elykamae
elykamae
Untitled
3 posts
Filipino Blog
Don't wanna be here? Send us removal request.
elykamae · 2 years ago
Text
Tinig ng kalikasan, awit ng pagbabago
Pumapatungkol ang kantang "Anak ng Pasig" ni Geneva Cruz sa isang pangunahing tema ng pangangalaga sa kalikasan at pangkapaligiran. Binibigyang-diin nito ang malupit na reyalidad ng polusyon at pang-aabuso sa ilog Pasig, na siyang nagiging repleksyon ng mas malalim at mas malawakang isyung pangkapaligiran sa Pilipinas. Naglalarawan ang mga liriko ng kanta sa masamang epekto ng polusyon sa ilog at ang pangangailangan ng pagkilos mula sa mga mamamayan upang mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kalikasan.
Nagustuhan ko ang kantang ito dahil sa tono nito, kaakit-akit ang ito at napapakanta ang kahit sino man. Bukod dito, nagustuhan ko talaga ang kanta dahil sa mensahe na ipinaparating nito. Naglalaman ito ng mensahe hinggil sa pangangalaga at pagmamahal sa kalikasan, lalo na sa ilog Pasig, at ang pangangailangan ng pagkilos ng bawat isa upang mapanatili ang kagandahan at kahalagahan ng kalikasan para sa kasalukuyan at hinaharap.
Nag-uugma ang linyang "Langhap na langhap ang amoy ng basurang bulok" sa masamang kalagayan ng ilog na puno ng basura. Ipinakita rin ang epekto nito sa kapaligiran, tulad ng pag-usbong sa tabi ng isang bundok na umuusok, na maaaring magsimbolo ng masamang epekto ng polusyon sa hangin.
Ayon sa World Health Organization, “Contaminated water and poor sanitation are linked to transmission of diseases such as cholera, diarrhoea, dysentery, hepatitis A, typhoid and polio.” Konektado ito sa mensahe na ipinaparating ng kanta. Sa pamamagitan ng mga salitang "Swimming-swimming sa itim na tubig, Playground lang ang bundok ng basura mo," inilalarawan ang pangaraw-araw na buhay ng mga tao na apektado ng polusyon sa ilog Pasig. Naglalarawan ang mga salitang ito ng kawalan ng malinis at ligtas na kapaligiran para sa mga mamamayan.
Sanggunian:
World Health Organization (2022, December 14). Accelerated action needed to ensure safe drinking-water, sanitation and hygiene for all. Who.int; World Health Organization: WHO. https://www.who.int/news/item/14-12-2022-accelerated-action-needed-to-ensure-safe-drinking-water--sanitation-and-hygiene-for-all
0 notes
elykamae · 2 years ago
Text
Ekonomikong kalamidad: Isang pagsusuri sa iba’t ibang mundo ng lipunan
Isang pelikulang Koreano ang Parasite na naglalahad ng kwento ng isang pamilya na naghihingalong mangarap ng pag-angat mula sa kahirapan. Tinatawag na Kim ang pamilyang ito. Alinsunod sa hangarin ng pamilyang Kim na makalaya mula sa kahirapan, ginamit nila ang isang mayamang pamilya, ang pamilyang Park. Ginamit nila ang mga ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang panggagantso o linlang. Nagsinungaling ang panganay na anak at nagpakilala bilang guro, at inirekomenda rin niya ang kanyang kapatid bilang isang art therapist. Tinuloy ng pamilyang Kim ang kanilang panggagantso sa pamilyang Park hanggang sa ang buong pamilya ang mapasailalim sa pamamahala ng pamilyang park at magkaroon ng trabaho sa kanilang bahay.
Nagustuhan ko ang kwento dahil sa mga plot twist, tulad ng nangyari sa huling bahagi kung saan ipinakita na pinatay ng tatay ang kanilang amo at nagtago sa kanilang basement. Naintriga rin ako sa kabuuang kwento at sa mga aral na maaaring mapulot dito.
Sa pelikulang ito, naipakita ang isang mahalagang isyu sa lipunan, ang economic inequality o ang hindi pantay-pantay na kalagayan sa ekonomiya. Napapansin ang malaking agwat ng estado sa buhay ng pamilyang Kim at Park kahit sa kanilang mga tahanan pa lamang. Nakatira sa isang underground apartment ang pamilyang Kim, sumisimbolo ng kanilang mababang estado sa lipunan, samantalang ang pamilyang Park naman nakatira sa isang mataas at maayos na bahay, na kumakatawan sa kanilang mataas na posisyon sa lipunan.
Ayon sa United Nations (2020), "Inequalities of opportunity affect a person’s life expectancy and access to basic services such as healthcare, education, water, and sanitation. They can curtail a person’s human rights, through discrimination, abuse and lack of access to justice.” Sa ating lipunan, kapag hindi ka mayaman, limitado ang mga oportunidad mo at mas komplikado ang buhay. Katulad ng ipinakita sa pelikula, may isang pangyayari na tumatak sa akin: nang umulan isang gabi, nagpasalamat ang pamilyang Park sa magandang panahon at malinis na paligid dahil sa ulan. Ngunit hindi nila alam na ang mga tao sa ibaba, tulad ng pamilyang Kim, nabahaan. Ipinapakita nito na iba-iba ang mga karanasan ng mga tao at madalas, hindi ito pantay-pantay.
Sanggunian:
United Nations. (2020) Inequality – bridging the divide. United Nations. https://www.un.org/en/un75/inequality-bridging-divide.
0 notes
elykamae · 2 years ago
Text
Awitin ng kalayaan: Pagsiklab ng pagtanggap sa sariling pagkakakilanlan
Isang pelikula na tungkol sa pagkanta ang Pitch perfect. Sumusunod ang pelikula na ito sa isang all-girl acappella group o Barden Bellas na nakikipagkumpitensya laban sa isa pang grupo mula sa kanilang sailing kolehiyo upang manalo sa Nationals. Nagustuhan ko ito dahil kakaiba ang pamamaraan ng pagkanta nila at nakakalibang rin na panoorin ang kanilang riff off o labanan sa pag-awit.
Higit pa sa isang musikal na komedya, ipinapakita ng pelikulang Pitch Perfect ang mas malalim na pagsusuri sa mga isyu ng lipunan, lalo na ang tema ng pagbibitiw sa mga estereotipo at pagtanggap sa sariling katangian ng bawat indibidwal. Sentro ng naratibong ito ang karakter ni Beca Mitchell, ginampanan ni Anna Kendrick, na nagdadala ng hindi kapani-paniwalang tono sa tradisyonal na mundo ng Barden Bellas.
Isang bagong karanasan ang paglalakbay ni Beca sa pagpasok sa larangan ng acappella, kung saan may pag-aatubiling sumunod sa itinakdang mga pamantayan. Nagtatagisan sa tradisyonal na paraan ng grupo ang kanyang eklektikong mga paboritong musika at mga bagong ideya, na nagsisilbing katalista para sa makabuluhang pagbabago.
Hindi natatakot si Beca na ipakita ang kanyang mga bagong ideya hinggil sa kanilang kanta. Bagamat ikinagalit ito ng kanilang lider na nais lamang manatili sa kanilang nakasanayang kanta, patuloy pa rin itong ginawa ni Beca, at ito ang naging susi sa kanilang tagumpay.
Ayon sa artikulo ni Dubey (2023), "It’s draining to be constantly perceived based on cultural conventions and expectations. These standards and expectations constantly remind us how we should act, look, and conduct our lives." Ipinakikita nito na napapagod ang mga tao sa patuloy na pagtingin batay sa pangkalahatang pamantayan at inaasahan ng lipunan.
Huwag matakot ipakita ang iyong galing at maging tapat sa iyong sarili. Huwag magpaalipin sa mga pamantayan ng lipunan at ng iba, dahil mas mahalaga ang iyong kaligayahan at pagpapahalaga sa sarili. Ito ang ilan sa mga aral na ipinapakita sa pelikulang ito.
1 note · View note