ito tignan sa maayos na lente at perspektibo, umulan man ang mahalaga ay sumilay pa rin ang kahel na araw na nagsisilbing paalala na maganda ang iyong araw."
#dearjo
0 notes
Text

Dear Jo,
Sa buhay na ito may bagay na kinakailangan nating kaharapin, bawat hamon na kung saan kinakailagan nating pagdesisyunan dahil sa bawat desisyon na ating gagawin tila isang hagupit ng alon ang ating kakaharapin na kung minsan ay nanaisin mo na lamang na magpatangay na lamang a bawat alon hanggang sa ikaw ay malunod at tuluyang hindi na makaahon pa.
Madalas pinipili na lamang natin manatiling nakalunod, nakalutang at wala ng balak pang umahon dahil nakakatakot, nakakatuliro at nakakadismaya na baka sa iyong pagahon ay muli kang matangay ng mga alon kung kaya't nanaisin mo na lamang manatili sa pagkalunod.
Ngunit hindi mo maitatanggi na hindi habang buhay hahayaan mong malunod ka sa bawat alon, kinakailangan mo ng sapat na lakas ng katawan, lakas ng loob, tapang at determinasyon upang muling hamunin at harapin ang bawat alon ng sa ganon ay hindi na nito muling matatangay at malulunod pa.
"Huhupa rin ang mga unos tatagan mo lamang ang iyong kalooban, paniguradong ikaw ay hahantong din sa iyong nais na distinasyon"
#dearjo
0 notes
Text

Dear Jo,
Akala ko noon hanggang sa ngayon na ang kamalian ay hudyat ng kahinaan
Ngunit hindi ko aasahan na ang akala kong kahinaan ay siya palang aking magiging kalakasan
At tungtungan upang ako'y umahon at lumaban
Hindi pala kahinaan ang magkaroon ng kamalian
Bagkus ito pa ang iyong magiging gabay para inaasam na buhay
Kaya naman Jo ayos lang magkamali ang mahalaga ay maitama mo lahat ng kamaliang ito
Kung sakali man na may kamalian pa rin, ayos lang ang mahalaga may pagkakataon pa para bumawi at itama muli.
#dearjo
0 notes
Text

Dear Jo,
Nagbago na pala talaga ako. Hindi na ako yung dating ako.
Si Jo na masipag at kakayanin ang lahat
Si Jo walang tigil sa pag-aaral
Wala na si Jo, na saan na sya? Tunay nga bang nagbago na ako? Wala na ang dating Jo na may sigla sa pag-aaral. Nasaan kana Jo!!!!!!!!!!!
#dearjo
0 notes
Text
Dear Jo,
Kumusta ka na?
Halos dalawang taon na ang lumipas, simula ng tayo ay mag ka usap
Ngunit hanggang sa ngayon iniisip pa rin kita. Laman ka pa rin ng aking isipan
Sa bawat oras, minuto, araw, buwan at taon kumusta ka na nga ba?
Maayos ka lang ba? Naiisip mo rin nga ba ako kahit pa minsan-minsan lang?
Alam kong masyado ng matagal dapat ako'y naka usad na
Ngunit pasensya kung hanggang ngayon ay na rito pa rin ako sa kalye kung saan tayo huling nag tagpo
Huwag kang mag-alala nasa parehong kalye man ako, wala na naman ako pwestong iyon
Pwesto kung saan na durog mo ang puso at damdamin ko
Kaya masasabi kong naka usad na ako, kahit paano.
Kung sakali man na landas natin ay muling mag tagpo
Hangad ko na ako ay iyong hagkan ng isang mainit at malamyos na mga yakap
Hangad ko na ako'y iyong ngitian
At sana'y sa panahon na tayo ay muling mag tagpo wala na ako sa kalye kung saan tayo huling nag tapos
Ayokong sabihing paalam dahil kahit kailan man hinding-hindi na kita malilimutan
Mananatili ka sa aking puso't isipan.
#dearjo
0 notes
Text
Dear Jo,
"Uuwi na ako"
Salitang madalas marinig matapos ang buong klase
Sa silid aralan makikita ang iba't-ibang aksyon ng bawat mag-aaral pag sapit ng uwian
Ngunit isang emosyon lamang ang palaging makikita at mararamdaman "pagod"
Pagod hindi lamang sa lektura ng maestra at maestro kundi pagod sa bigat ng pasanin sa buhay
Mga pagod na hindi mo alam, hindi natin alam kung saan at paano matatagpuan
Ngunit isa lang kasiguraduhan, ang pag uwi sa tahanan
Ang tahanan kung saan ka masaya, malayang nailalabas ang iyong damdamin at emosyon. Tahanan hindi ang bahay.
Uuwi na ako sa tahanan kung saan ako malaya, kung saan malaya akong makakapagpahinga
Uuwi na ako sa tahanan kung saan ako magiging masaya
Uuwi na ako sa tahanan kung saan ako'y makakapag isip ng maayos at tuwid
Uuwi na ako sa tahanan na syang nagbibigay lakas sa muling pag harap sa leksyon ng bukas
Uuwi na ako, salamat sa araw na ito.
#dearjo
0 notes
Text

Dear Jo,
Tila kahapon lang ang kapaskuhan samot saring ilaw ang mga nasa tahanan at kapaligiran ngunit sadyang ang panahon ay tila mabilis maglaon. Tapos na naman ang disyembre.
#dearjo
1 note
·
View note