Text
ANG LIMANG UTOS NI ITAY
Nakahanap ako ng tsempo para magpaalam na pupunta ako sa TSAMU.
ME: Dad, pupunta akong Luneta bukas. Maaga akong aalis sa bahay.
Dad: At bakit?
ME: Hahanap po ng ka-forever. Ano kasi….kagaya nung dati. Kasama ko naman ‘yung mga kasama kong pumunta sa Luneta dati. Thaaanks!
Dad: Nakooo! Gracia, ika’y mag ingat-ingat pag pumunta ka doon. Nakoooo.....
1. “Huwag na huwag kang tatanggap ng pagkain o inomin kahit kanino! Uso ngayon ‘yung nilalagyan ng pampatulog ang iinomin tapos rereypin!”
Akala siguro ng tatay ko, patay gutom ‘tong anak nya na basta-basta nalang tatanggap ng foods kapag inalok ng kahit na sino. Jusq!
2. “Huwag kang mag suot ng shorts, suotin mo ay pantalon! Tapos ‘yung mahahabang damit at hindi fit!”
Pangarap siguro ng tatay ko maging HIP HOP noon, kaya saakin nya gustong tuparin ngayon.
3. “Huwag kang makikipag usap kung kani-kanino doon. Uso ngayon ‘yung nahi-hypnotize tapos kung saan-saan dadalhin!”
“Kung alam mo lang 'tay, kung gaano ko na katagal pangarap i-hypnotize si crush para madala ko sya kung saan-saan. Iiiih! Hihi.”
4. “Huwag ko lang makikita sa PESBUK na may kaakbay ka na namang lalaki! Nako talaga naman!”
Syempre doon ko po iu-upload sa isang facebook account ‘yung mga pictures. Ano ba naman 'tay!
5. “Huwag kang magpapagabi ng uwi. Baka may humila na lang sa’yo bigla at pagsamantalahan ka!”
Dapat matuwa pa nga po kayo kapag may humila sa’ken kasi sa edad kong 22 kahit first kiss sa cheeks wala pa ako. At least doon manlang mapatunayan kong isa akong normal na babae, na meron din pa lang lalaking nahuhumaling saakin.
Hindi malinaw sa’ken kung pinayagan nya ako o sinermonan lang ako. Anyway, see you pa rin sa mga pupuntang TSAMU!
31 notes
·
View notes
Note
Taga saan ka po?
Required bang sumayaw pag sinagot ko 'to? Haha.
7 notes
·
View notes
Note
You're so funny hahahaha i love your blog!!! Have a nice day 😊
Thank you Kirsten 😊
4 notes
·
View notes
Note
Takte. Tuwang tuwa ako sa blog mo. Hahaha 👍🏻
Hi thank you! 😊😊
4 notes
·
View notes
Text
Yamot na yamot ako sa katabi kong dalawang lalaki kanina sa jeep. Nakng tokwa! Akala mo sila lang nagbayad at sobra kung makabukaka. Nagmukha tuloy akong etits na napag-gitnaan ng dalawang balls. Pareho kase silang kalbo.
29 notes
·
View notes
Text
Tinutukan ako ng walang kalaban-laban. Huhu!
Sumakay kami nang Tita ko sa Hybrid Bus na halos lalaki ang pasahero, akala ko nga “Men’s Bus” ang nasakyan namin pero keri na rin kasi mukha naman akong lalaki. Charot!
Nung una maluwag pa ang bus at konti palang ang pasahero pero gaya ng malandi mabilis agad dumami. Yung ibang pasahero nakatayo nalang, yung mga lalaking naka upo naman, over sa pagbukaka akala mo binayaran nila yung space na sakop nila eh. Sana ginawa nalang detachable ang betlog ng mga kalalakihan no? Tipong kapag siksikan na sa jeep o bus, itatago nalang nila sa bag yung betlog nila para makatipid sa space dahill sa mga lalaking ayaw maipit ang betlog kaya over sa pagbukaka, tapos tsaka nalang ulit nila ikabit kapag bababa na sila.
Habang pasimple akong nagpupunas ng basang kilikili ko biglang may estranghero na sumulpot sa tapat ko at sa harapan ko pa mismo tumayo si Kuyang naghihimutok ang pants dahil sa sobrang fit. Maya-maya pa, bigla nyang itinutok sa’ken ang b…………………………umubukol na betlog nya and I was like “Kowyahh…. Wag po!! Virgin pa po ako. Huhu!”
Tuwing may madadaanan na humps si Manong Drayber ‘di ko maiwasang isipin na “tumatalbog rin kaya ang betlog netong si Kuya?” Tapos everytime na may bababang pasahero syempre dadaan sa likod nya at si Kuya naman itututok ng malapitan sa’ken ang betlog nya para makadaan yung mga pasahero sa likod. Atras abante ang gawa ni Kuya, ako naman puro pikit. Minsan kapag hindi ko sinasadyang mapatingin parang pakiramdam ko kinikindatan ako ng betlog nya like “Hi Miss! Okay ka lang ba dyan? Hihi”
Sino ang makasalanan sa aming dalawa ni Kuya, ako ba na napatingin o sya ba na itinutok ang betlog sa akin?
20 notes
·
View notes
Text
LOKOHIN MO NA ANG LASING 'WAG LANG ANG BABAENG NAGKI#KILAYGOALS HABANG NAKAHARAP SA SALAMIN
Wala akong problema sa mga babaeng mahilig mag make-up at gawing coloring book ang mukha nila, ‘yun ang ikaliligaya nila eh, care ko naman ‘di ba? Ang isa lang sa pino-problema ko at nakakadagdag ng pimples ko, ay ‘yung pinsan kong pilit ina-achieve ang #KilayGoals nya.
Inis na inis ako sa pinsan ko tuwing umaga dahil hindi sya umaalis sa salamin hanggat hindi nagiging ka-korte ng logo ng Nike ang kilay nya. Wapakels sya kahit malate kami sa eskwela, ang mahalaga, makapasok sya ng pak na pak ang kilay nya. At ang isa pang nakakainis! Ayaw nyang magpagamit ng salamin. Kapag sinisingit ko ‘yung mukha ko para maglagay lipstick, bigla nya akong lalakihan ng mata na para bang nangungusap “Umalis ka dyan! Lumagpas na lipstick mo, ‘wag lang ‘tong guhit sa kilay ko!”
Ito pa, sa kalahating oras ng pagkikilay nya, hindi pa kasama doon ang pagpapahid ng foundation sa mukha. Alam nya sa sarili nyang hindi sya maputi, pero tuwing masisinagan sya ng araw, nagmumukha syang Zebra na nasuotan ng uniporme. Sobrang puti kasi ng mukha at leeg nya habang nagmistulang kakatapos lang mag summer vacation ng batok nya at may sunburn pa, dahil sa sobrang itim at hindi pantay na kulay sa mukha nya. Aakalain mong araw-araw sya umaattend ng Prom dahil sa postura nya.
Wala talaga akong problema sa mga babaeng mahilig mag make-up. Next time, sana ipantay nyo naman ang kulay ng mukha sa batok nyo!
27 notes
·
View notes
Text
“NAMNAMIN MO ANG ITLOG KO WITH PIPINO!”
Minsan may mood ako na gusto ko kumain ng kwek-kwek at misan wala. Nagkataon kanina na ayaw ko kumain, kasi gusto kong magtipid muna kahit 10petot lang. Dumaan ako sa harap ng kwek-kwekan, dahil doon lang naman ang daan papunta sa terminal ng jeep. Alangan namang lumipad ako para lang umiwas sa nakakatakam at nakakapag laway na kwek-kwek with pipino diba. Habang patuloy ako sa paglalaway, bigla akong hinarang ni kuyang nagtitinda ng kwek-kwek.
“Miss! Anong hanap? Pugo? Penoy? Itlog? Bili ka na. Masarap ‘tong sa’ken! Hehe.”
Hindi ko alam kung anong mas nakakatakam, si kuya o ‘yung itlog na inaalok nya. Hihi. Tumanggi muna ako dahil gusto kong magpabebe at habol-habulin.
“Miss! Sige naaa! Masarap ‘tong itlog ko este itong kwek-kwek. Hihi.”
and I was like
“Iiih.. Mesherep? Free taste ka ba? Hihi. :””>”
Pero hindi pa rin ako nagpatalo sa tukso, kaya humakbang pa ulit ako ng isa, pero pinigilan ulit ako ni kuya.
“Ganda! Sige na oh! Kain ka na ganda! Masarap ‘tong itlog ganda!”
Mukhang desperado si kuyang mabenta ang itlog nya kaya sinagot ko na sya ng….
“Hay nako kuya! Kung nadadala lang ako sa ganyan, matagal ko ng boyfriend lahat ng Tindero ng kwek-kwek dito. Hmp! Pabili nga…… Dalawang stick ha!”
Napakain tuloy ako. Ikaw ba naman ang alukin ng masarap na itlog, at sabihan nang “ganda” ng tatlong beses sa isang sentence, hindi ka ba mapapa “OO”?
28 notes
·
View notes
Text
CR ka ba? Kasi nafa-fall ako sa’yo- PUBIC HAIR
Tuwing gagamit ako ng public comfort room, hindi maaaring hindi ako mabadtrip tuwing lalabas ako sa cubicle. Ang dami nang shits na nangyayari sa’ken araw-araw, tapos sasabayan pa ng maliliit, makakapal at nakakatakot na pubic hair na nasa ibabaw mismo ng uupuan ko o kaya minsan, lumulutang pa ‘yung iba sa tubig, feeling siguro nila summer pa rin, kaya feel na feel nila ang pag floating.
Naalala ko nung first time ko maka encounter ng pubic hair na halos kasing haba ng baby bangs ko, tapos sobrang kulot at makapal na nakakatakot. Hindi ako pwedeng magkamali, imposibleng buhok ‘yun sa ulo ng kung sino mang walang hiya, na ang alam lang ay mag-ahit ng kilay na tipong pang #EyebrowGoals pero walang pakealam sa #PekpekGoals nya. Wala akong dalang tissue non kaya hindi ko alam ang gagawin ko.
Uupo na sana ako ng biglang nawala ‘yung pubic hair, kaya nag panic ako. “Like shiyet! Saan pumunta ‘yun? Huhu!” Feeling ko kasi dumikit sa’ken ‘yung nakakatakot na pubic hair na ‘yun, muntik na akong mapalabas sa cubicle ng walang suot na pants, buti nalang nakita kong nalaglag pala sa bowl, kaya naka ihi ako ng payapa!
Mapanot sana ang pekpek ng mga kababaihang hindi manlang marunong dumampot ng sarili nilang pubic hair kapag nalalaglag ito!
26 notes
·
View notes
Text
Minsan feeling ko in love ako kay Maine Mendoza, paano kasi siya na lang palagi ang nakikita ko, sa maraming t.v commercials at mga posters. Sabi ni bebe Tenten, isa daw sa mga senyales na mahal mo na ang isang tao kapag lagi mo siyang nakikita. Haha. Charot!
30 notes
·
View notes
Text
LOKOHIN MO NA LAHAT, ‘WAG LANG ANG AKING INAY
Naisipan kong bilhan si Inay ng burger steak nung nakaraang araw. Naalala ko kasi tuwing commercial nila James Reid at Nadine Lustre na Jollibee burger steak, lagi siyang may side comment na kung anu-ano. Feeling ko way nya talaga ‘yun para sabihin na “Parang ansherep ni James Reid este nung Burger steak. Kelan ko kaya matitikman ‘yun? Hays!!”
Pag dating ko sa bahay, dali-dali kong hinanap si Inay para ipatikim sa kanya ‘yung gustong-gusto nya.
Me: Inay! Ibinili kita ng gusto mong burger steak oh!
Inay: Aba! Ito ‘yung kinakain ni James Reid sa T.V diba? Matikman nga. Hihi.
*Biglang nagsalita si Inay nung paubos na ‘yung kinakain nya at hindi manlang nagabalang alukin ako na baka gusto ko tumikim kahit konti*
Inay: Sus! Hindi naman pala masarap. Napaka alat! Pero bakit pag si James Reid ang kumakagat eh, sarap na sarap sya? Kalakohan ng mga commercial na ito. Hmpffft!
Kaloka! Pakiramdam ko, ayaw na ni Inay kay James Reid mula nung natikman nya ‘yung burger steak. Hindi na kasi siya nanunuod nung paborito nyang “On The Wings Of Love”
NOON
Me: ‘nay!! Tara na matulog. Gabi naaaa!
Inay: Mamaya. Nanunuod pa akong OTWOL. Hihi.
Me: Huhhh? Anong OTWOL?
Inay: Eh di, On The Wings Of Love.
NGAYON
Me: Inay. OTWOL na. Nuod ka na.
Inay: Tulog na meeeh!
Humanda na kayo Jadine love team! Nabawasan na ang fans nyo!
23 notes
·
View notes
Text
ISIKSIK MO AKO SA SINGIT NG PAGMAMAHAL MO
Ang sarap ng pagkaka upo ko sa Bus, ‘yung mga mata kong unti-unti nang bumibigat dahil ilang araw na akong puyat, ng biglang nagising ang diwa ko dahil sa bagong babaeng pasahero, dahil puno na lahat ng upuan nakatayo nalang sya sa harap malapit saakin. Tinignan ko sya mula paa hanggang……. okay naman ang paa nya.
Sa palagay ko ay isa siyang maingat na tao, halata naman dahil naka lagay mismo sa dibdib nya ang cellphone nyang mas bakat pa ang keypad kesa sa dede nya. Hindi na ako magugulat kung pati wallet naka singit na rin sa dibdib nya. Na holdap na siguro sya noon kaya nagdo-doble ingat na sya ngayon. Para malibang ako, buong biyahe ko hinulaan kung anong unit ang phone nya, medyo mahaba tapos medyo mataba. Iiiihhh!!! Hihi. Ano kaya ‘yuuuun.
Hindi ko maiwasang hindi tumingin sa dibdib nung babae, buong akala ko kasi nung bata pa ako, pera lang ang pwedeng ilagay sa bra tapos ngayon, pati pala cellphone pwede na. Buti pa ang bra nag u-upgrade noh, kumusta naman 'yung love life mo?
Isa lang ang naisip kong dahilan kung bakit nakalagay ang cellphone nya sa loob ng bra, wala siyang dede!!!! Salamat kay Ateng, dahil sa kanya nagkaroon ako ng idea kung paano magka dede. Isa siyang pag-asa para sa mga walang dede na katulad ko at katulad mo rin.
Hanggang sa makababa ako ng bus nabagabag pa rin ako kung anong unit ang phone nya.
22 notes
·
View notes
Photo


‘yung misan pakiramdam mo, kontento ka na sa kung anong meron ka tapos bigla nalang may hangin na dadaan at ibubulong sa’yo na “tanga! may kulang pa!” syempre hahanapin mo kung ano ba ‘yun at pagtingin mo sa harap mo mapapasabi ka nalang na “shiyet! ito ba ‘yung kulang sa buhay ko?” habang nakatingin doon sa mag jowang naglilingkisan. Masaya naman ako tuwing kumakain sa fast food mag-isa, tuwing mag wi’window shopping mag-isa at kapag bumibiyahe mag-isa, pero bakit kailangan ipamukha saakin ng ibang tao na mag-isa lang ako?
Sapat na saakin na merong isang couple na ipinapamukha saakin na nabeng-bang na nila ang isa’t-isa pero, ‘yung tatlo na magkakasabay habang nasa malayong biyahe? Aba! Torture mga ‘teh, para akong isinumpa ng universe. Doon sa unang lover wala namang kaso saakin kasi medyo tago ‘yung ulo nung babae kaya hindi masyado makita ang kaharutan nila, pero ‘yung ikalawang couple, mukhang nagkakasarapan na sila sa isa’t-isa at ang lakas humalinghing nung babae, kitang kita naman kung paano sumubsob ‘yung lalaki diba. ‘yung ikatlong couple naman, alam na puno na nga, nakuha pang sumakay, may iba pa namang bus ah. Tse!
Pakiramdam ko pareho ang nararamdaman namin nung lalaking naka headset na mali ang napasukan naming bus, grabe sya makatitig takang taka siguro sya kung bakit sya napadpad sa gaanong klase ng biyahe. Minsan kasi okay ka na tapos bigla nalang may mga eepal at magpapa realize sa’yo na masarap ang may ka PDA sa harap ng madlang pipol.
Sa susunod na biyahe ko sisiguraduhin kong may dala akong blind fold. Mga single talaga ang kailangan mag adjust sa mga ganitong sitwasyon kasi, nakakahiya naman sa mga couple diba.
30 notes
·
View notes
Text
Hindi pa nga fully developed ang boobs mo, ang landi mo na!
48 notes
·
View notes
Text
Shout out pala kay Kuyang katabi ko kanina sa jeep na amoy luya ang hininga. Muntik na akong lumagpas sa bababaan ko. Nung pag sabi nya ng “Paraaahhh mahhnooong!” swak na swak sa ilong ko ‘yung hangin mula sa bibig nya. nagising ang diwa ko, bumulusok sa pagkatao ko lalo na sa ilong ko na kailangan ko na rin palang bumaba.
Kahit papano may silbi rin naman pala sa lipunan ang ganong klase ng tao, lalo na sa mamamayang katulad ko na patulog-tulog lang sa jeep. Thank you kay Kuyang Ginger.
Now playing: Grenade by Bruno Mars
33 notes
·
View notes
Text
Virginity
Hindi ko alam kung bakit ako nag-iinarte, hindi naman hiyas ko ang nakuha pero bakit nasasaktan ako. Ang OA, pero bakiiiit? 1 month palang sila ng Boyfriend nya at don nya pa isinuko sa taong ‘yon na kakakilala palang nya. Sinong tao ang mai’ inlove sa loob ng isang buwan, at ibibigay na agad ang lahat-lahat. Sinooooo?!!!!! Ano ‘yon tumibok nalang bigla ng mabilis ang betlogs mo tapos nasabi mo nalang na “Shiyet! Tunay na pag-ibig na ituuuuu!” Ang labo mehn!
Buong akala ko pareho ang pananaw namin ni *toot* (babae sya) pagdating sa ganong aspeto. Naniniwala kasi ako na dapat lang ibigay ang virginity kapag kasal na ang isang tao. Hindi ko sya pinandidirihan, dadaan rin naman ako sa ganon, napaaga lang yung experience nya. Baka nung nabalitaan nilang meron tatamang lindol na 7.2 magnitude dito sa Pilipinas, agad silang nagmadali ng Boyfriend nya like “Babe! Balita ko may tatamang lindol dito. Ayoko madaganan ng malalaking bato. Huhu! Gusto ko ikaw ang pumatong sa'ken. Hihi"
Puro “sorry” ang natanggap ko mula sa kanya, pati na rin sa Boyfriend nya na chat ng chat sa'ken “Mahal na mahal ko sya at hinding hindi ko sya iiwan.” Nakng tokwa naman tsong! 1 month palang, mahal na agad? Saan banda? Sa boobs nya? Alam ko namang wala akong pakealam. Relasyon nila ‘yon, ginusto nila ‘yon, hindi ko lang talaga matanggap, hindi ako makapaniwala! Isa sya sa pinaka importanteng tao saakin at ayaw ko syang masaktan. Minsan ko na sya nakitang umiyak dahil sa lalaki, baka mamaya pagsisihan nya na sa maling tao nya naibigay ang pagkababae nya, pero wala na syang magagawa kasi hindi naman na maibabalik ‘yon.
47 notes
·
View notes