diaryngtamad-blog
diaryngtamad-blog
Silver lining dreams.
1K posts
Julienne | 17 | Straight Procrastinator. ...I suck at intros, really. ಥ_ಥ /
Don't wanna be here? Send us removal request.
diaryngtamad-blog · 12 years ago
Photo
This would be nice. :/
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
486K notes · View notes
diaryngtamad-blog · 12 years ago
Photo
Someday <3
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
2K notes · View notes
diaryngtamad-blog · 13 years ago
Text
Dear You,
I’m still wide awake. I can’t sleep because I’ve been thinking a lot. You stay heavy on my mind and I can’t help it. I’m afraid I had fallen into the spell you chanted. With that charm, I cannot resist. Please don’t be too kind, sweet, or caring if you have no intentions of catching me. Don’t flatter me with those brutally sweet words if they’re just lies. I’m scared to fall in love with the wrong person again.. Please stop if it’s not real before it kills me.
Pleading,
This Girl
0 notes
diaryngtamad-blog · 13 years ago
Note
galing nmn ng post mu kay yeng.. un pagibig.. ur a good singer po.. :D
Hi! Waaaw napakinggan mo pala. Hahaha sorry ang late na yata ng reply ko. Iniwan ko na yung blog ko na 'to. XD pero thankyouuu! Ito nadatnan ko :)
0 notes
diaryngtamad-blog · 13 years ago
Audio
Pag-ibig - Yeng (cover)
Sensya na, hindi naman ako singer. XD
0 notes
diaryngtamad-blog · 13 years ago
Text
Happy Mother's Day!
Sa lahat ng mga nanay na, soon-to-be at aspiring! Hahaha! Meron naman sigurong aspiring diba? Wag lang muna sa maagang edad please lang, kung gusto niyo mabuhay ng matiwasay.
Pasalamatan natin mga nanay/mama/mom/mamsi natin kasi pinanganak nila tayo. Dahil in the first place, sila ang may desisyon kung bubuhayin ba tayo o ilalaglag. It means that they really loved us because our existence is already a proof. :)
Na kahit mga pasaway tayo at matigas ang ulo, hindi nila tayo iniiwan sa ere. Sila ang "google" ng bahay natin. Bakit? Halimbawa: "Ma, asan na yung <insert nawawalang gamit here> ko?" 
Nothing can compare to the love, care, and affection that our mother can give us.
Happy Mother's Day! ^_______,^
0 notes
diaryngtamad-blog · 13 years ago
Text
Tinatanong mo sa sarili mo kung saan ka ba nagkamali
Paulit-ulit mong iniisip kung anong nangyari.. Sino ba ang may kasalanan, ano nga ba ang dahilan? Parang biglaan na lamang at tila ba walang konkretong kapaliwanagan. 
Willing ka na gawin ang lahat maibalik lang siya sa iyo
Kahit pa na ang ibig sabihin nito ay magbago ka ng pagkatao. Yung halos baguhin mo na ang lahat ng sa iyo at magmakaawa na bigyan ka pa uli ng pagkakataon na maibalik yung dating kayo.
Naaalala mo ang lahat ng sa inyo
Tuwing nagkakaroon ng isang hiwalayan, hindi mo maiiwasang maalala yung taong yun sa bawat oras na ginawa ng Diyos. At isa ito sa mga dahilan kung bakit nahihirapan ang isang tao na mag move on.
Niloko ka lang niya
Mapababae man o lalaki, kayang kayang mangloko ng isang tao kung gugustuhin niya. Nandito yung pakiramdam mo laruan ka lang, nawalan ng pride at ego matapos ang lahat ng ginawa mo.
Pero alam mo?
Alam mo naman na mismo sa sarili mo kung naging mabuti ka bang kasintahan kung sa tinagal ng relasyon niyo ay naging loyal ka sa partner mo at binigay mo ang lahat ng makakaya mong effort. Siguro para sakanya hindi pa sapat iyon. Pero kahit ganon pa man, ‘wag mong isisi ang lahat sa sarili mo. Hindi mo kasalanan ang lahat ng ito.
Kung ang taong iyon ay masaya dahil wala na kayo, hindi mo dapat iyakan iyon. Maaaring wala ka ng halaga para sa kanya, pero tandaan mo hindi lang siya ang tao sa mundo. Malay mo, sa paningin ng ibang tao sobrang halaga mo.
Kahit gaano mo pa siya katagal isipin, ang tanong.. iniisip ka din ba niya? Kahit ialng segundo man lang maaalala ka kaya niya? Most probably, hindi. Kasi siya nga yung nakipaghiwalay.. At kung gusto mo sumaya, pakawalan mo na ang mga bagay na nakakapagpalungkot sayo. Mas madadalian ka dito.
Kung niloko ka, iwanan mo na. Tapusin mo na agad. Hindi EX ang tawag sa taong yun. Kundi isang SCAM. Hehehe
Sa mga taong hindi pa nakakaranas ng isang hiwalayan, masakit ito lalo na kung first time mo. Pero okay lang yun, tao ka at normal lang na masaktan. Tandaan mo, ‘wag mong hayaan na lamunin ka nalang ng pagkadepressed mo. Hindi lang naman pagibig at kasintahan ang kasiyahang mahahanap mo sa mundong ito. Bakit hindi mo simulang mahalin ang sarili mo bago ka magmahal ng iba?
At hanggang maaari, ‘wag kang magtanim ng galit sa dati mong kasintahan. Maging masaya ka kasi nangyari yun sa isang parte ng buhay mo.. Pero ‘wag mong kalimutan na matuto mula rito.
Break ups
33 notes · View notes
diaryngtamad-blog · 13 years ago
Text
Hindi masama ang magbigay ng second chance. Sabi nga diba, everybody deserves a second chance. Pero pano sa isang relasyon?
Sa isang relasyon hindi maiiwasan ang di pagkakaintindihan at minsan, maaari pa nga itong humantong sa isang hiwalayan. At sa isang hiwalayan, madalas mapagtatanto ng isa ang mga pagkakamali na nagawa niya mismo. Kung baga, mga what should have been..
Ang pagbibigay ng second chances ay dapat pinagiisipan. Depende kung sa anong nangyari at kung ano uli ang mga posibleng mangyari. May mga tao kasi na abusado. Palibhasa alam nilang hindi sila matiis ng isang tao, nagagawa uli nila na magkaroon ng lakas ng loob para gumawa nanaman ng kasalanan.
Getting back with your ex is pretty much the same. Para ka lang nagbasa uli ng paborito mong libro na kabisado mo na yung content at alam mo na ang mga mangyayari. Mauulit lang.. kaya sa isang relasyon, kapag nagbigay ka ng second chance, dapat alam mo sa sarili mo na may kaunting posibilidad na maulit ang mga dati niyong pinagawayan, kaya kayo naghiwalay. At dapat sa ganitong sitwasyon, kailangan niyong maging matatag at magtiwala ng higit pa sa dati. Dahil kapag tiwala ang nasira, mahirap na itong ibalik pa muli.
Second Chances
7 notes · View notes
diaryngtamad-blog · 13 years ago
Text
Hayskul
Mamamaalam na ako sa high school life. Tapos na ang lahat ng kalokohan, sobrang kasiyahan at kung ano ano pa man. Alam kong hindi magiging madali ang college, wala naman kasi talagang madaling course. Lahat pinaghihirapan..
Umpisa na ng realidad. Walang adviser, walang spoon feeding na magaganap kaya kawawa talaga ang mga hindi nagpakahirap man lang nung high school. Kanya kanya na at alam ko na mahihirapan ako na maghanap ng totoong kaibigan.
Hinding hindi ko malilimutan yung mga masasayang pagkakataon. Solid kasi talaga yung batch namin, kaya naiyak ako nung dumating yung araw na alam kong magkakahiwalay na kami. Hahanap-hanapin ko ang high school, alam ko.. 
1 note · View note
diaryngtamad-blog · 13 years ago
Photo
Tumblr media
Bagong ligo, ang init kasi!!
1 note · View note
diaryngtamad-blog · 13 years ago
Text
Walanjo (?)
Nakakatawang isipin na yung mga mas bata sa akin, sila pa yung mas maraming pinoproblema tungkol sa pagibig. Ano ba naman yung "wag-mong-piliting-tumanda-agad"? Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako kapag nakikita ko sa newsfeed ko yung mga post ng grade 6 na mga estudyante na "friend" ko sa FB. Puro nalang mga sawi, kulang nalang daw magpakamatay siya. WATDA? Seryoso, kung yung mga kasing edad ko nga pinagtatawanan o tinatratong 8-year old pa din pag dating sa buhay ng mga matatanda at experienced sila pa kayang mga mas bata sa amin? Na tipong grabe kung makatili pag andyan yung crush, akala mo wala ng bukas.. wala man lang dilika-desa, makapagreklamo sa mga magulang na kesyo hindi nila nakuha yung gusto nila, mga spoiled brat na masyadong pa-baby sabay sa buhay pag-ibig akala mo kung sinong matanda na ikinasal na kung makaasta. Nakakairita. Ang sarap ipamuka sa kanila yung hirap na pinagdaanan namin nung bata kami at lalo na nung mga mas nauna sa amin. Palibhasa ang dali dali ng buhay ng mga batang yon kaya walang ibang pinroblema kundi lovelife at mga kalandian. Sorry for the word, pero kung makikita mo sila at ma-obserbahan, ganun talaga. 
3 notes · View notes
diaryngtamad-blog · 13 years ago
Text
Eto na yata yung worst encounter ko dun sa sinasabi kong parang "psycho" kung makatingin sa akin na matandang babae sa mga nakaraang posts ko.
Lumabas ako, around 9pm.. mahangin, madilim na din yung paligid pero bukas pa yung tindahan. Bibili lang naman talaga dapat ako eh. Sabay dumating siya..
Habang papalapit siya sakin, titig na titig siya. *Must. Avoid. Eye. Contact!* Tapos parang ang crooked niya maglakad papalapit sa akin. Tumabi siya bigla habang nagiintay na may magtinda sa amin. Sabay bigla niyang nilapit yung muka niya tapos nandon nanaman yung titig niyang nakakapangilabot. Kulang nalang maparalyze ako. Kinausap niya ako.. "Anjan na papa mo?" Habang nakatitig ng pang psycho. Sinagot ko siya ng hindi nakatingin sa kanya. "...Opo."
Pagkabili ko ng pagkain, alis agad ako. Tumayo balahibo ko. asdndfdskjgbslkbhsdncalsv
1 note · View note
diaryngtamad-blog · 13 years ago
Text
It’s hard to go around and pretend, to fool yourself and to deny the truth that what you are trying to feel, is really against your will.
I’d rather have “one-sided love” situations than to try and force myself to be with another man I can’t even love in the first place. I know it sounds pretty stupid, but I just can’t endure the feeling of of being halfhearted to someone who loves me truly. I would not like him to suffer more pain if I were to accept his feelings but won’t be able to return the love that he gives. I don’t deserve that kind of love. And he definitely don’t deserve that kind of treatment..
I'd rather love someone that I can't have, than have someone that I can't love.
9 notes · View notes
diaryngtamad-blog · 13 years ago
Text
Idaan nalang sa kain ang lahat.
Tumblr media
0 notes
diaryngtamad-blog · 13 years ago
Text
Expectation ruins almost everything.
It ruins how you once pictured a 'perfect' scenario and you ended up with what you least hoped for.
You held on to a promise for a long time and yet someone broke it. Eventually, it also broke your heart.
You have been waiting for that special moment and suddenly everything doesn't go your way.
So when you expect a lot, don't be surprised if someday you will be at an all time low. Because disappointments are the cause of pain, and some people just couldn't bear with the unexpected.
2 notes · View notes
diaryngtamad-blog · 13 years ago
Text
Ang tagal ko na din palang pinabayaan 'tong blog na 'to.
Kapag tuwing may nangyayaring maganda sa akin, palagi kong naiisip na "Ay, ibblog ko to! (sa tono ni Hikouichi ng Slamdunk na may dialogue na 'ichecheck ko yan!') pero tuwing pag uwi ko galing ng school, nalilimutan ko na.
May mga pagkakataon naman na gising ako ng madaling araw, dahil nga naman sa aking insomnia, yun yung madalas na marami akong naiisip pero malabo pa para ibahagi. Kung baga, hindi pa kumpleto at sigurado akong walang makakaintindi gaano. At maya maya lang, parang panaginip na bigla ko nalang malilimutan sa aking paggising.
At minsan, sadyang hindi ko lang gustong ilagay at isulat.. o type, ang ilang mga nangyayari sa akin. Hindi naman kasi talaga 'diary' ang blog na ito kaya marami pa rin ang makakabasa ng kung ano man na ilagay ko rito, puwera na lamang kung lalagyan ng password. (At sa kaso ko, hindi ko pa naman naiisipang gawin yun. Hehehe)
Bottomline ng lahat ng mga sinabi ko? Tamad ako magkwento, hehehehe. ^______________,^
0 notes
diaryngtamad-blog · 13 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Prom.
Sa totoo lang, hindi ako gaano nag-enjoy. Ayos lang, normal day. <insert XD here> Wala kasi akong crush sa school kaya walang masyadong excitement na naganap. Hehehehe. Tapos tinapat pa sa Valentine's Day. 'Di ko naman kasama yung gusto kong makasama. Saklap.
4 notes · View notes