dmaliciouside
dmaliciouside
Other Side
779 posts
Always 22
Don't wanna be here? Send us removal request.
dmaliciouside · 6 years ago
Quote
what are you doing?  Me: chasing happiness.
7 notes · View notes
dmaliciouside · 9 years ago
Text
1AM THOUGTS
I am not worth fighting for I am a failure I am unreliable I am the black sheep I'm not happy where i am today I'm feeling lonely, i am alone. I am useless I am just merely existing.. I want to live, i want to breathe. I want to stand up. I want to start over. I wanna see hope, i want to fight. I want to find the right job I want to be productive. I want to explore. I want to love myself. I want to love myself. I will. Do this. All of this. The things i want. Soon. But maybe not now. But soon. I will be fine. Soon.
0 notes
dmaliciouside · 9 years ago
Text
Have you tried freezing a flaming heart? Overflowing warmness that can melt an iceberg and fill the whole ocean. I cannot imagine how much love this can give so i'm trying to keep it safe and freeze it instead. This heart is so precious, it cannot be touched by someone with a hand of thorns.
0 notes
dmaliciouside · 9 years ago
Text
Closed, come again soon!
Ngayon, isasara ko na. Isasara ang lagusan sa mundong di akalaing napuntahan. Kung saan malaya ka sa lahat ng posibleng mangyari. Di alintana ang saya o panganib na hatid habang andoon.. Andoon sa lugar kung saan bihira ang nakakapasok.
Na tanging ang pintuang ito ang portal patungo sa mundong yun. Isasara, hindi dahil sira o may problema o may hindi magandang nangyari.
Isasara dahil gusto ko. Dahil pagod na ako. Dahil ayoko. Dahil ..
Kaya’t mahal. Patawad Dahil hindi ko muna bubuksan ang pintuang minsa'y nagbigay ng kakaibang pambihirang di maipaliwanag na karanasan. Sa tamang panahon ay magbubukas ito. At yayakapin ka sa pagpasok mo.
10/30/16
1 note · View note
dmaliciouside · 9 years ago
Text
Para kay bi.
Miss na miss na kita, Sana lang, kahit isang beses magkaron tayo ng pagkakataon makapagusap. Ipaintindi bakit ka umalis. Ganito kase nangyari.. Kinatok mo yung pintuan sa puso ko, sinilip kita mula sa bintana. Nakipagkwentuhan at sumaya ako kaya kita pinapasok. Akala ko dito kana titira gaya ng napagusapan pero bigla ka umalis. Walang babye, walang pagpapaalam, walang kahit anong ideya na aalis ka. Yung pintuan na nakakandado dati, binuksan ko.. Ngayong umalis ka.. Hindi mo man lang sinara. Gusto kong isara noon pa pero umaasa akong babalik ka. Ngayon.. Kahit isang beses lang. Pwede kaya tayo magusap? Hindi para pilitin kang bumalik. Kundi para isara yung pintuang ikaw lamang ang nakapagbukas. Ikaw lang. Kasi maski ako hindi ko kayang kontrolin yang de putang pintuan na yan. Salamat, Bi.
2 notes · View notes
dmaliciouside · 9 years ago
Text
Sila: uy okay kana bes? Ako: oo, okay naman ako. *smile kasama mata* Sila: buti naman, akala ko hindi paren eh. Ako: *still smiling* Oo, maniwala kayong okay na ako hanggang sa maniwala na din akong okay na talaga ako. 😓😪🤐😷
1 note · View note
dmaliciouside · 9 years ago
Text
Yung akala mo okay kana, masakit parin pala.
0 notes
dmaliciouside · 9 years ago
Photo
Tumblr media
Anong araw naba ngayon? Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses kitang nakita. Pero joke lang, tanda ko pa. Sana nga hindi ko nalang matandaan, sana makalimutan ko na. Sana ganun lang kadali gaya ng nagawa mo. Paano nga ba?
Paano nga ba gumising sa umaga na wala ka? Paano nga ba simulang ang araw ng walang tawag mula sayo? Paano nga ba mabuhay, hindi yung nabubuhay lang.
Sana nga masanay na ako. Dahil alam kong masaya kana nang wala ako.
10/29/16
1 note · View note
dmaliciouside · 9 years ago
Quote
Kaya ko palang saktan ang sarili ko, di kita kailangan. Kaya ko na.
0 notes
dmaliciouside · 9 years ago
Audio
This is for you, you know how much i'm hurting. You watched me die but i still love you.
1 note · View note
dmaliciouside · 9 years ago
Text
Talaga ba?
Alam mo brad, bago mo sabihin ang i love you isipin mo muna kung sigurado ka. Bakit? Kase yang babae na yan, nasaktan na yan. Nagmahal yan ng sobra pero iniwan lang. Wag mong paniniwalain na mahal mo siya hanggat di ka sigurado. Matanda kana, dapat responsable ka sa binibitawan mong salita. Madali lang naman mainlove. Sobrang dali. Ang mahirap eh yung magstay. Hindi lahat kaya to. Kapag stay ang sagot mo, (at utang na loob sana sigurado ka, hindi yung teenage boy na daig pa babae sa pagiging indecisive) tsaka mo sabihin yang three words na yan. Tandaan: magkaiba ang infatuation sa love, maliit lang ang pagkakaiba at kadalasan hindi mo ito kayang mapansin. It takes a real man to know this sht. At ikaw, kung infatuated ka lang sakanya..please lang, wag mo na ituloy yang iloveyou mo. Nabiktima na ako niya, and believe me. Hindi masaya. Please, nextime na na mag iiloveyou ka. Mean it. Konti nalang matitinong babae sa mundo. Wag niyo na bawasan pa.
0 notes
dmaliciouside · 9 years ago
Text
Totga
Isang araw dumating ka Wala akong ideya Sa maaaring epekto mong dala Sa maaaring ingay o musika na maihahatid sa aking buhay Sa delubyo o paraiso na mapupuntahan sa iyong pagbisita.
Bisita, Kase hindi ko iniisip na magtatagal. Maraming umaalis na hindi nagtatagal pero saiyo, Saiyo umaasa ako dahil sinabi mo. At naniwala ako.
Naniwala ako sa posibilidad na mananatili ang isang tao Na hindi kailangan pilitin o itago Naniwala ako, dahil sinabi mo. Sinabi mong "Tayo lang at ikaw na ang gusto ko”
Niyakap kita, hinagkan, minahal. Naniwala sa mga pangakong kayang magpalipad ng papel na ibon. Nakikitang kasama ka sa pagtupad ng mga pangarap na binalak simula ng pagkabata. Na kasama ka na haharap sa dambana at sasabihing kasama ka sa hirap at ginhawa, sa lungkot at ligaya.
Naniwala, at nagtiwala. Kinain lahat ng pait ng kahapon, at nagtiwala na kayang patamisin ng asukal ang matapang na kape na pilit nilalabanan ang lahat ng pait na dumaan. Tinanggal ang pagdududa sa isipan at di na nangamba sa posbilidad na mawala nanaman ito, dahil ganun naman diba? Kapag ang saya ay umaapaw kapalit daw nito ay buhos ng luha pagkatapos?
Ngunit isang araw, pagkatapos ng mga araw na masasaya. Lumipas ang mga araw na napupuno ng tamis ay tila nanunumbalik ang pait. Pinilit patamisin ngunit pumapait. Pinilit ng pinilit ng pinilit. Tila naubos ang asukal na inipon mula sa ating pagmamahalan. Naubos hanggang sa wala ng magawa para manumbalik ang tamis.
Nagbago ang timpla, Nawala ang tamis, nawala ang sabik. Sinubukang ibalik ngunit nawala na ang timpla. Anong nangyari aking mahal? Nasaan ka? Anong bang kailangan kong gawin? Ang tamis na nawala ay nabibili ba sa tindahan? Sabihin mo sa akin pano manunumbalik ang tamis. Paano?
Nangako ka, nangakong kumapit lang at malalagpasan natin ito. Lalabanan natin ang pait namumuno sa tinimpla nating pagmamahalan. Na sabay nating ibabalik ang tamis na binuo at umaasang babalik sa dati nitong timpla. Na kumapit at maniwalang lahat ay malalampasan basta’t magkasama.
Ngunit nasaan kana? Nagulat ako, lumingon sa aking tabi ngunit wala kana. Hinanap ka, tinawag kita, sinigaw ang iyong pangalan. Ngunit wala ka na nga. Nagtataka. Nahihilo, nalilito, nabaliw.
Nabaliw sa tamis na nawala, pinilit kumuha ng tamis ngunit tanging sayo lang ang hinahanap ng sarili. Tila nabaliw sa tamis na binigay mo sa aking mundo. Tamis na ikaw lamang makakapag pabalik.
Hindi ko alam na pati ang salita ay nakakain. Kinain ang lahat ng pangakong matamis na binigkas. Naglaho ang tamis, na minsan nating masayang tinimpla na nakapagpalipad ng papel na ibon at nakapagpabuhay ng mundo. Naglaho ang pangakong ako lang at ikaw. Na tayo lang, at wala nang iba. Naglaho, naglaho ka.
Lumipad ako kasama ka ngunit iniwan na magisang lumulutang sa hangin. Ang pagbisita mo sa buhay ko ay parang hangin na naramdaman ngunit di nanatili. Bakit? Anong ginawa ko mahal para itapon ang lahat? Ang sabi mo ay lalaban hindi ba? Ngunit asaan ka?
Isang araw, naisip kong lumaban. Lumaban na magisa, hindi hahanapin ang tamis. Hindi lilipad sa hangin, hindi lilingon sa aking tabi. Kakayanin magisa kung saan nagsimula, At kung sakaling makita ka.. Ang sasabihin ko'y Mahal, _________ ka.
1 note · View note
dmaliciouside · 9 years ago
Text
Ayoko na munang isipin ang lovelife.
Pano nasa bahay lang ako, lagi ko lang siya naiisip. Gusto ko na humanap ng trabaho kaso komplikado pa sa ngayon e. Puro ako hugot pero wala namang mahugot sa pitaka. Ayoko na muna... Charot. Magiging maayos din ang lahat. Pray lang. Kaya ko to. Malayo to sa bituka. Apaka babaw neto. Hindi naman naisasantabi ang love, pag dumating siya, anjan na talaga. So deal with it.
1 note · View note
dmaliciouside · 9 years ago
Text
Sana nextime na magmamahal ako, ako na yung mas minamahal.
(Alam ko namang selfish ng thought, kaso for a change man lang. Charot.)
1 note · View note
dmaliciouside · 9 years ago
Text
Ayokong mag move on ng di ka kasama.
0 notes
dmaliciouside · 9 years ago
Text
Please save me, I'm drowning.
0 notes
dmaliciouside · 9 years ago
Text
I can fake a laugh, i can fake a smile but i can't hide the pain knowing you don't love me anymore.
0 notes