eccemark
223 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Lahat ng uri ng rejection, masakit ano. First time kong magpasa ng manuscript sa isang journal na hinintay ko ang feedback for six months pero ang ending rejected. Sayang lang. Sana naging maayos ang trabaho ng mga editors behind sa journal na yun at naabisuhan kagad ako kung ano-ano ang mga dapat na maimprove dun sa manuscript, e wala. Hayaan na. More luck na lang next time.
November 26, 2024 11:34pm
4 notes
·
View notes
Text
Sobra akong naiinis sa thesis adviser ko! Hindi nya ako mabigyan ng time para sa consultations, sa email na nga lang kami nag-uusap, pasalamat na rin na nag-rereply sya pero kahit na! huhuhu gusto ko nang maka-graduate lorde! huhuhu
September 2, 2024 9:59pm
2 notes
·
View notes
Text
Kaninang umaga, nagyaya ang nanay kong lumabas dahil meron syang quick errand. Pumayag akong samahan sya, kasi sa labas na raw kami kakain ng lunch. Medyo failed ang errand pero natuloy ang lunch-out namin, at bet nya sa pinaka-aayaw ko na Mang Inasal! Nkklk! Well, hindi naman dahil sa food na TBH masarap naman ang inasal chicken kundi sa dami ng kumakain dun na may odd mannerisms, at mga nagmamadaling crews sa paglilinis ng tables kaya hindi na mawala sa isip ko na very dirty ang buong loob kahit sa anong branch nila huhu! Ang dami kong binigay na suggestions kung saan kami kakain pero bet nya talaga sa Mang Inasal dyusko, so ending dun na. Ayern, at para maiba naman inorder ko yung pinakamura sa bago nilang fiesta meal, 189 pesos, meron nang dalawang pork barbecue, palabok, lumpiang toge, at one cup yellow rice. Verdict: hindi ko sya recommended pero pwede na pantawid-gutom. Looking forward pa naman ako sa lumpiang toge dahil favorite ko ito pero lumang toge ang bumungad sakin, this is sad. Yung sauce naman ng palabok ay ma-oily like lasang mantika IYKWIM, ineexpect ko na savory sya pero hindi? Nkklk, yung pork barbecue ay okay naman, masarap para sakin. Pero sa binayaran kong 189 pesos, hindi sya sulit dyusko! Mang Inasal, never again! Huhuhu!
In addition dito sa branch na kinainan namin, kanya-kanya na palang kuha ng condiments, pati kalamansi at sili, at tissue. Like kung may nalimutan ka, hindi ka pwedeng makisuyo sa mga crew, ikaw mismo pupunta dun sa isang area at dun ka manghihingi na parang kawawa ka dyusme. Ang ending, ang daming taong patayo-tayo at nagbabardagulan sa paghingi ng sili kaya ang gulo-gulo! Mang Inasal, never again!
——
Habang naliligo ako kanina, may narealize ako - I am not a writer! Idk pero ang hirap tanggapin lalo na sa pinili kong field na parang ginagawang puhunan ang pagsusulat. Hindi sapat na maganda ang mga ideya mo, kung hindi ka naman magaling magsulat. Sobrang nakakainggit ang mga peers ko na mga gifted at talented writers, yung mabilis magsulat ng mga bagay-bagay pero may laman pa rin. Ako, ito lang ang kaya ko huhuhu journaling - in vernacular, walang structure, puro emosyon at pakiramdam, puro rant at opinyon, mundane pieces of my every day life. Lorde, ano na, isang buwan na lang at kailangan kong matapos ang RRL na ito huhuhu ang daming concepts at ideas sa isip ko pero hindi ko masimulang mag-sulat. Hindi ko magets na nagagawa ko naman ito dati pero bakit ngayon hirap na hirap ako dyusko!
July 1, 2024 10:30pm
0 notes
Text
Sobrang nakakaloka ang araw na ito, akala ko smooth at chill lang ang mangyayari pero hindi. Ang bagal ng serbisyo nung nag claim ako ng mga requested documents sa CHED kanina. Kumain ako sa Hawker Chan to try yung kanilang world’s cheapest Michelin starred meal at saks lang. Gusto ko sanang sumakay sa mini bus pabalik ng Laguna kaso ang available lang daw e van, pinush ko na kahit sobrang hassle ang mga commuter van. At shuta, birthday nga pala ni Rizal ngayon at sarado ang kalsada sa crossing, buti na lang may jeepney driver na nagpropose na ihatid kami. Expressway daw sya dadaan so may patong ang pamasahe, keri na makaalis lang ng Calamba. Nakakaloka.
Habang nasa Jeep, nababasa ko pa sa twitter (i know) ang mga kaguluhan sa local art community eme tapos nakikisawsaw at pa-preeminent pa yung hubineer. Though valid naman ang opinyon nya, pero kasi kung umasta sa “discourse” akala mo naman preeminent din ang art nya, so so lang din naman. Madalas nyang ginagawang rationale ang resourcefulness kuno at iba pang art theories HAHAHA what if bumalik na lang sya ng probinsya kasi dun sya belong? HAHAHA Dumadagdag pa sa stress ko HAHAHA
June 19, 2024 9:01pm
2 notes
·
View notes
Text


The most anticipated album this year, Brat, has been released! Hail saint charli xcx! This will be my personality for the next few weeks! HAHA
June 7, 2024 9:21pm
0 notes
Text
Monthsary namin ni jowa today! Nagkaron pa ng miscommunication at misunderstanding kagabi gawa’t naging iba mga reaksyon namin sa isa’t isa, dagdag pa na napraning ako sa nabasa kong thread sa twitter nkklk though were super good naman na ngayon at nakapag-usap na rin.
Nagulat lang ako na sobrang bilis talaga ng panahon, 1 year and 11 months na kami, next month 2nd anniversary na namin. Hindi pa kasama yung many months na kami ay situationship hahaha ang hiling ko lang ay continuous personal growth and development para saming dalawa, luck and prosperity, at maisakatuparan mga individual goals namin.
To my jowa, i <3 u so much.
June 2, 2024 8:54am
1 note
·
View note
Text
It took me time whether to write this or not kasi parang I have no feelings for it, or I say I’m very uncertain and too early to have a feelings for it parang ganon. Kasi may bago na naman kaming principal at dati syang principal ng senior high school na kalapit ng school namin. Colleague sya pati ng mga old teachers dito at mukang happy sila sa pagkakaalam ko. Dahil alumni ako ng school, kilala ko sya na nanay ng classmate ko, tho hindi namin naging teacher. Years ago nung high school ako, nakikita ko lagi syang stressed at aligaga, idk, tapos laging may kachismisan o ka-rant na teacher sa corridors hahaha! Ngayon magiging principal na namin. Sana naman na maayos sya, kahit maging prompt lang sa mga important announcements, at accountable sa mga desisyon. Kasi sa totoo lang, hindi nakakatuwa na lagi kaming misinformed, at gulatan sa mga announcements/ schedules.
Kahapon rin nung naghihintay akong mag 5pm sa attendance monitoring system, narinig ko ang isang master teacher namin na nagsu suggest ng mga MOVs for promotion yata sa isang co-teacher na hindi ko kilala. Nung nakaraan sinabihan nya rin ako ng ganun kasi gusto nya na raw mag-retire ng maaga, mas okay raw na matrain na ang papalit sa kanya kaya nya ko sinasabihan. Ako gusto ko. Kaso itong kausap nya na narinig ko, mukang ganun din ang sinabi nya huhu sana mali ako at exaggeration ko lang. Parang mahihirapan akong makipag-gitgitan sa pila ng mga gusto ring ma-promote. Medyo nawawalan ako ng lakas ng loob pero lalaban pa rin me.
May 29, 2024 3:34pm
1 note
·
View note
Text
Umidlip ako kanina pagka-uwi ng bahay at shuta, nagising akong init na init, pawisan, at parang mamamatay na (ems). Madaling araw na rin kaya bigla akong napabalikwas, nag ayos ayos ng mga gamit sa kwarto, at naligo. Pagod na pagod ang katawang lupa ko kahit wala naman akong ginawa masyado ngayong araw. Ang totoong nakakapagpastress lang naman sakin e yung wala kang mapwestuhang matino dun sa school at sobrang init. Sana naman mag-improve ang school namin at bigyan kami ng faculty room, hindi yung pakalat-kalat lang kami sa buong campus. Next week may mga araw na pinapapasok na naman kami ng 8 am to 5 pm at sama sama na naman kaming lahat. Wala na namang mapwestuhan. Sinabi ko na ‘tong issue ko sa head teacher namin pero ang sinabi lang sakin ay ‘ganun talaga,' after non hindi na ko nagsalita tungkol sa topic na yan. Haaay.
May 25, 2024 1:51pm
2 notes
·
View notes
Text
Sobrang nakakaloka ang buwan na ito! After ng ilang linggong kami ay work-from-home, biglang sabak sa pang-umagang schedule (originally pang-hapon na shift kami) tapos biglang ibinalik sa pang-hapon, dyusko! Kahapon at kanina biglang ginawang pang-umaga, tapos bukas balik pang-hapon na naman, like WTF! Gusto yata nilang pahirapan, mabaliw ang mga teachers at magulo ng bonggang bongga ang body clock! Dyuskolord!
May 23, 2024 10:20pm
3 notes
·
View notes
Text
Ako’y muling nagbabalik! HAHAHA Dito muna ako ulit magra-rant habang busy pa ang bebe ko sa mga mahahalagang kabagayan. Gusto ko lang i-share ang mga kaguluhang nangyayari sa aming workplace dahil nakakatawa na dahil lang sa grades ng mga bagets e kailangan pang humantong sa ganon LOL mga sobrang OA na akala mo naman e ang gagaling magturo HAHAHA
Gusto ko lang bigyan ng atensyon yung kasama ko sa department na ka-grade level ko rin, tho wala naman akong masamang tinapay sa kanya personally at I believe, sya rin sa akin, pero nakakaloka kasi na sobra nyang opinionated lalo na sa pagbabagsak ng mga estudyante. Sa pananaw nya kasi, ibagsak ang mga batang walang pinapasang gawain, at sa pananaw nya, ang bata ang nagbagsak sa sarili nya at hindi sya bilang guro. Panay sya ganon, like every faculty meeting lagi nyang sinasasabi yon. Isang teacher lang ang nagrereply sa kanya, pero patanong ang sagot, kung magbabagsak ba raw ng estudyante, marami pa bang papel na aayusin (kasi kapag nagbagsak ka kumpleto ka dapat sa mga patunay, na kinausap mo yung magulang na nakapirma sa pinagusapan nyo, yung activities nung bata na low scores, yung intervention na pinagawa mo sa bata na unperforming ang resulta, at kung ano ano pa) kasi kung maraming aasikasuhin, ipapasa na lang ng teacher yung bata kaysa sa maging hassle pa, magcoconduct ka ng summer classes imbis na bakasyon at magmumuka ka lang kontrabida. May point rin naman ang sinasabi ni teacher, ito yung bureaucracy ng school, yung bawat kibot mo kailangan ng papel NKKLK.
Pero itong kasama ko nga sa department, hindi naman nakikinig at matigas dun sa paniniwala nya na mangbagsak. Idk, very ideal ito na kapag hindi nakapasa e di bagsak, kaso iba iba kasi ang mga pinanggagalingan at karanasan ng mga tao. Una sa lahat, hindi mo maiimpose ang paniniwala mo sa iba. Hindi mo mapipilit na mangbagsak din ang ibang teachers. Kasi ang isa pa sa gusto nyang mangyari, magbagsak din ang ibang subject teachers at hindi lang sya. Para malakas daw ang hatak na babagsakin talaga yung bata. Kaloka yon diba!
Pangalawa, ayokong tanggapin yung sinasabi nya na kapag walang pinasa walang grade. Again, very ideal ito. Ganito naman talaga ang kalakaran sa mga schools na neoliberal, lahat e dapat may patunay, lahat e minemeasure. Kaso very problematic din ang ganitong sistema, kasi alam naman nating hindi nasusukat ang totoong galing ng isang tao base lang sa mga pinapasa nya. Gusto kong i-relate dito yung idea ng historical record, na for many years puro written works lang ang pinagbabatayan. Kapag hindi nakasulat, hindi nangyari, walang kasaysayan. Ang argument dito, kapag ba hindi nakasulat e hindi na talaga nangyari ‘yon? Kaya nga sa panahon ngayon, tinatanggap na rin bilang batayan ng kasaysayan ang oral traditions. Kung babalik tayo sa pananaw nung ka department ko, kapag ba walang naipasang gawain yung bata, ibig sabihin wala na syang natutunan at karapat-dapat na ibagsak?
Wala pa kong isang kalahating taon dito pero feeling ko sobrang tagal ko na HAHAHA nakatutulong na medyo loner ako sa school para iwas chismis at negative vibes, ayoko kasing sumama dun nga sa ka-department/ ka-level ko dahil hindi ko sila bet HAHAHA tho compared sa pinanggaling kong pamantasan, mas okay na dito. Dun sa kabila kasi pulitikang-politika ang labanan, dito away ng mga teachers ang ganap HAHAHA na uulitin ko lang ang sinabi ko kanina, akala mo naman ang gagaling magturo HAHAHA
May 18, 2024 10:01pm
0 notes
Text
IDK the more na nakakasama ko itong circle na sinasamahan ko the more na nakikita ko ang ugali nila na parang hindi ko na ata matatagalan LOL as the sole introvert sa group, at hindi masalita - nagoobserve lang ako sa mga gawa nilang hindi ako masyadong agree hahaha
gfg - the matriarch, bumuo ng sarili nyang crony (derogatory) aka “friends” dahil lagi syang nanlilibre, opinyon nya lang ang valid, mayabang, maingay, laging hindi papatalo, isa sa mga dahilan kung bakit ako tumataba
hfy - maingay, OG friend ni gfg, dahil taga-probinsya buong buo ang value nya ng “utang na loob” kaya halos sambahin na nya si gfg, hindi ko lang gusto na halatang halata sya kung may gwapong student sa gilid mej nakakahiya sya, may nagkwento saking student na puro kabastusan daw ang tinuturo LOLS
uop - maingay, friend ko kuno na nag introduce sakin ng crony ni gfg, tbh maaasahan sya sa pakikipagkapwa tao, first impression mo sa kanya magagalingan ka talaga, pero kapag nagtagal makikilala mo rin kung sino sya hahahahaha well dahil kilala ko sya simula pa nung highschool LOLS hindi ko bet sa kanya yung balibalikong prinsipyo nya, ang kayabangan na pinapakita nya sa lahat minor pa lang yun, lets see kapag nag all out na sya hahaha
wty - isa rin sa nahila ni gfg sa group, okay naman overall kasi cool lang, pero ang hindi ko bet yung cheating nya na sinusuportahan pa nila uop at iba pang mga students, mej eww ako sa part na yun
prq - maingay, nahila lang ulit nila gfg hindi ko alam kung paano, masayang kasama dahil hindi ka titigil sa kakatawa, though tbh unang tingin ko sa kanya may bad vibes na agad, isa rin na puro salita lang pero underneath may corruption na tinatago hahahahaha at puro hasty generalization, mayabang
tyu - maingay, isa ring nahugot ni gfg somewhere, love na love raw si gfg pero ang habol lang naman e bigyan sya ng work load, ito talaga solid na mayabang, go lang kung saan sya masaya
nhg - ito friend ko na nung nagpaparttime pa lang ako, okay naman, may ugali din kasi mej matanda na hahahaha
Well ako lang naman ang parang sampid sa group, pero keri lang, kaya ko namang makasurvive alone, simula siguro next year hahanap na ko ng pwesto na pwede akong mag me-time. Sa totoo lang hindi healthy na kasama ko sila palagi. Yun lang.
December 20, 2022 10:15pm
2 notes
·
View notes
Text
Charan! Nandito na naman ako para humanash! As usual! At as usual ulit na tungkol sa bulok na pamantasan! HAHAHA Pasukan na kasi sa Monday at kaming mga kaguruan nakatunganga na naman hahahaha ano nang next move? Kating-kati na kong mag comment sa fb page nila ng "finalized teaching load reveal" "academic calendar reveal" "school year plan reveal" HAHAHAHA Ano naaaaaa?!?! Tapos makikita ko yung bagong dean namin nandun sa brigada eskwela?!?! Huy!!! HAHAHAHA Tangina mo kumilos ka ang daming naghihintay! HAHAHAHA Inuna pa yung community extension kaysa sa totoong trabaho nya as dean??? Gurl! priorities?!?!
August 8, 2022 4:32pm
6 notes
·
View notes
Text
Natatawa ako sa kagagahan ko hahaha! Lately kasi lagi kaming nagdidiskusyon ng nanay ko dahil isa syang malaking fan ni lbm nkklk! So syempre react ang lola mo dami kong ebas at napansin ko na karamihan sa mga pinagsasabi nya galing sa mga nababasa nya sa facebook! Ang ginawa ko ngayon, lowkey kong hiniram ang phone nya hahaha! Sabi ko ima-maintenance check ko kung puno na memory, pero ang agenda ko talaga i-unfollow lahat ang mga pages related sa fakes news na yan tungkol kay lbm. Naloka ako dahil wala syang finafollow na pages na ganun pero yung mga fb friends nya ang nagsh-share! Dyusme! Nakakaloka dahil ngayon ko lang narealize na sobrang laki ng network nila! Yung mga disinformed, sila pa mismo ang gumagawa ng paraan para ipakalat pa ang masamang balita (na mabuting balita for them nkklk) idk pero medyo cult-ish ang dating sakin. Anyways, ang ginawa ko pinag uunfollow ko lahat ng mga friends nyang nagsshare ng ganun, at nag-like ako ng maraming news, schools, NGOs, history, consumer products related pages para matakluban na ang iba pang posts ng mga friends nya hahahaha! So far success naman hahaha!
Naisip ko lang na dapat facebook ang gumagawa ng paraan para alisin ang mga dangerous pages and information na pinakalat sa platform nila. Hindi sapat ang machine learning at artificial intelligence, dapat may real human behind to fact-check information every time na may magreport.
May 12, 2022 11:54pm
5 notes
·
View notes
Text
Magra-rant lang ako ng slight, tho naka move on na naman ako, pero kailangan ko lang ilabas, ganern.
PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION
Opo, PRC, nasa PRC ako kanina para kumuha ng authenticated copies ng aking board results at ng ID. Kailangan para sa work application. Nito ko lang nalaman na ganun na pala ang sistema, yung photocopy mo kailangan mo nang ipa-certify o kaya ipa-authenticate. Wtf? Tho okay naman? in a sense na nasisiguro na hindi peke yung document? Pero ang tanong kasi dyan, bakit ba may namemeke ng dokumento? E diba isa sa mga sagot dyan, nababanas na sa haba ng proseso ng gobyerno?! Tapos ang solusyon ngayon dagdag proseso ulit??? WTF??? HAHAHAHA Red Tag na ‘to diba?! Ano bang klaseng burukrasya yan?! Sana ang ginawa nila nationwide electronic/ online system na yung mismong employer na ang magveverify, dyusme naman, samin pang naghahanap ng trabaho binigay yung task na yun tapos samin pa pamasahe, mga fees, at shutanginang documentary stamp na bakit ang mahal?!
Ito pa nga ang kinaiimbyerna ko, halos karamihan sa mga goverment services na napuntahan ko, laging may gulatan! HAHAHAHA diba! dahil sa prosesong ngayon mo lang nalaman lagi kang mapapabulalas ng “ay! ganun?!” “ay! bukod pa pala bayad don?!” “ay! kailangan may photocopy?!” “ay! bakit hindi agad sinabi?!” at kung ano ano pa! Dyusme! Paano ba naman kanina, yung fee na binayaran ko online na 75 pesos, hindi pa pala kasama dun yung kopya na ipapa-authenticate ko, at yung documentary stamp na 40 pesos na nalimutan ko pang kunin ang sukli nkklk! Ako pa pala magpo-provide ng kopya?! WTF? So nagpa photocopy pa ko sa katabi na 5 pesos per copy?! Dyusme! Gusto ko nang kalimutan ang naging experience ko dahil horror talaga sa PRC at nakuha ko na naman ang authenticated copies ko after 3 hours!
Sa haba ng prosesong ito para lang sa trabahong hindi naman kalakihan ang sahod baka i-fake ko na rin ang mga authenticated copies na yan! Makapagpagawa na ng dry seal at stamp sa shopee! Cheret! HAHAHAHAHAHA
Abangan ang next rant ko para sa renewal naman ng license, at shutanginang CPD units na yan!
April 11, 2022 11:25pm
10 notes
·
View notes
Text
Okay, so sobrang nakakabadtrip kaya hindi ko mapigilang mag isip at mag analyze ng mga bagay-bagay. Tungkol na naman ito sa mga bagong patakaran ng bwisit na pamantasan na pinatunayan lang ang katangahan nila.
Gusto ko munang mag umpisa sa walang kwentang issue tungkol sa learning loss. Ang shungang issue, sobrang daming naging dean’s lister, bakit raw nangyari yon e may learning loss nga raw, so pinoint out nila na sobrang mataas magbigay ng grades ang mga teachers. Kaya bago matapos ang semester, nag pa meeting na wag raw mataas magbigay (WTF). As usual hindi ako sumunod kasi ano ba naman yung bigyan ng uno ang student kung kumpleto naman sa mga pinasa at nakita ko naman ang effort diba. Ang ending dinelay nila ang release ng grades ko kahit naka usap ko na mga deans tungkol sa aking grading process (power trip yern? lol).
Second sem na ngayon at nagpa meeting, at inulit na naman ang learning loss. Gumawa na sila ng paraan para hindi tumaas grades ng mga students. Ang naisip nilang katangahan, “bawal nang magpasa ng late” meaning lahat ng prelim tasks dapat tapusin 10 days raw after ng prelim exam, kapag na upload na ng teacher ang grades ng prelim, ilo lock ng dean ang grading sheet. Ganun din sa Midterm at Finals. Katangahan.
Ang isa pa sa kinukunot ng noo ko, wala naman silang definition ng “learning loss” sa pagkakaintindi ko sa mga foreign journals na nabasa ko, ang learning loss nagaganap kapag may discontinuity sa learning progress or growth ng bata. Dahil sa discontinuity na yun, nahihirapan ang student na maka catch up (Btw ang context dito is all grade levels sa mga educational institutions.) Nahihirapang maka catch up dahil nalimutan na nya ang mga previously learned skills na importante para maka move sa next grade level lalo pa’t spiral ang curriculum at nag iincrease ang difficulties every grade level. Major reason dati ng learning loss ay matagal na school break, kasi ang nangyayari, pagbalik ng bata sa school, nalimutan na ang mga pinag aralan last term. Isa pang uri ng learning loss ay yung hindi natapos ang syllabus for the term, may mga topics at learning goals na hindi na nacover, ito talaga literal rin na learning loss.
Nitong pandemic, naging matunog ang learning loss dahil sobrang daming nangyaring suspension ng classes, umikli ang school year at “maraming lessons ang hindi na natapos” in short, may learning loss nga. This is very crucial para sa primary and secondary level kasi foundational knowledge/ skills ang pinag aaralan nila.
Going back to bwisit na pamantasan, nasa college level kami at iba na syempre ang definition ng learning loss. Mas applicable na to sa mga may pre-requisite na subjects at mga courses na kailangan ng practical skills na hindi matuturo ng online. Of course sa ibang program tulad ng Nursing na may practicals dapat may separate policy na sila dyan. Pero overall, ang pinagtataka ko, nasan ang discontinuity sa learning progress e never nga silang nagbigay ng academic break sa mga students. Never umikli ang school year kasi maintain pa rin ang 18 weeks per term. So ano yung pinaglalaban nilang learning loss daw?
Ito ba yung personal reflection ng student na kapag tinanong mo kung may natutunan o wala, ang isasagot ay wala? Hindi ito yung learning loss! Ito ay systemic problem na naka ugat sa bulok na sistema ng edukasyon! Hindi yan maaayos hanggat hindi nababago ang sistema! Dyusme!
Going back dun sa pag lock ng grades, hindi ba mas makakatulong pa nga sa mga students na makapag catch up kapag papayagan silang magpasa ng late? Walang pressure, own pace ang learning as long as pasok sa required number of hours.
Ito pa ang isang katangahan, ang solusyon daw nila sa problema ng learning loss (dyusme sumasakit na ang ulo ko), synchronous meeting for the whole term, wala nang asynchronous. NKKLK! Ito pa! Meron pang pa pie chart para i-justify ang katangahan, nag conduct raw ng all-synchronous classes ang CBAA para sa kanilang professional courses at pinasagot ng survey mga students after. Ang exact question, “Does the all-out-synchronous implementation to board courses helpful in minimizing your learning loss?” tapos ang options: YES or NO! Dyusme! Nkklk! Ang kinuha lang nila is personal bias ng student! Yes or no tapos ano? May nakuha bang meaningful information dun sa yes or no? Dyusko naman basic research! 58.1% ang nag-yes, majority nga pero skeptical kasi mali ang methodology, subjective pa ang tanong. Ano ba yan!
Ang irony pa dito, at higit sa lahat, public school kami! Tapos ifoforce mo mga mahihirap naming students na magbayad ng internet at dagdag kuryente buwan buwan, tapos bukod pa yung kailangan ng matinong gadget kasi nga araw araw nang synchronous ang klase? Nasan na ang inclusive education/ education for all don? Dyusme! Bulok!
January 25, 2022 12:20am
15 notes
·
View notes
Text
Christian Dior Mitzah
The warmth came from its oriental composition of cardamom, incense, patchouli, amber, and honey. Since this is clearly from an oriental family (which I adore!), I get nuances from Serge Luten's Chergui but less powdery and other Dior's La Collection Privée like Fève Délicieuse but less sweet and alcoholic, and Eau Noire but less with melancholic smoke. It is well-made and surprisingly smooth. I personify Mitzah as a well-driven tita. Maybe she's apolitical, but she's really generous. Instant 1k if you tell her she's fresh and pretty. LOL
2 notes
·
View notes